Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Paghihinagpis

Paghihignagpis

Ngayon ay akin nang sisimulan
~sisimulan ang katapusan ng ating ugnayan,
Kahirap man ngunit kailangang panindigan,
Nang digmaan ay 'di na umabot sa kasukdulan.

Sadyang walang tuwid sa lupang daigdig,
Kaonti lang itong nagmamalasakit,
Kung mayroon naman lubos ang pagkapit,
Ito'y mawawala kung danas ng 'di umuukit.

Ngunit ano ba ang dahilan?
Kung bakit ako'y nahihirapan,
Sino ba ang dapat na sisihin?
Sa lahat itong aking pasanin.

Ililihim na lang hanggang sa maglaon,
Isisinungaling, ipakababaon,
Ililikod na lang itong mga layon,
Upang manatili roon sa kahapon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro