Amang kahanga-hanga
Amang kahanga-hanga
Aming inaalay tulang kinatha,
Para sa mga taong tinatawag nating "Ama",
Kaakibat ay pag-ibig, sa pagbigkas ng bawat salita,
Abot langit na pasasalamat, nais iparating at ipadama.
Upang tugunan ang aming pangangailangan,
Lahat ay gagawin, walang hindi susubukan,
Sana'y pagdating ng araw aming masuklian,
Ang inyong paghihirap, pagod at kabutihan.
Mapalad na tayo'y biniyayaan
Ng mga ama na tila anghel ang katangian
Ginagapang ang lahat, para sa ating kinabukasan
Kaya nama'y lubos namin kayong hinahangaan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro