Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ALMOST A PERFECT DAY

Episode 1, Part 1:
Almost a Perfect Day (HAPPY, LONELY BIRTHDAY)

Scene:
Garcia Family's Mysteries

Casts:
⚛Vanniara Lilian Garcia
⚛Lorraine Leanne Garcia
⚛Lawrence Garcia
⚛Naida Garcia
⚛Jade Aliana del Valle
⚛Sarah Jane Hermosa

Settings:
⚛Garcia's Residence
⚛Hermosa's Residence

ISA ang mga Garcia sa mga itinuturing na pinakamapalad na pamilya sa Evervaile Suburb. Bukod sa napangasawa ni Lawrence ang isang napakagaling at napakagandang imbestigador ay siya rin mismo ay isang sikat na detective.

Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang anak na babae, si Vanniara o tinatawag nilang Nia.

"Honey, bilis! Halika rito!" sigaw ni Naida sa asawa.

Mula sa kusina ay narinig ito ni Lawrence. Agad niyang binitiwan ang kaniyang niluluto at saka kumaripas ng takbo papunta sa kuwarto ng asawa sa second floor.

"Ano iyon, Hon?" Agad niyang binuksan ang pinto at nilapitan ang asawa't anak.

"Tingnan mo, naglalakad na si Nia," sagot ni Naida.

"Gotta get the camera!"

Mula sa kaniyang kinatatayuan ay kinuha niya ang cellphone sa kaniyang bulsa.

"Come to me, Nia. Come to Mommy!"

It was a perfect family. Nia have everything.

"Me, my Mom, and my Dad, we're the perfect trio! No one will ever break us apart!" wika ni Nia sa kaniyang report sa klase.

Everything turned out to be good until one day, her little sister arrived.

"Oh, Honey! Narinig mo ba iyon. Tinawag niya akong Mama," wika ni Naida sa asawa.

"Hi, Rainie. Say Mama again," sabi naman ni Lawrence.

"Uh, Mom, Dad. Puwede niyo po ba akong tulungan sa project ko?" tanong ni Nia sa mga ito.

"Mama."

"Ang galing talaga ng baby ko. Kaya mahal na mahal ka namin ng mommy mo!" wika pa ni Lawrence.

Sumapit na nga ang oras na naiisip niyang parang mas marami na ang oras na nakukuha ng nakababata niyang kapatid kaysa sa kaniya.

Sa una ay pinabayaan lang niya ito hanggang sa dumating na nga ang panahong tila ba wumasak sa kaniyang puso.

"Alright, everyone. Magsisimula na ang dula-dulaan sa loob ng limang minuto. Handa na ba kayo?" tanong ng guro sa kaniyang mga estudyante.

"Handa na, Ma'am," sagot ng mga ito.

Nabalot ng kaba ang buong katawan ni Nia. Siya ang napiling maging lead role at hindi niya gustong ipahiya ang kaniyang mga magulang.

Mula sa kaniyang kinatatayuan ay sumilip siya sa labas ng kurtina ng stage upang makita ang pamilya sa pag-asang makakawala ng kaba kapag nakita niya ang mga ito.

Hinanap niya ang kaniyang pamilya subalit walang dumating.

"Maghanda na kayo, mga bata," dagdag pa ng guro.

"Ma'am, p-puwede po bang magdagdag pa kayo ng isang minuto? W- Wala pa po kasi sina Mom at Dad, e," wika niya rito.

"Sige pero pagkatapos ng isang minuto ay mag-uumpisa na tayo, okay?" sagot ng guro.

"Yes, Ma'am!"

Naghintay siya nang naghintay subalit wala sa kanilang dumating.

"O, Romeo, aking sinta. R-Romeo..." Wala pa nga sila sa kalagitnaan ng dula-dulaan ay tuluyan nang nawalan ng pokus si Nia.

Nawala na sa kaniyang isipan ang dalawang linggo niyang prinaktis na script hanggang sa tuluyan na siyang napaluha sa stage. Nang dahil sa hiyang naramdaman ay tumakbo na lamang siya pabalik sa kaniyang room.

"Hindi ako makapaniwalang hindi sila darating! Birthday ko pa naman ngayon," wika niya sa sarili habang naglalakad papunta sa kaniyang locker. "Puro na lang sila Raine! Urgh!"

Simula noong mga oras na iyon ay nakaisip siya ng plano.

"Nang dahil hindi naman nila ako gusto at hindi naman ako importante, mas mabuti ng dito na lamang ako sa bahay ng kaklase ko."

Pagkalabas niya sa eskwela ay dumiretso siya sa bahay ng kanyang kaibigan na pumayag naman sa kaniyang kagustuhan.

"Nasaan na ang mga magulang mo? Gabi na ah," tanong niya sa kaibigan.

"Huwag kang mag-alala. Mamayang bandang hatinggabi pa sila uuwi. Pero huwag kang mag-alala, mamaya nandiyan na ang nagbabantay sa akin gabi-gabi," sagit nito.

"Gusto mo nito?" tanong pa niya habang inaalok ang kinakain niyang tsitsiriya na bawang ang lasa.

Sa pagkagulat ay napaatras ang kaibigan niya. "A- Ayoko!" sigaw nito.

"Bakit naman?"

"Ano ka ba, Nia? Hindi mo ba alam na... na allergic ako sa bawang?" tanong nito.

Sumapit ang oras na matutulog na sila.

Nang dahil sa isa lamang ang kama ng kaniyang kaibigan at naka-lock ang pintuan ng kuwarto ng mga magulang nito ay napilitang matulog ni Nia sa sofa.

"Ayos lang ito! Masasanay rin naman ako," wika niya sa sarili sabay pikit ng kaniyang mga mata.

Hindi pa nga siya nakakatulog ay nakarinig siya ng mga kaluskos mula sa kusina.

"Yung pusa lang siguro iyon," pagpapakalma niya sa sarili.

Nagpatuloy ang mga kaluskos hanggang sa may narinig siyang kumakatok sa pinto.

Sumilip siya sa bintana subalit wala siyang nakitang tao. Nang lumingon siya ay nakita niya niya ang anino ng isang napakatangkad na tao na papalapit sa kaniya.

Patuloy na umalulong ang mga aso sa labas at batay sa kuwento sa kaniya ng kaniyang mga magulang ay maaaring may nakikita itong masasamang elemento.

Nang dahil sa pagkatakot ay kumaripas siya ng takbo papunta sa sofa, kinuha ang kaniyang bag, at tumakbo pauwi ng kanilang bahay.

Pagkarating niya sa kaniyang bahay ay agad niyang sinirado ang pinto. Pagbukas niya ng ilaw ay namataan niya ang mga pagkain at mga dekorasyon.

Sa dingding ay makikita ang mga salitang "Happy 10th birthday, Nia!"

Habang siya'y naglilibot at pinagmamasdan ang mga dekorasyon ay hindi niya naiwasang lumuha.

"Hello?" sabi ng isang misteryosong tao.

Pagtingin niya sa pintuan ay naroroon ang isa pa sa kaniyang mga kaibigan na si Jade del Valle.

"Jade?"

"Inutusan ako ng mga magulang mo na bantayan itong mga handa kasi umalis sila kasama ang kapatid mo," wika nito.

Paglapit niya sa mesa, may nakita siyang sulat:

Happy birthday, Nia! I'm sorry kung wala kami ngayon sa bahay. Bigla na lamang kasing nahimatay si Raine.

Kung nababasa mo ito ngayon, pasensiya na talaga kung hindi kami makakadalo sa dula-dulaan ninyo sa school foundation day.

"Nahimatay si Raine? Bakit? A-Anong nangyari?" tanong ni Nia.

"Since Raine's my younger sister's best friend, she wanted to help decorate. Nang dahil sa wala naman akong ginagawa sa bahay ay sumama na lang ako para tumulong," wika nito.

"Saka ayun nga, bigla na lamang nahimatay si Raine at isinugod siya sa ospital," dagdag pa ni Jade.

"Kailangan ko silang makita!"

"Pero paano?" tanong ni Jade sa kaibigan.

"I have a plan. But to do this, I gonna need your help!" sagot ni Nia.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro