Umasa at Nagpaasa
Umasa at nagpaasa
Sa pag-ibig minsan tayo ay naguguluhan
Sino ba ang dapat sisihin kapag tayo'y nasasaktan?
Tayo ba na umasa o sila ba na nagpaasa?
Malalaman mo dito kapag iyong binasa.
Simulan natin kung paano tayo umasa
Umasa na sana mahal ka din niya
Na sana parehas kayo ng nadarama
At sa huli ay para sa isa't isa.
Sundan natin ng pinaasa
Pinaasa dahil may iba na pala siya
Akala mo kayo na talaga
Pero sa huli ay hindi pala.
Umasa ka na mahal ka niya
Pero pinaasa ka dahil may iba na siya
Umasa ka na akala mo kayo na
Pero pinaasa ka dahil laruan ka lang niya.
Maraming nagsasabi na ang umasa ang dapat sisihin
Sa lahat ng mga sakit at pasanin
Mga umasa ang dapat tanggalin
Ng tao sa mundo ay manahimik din.
Ang sabi naman ng iba, nagpaasa ang dapat tanggalin
Upang mga umasa ay mawala din
Maging masaya sa pag-ibig ng kanilang susundin
At di na mahirapan sa kanilang pipiliin.
Umasa at Nagpaasa
Parehas na may sala
Hindi na dapat magsisihan
Sa ganitong kaganapan.
Walang mali kung ikaw ay umasa
Hindi rin mali ang magpaasa
Pumili ng taong para sayo
At hindi na umabot pa sa ganito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro