Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Paalam

Paalam

Paalam, unang bungad ko sa'yo,
Paalam sa mga magaganda mong salita na sobrang ginusto ko,
Sa mga pa-effort mong tawagin na nauuwi sa pagkalito,
At sa pag-sabi mo ng mahal mo ako kahit hindi sigurado.

Paalam, sa pag-ibig kong minahal ka lang naman ng totoo,
Sa pagsabing "Okay lang" kahit nasasaktan na ako,
Sa pag-iisip ng ikaw at ako ay merong tayo,
Sa pagiging tanga ko dahil lahat ay binigay sa'yo.

Paalam.. Paalam ang huli kong sasabihin sa'yo,
Dahil napatunayan ko na sa sarili ko,
Na ang salitang IKAW at AKO,
Ay kailanman'y hindi na magtatagpo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro