Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE



  "ISANG dalaga ang natagpuang patay sa sariling condo unit nito. Tinatayang nasa labing-walong taong gulang lamang ito at nag-aaral sa Ibu University. Ayon sa mga residente, walang ibang pumasok sa condo ng dalaga at hindi rin nila nakitang lumabas ito simula pa kahapon. Sa inisyal na imbestigasyon, pinaghihinalaang nagpatiwakal ito. Kinilala ang dalaga bilang si Mariam Delaney..."

   Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig nang mapanood ang balita sa telebisyon. Namamawis ang mga kamay ko't nanginginig ang kalamnan ko. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya 'yon.

  "See? She's a psycho! Sabi ko na nga ba't hindi magandang impluwensiya 'yang babaeng 'yan sa 'yo, Ace. Look at what she did! Sino ba namang nasa matinong pag-iisip ang magsu-suicide? Mabuti na lang at hiniwalayan mo 'yan, dahil kung hindi—"

   "Ma, stop! Hindi ka nakakatulong. She's already dead. P'wede ba, h'wag na natin siyang pag-usapan? Patahimikin na natin siya!"

   Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa inis.

  Napailing na lamang si Papa habang papalit-palit ng tingin sa 'ming dalawa ni Mama.

  Tila sinusundot ako ng konsensiya ko. Huwag sanang tumama ang hinala ko pero palagay ko'y dahil sa 'kin kaya siya nagpakamatay.

  Mariin akong napapikit.

  If only I didn't break up with her that day...

  At katulad ng mga alon sa dagat, unti-unting bumaladha sa aking memorya ang mga nangyari no'ng huli kaming nagkita...





  "ACE!" rinig kong tawag sa 'kin ng isang babae. Hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino man iyon dahil alam na alam ko kung sino'ng may-ari ng boses na 'yon.

  Diretso lang ang tingin ko sa daan at mas binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa marinig ko ang yabag ng kaniyang pagtakbo.

  Nang maabutan niya 'ko ay mahigpit niya 'kong hinawakan sa braso at pilit na pinipihit para humarap sa kaniya, ngunit bigo siya dahil mas malakas ako kaysa sa kaniya. Nanatili akong nakatagilid sa kaniya habang hawak niya pa rin ako ng mahigpit sa braso. Pakiramdam ko'y babaon na ang mga daliri niya sa balat ko dahil sa sobrang higpit nito.

  "Ace, talk to me, please. Please, I'm begging you... Get back to me... Please—"

  Hindi ko alintana ang luhaan niyang mga mata. "Tapos na tayo Lane. H'wag ka nang umasang babalik pa 'ko sa 'yo. Everything's already done between us, kaya bitiwan mo na 'ko!" tiim-bagang kong sigaw sa kaniya sabay piksi ng braso ko upang makawala sa kapit niya.

  Nang akmang hahawakan niya 'ko ulit ay ako na ang humawak sa kaniya. I gripped her arms tightly and I knew that I'm already hurting her.


  "Delaney! Please lang, tigilan mo na 'ko!"

  "Why? May kasalanan ba 'ko sa 'yo, ha? Kung may nagawa man ako, sabihin mo naman sa 'kin para malaman ko... para makabawi ako!" humihikbi niyang saad.

  "Nagsasawa na 'ko sa ugali mo! You're too clingy! Nasasakal na 'ko, Lane! Hindi na 'ko makahinga sa relasyon natin kaya mas mabuti pang tapusin na natin! Tapos na tayo! H'wag mo na 'kong guluhin!"

  Marahas ko siyang binitiwan, dahilan upang mapasalampak siya sa semento. I pity her, but that can't change my mind from breaking up with her.

  Iniwan ko siyang lugmok at umiiyak. I didn't even bother to look back, not knowing that that will be the last time I'll ever see her beautiful face again.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro