Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C15: Nominated


I LEANED on my armchair after we reported the case study. I know that I haven't explained it well. It was not obvious from sir that he was satisfied with my answer earlier. Eto pala ang feeling ng kasabihang 'I tried my best, but my best wasn't good enough.'

"Oy, okay lang yun. Bawi na lang tayo sa next case," hinawakan ni Angela ang balikat ko.

Hindi man halata sa itsura ko, but I'm very disappointed in myself. Nakakadismaya na pinag-aralan kong mabuti ang case na ito, pero inunahan ako ng kaba bago makasagot ng maayos.

I feel so down.

"Not for me. It was not okay, it will never be okay. Sayang din ang points na binibigay ni sir."

Mabuti na lang at lunchtime ngayon kaya nagsialisan na ang iba kong classmates para mag tanghalian.

"Let's eat muna okay? Tsaka mo na problemahin yun. Mababawi naman ang points e, tara na, huwag ka ng magmukmok d'yan."

Huminga ako ng malalim at agad na sumunod kay Gelai pababa. Kaya ayoko talaga ng mga recitations e. Nakakababa ng self-confidence, ang hirap buuin nun tapos mawawasak lang dahil sa isang pagkakamali.

Hinintay muna ako ni Gelai sa CBA lobby para bumili ng makakain. We have small stalls near our building between CBA and CEd. Doon madalas bumibili ang BA students since kabaro lang din namin ang mga nagtitinda. The sellers are entrepreneurship students, or should I say, entrepreneurs.

"Yung combo 35 po," order ko.

Inabot ko ang inorder kong pagkain. I sat beside Angela. Mabilis lang ang ginawa naming pag kain dahil sa dami ng gagawin. May law kami mamaya at wala ulit akong gana pumasok.

"Anong article na ba tayo?" tanong ko kay Angela na nakahiga sa gilid ko.

"Article 1440 start," inaantok n'yang sagot. "Sana hindi pumasok si sir Meriales."

Aba, at kailan pa bumaliktad ang sitwasyon namin? Dati naman ako yung may gusto na wala si sir tapos ngayon s'ya naman? Hays.

"Hindi ka siguro nakapag-aral ng maayos kagabi no?"

"Hindi ako nag-aral kagabi. Tinamad ako bigla."

I remained silent and start reading the articles. First 50 articles had always been our cue. Kung saan kami huminto, dun kami magsisimula, and the cycle repeat itself over and over again. Is this how lawyers do recits? With pressure? Nasa article 1449 pa ako nung biglang nag-vibrate ang aking cellphone. I saw one message from our class mayor saying na wala kaming Accounting ngayong araw.

It's a miracle.

Hindi ko kailan man naranasan na absent si professor Rosefe sa kanyang subject. She's so engrossed in teaching us, the epitome of a professional professor.

"Wala si prof. Mercado," sabi ko kay Angela na nakapikit.

Tinanguan lang ako ng bruha at natulog ulit. Parang alam n'yang mangyayari ito ah? Weird.

"Guys, pasok muna tayo sa Acad 1. I have an important announcement to make," anito ni mayor.

I need to study thirty plus articles. I don't have time to attend meetings na walang plus points ang attendance. Attendance na nga lang ang rason kung bakit ako pumapasa tapos sasayangin ko pa.

Hours passed and the school hymn echoed the whole area. Sign iyon for the next subject and may five minutes ka pa para pumasok sa susunod mong klase. I didn't join the meeting and decided to stay in the CBA lobby to study the remaining articles. I can't afford to have another 75-grade sa subject na ito. Iyon na nga lang ang pinanghahawakan ko e.

At first, Angela convinced me to go but she failed. Ayoko talaga at wala s'yang magagawa sa desisyon ko para sa kinabukasan. The hall was quiet, with no students, no noisy chitchats, tanging bulong lang ng hangin ang naririnig ko rito.

Peace at last.

Lumipas ang ilang oras at natapos ko ring basahin ang articles. It's now or never, I'm good at winging things right before the exam or recit, pero nauunahan talaga ako ng kaba. If I were to ask, I'd better write an essay than recite in front of the whole class. My whole system will start freaking out at namemental block lang ako.

"Tapos ka na?" anito ng isang boses.

Nag-angat ako ng tingin and saw Ivy looking so worried.

"Bakit hindi ka nagpunta sa meeting?"

"Nag-aral kasi ako," pinakita ko pa ang Commercial Laws book ko.

"Gaga ka talaga. Sana nagpunta ka na lang, ayun tuloy," she tsked. Para s'yang balisa na hindi ko magets.

"Bakit? Ano bang agenda ng meeting n'yo kanina?"

"Ikaw lang kasi ang hindi pumunta kaya ang nangyari-" naputol s'ya sa pagsasalita nung biglang sumulpot ang class mayor namin.

Nakangiti n'ya akong tinignan. "Sis, hindi ko alam na magaling ka pala sa pageant. Hindi mo naman sinabi sa akin," tampal niya sa balikat ko tapos may pinakita pa siyang picture ko noong high school.

Eto yung picture sa christmas party namin. Kailangan kasi long gown ang susuotin kaya nagmukha akong kurtina. Siyempre todo paganda ako ng mga panahon na yan dahil kay Adam.

"Bakit ka may picture ko? Saan mo yan nakuha?" kumunot ang noo ko.

"Sis, ikaw ang ni-nominate na kandidata para sa Ms. Intrams natin. Iwagayway mo ang bandera ng BSBA, ha?"

Mabilis kong naihampas ang kamay ko sa desk habang pinandidilatan silang dalawa ng mata.

"Seryoso ka ba? Ayoko! Nakakahiya kaya yan. Matatalo tayo!"

Sa lahat ba naman ng pwedeng salihan, 'yan pang pageant na iyan? Jusko naman, buong buhay ko isa lang akong anino na nagtatago sa sulok ng kwarto. Kulang na lang magtakip ako ng mukha, ganun ako ka-invisible. Gusto ko maging ganun habang buhay tapos isasali pa nila ako sa pageant?

Nagulat si mayor sa ginawa kong hampas. Mukhang napalakas yata.

"Chill ka lang, sis. Ni-nominate ka ng classmates natin kasi may tiwala sila sayo," sabi n'ya sa isang kalmadong boses.

Mabilis akong umiling. "Jusko naman, mayor. 'Wag ako please. Mamamatay ako sa hiya pagkatapos ng event. Ayoko. Tsaka hindi ako magaling sa recit at wala akong pang beauty queen na ganda," kinuha ko iyong cellphone n'ya. "At itong picture na ito? Sa isang event ito ng classroom namin. Sa christmas party, hindi ito isang pageant, juskolord."

Hingal na hingal akong naupo. Nakakapagod magpaliwanag ng mabilis pero kailangan.

"Nilista ka na namin, then the vote has been finalized as well. Naibigay ko na rin kay sir Noah ang form," he said with finality like I have no other choice but to do it.

"Pero ayoko nga, no choice ba talaga ako dun? Ni-nominate n'yo lang naman ako kasi wala ako sa meeting."

Pauloy pa rin ako sa pagdada at pagrereklamo ng buong puso. Basta ayoko.

"Tsaka gastos, wala kaming pera pambili ng gowns at kung ano-ano. Hindi ko pa nga nababayaran ang renta sa boarding house ko, e."

"I said chill ka lang d'yan. Sit pretty and chillax okay? Magjudge ka muna," sabi n'ya. "For the record, wala kang babayaran na kahit ni singkong duling, okay? May makeup artist ka na rin, isa rin sa mga BSBA students. Tapos magpapatarp kami para sayo, moral support kumbaga. Then automatic flat one ka na sa lahat ng subjects, if and only if manalo ka," he smiled playfully.

Napapakurap ko s'yang tinignan. I can't believe what he's saying to me. Those conditions were too good to be true.

"So ano? Ayaw mo pa ba?"

"G-Gusto," mahina kong sabi.

Narinig ko lang 'yong flat one nagbago na agad ang isip ko. Aahhh, pero uuuggghh. Ano ba naman 'yan ang rupok ko ata masyado.

"Yun naman pala, e."

"But still, that doesn't change the fact na napilitan lang akong gawin ito dahil ni-nominate n'yo ako ng walang pasabi," nagpanggap akong galit.

"Oo na, sis, manalo matalo ganun naman lagi ang result. Basta gawin mo na lang ang best mo okay? We'll support you naman."

Mukhang ikinatuwa n'ya ang sinabi ko. Pero sino ba kasi ang walang hiyang nagnominate sa akin Kakalbuhin ko talaga kapag nalaman ko kung sino. We looked at the woman approaching us, holding a certain form.

"I can't play in the intramurals," paglahad n'ya sa form kay Eric, ang mayor namin.

"B-Bakit naman? Ayaw mo ba?"
Umiling ito. "Gusto ko but I'm a varsity player in this sport, pagagalitan ako ni coach Saldua kapag sumali ako na walang pahintulot mula sa kanya."

"Bakit ka naman nag-varsity?"

"I don't want to but their captain ball said so. May slot na ako as varsity. I don't have a choice but to say yes," she replied.

"S-So ano ang lalaruin mo?"

"I'll play any sports except table tennis," mabilis nitong sagot.

"How about softball?"

"That's fine."

Mabilis s'yang umalis at naglakad pabalik sa kanyang kaibigan. Mas intimidating pala s'ya sa malapitan. Is that the reason why she only has one friend?

"Sayang naman. Walang maglalaro sa Table Tennis Women's division," dismayadong nailing si mayor.

"Bakit hindi na lang si Khane ang pambato natin? O di kaya'y si Sheene? O 'di kaya itong si Ivy," suhestyun ko na ikinagulat ni Ivy.

"Ay huwag ganun, te."

"Nag-agree ka na, sis. Gora ka na. Kumikinang na flat one ang paparating oh," winagaway n'ya pa yung form na parang bandila. "Besides, silang dalawa ang kinamamatahan ng ibang professors natin sa darating na year."

I heaved a sigh. Nagsisink in naman ang mga impormasyon at ang mga nangyayari sa utak ko, pero hindi ko talaga s'ya kayang tanggapin ng buo. Umalis si Mayor at naiwan kami ni Ivy sa upuan. I can't believe this.

"Uy, ayos ka lang ba?" sundot n'ya sa balikat ko.

"Sino ba kasi ang walang hiyang nagnominate sa akin?" inis kong tanong. I blew few hairs that were covering my face.

"Yung friend ko," naiiling n'yang sagot.

"Pinagtripan ka talaga nila. Wala ka kasi dun kaya hindi ka nakadepensa."

Matalim ko s'yang tinignan. Parang nagdilim yata bigla ang paningin ko ha? Mukhang may makakalbo talaga ako ngayong araw.

"Ano kamo?" I hissed. I could feel my cheeks steaming up. "Yung mga inggiterang aligi?"

She slowly nods. "May picture rin sila kaya wala na akong nagawa. Pasensya na talaga, Ruby."

"Stop apologizing for something you didn't do."

Sumang-ayon na ako, wala na akong magagawa dun. Kung mananalo man ako, salamat sa kanila kasi tumataginting na uno ang nag-aabang sa akin. Pero kapag talo, malalagot sila sa akin. In the end, it's not my fault and it will never be mine.

***

We expected Atty. Meriales to come early for tonight's class, but it's already 6:30 PM at wala pa ring sir ang nagpapakita sa namin.

"Baka wala s'ya ngayon?" sabi ni Angela sa akin.

"Oh God, sana wala muna please."

Kanina pa s'ya nagbabasa ng articles pero hindi iyon pumapasok sa kokote n'ya. She's too absorbed clicking her phone. Nadidistract s'ya agad kapag tumutunog na iyong messenger n'ya, pero hindi ko alam kung sino ang kachat nito.

"Mayor, wala bang balita sa GC?" sigaw ni Eros, kaklase ko.

"Chat mo na lang si sir kung matapang ka," bulong ko sa gilid.

"Narinig ko iyon, Ruby!"

Napapikit ako dun. I thought he didn't hear it. I made sure naman na mahina iyong boses ko bago magsalita.

"Guys, remember, diba? Our protocol is to wait for him one hour before tayo umalis papunta sa kanya-kanya nating pamamahay," bumaling si mayor kay Eros na iritang-irita ang pagmumukha. "Kaya kung ako sa'yo Eros, tumahimik ka na lang at magpagwapo ka pa lalo. Shuta ka!"

Malapit na mag 7 PM and there was still no sign of Atty. Meriales. Saan na ba yun? Wala rin kaming chat na natanggap sa group chat simula kanina. Napalingon kaming lahat sa may pinto. I was expecting our professor but unexpectedly, it turned out to be his daughter, Khane. Pumasok s'ya sa loob ng Computer Lab.

"Dad's not coming. You may now go," nakangiti n'yang sabi.

I heard whispers of frustration, mukhang nagsayang sila ng isang oras habang natutuwa yung iba gaya ko.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" tumayo ang kaklase kong si Ryle para singhalan ang anak ng propesor namin.

"Ryle Llanes, sit down and show some respect!" sita ni mayor pero hindi naman s'ya nito pinakinggan.

"Sayang ang isang oras natin. Nalanta na ako kahihintay tapos papasok s'ya dito ng basta-basta para lang sa pitong salita na 'yun?"

Nacurious ako sa kanyang sinabi kaya binilang ko rin sa daliri ang salitang sinabi ni Khane kanina.

"Dad's. Not. Coming. You. May. Now. Go."

Ay in fairness, seven words nga. Ang galing naman ni Ry. Napatingin ako sa iba kong classmates na nagbibilang din sa daliri. Hindi lang pala ako ang biglaang nacurious dito.

"As far as I can remember, my father's class in lower years has the same protocols. You have to wait one hour before you go. And besides, don't blame me if ngayon ko lang sinabi. Blame yourself because you did something to me the reason why I had to make your whole class wait and suffer," matalim n'yang titig dito.

"W-What the fuck did I do to you?" his jaw clenched.

Pinanood lang namin silang dalawang mag-away. That's Ry Llanes, he gets what he wants and no one can stop him. S'ya na yata ang lalaking may pinakamatigas na ulo sa classroom.

"Ryle! Show some respect!" sita ni Eros.

"Mind your mouth, Mr. Llanes. A punishment to one is a punishment to all," mariin niyang sumbat sa lalaki bago tuluyang lumabas.

"Damn, bro, you chose the wrong girl to tease," anito ni Eros na natatawa sa itsurang pinapakita ng kaibigan.

"Ambastos talaga ng classmate natin," iling ni Veronica sa gilid ko.

Nadamay pa kaming lahat sa ginawa ng classmate namin. For a first-year student, she's too confident to talk to her seniors like that. Pero hindi ko s'ya masisisi, nakakairita talaga kasi itong si Ryle minsan.

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro