
C17: Tears
"THANK YOU sa ice cream," I said, unbuckling my seat belt.
"Let's grab something warm next time," matabang n'yang ngiti.
Natawa ako sa kanyang reaksyon. He can't stand eating cold treats kaya pinili ko ang ice cream. Mabilis s'yang tamaan ng pangingilo because his teeth are sensitive at mabilis din s'yang ma-brain freeze. I was about to say goodbye when someone wrapped his arms around my waist sending strange currents down my back.
"If may next time. Kaso wala ng susunod na date dahil sisiguraduhin kong aangkinin ko na ang- s-shit!"
I secretly pinched his skin dahilan para mapamura s'ya ng ganun kalutong. Impit akong nagpipigil ng tawa dahil sa galit na galit n'yang itsura.
"Next time ulit, Adam. Thank you sa paghatid," paalam ko.
"See you then."
Pinaharurot n'ya ang sasakyan paalis. Marahas ko s'yang binalingan ng tingin pagkatapos mawala sa paningin namin ang sasakyan ni Adam.
"Ang sakit nun, ah. Para sa'n yun?"
I innocently shrugged at binato siya ng katanungan.
"Para saan naman 'yung sinabi mo?"
"It's just a little threat to stop him from doing what he wants to do with you again."
"Seloso, wala namang tayo," sabay irap. My eyes widen when I realized what I just said. Holy shit!
"W-What I mean-" I tried to explain, but I was too late. He's already grinning to ear.
"Gusto mo ba maging tayo?" paglapit n'ya ng dahan-dahan sa akin. Napapaatras naman ako every time he's getting closer. "Sabihin mo lang kung oo kasi liligawan kita agad."
Napalunok ako ng ilang beses. Unti-unting nanuyo ang lalamunan ko dahil sa kab. I was at the end of my last step when he caught me in his arms. Binisigan n'ya ako kahit nasa harapan kami ng gate. Tuloooong!
"You don't like me. Stop joking, it's not funny," my lips quivered.
"I'm dead serious."
"How serious?"
"Serious enough to own your hidden pearl."
Namula ako sa hiya tsaka ko s'ya sinuntok sa tiyan. Kainis!
"Perlas mo mukha mo! Ang bastos mo talagang hayop ka!" inis ko s'yang pinaghahampas sa kanyang matigas na dibdib. "Bastos bastos bastos bastos."
"Hahahahaha. Grabe, ba't ang hirap mong paniwalain ha?"
"Kasi ang hirap mong paniwalaan."
"Hindi naman ako sinungaling. I'm not even lying when I said that I'm jealous of your ex."
Natigil ako sa paghampas. Hinayaan n'ya lang ako hanggang sa kumalma ako. Alam ko iyon, but sometimes it's better to lie to yourself than to know the painful truth.
"You don't have the every bit of reason to be jealous. Hindi tayo close at hindi kita jowa!" duro ko sa gwapo niyang pagmumukha.
Bigla na lang kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin. I hate it when he does that, his stares were making it harder to breathe.
"I have every reason to be jealous, Precious, though I'm not in the position to feel it."
I know that. I know that. I freaking know that, but I refused to believe it hangga't hindi lumalabas sa kanyang bibig ang bawat salita na gusto kong marinig.
"No need. You don't have feelings for me at kung meron man..." nag-angat ako ng seryosong tingin sa kanya. "... wala akong pakealam."
Binuksan ko ang gate at pumasok sa kwarto. There I said it. I said the truth but it fucking hurts. I don't care. I don't care if he has feelings for me, kasi ganun naman talaga dapat, dapat wala akong pakealam. Pare-pareho lang silang mayayaman. Kung mayaman lang din sana ako gaya nila, malamang sa malamang kaya kong ma-inlove pabalik sa kanya. But I'm not.
"Precious, talk to me. Alam kong nagsisinungaling ka lang sa akin," katok n'ya sa labas ng pinto ko.
"No, I'm not. Why would I even lie to you? Huwag mo ngang ipilit ang baliktad mong katotohanan!" inis kong tinakpan ang aking mukha ng unan. "Get out of here. I don't want to see you!"
"I won't leave unless you'll talk to me. Tell those words directly into my eyes na wala ka ngang gusto sa akin," he begged.
"Titigilan mo na ba ako kapag sinabi ko sayo?!" my voice quavered, restraining my tears.
"I will," he gently said, which made me think that he's given up.
Bumaba ako para buksan ang pintuan only to see how happy his eyes were when I finally opened the door for him. How the fuck am I supposed to tell him those pessimistic words in front of his eyes when he's this happy?
"You don't love me? Nor like me? At all?" diretso nitong tanong sa akin.
I nodded. "I don't."
I couldn't look at his eyes. Kinakabahan ako. Para akong nagrerecit sa harapan ni professor Meriales.
"Precious, please," he touched my chin and lift it to see his jet black eyes. "Say it directly into my eyes. If you can, then I'll leave, I will not bother you anymore. But-"
"I don't like you. I don't love you and I will never love you, Joseph Angelo Rivera." I said, cutting his words off. "Nasabi ko na sa mga mata mo ang gusto kong sabihin sayo. Sana naman tigilan mo na ang pag jojoke time mo sa akin. Pagod na pagod na akong makisabay sa trip mo."
His expression changed in a snap. Malalamig na mga mata ang itiningin n'ya sa akin.
"I get it," walang gana niyang sabi. Umalis din s'ya sa harapan ko pagkatapos.
Walang gana kong sinara ang pintuan at naupo sa kama ni Ivy. I wasn't able to shed a tear after what happened. May pasok pa kasi ako nun at may practice pa kami para sa pageant.
Hingal na hingal akong nakarating sa Center Stage. Nakatulog ako sa lobby at hindi ko namalayan yung oras kaya tinakbo ko na lang papunta dito. Naabutan ko si mayor na balisa ang mukha habang nakikipag-usap sa floor manager.
"Uy sis, akala ko talaga hindi ka na magpapakita e. Ako na sana yung magpipresentang sumali. Kaloka ka," tampal ni mayor sa balikat ko.
"S-Sorry," dispensa ko habol-habol pa rin ang paghinga. Tumayo ako ng maayos when I finally gathered all the oxygen I lost. "Game. Saan na ba kayo?"
"Nasa first part pa naman. Walking at stage blocking," he replied.
Napansin kong nakaheels ang mga kandidatang makakalaban ko. And the fact na sobrang gaganda nila, lalo na yung babae na pambato ng IC. She looks smart, given na yung pretty talaga s'ya at sexy. Parang isang ngiti n'ya lang tataob na kaming lahat.
"W-Wala akong heels, mayor."
"Meron ako," ngumiti s'ya at sinenyasan akong sumunod sa backstage. Naglakad kami kung saan nakaupo ang iba kong kaklase, andito rin si Sheene na taga Class 1-A.
"Sheene, pwede bang pahiram kami ng high heels na dala mo?" tanong ni Eric.
"Yeah, sure," she smiled.
For a girl like her, nakaka-attract s'yang ngumiti. Sinuot ko agad yung heels. Isa pala sa mga mentor si Sheene. Naexperience niya raw ang ganito noong high school, sumasali s'ya sa pageant sa kanilang school, and city. No wonder she's good.
Madalas niya akong pagalitan tuwing praktis dahil sa mali kong tindig. I've never experienced this before, so I'm basically having a hard time walking the runway. Hindi naman ako pinalaking supermodel.
"Stand straight, Ms. CBA," aniya at tinampal ng ruler ang aking likod. "Breast out, chin up, walk like Catriona Gray."
Halos mahilo ako sa kanyang sinasabi. Muntikan pa akong matapilok dahil sa bilis kong maglakad kanina. I saw Mayor's dismayed reaction when he saw my performance. Even Sheene didn't like the way I walk.
"The rest of you..." she said, trailing the ruler up to Ms. CE, College of Engineering. "Take a break, and you Ms. CBA, stay."
Napapahiya akong tumango sa kanyang kagustuhan. Nagsialisan na ang iba kong kasamahan habang naiwan akong kaharap si Eric at Sheene. Napapahimas siya sa kanyang sentido.
"Okay. Yang heels na pinagamit ko sa'yo is only 6 inches. Can't you walk with it normally?" she asked like I was never a year older than her.
Umiling ako. "Hindi ako sanay. Mabuti sana kung wedge ito pero hindi. Kailangan may humawak pa sa kamay ko para lang bumalanse ang tayo ko."
She heaved a sigh and looked at mayor. "What do you think? Can she do this?"
"Oo naman, Sis," bumaling s'ya sa akin ng may liwanag sa mukha.
Hinawakan n'ya ako sa magkabila kong balikat. Naramdaman ko tuloy yung tiwala n'ya sa kapalpakan ko.
"I know she can do it. I trust her. We trust her. She'll do her best."
Nagiguilty na tuloy ako kahit hindi pa man nagsisimula ang pageant.
"I know you trust her," pagbaling ni Sheene sa kanya. "But the question is.. do you trust yourself, Ms. CBA?"
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot, plastering a smile at them. "Of course, I know I can."
Malaman ko lang na may sumusuporta sa akin masaya na ako. That kind of motivation is enough for me. Maliit na bagay lang iyon para sa iba but not for me, knowing someone supports me is my greatest motivation.
"Very well, let's go back from the top," Sheene smiled.
And I've spent the rest of the night practicing catwalks, tsunami walks, walky-talky walks, at walk-walk. I almost break my ankle, literally, for doing a couple of walks I've done, pero malakas talaga ang fighting spirit ko until I got tired. Doon na rin nagsibalikan ang iba ko pang kasamahan sa stage.
"I'll let you rest for a couple of minutes," sabi n'ya at bumalik sa front stage kasama ng ibang kandidata.
Agad kong hinubad ang suot kong heels at hinimas-himas ang aking nananakit na binti. God, namumula na rin ang paa ko sa sakit. Wala pa naman akong na band-aid sa bag.
"Yes, I'll do it for free."
Natigil ako sa paghimas ng paa nang marinig ang isang pamilyar na boses. Kahit masakit ang paa ko, pinilit ko pa ring makiusyuso sa kung sino man ang kinakausap n'ya.
"Glad to hear that. I thought you're doing this for money?"
Sumungaw ako sa maliit na siwang ng kurtina at nakita si Khane at Joseph na nag-uusap. Ouch.
May bago na agad? Wala pa ngang three months. Shuta, Ruby! Hindi naman naging kayo no. Maka-three months ka d'yan.
"Not anymore when I found out the contestants' names," sagot ni Joseph.
"I wonder who," matabang n'yang sabi. "Well, as long as it's free. Okay na ako dun. Just sign the papers as proof of our agreement."
Napailing si Seph habang nakatingin sa kanya. "Damn girl, kapatid mo nga talaga ang loko na yun."
"We have the same blood running through our veins. Nasa dugo na namin ang pagiging segurista."
"Fine."
Mabilis silang nawala sa paningin ko pagkatapos.
"Ruby?" pagtawag ni Sheene sa akin. "We're doing the final practice for tonight. Halika na."
"Uhm, oo."
Sinuot ko ulit ang heels at nagpunta sa stage. We each queued to our respective spaces when Sheene whispered to me close.
"Dry your tears, Ms. CBA," as she turned around to see us as nothing happened.
Napahawak ako sa aking pisngi at naramdamang basa iyon. I immediately wiped it dry using my fingers. Ni-hindi ko man lang naramdaman ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
What the hell am I even crying for?
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro