Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C10: Pinagluto

IN THE end, hindi kami nagkausap ni Adam after what happened.

Nakakairita kasi si Joseph. Sumulpot na lang bigla para guluhin ang naudlot naming love story ni Adam. I admit, I still love the guy after two years. Hindi naman agad-agad mawawala iyon. (Two years is not a long period for me because I'm martyr and umaasa pa rin). And now, he came back. Akala ko noong una magagalit ako sa kanya, na sisigawan ko s'ya kapag nagkita kami ulit but I was wrong. I was always wrong.

I lost my anger, it turned to guilt and sadness. Ayokong maramdaman ito, but I felt it anyway. Ano pa ba ang magagawa ko sa feelings ko na hindi mawala-wala? At mas lalo pa s'yang gumwapo ngayon. I wonder if sa Ateneo pa rin s'ya nag-aaral. Mas matanda s'ya sa akin ng tatlong taon. To be precise kasing edad n'ya si Joseph.

"Madam Mendoza," pagtawag ni sir sa pangalan ko.

Agad akong tumayo dahil sa kaba. Shit, shit, ang layo ng isip ko. Saang article na ba kami?

"State Article 1336 of Obligations and Contracts."

Huminga ako ng malalim bago tuluyang magsalita. Shit, shit, I'm freaking out right now. Kung saan-saan kasi nagsusuok ang utak ko. Ang daming nangyari ngayong araw.

"Violation or intimidation by a third person, the obligation becomes annulled. However, to make the contract voidable and annullable, it's necessary that the violence or intimidation must be of character required in the preceding article."

He motioned me to sit down. "Same article, Mr. Llanes."

Marahas akong nagbuntong nang maupo ako. Whenever sir Meriales asked for another person with the same article only means one thing, he's not satisfied with how I stated the article. Baka nakulangan s'ya or nagkamali ako ng bigkas sa isang salita. I don't really know since he doesn't give much impression about how someone answers. Nakapoker face lang kasi s'ya always.

Natapos ang law subject namin. Masyado akong stress para isipin kung anong grade ang binigay ni sir sa akin. I saw his daughter, Khane, waiting outside the lobby. May hawak pa s'yang netbook, which she carries all the time, nagtaka pa ako.

"Let's go," sabi ni sir sa kanya ng makalapit.

Isang hilaw na ngiti ang binigay n'ya sa ama pagkatapos nun ay umalis na sila papasok ng kotse.

"Saan si Ivy?" biglang tanong ni Ryle nang makalapit sa akin, nakakunot ang noo.

"Ba't sa akin mo hinahanap? Hanapan ba ako ng Ivy?" pagtataray ko.

"Sasabay ako sa inyo pauwi ngayon," aniya at naupo muna saglit habang nagcecellphone.

Bigla kong naalala na hindi ko pa pala na-add si Gabriel melabs sa Facebook. Mabilis kong hinablot ang phone ko mula sa bulsa at agad na ni-search ang kanyang pangalan kaso walang lumalabas.

Baka iba ang name na gamit.

"Sorry, nag CR pa kasi ako," sabi ni Ivy at napatingin kay Ryle. "S-Sasabay ka?"

He nods at naunang maglakad sa aming dalawa. Kilig naman ang katabi ko tapos kinukurot pa ako sa tagiliran.

"Sumabay s'ya, Rubs," impit n'yang kilig.

"Tsk. Kapag kilig, kilig lang. Walang kurutan," inis kong hinawi ang kanyang daliri.

"Eh, kasi first time n'yang sumabay. Mukhang may nakaing masarap na pagkain kanina," abot Victoria Plaza ang smile ni Ivy ngayon.

Delikado at baka mahampas n'ya pa ako kapag kinilig s'ya ng sobra.

"'Wag kang mag-alala dahil ngayon lang naman yan. Sa susunod hindi na," sabi ko pa para tumigil na s'ya sa kakakilig.

Agad akong nagbihis ng damit pambahay nang makauwi kaming tatlo sa boarding house.

"Ano ba ang nagustuhan mo kay Ryle? Ang suplado nun ah?" tanong ko nung mapansin na ngiting-ngiti s'ya kaharap ang screen.

Hindi kami magkaklase nila Ivy at Ryle noong first year pa kami kaya curious ako kung bakit. I met him for less than a month, at sa pinapakita n'yang ugali sa akin medyo nakakadiscourage s'ya. Hindi ko type ang 'bad boy aura' guy.

"Gwapo s'ya," she simply replied.

"Ang lalim naman pala ng dahilan kung ba't mo s'ya gusto," sarkastiko kong sabi sabay irap.

Tinawanan lang ako ng loka. "Package na yun. May sense of humor, matangkad, maganda ang body built, moreno, tapos varsity ng university."

"At masama ang ugali," dagdag ko.

"Tanga, marami akong crush no. Isa lang s'ya run. Besides, I'm not hoping na ika crushback n'ya ako."

"Bakit naman?"

"Babae ako, alam ko kung may interes sa akin ang isang lalaki o wala. Sa kaso n'ya, mukhang hindi siya interesado sa akin. May iba yung gusto ramdam ko."

I shrugged. "Sabi mo, e."

Lumabas muna ako ng kwarto upang magluto ng makakain. Puro noodles lang ang andito, nakakaumay. Kaya gusto ko ring magluto ng pagkaing healthy. I went to our small dirty kitchen. May butane doon at iilang kagamitan pangluto. You're allowed to use it, but you have to be responsible. Kailangan mong hugasan at iligpit ng maayos ang ginamit mong utensils at kaldero sa lalagyan.

I saw Joseph, mincing carrots. Galit na galit ang itsura n'ya habang tinatadtad yung gulay at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko s'ya pinansin. Kumuha ako ng frying pan at sandok. S'yempre sariling mantika ang gagamitin mo kung ayaw mog magka-LBM dahil sa mantikang kay dami ng pinagdaanan.

"You can cook?" tanong n'ya bigla ng 'di nakatingin sa akin.

"Naman!"

Anong akala mo sa akin? Puro paganda lang ang alam? Nakakadalawang insulto na s'ya.

Naglagay ako ng konting mantika sa pan. Marami akong alam na putahe. Fried chicken, fried hotdog, fried egg, fried nuggets, at iba pang klase ng prito. You name it, I'll fry it.

"What are you going to cook?"

"Chicken," tipid kong sagot.

"Adobo?"

"Fried chicken," ngiti ko.

He scoffed like it was the funniest joke he'd ever heard. "Seriously? Hulaan ko, you only know how to fry."

I rolled my eyes at him. "Pake mo sa talent ko?"

"Jesus," he grinned. "Can't believe I like someone who doesn't know how to cook," pabulong n'yang sabi pero rinig ko naman.

"Siraulo. Kung ano-ano na lang ang pinagsasasabi mo d'yan," I tsked.

Naramdaman kong uminit na ng sapat yung mantika kaya nilagay ko na kaagad ang manok dahilan para tumalsik ang mantika sa kamay ko. Napapikit na lang ako sa sakit. Ganito pala ang feeling kapag natatalsikan ng mantika. Ang hapdi tangina.

"Okay ka lang?" tanong n'ya nang mapansin na nakahawak ako sa kamay ko.

Tumango ako. "Oo naman."

Baka isipin niya na napaka ignorante ko pagdating sa pagluluto. Pagpiprito na nga lang hindi ko pa magawa tsk.

"You don't look okay to me," aniya at tinulungan ako sa pagbaliktad ng manok. "It doesn't look like you know how to fry either."

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko dahil dun. Bwiset talaga ang lalaking ito, napakayabang, hambog, ewan, parang electric fan sa sobrang hangin.

"Ako na riyan. I don't need help from you," iritado kong sambit sa kanya.

Sana umalis na s'ya sa pwesto ko. The side of his lip rose. Napapailing s'yang bumalik sa kanyang pwesto.

"Ang laki talaga ng problema mo sa akin, Precious."

"Don't call me that. Nakakairita."

"Akala ko pa naman nasasanay ka na sa kakulitan ko."

Nagluluto na pala s'ya ngayon, at infairness ang bango ng niluluto n'ya, kung ano man 'yan.

"You're annoying, and whatever endearment you call me becomes very annoying as well."

"You're ruthless, and I don't care how rude you are to me. It becomes undeniably cute."

Napalingon ako sa kanya ng mabilis. Damn this guy, alam na alam n'ya kung paano ako iritahin ng ganito kalala. My heart was beating erratically. I need to calm down, I don't have the fucking time to blush. Gutom ako ngayon. Gutom na gutom. Oo, baka dahil lang ito sa gutom kaya nararamdaman ko ang ganitong kabog sa dibdib.

"Flip the wings, Precious," aniya. "And stop staring at me. Sunog na iyang niluluto mo."

Dun ko lang naamoy ang sunog kong manok. Dali-dali kong pinatay ang butane pagkatapos. Even though I turned it off, it didn't change the fact na naging kulay itim na ang aking niluluto. Nanlumo kong tinignan ang manok. Bwiset, sayang to ah! Ano ng uulamin ko ngayon? It was against my will, pero pinakain ko na lang sa aso yung manok. Padarag kong hinugasan ang frying pan. Kahit kailan talaga hindi ako papasa as housewife. Kaya ba wala akong jowa Lord kasi hindi ako marunong magprito ng hindi nasusunog ang pagkain?

"What are you going to eat now?" he asked, concerned or worried.

"Matutulog akong gutom," mabilis kong pinatuyo yung pan at binalik iyon sa lalagyan. "Good night, Joseph," walang gana kong sambit habang naglalakad pabalik sa kwarto.

He sighed disappointedly, looking at me, as I was walking away.

"You're so helpless, Precious. Mabuti na lang at pinagluto kita."

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro