
C11: Hinahanap
I STOOD frozen for a minute hearing him say those words. Napapakurap ko s'yang tinignan ng mabuti, my eyes widen in shock as well, I can't even imagine my reaction right now.
"P-Pinagluto mo ako?" I ask again. I want to be sure na narinig ko siyang mabuti.
He nods, pointing at the chicken buffalo wings on the table. "It's actually for you."
Napalunok ako. Mukha pa namang nakakatakam yung niluto n'ya. Ang bango rin kasi, pero hindi ito ang panahon para magpauto ako sa gaya n'ya. I restraint myself from saying nice words to him. Kahit takam na takam na ako sa manok, pinigilan ko pa rin ang laway kong umubod.
"Seryoso ka ba? Why would you cook for me?" pagtataray ko. Akala n'ya siguro mahuhulog ako sa kanyang patibong, well he's wrong.
"Trip ko lang. Ayaw mo?" pang-aasar n'ya.
"Ibibigay ko na lang siguro ito kay Ryle."
"T-Teka huwag!"
Ang rupok ko, shuta!
"Ayaw mo?" he repeated.
I gulped.
Napalunok laway ako, kasama na yung pinakaiingatan kong pride. Mas uunahin ko pa ba yun kesa sa kumakalam kong sikmura?
"G-Gusto," mahina kong sabi. Namumula na ako sa hiya rito.
"What was that?"
"G-Gusto ko nga."
"Ang alin? Etong buffalo wings or ako? Pili ka pareho namang masarap," ngisi n'ya.
Lord, mapatawad mo pa sana ako kapag nakapatay ako ng kapitbahay.
"Tangina mo. Sayo na yang chicken buffalo wings drizzled with honey and pepper mo! Saksak mo sa malaki mong dibdib," singhal ko at mabilis s'yang tinalikuran.
Nakakainis talaga. Ang dali lang para sa kanya na pakuluin ang dugo ko. Halos umusok na yung tenga at ilong ko dahil sa sobrang inis. Ang kapal talaga ng pagmumukha niya. He's freaking helpless.
"Teka lang, Precious," narinig ko siyang tumawa nung sinundan niya ako sa paglalakad. "Joke lang. Seryoso mo masyado. Oh, ayan," sabay lahad ng pagkabango-bangong manok.
"Walang lason iyan?" taas kilay kong tanong.
He shook his head, innocently smiling at me. "Wala."
Parang bata. Tsk.
"Sure ka?"
"Oo nga. Bakit naman kita lalasunin? Eh, ikaw ang Precious ko," he pinched the tip of my nose without permission.
Mabilis ko iyong tinampal paalis. "T-Thanks," nahihiya kong kinuha ang plastic container.
"Mabait ka rin naman pala minsan."
"Asus, nahiya ka pa. Gusto mo rin namang matikman ang luto ko diba?" panunudyo n'ya ulit.
"Bweset ka talaga, Joseph!"
Inakbayan n'ya ako tsaka bumulong. "Ayokong nagugutom ka kaya kumain ka ng marami."
Napalunok ako sa sobrang kaba. Goddamn it, those words were sending shivers down my spine. Nailing ako sa sariling reaksyon. Inalis ko agad ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko.
"Salamat. Sana may kuya rin ako na gaya mo," nakangiti kong sabi.
His expression instantly changed from this to that. He frowned at me. "What?"
"I said, thank you. Sana may kuya rin ako na gaya mo," I repeated just like what he wanted.
"Narinig kita, gusto kong baguhin mo ang sinabi mo sa akin," his brows bridge at the middle of his temple.
"Ano ba ang mali sa sinabi ko?"
"All of it was wrong," inis n'yang sabi.
"Pati thank you?"
He nods. "Kapag sinabi kong lahat, lahat yun mali."
"Eh, ano ba ang gusto mong sabihin ko sayo?" irap ko.
"Don't call me kuya or whatever words related to that kind of adjective or noun," sabi n'ya sa isang nang-uutos na boses.
"Bakit naman? You're three years older than me so why not?" ngisi ko na mas lalo lang ikinunot ng kanyang noo.
"Kuya rin ba ang endearment n'yo ng lalaking iyon?" he asked, raising one eyebrow.
Napaatras ako ng isang hakbang upang iwasan ang nakamamatay niyang tingin. Looks can't kill you physically, but it emotionally will. At ang mga tingin na binibigay n'ya sa akin ay nakamamatay.
"Bakit naman napunta sa usapan si Adam dito?" my hands were trembling.
Ayoko talaga na pinag-uusapan si Adam. Malulungkot lang ako sa tuwing nagkukwento ako tungkol sa kanya. Our love story never went well since we became lovers. Puro kalungkutan lang ang naranasan ko dahil dun, so I decided to cut the strings connected to the both of us when he left. Maayos na ako na wala s'yang explanation. Nakamove-on na ako sa kanya. At least that's what I thought, not until he came back na parang walang nangyari.
"Because I'm curious," diretso niyang sagot.
"Kung curious ka sa kanya, I recommend na iistalk mo s'ya sa Facebook."
His forehead creased because of my idea. "The eff are you saying? I'm a guy. I don't stalk guys. Anong akala mo sa akin, bading?"
"Then, why are you so curious about him anyway?"
"I'm not curious about him. I'm curious about what happened between you two and why the hell did you break up."
Bakit ko ba s'ya tinatanong ng mga ganitong bagay? I had enough already. Am I pushing him to the walls just to spill the words that I badly want to hear from him?
"I-I don't want to talk about it," mabilis ko s'yang tinalikuran, but he pulled me right away, staring at my eyes directly.
"I'm jealous."
And there it was. The two words that I want to hear came out directly from his mouth. And those two words were the reason why my heart is pounding fast.
Gusto kong sumuka ng rainbow. Shit.
"W-Why would you b-be?" I stuttered.
Masyado nga talaga akong kinakabahan ngayon.
"Bakit nga ba?" instead of answering me, tinatanong n'ya pa ako.
"Why are you asking me that? Tinatanong mo pa ako sa mga bagay na hindi ko rin masasagot."
"Dense as fuck," malutong n'yang mura. "Kumain ka na. Good night," sabi niya bago tuluyang bumalik sa kanyang kwarto.
Marahas akong bumuntong habang napatitig sa ulam. "I know why. I just don't want to admit that. Not now. Not ever."
****
"May nangyari ba sayo kagabi?" tanong ni Angela pagkatapos ng quiz namin sa Accounting.
Lutang na lutang ako kanina. Ni-wala ngang pumapasok na lessons nung nagdidiscuss si ma'am. Tapos nung nagquiz kami, hindi ko alam kung ano ang pinaggagawa ko sa notebook ko. Puno ng drawing ng manok ang laman nun kanina, but I immediately ripped the page. Baka may makakita pang iba. Nakakahiya.
"Wala naman. Okay lang ako."
"Oo nga, hindi halata. Lalim kasi ng mga mata mo oh. Mukhang nakatulog ka talaga ng maayos kagabi," sarkastiko n'yang pahayag.
Dinukdok ko ang mukha ko sa desk at pumikit. This can't be happening to me. Why would I be thinking too much over two words? Eh, ano naman kung nagseselos s'ya? Pake ko sa selos n'ya. Wala syang karapatan magselos kasi hindi naman kami.
I've been thinking over a guy for the second time. S'yempre, nangunguna talaga sa listahan ko si Adam. Tapos ito ako ngayon at iniisip ang pinagsasasabi ni Joseph.
"Ano bang nangyayari sa akin?" I sighed.
"Matulog ka muna. May one hour vacant tayo diba?" tanong n'ya na tinanguan ko naman.
Si Ivy nga walang kamalay-malay sa pinaggagawa ng kanyang kuya. Masama bang tawagin ko s'yang 'kuya'? Respeto na rin yun ah. May masama ba sa pagrespeto ng mas nakakatanda sayo? Di ko talaga magets ang mga lalaki kahit kailan.
Bumili ako ng maiinom sa ibaba to cool me down from thinking too much nung nahagip ng mga mata ko si Joseph at mukhang papunta s'ya sa building namin.
Jusko naman! Bakit ngayon pa?
Dahil na rin sa sobrang kaba, mabilis akong tumalikod at naglakad palayo. Hindi ko na nagawang bumalik sa lobby kung saan nakaupo si Gelai. Paghihintayin ko muna s'ya dun. Nakaupo naman s'ya kaya panigurado hindi s'ya mangangalay. Pero curious ako kung ano ang pinunta n'ya sa building namin or kung sino.
"Oh, ayun pala si Ruby," pagturo sa akin ng kaklase ko. "Oy Ruby, hinahanap ka ni Joseph!"
Agad akong tumalikod. Shit, shit. Sana pala hindi na lang ako nacurious. Lesson learned. Be careful what you say, Ruby Jane Mendoza.
Hinila n'ya ako pabalik sa lalaking iniiwasan ko. "Ano ba yun?" diretso kong tanong nang hindi s'ya tinitignan.
Hindi ko kasi kaya matapos yung nangyari kagabi.
"Wala naman, gusto lang kitang makita," seryoso n'yang sabi.
Bigla kong napisil nang hindi sinasadya ang plastic cup na may juice. Mabuti na lang at hindi nagkalat yung laman. Minatahan ako ng kaklase ko, tumaas baba ang kanyang kilay habang ngiting-ngiti sa akin.
"Umalis ka na nga rito. Baka kung ano pang isipin ng mga classmates ko, e!" inis ko s'yang tinulak palayo habang nakayuko.
Kaloka. Baka mapansin n'yang namumula ang pisngi ko dahil sa kanyang sinabi. I can't afford to lose whatever amount of pride I have right now. Hindi ko kayang isugal iyon. Ayoko.
Bigla s'yang tumawa. In a split second, he captured my eyes with his.
"I'm joking okay? Si Ryle talaga ang pinunta ko dito," a small curve formed on his lip.
Naramdaman ko ang tumaas kong altapresyon papunta sa mukha ko. Goddamn it. Ambilis ko namang mauto pagdating sa kanya.
"A-Akala ko-"
"Akala mo ikaw ang pinunta ko rito?" tanong n'ya na may halong panunudyo.
"Mali ang akala ko. Masaya ka na?" inis ko.
"S'yempre," he playfully smirked. "It's the thought that counts ika nga nila."
Napairap ako sa kawalan. "Whatever."
Dumating si Ryle, ang lalaking hinahanap n'ya at gustong makita kanina pa. Hinayaan ko silang mag-usap sa labas.
Bakit ko ba kasi inamin ang akala ko?
Akala ko lang naman iyon.
Akala ko lang pala iyon.
I shook my head and slapped my face three times. Stop thinking about other things. May last subject ka pa, Ruby.
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro