Inggit
Inggit
Maganda ka, hindi naman ako nalalayo
Sexy ka, ganoon din naman ako
Pero lahat ng lalaking gusto ko,
Bakit napupunta sa iyo?
Kapatid ang turing natin sa isa't isa
Kasama sa bawat lumbay at saya
Pero bakit parang nag-iiba?
Sa tuwing tayo'y pinagkukumpara.
May mga bagay na hindi tayo nagkakasundo
Katulad na lang ng pagkagusto nila sa'yo
Ako'y nakatago sa dilim sa likod mo
Kailan man hindi naging perpekto sa paningin niyo.
Pagka-inggit ang namutawi sa katawan ko
Pagka-inggit dahil lahat ay ikaw ang gusto
Pagka-inggit dahil lahat ng mahal ko napupunta sa'yo
Pagka-inggit dahil hindi ako katulad mo.
Kailan mapapawi itong inggit sa katawan ko?
Na sa tuwing makikita kitang masaya nalulungkot ako
Minsan ng naisip na mawala rito sa mundo
At kailan man hindi na magpakita sa inyo.
Ako ang may gawa pero ikaw ang pinupuri
Nakatingin lang sa'yo habang nakangiti
Iniisip na minsan ay mabati
At sa huli ay ako naman ang mapili.
Uulitin ko ulit sa umpisa
Kung paano nagsimula itong tula
Maganda ka, sexy ka, lahat ay gusto ka
Pagka-inggit ko sa'yo, hindi na yata mawawala.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro