Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C14: Magkunwari


MY EYES were fixed on him.

I hope the ground swallows me because my heart is beating so fast. Without hesitation, I cut off our gaze afterward and quickly walked away from him.

"Feelings my ass," I whispered violently.

I don't believe in everything he says. Sobrang hirap paniwalaan. Ayoko lang na maging uto-uto dahil ako rin ang masasaktan pagdating ng panahon.

If I ever fall for another guy again, I'll make sure it's worth another fall.

Nakarating kami sa boarding house nang walang imikan. Mabilis siyang lumabas ng kwarto matapos ilagay ang laptop ko.

"Thanks," matabang kong sabi.

"Welcome."

How awkward.

Pinuntahan n'ya si Ryle sa tambayan. Wala na akong pakealam kung ano ang pinag-uusapan nila, wala akong pake.

"Nagkita pala kayo ni kuya," sabi ni Ivy.

Humiga ako sa kanyang kama at napabuntong ng marahas.

"D'yan lang sa tabi," sabi ko at napapikit.

KAINIS.

Sa tuwing pumipikit ako, tanging mga mata lang ni Joseph ang nakikita ko. What the hell's wrong with me? Adam kissed me, yun dapat ang iniisip ko, but the more I try, the more I remember someone's words.

Kinuha ko ang unan ni Ivy at pinantakip iyon sa ulo ko at nagsisisigaw sa ilalim nun.

"AAAAHHHH!!!"

"Hoy! Ano bang nangyari? Galit ka ba o kinikilig?"

"Hindi ako kinikilig. Hindi rin ako galit."

"Bakit ka sumisigaw d'yan? Marinig ka ng kabilang room," sita n'ya.

Bumangon ako at naupo ng maayos sa kama sabay harap sa kanya. "I don't know what's wrong with me anymore."

"Tungkol ba ito sa ex mo na taga Ateneo, yung gwapo?" nagliwanag bigla ang mukha n'ya.

Kumunot ang noo ko. "Paano mo nalaman ang tungkol sa kanya?"

She shrugged. "Seph told me lately."

"A-Anong nakwento n'ya sayo"

"Wala masyado e. Basta sabi n'ya lang na napakayabang ng ex mong hilaw," tawa n'ya. "Ang bitter talaga ni Joseph kahit kailan."

Napairap ako at binagsak ang katawan sa higaan sabay titig sa kisame. Pinilit kong pumikit at matulog kaso useless talaga. Naaalala ko lang yung mga pinagsasasabi ng gagong iyon sa akin.

I decided to check my notes. Nakatulog na si Ivy dahil sa sobrang pagod. It's already eleven o'clock, and I still can't sleep. Ilang beses kong binasa ang nakasulat na Article for law subject, pero hindi iyon pumapasok sa utak ko. I have nothing else to do, I want to sleep but I can't kaya napagdesisyunan kong lumabas muna saglit. I took my phone with me and slipped through the door quietly.

I was wearing cotton shorts and a sleeveless shirt. Parang gusto kong mag-ice cream sa gitna ng gabi. Baliw na ba ako nun? Napansin ko si Bruce na palapit sa akin, s'ya ang aso ng landlord namin dito, and his chains were untied. He's a german shepherd.

"Sinong nagtanggal ng chains mo?" tanong ko sa aso kahit alam kong hindi s'ya sasagot. I pet him, gently rubbing his cute little tummy. "Good boy."

"Bruce, where are you?" anito ng isang boses.

Nahinto ako sa pagpepet sa aso ng makita ang lalaking kinaiiwasan ko ngayong araw.

"Bruce, come here."

Nasa aso lang ang kanyang atensyon. Bruce jumped at Joseph's arms. He really loves dogs, and dogs love him. Kaya nagiging mukha s'yang aso minsan sa paningin ko. Tahimik lang kaming dalawa habang pinagmamasdan si Bruce. Nilagyan n'ya ng dog food iyong lalagyan kaya kumakain na ngayon ang aso.

"Bakit gising ka pa?" pambabasag ko sa katahimikan namin.

"Nakalimutan kong pakainin si Bruce. I'll sleep after this," matabang nitong sagot. "Ikaw? Can't sleep?"

"Obviously," sabi ko. "Hindi ako makatulog."

"Cool, déjà vu," ngisi n'ya. "Thinking about someone?"

Parang nangyari na nga ito dati. But now, the tables have turned 'cause I was thinking about him that's why I can't sleep.

"Most likely," tumayo ako nang mapansin na naubos na pala ni Bruce ang kanyang pagkain.

"Sinong iniisip mo? Ako ba?"

Agad akong namula sa inis at hinampas s'ya sa kanyang tiyan. "Yabang mong hayop ka! Hindi ka worth it isipin uy!"

He let out a chuckle sabay pisil sa magkabila kong pisngi tsaka n'ya iyon pinanggigilan.

"Ang cute cute mo talagang magalit."

"Tseh!" waksi ko sa kanyang kamay. "Hindi lang ako makatulog kasi gising pa ang soulmate ko."

Madalas ko 'yang mabasa sa memes na nadadaanan ko sa newsfeed. Kapag daw hindi ka makatulog ng maayos sa gabi, isa lang ang ibig sabihin nun, magdamag kang iniisip ng soulmate mo. Uto-uto ako kaya pinaniwalaan ko iyon.

Painosente n'ya akong tinignan sabay ngisi. "Ganun ba, kaya siguro gising pa rin ako hanggang ngayon kasi iniisip mo ako buong gabi."

"BWESET KA!"

Mabilis ko s'yang tinalikuran bago n'ya pa makita ang namumula kong tenga at pisngi. Pigilan n'yo ako, mabibigwasan ko ito.

Bigla niya akong hinawakan sa kamay. My heart thumped so fast. I'm not supposed to feel this way but I did anyway. I can't do anything about this anymore.

"Let's grab some midnight snacks," ngiti n'ya. Parang batang natutuwa.

Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Libre mo?"

"Kiss muna," nilapit n'ya sa akin ang kanyang malulusog na pisngi at pumikit ng may pang-aasar.

I shove his face using my hand at napapailing na ngumiti.

"Gago ka talaga! Grrrr!"

"Hahahahaha. Tara, libre ko," he pulled my hand.

Napatingala ako sa sobrang ganda ng buwan. The moon was so bright kahit half moon lang ito. It illuminate lights of hope around the darkness. Hinayaan ko lang s'yang hawakan ang kamay ko papuntang 11-Eleven. Hindi ko magawang magreklamo. Tumatalon ang puso ko, pero ayoko itong pansinin.

I don't want to feel this (kung ano man ito). That's why I'll keep cutting the strings that are connecting us both. I'll do any means to stop whatever intoxication he's giving me. I couldn't afford to be hurt again. Kagaya lang ni Adam si Joseph.

Mayaman.

At mangyayari lang ng paulit-ulit ang nangyari sa akin sa nakaraan. They'll think that I'm not good enough for their son, that I'll only dig golds and pearls while loving them, that I'll never be good enough to be part of their family. Pero masaya akong kasama s'ya. Sobrang saya. My heart's leaping due to euphoria kaya hahayaan ko muna kung ano ang mangyayari sa ngayon. That's the plan. Come what may.

Just go with the flow while guarding your heart.

"What do you want to eat?" tanong n'ya nang makaapak kami sa loob.

Sinalubong kami ng malamig na aircon. Nakalimutan kong magsuot ng jacket dahil hinila n'ya ako nang walang pahintulot. Nilalamig na tuloy ako.

"Siopao Asado tsaka pure black coffee."

Ang kapal na talaga ng pagmumukha ko no? S'ya na nga itong nanglibre ako pa itong choosy. Lubus-lubusin n'yo na kasi kapag may manglilibre sa inyo. Gumaya kayo sa ganda ko. Naupo muna ako habang pumila siya para sa akin. Kung jowa ko s'ya, kikiligin na ako ng sobra. Nagsasayaw na sana ako sa tuwa kaso hindi. The fact that he's not my boyfriend kept shattering the perfect image in my mind.

Walang kami.

It's the truth.

That's the truth.

Pagkatapos n'yang magpa-punched ng pagkain, lumabas din kami. Kinakain ko na 'yung siopao pabalik ng boarding house, pero sipsip niya lang ang kanyang kape.

"Bakit hindi ka bumili ng makakain mo?"

"Kumain na ako, besides makita lang kitang busog ayos na," ngiti n'ya.

Agad akong yumuko para di n'ya mapansin ang namumula kong pisngi. Wala talaga akong panama sa mga banat n'ya. LANDI.

"Baka may bayad 'tong nilibre mo sa akin ha?" pag-iiba ko sa usapan.

"Meron," muntikan na akong mabulunan.

"Akala ko ba libre!"

"Libre 'yang siopao. 'Yang kape, hindi," ni-emphasize n'ya pa talaga iyon.

Akala ko pa naman package na itong dalawa. Dala na rin siguro ng kakapalan ng mukha ko kaya ako nakarma ng ganito kaaga.

"Magbabayad naman ako. Hindi nga lang sa ngayon dahil wala pang padala si mama."

Tumawa s'ya bigla. "Ayoko ng pera, marami kami nun."

Edi wow. Kayo na ang mayaman, ako na itong naghihikahos.

"Eh, ano?"

"Sisingilin kita pagdating ng araw," mabilis n'yang inubos ang laman ng kanyang cup.

"Baka illegal yan ha? Bahala ka talaga sa buhay mong hayop ka."

Walang pasumangil n'yang pinisil ang ilong ko.

"Ang cute mo talagaaaa, Precious. Pakiss nga!" pang-aasar nito habang nakangisi ng malawak.

He sounds like he was joking. Kaagad kong hinatak ang kanyang tshirt at hinalikan s'ya ng mabilis sa pisngi. Natulala s'ya sa ginawa ko, at the same time nanigas na parang bato.

I smiled. "Thank you sa treat, Seph."

Binuksan ko ang gate at pumasok sa loob ng kwarto.

It appears like he was joking, but I did it anyway. I gave what he wanted, and now I'm flushed as fuck. First time kong kabahan nang ganito sa buong buhay ko dahil sa katangahang ginawa ko. This is dangerous. I can't stop my heart from falling deeper in love with him. Hindi ako ganito ma-inlove noon. Not with Adam, not with Joseph.

Please feelings, stop before it gets worse.

In the end, hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari that only I and Joseph know.

"Ruby," Ivy called downstairs.

Agad akong napabalikwas, humawak ako sa railing ng kama at tinignan s'ya sa ibaba. Napansin ko rin na bihis na bihis siya ngayong araw. Anong meron?

"Ano 'yun?"

"Aalis muna ako ha. May ipapadala ka ba?"

"Bakit? Mag go grocery ka ba?" tanong ko.

"After magsimba."

Oh, that's right. Today's Sunday nga pala.

"K-Kasama mo ba kuya mo?"

Hindi ko talaga alam kung bakit ko iyon naitanong.

"Hindi nagsisimba ang kampon ni satanas," tawa niya.

Gusto kong matawa kaso naaalala ko lang 'yung ginawa ko sa kanya kagabi. Para akong lasing kahit hindi nakainom.

GYAAAHHH!

"Uhm, chocolates kahit yung mukhang abubot ayos lang sa akin."

Tumango s'ya at ngumiti bago nagpaalam. "Alis na ako."

"Keep safe."

Muli akong nahiga sa kama. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, tatlong oras lang ang naging tulog ko dahil sa dami ng iniisip ko. Biglang nagvibrate ang phone ko. Kinapa-kapa ko iyon at nakita ang message mula kay Angela.

Recipient: angela_saavedra

Send me the files thru email :)

From: rubyjane_mendoza

Okay. Wait.

I hurriedly open my lappy and typed Angela's email on the recipient's space. Muntikan ko nang makalimutan ang tungkol sa presentation ng first case bukas. I need to focus, dapat walang distractions na mangyari ngayong araw. I have to study the facts about Nicaragua and other factors that are related and connected to their fruit company.

I stared at the loading icon when I heard a guitar strum from outside. Pinakinggan ko lang iyon habang hinihintay na magload ang files na isesend ko.

"Kumusta na
Hindi mo ba nakikitang wala
Akong mabibigay sayo kundi ang pusong
Nangungulila at hindi susuko
Kahit anong sabihin mo..."

Lumabas ako upang panoorin s'yang maggitara. Boses pa lang, alam na alam ko na kung sino ang may-ari nun.

"Isipin man nilang ito'y mali,
Basta't nandito ka sa aking tabi.
Di man tayo ay magkunwari,
Sabihin man nilang pag-ibig natin ay mali,
Hindi man tayo ay magkunwari,
Baka sakali lang sabihin mo,
Ako'y mahal mo rin..."

Lumapit ako at naupo sa kanyang harapan. Nakatalikod kasi s'ya sa akin kaya hindi n'ya namalayan ang paglapit ko. He was shocked like it was the first time someone saw him exposing his talent.

He stopped playing and looked at me. "Did I wake you up again?"

Well, ganitong-ganito rin ang nangyari sa una naming pagkikita but this one's a little different.

"Hindi naman. Pagpatuloy mo lang."

"Are you sure? Hindi ka ba naiirita kuno sa napakaganda kong boses?" inemphasized n'ya pa ang salitang boses sa ere.

Napairap ako sa kawalan. "Hindi nga, kulit naman."

"So nagagandahan ka na?"

"Ewan ko sayo!"

"Hahahaha. Okay, I'll play a song for you since hinalikan mo ako kagabi," ngumiti s'ya abot tenga.

I could feel my cheeks burning. Mabuti na lang at umiwas kaagad ako. "Shit ka talaga!"

And then he laughs so hard. "You do have a dirty mouth, Precious."

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro