Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Dalaga

Dalaga

Ako ay isang simpleng dalaga
Hindi panget, hindi rin maganda
May magandang salaobing pinapakita
At maayos kung makitungo sa iba.

Ako ay 'sang dalaga na may mithiin
Nag-aaral nang mabuti para malayo ang marating
Magandang buhay ang gustong abutin
Nang sa hirap ay makaahon din.

Pero sa pagdadalaga hindi natin maiiwasan
Ang magkagusto sa lalaking may kabutihan
Na Katulad ng buwan at bituin sa kalangitan
Siya'y nagbigay liwanag sa mundo kong may kadiliman.

Pagkagusto ko sa kaniya'y hindi malaman
Nahuhulog na lamang ng biglaan
Siguro ay sa pinapakita niyang kabutihan
At sa pagmamahal niyang may taglay na kapangyarihan.

"Mahal na kita" bulong ko sa'yo
Ngunit hindi mo ito narinig kaya ika'y lumayo
"Mahal na kita" pag-uulit ko
Lumawak ang 'yong ngiti at sinabing "Mahal din kita sinta ko."

Walang oras na hindi tayo magkasama
Laging may I labyuhan sa isa't isa
Pati sa text at tawag kulang ang salitang miss kita
Kapag ikaw ang kasama, buhay ko'y kay saya.

Sa pag-aaral nawalan ng oras
Dahil ang oras ko'y nilaan sa'yo ng wagas
Hindi nagsisisi dahil ikaw ay nasa aking landas
At mamahalin ka hanggang sa mag wakas.

Magulang ko'y nagalit sa akin ng tuluyan
Hindi ko malaman kung ano ang dahilan
At sa huli'y pinalayas ng biglaan
Gulong-gulo na parang walang patutunguhan.

Naglakad patungo sa 'yong tahanan
Ilang beses kumatok sa pintuan
Luhaan ang aking mata nang 'yong buksan
At pansamantala sa inyo'y nanirahan.

Nanlulumo ang bungad ko sa'yo
Ako'y iyong inilalayan na muling makatayo
Pinunasan ang aking luha na nagbadyang tumulo
At sinabing "ayos lang 'yan at nandito pa ako".

Sa pag-aaral ako ay huminto
Inalagaan ka na lamang parang kayamanan ko
Naghanap ng trabaho para makatulong sa'yo
At para hindi maging pabigat sa buhay mo.

Isang gabi tayo ay magkasama
Malamig at sobrang tahimik sa sala
Tayo'y nagkatinginan sa mata
At sinabing gusto mo akong maikama.

Sa madilim na gabi, sa ilalim ng buwan ika'y nangako
Na hindi mo ako iiwan hanggang sa gumuho ang mundo
Gagawin mo akong parang reyna at pagsisilbihan ng husto
Ako ay napangiti at sinabing sa'yong sa'yo lang ako.

Ilang beses natin ginawa ang gusto mo
May nangyayari sa atin tuwing magkasama tayo
Hindi nagsisi sa ginawa nating bagong mundo
Na tayong dalawa lang at wala ng iba pang tao rito.

Isang araw sa may sala ako'y napatakbo
Hawak ang bibig at dumiretso sa banyo
Alam ang ibig sabihin kung ano nga ba ito
Ngunit hindi mapagtanto na umabot sa ganito.

Sa hapag kainan tayo'y magkasama
Inilahad sa'yo ang magandang balita kong dala
Sinabing nagbunga ang ating pagsasama
Ngunit ika'y nabigla at namutla.

Ilang araw kang walang kibo
Hindi makausap at sobrang pagkalito
Tinapat sa akin ang 'yong gusto
Na ipalaglag ang bata sa sinapupunan ko.

Hindi ako pumayag sa'yong hangarin
Nagalit ka at ako'y kinamuhian din
Ika'y nawalan ng oras at ng lambing
Nanlamig at kailan ma'y hindi namansin.

Hanggang sa 'sang araw ako ay 'yong sinaktan
Hindi ko malaman kung ano nga ba ang dahilan
Sapak dito, sampal doon ang 'yong parausan
Sa aking katawan na puno ng karumihan.

Hindi ko na lamang pinansin at nanatili sa'yo
Ngunit isang araw, ika'y nagtanong ng nakakalito
Ako ba o iyang bata sa sinapupunan mo?
Hindi makapili dahil mahal ko kayong pareho.

Walang oras na hindi mo ako sinaktan
Pisikal, kalooban at labis na kalungkutan
Minsa'y nagmakaawa sa 'yong karahasan
Itigil mo na bago pa umabot sa kasukdulan.

Sobrang pasakit ang aking nadama
Hanggang sa ang dugo ay lumabas bigla
Nakita ang pag-agos ng dugo sa aking hita
"Ang baby ko," bulong ko na sobrang hina.

Nakatulala sa labas ng bintana
Nang malaman na ang bata ay wala na
Sinisisi ang sarili sa pagiging tanga
Na dapat dati ay umalis sa buhay ng mahal niya.

Walang buhay ang katawan, sa pagkai'y walang gana
Dumating ang aking magulang na nag-aalala
Luhaan at walang salita ang bungad ko sa kanila
Nagsisisi sa lahat ng aking nagawa.

Dapat noong una ay hindi na nagmahal
Ang oras ko sana ay nasa pag-aaral
Hindi na kailan man lumiko sa landasan
At diretso lamang sa aking patutunguhan.

Pagsisisi hanggang sa huli ay aking dala
Bata sa sinapupunan ko sana ay buhay pa
Hindi na dapat mawawala
Kung una pa lang pinili ko siya.

Hindi na kailanman nagpakita sa'yo
Dahil nasasaktan ako ng husto
Sa tuwing haharap sa iyo'y hinang hina ako
Sa sobrang poot at galit na nararamdaman ko.

Salamat, huling salita ko sa'yo
Salamat sa mga panahong magkasama tayo
Salamat sa pagiging inspirasyon ko
At sa pagbibigay ng anak kahit ayaw mo.

Maging masaya ka sana sa buhay mo
Tanggapin lahat ng bagay na pinagkaloob sa'yo
Dahil minsan lang mangyari yan sa mundo
Ang maging isang ama ng magiging anak mo.

Hindi na tayo'y maglalandas pa
Ikaw sa bagong buhay na meron ka
At ako sa bagong mundo na wala ka
Na dapat noong una pa lang binuo ko na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro