Tamang Panahon
Tamang Panahon
Bakit ba palagi na lang tayong nasasaktan?
Bakit palagi tayong iniiwan?
Ano ba ang mga dahilan?
Kung bakit umaabot sa puntong hiwalayan?
May sakit ba tayong dapat iwasan?
Dahil sa pagkaka-alam ko'y wala naman
Pero bakit gano'n kung tayo'y layuan
Parang daig natin ang virus sa katauhan.
Napaisip ako kung kailan--
Kailan ang panahon na dapat nating tunghayan
Na hindi na umabot sa kasukdulan
At maging masaya ng walang katapusan.
Dadating ang araw na hindi na tayo iiwan
Hindi na tayo kailanma'y sasaktan
Dahil sa puntong iyon
Masasabi kong tama na ang panahon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro