Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Patungo sa daang matuwid... Mabuhay ang Pilipinas!

Patungo sa daang matuwid... Mabuhay ang Pilipinas

Sa loob ng maraming taon, ang ating inang bayan;
Nanghihina, nagdurusa't nalulugmok sa kahirapan;
Sino ang mananagot at nararapat sisihin, sa lahat ng kaganapan?
Mga tiwaling opisyal ng gobyerno? Mga pulitiko? O ang sambayanang pilipino? Sino ang nakakaalam?

Wala! Halos lahat sa ati'y nananahimik, nagbibingibingihan at nagbubulagbulagan;
Sa mga nangyayaring, karima-rimarim sa'ting lipunan;
Kung ating iisa-isahin, kulang pa ang mga araw kinabukasan;
Sa dami ng mga ito'y, patay kana ngunit wala ka pa sa kalagitnaan.

Ang lason ng kadilima'y, sa bayan nati'y laganap;
Nais na daang matuwid, bakit di maapuhap?
Kulang pa ba, ang dinaranas nating hirap?
Upang tayo'y lumaban, manindigan, magkaisa at humarap.

Humarap sa mga dugok, mga balakid sa'ting pag-unlad;
Nang itumba ang mga barikada, sa landas nating hinahangad;
Bigyang pansin at isaayos, ang mga kaisipang huwad;
Liwanag na nais makamtan, nar'yan lang sa bungad.

Atin nang wakasan, pang-aalipin ng dilim;
'Wag nang masunudsunuran, tawag ay iyong dinggin;
Kung nais ninyo'y daang matuwid, isapuso't ninyo't wag lang isipin;
Ang pagbabagong hinahangad, mag-uumpisa sa atin.

Sa taglay na dinaranas, yaong unti-unting makaalpas;
Sa digmaang ito'y, lumaban ng buong lakas;
Kapag nagkaisa'y, lahat malulutas;
Patungo sa daang matuwid... Mabuhay ang Pilipinas!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro