Akala ko
Akala ko...
Noong bata pa lang ako
Marami ng tanong sa isip ko
Mga tanong na pabago-bago
Mga tanong kung ano at paano
Anong meaning ng pagmamahal?
Anong feeling ng may nagmamahal?
Masarap bang magmahal?
O kung ito ba ay nagtatagal?
Akala ko kapag nagmahal ako
Ako na ang magiging pinakamasaya sa mundo
Na akala ko kapag nagmahal ako
Ako na ang magiging ilaw sa madilim mong mundo.
Akala ko rin kapag minahal kita
Ikaw at ako ay sapat na
Na akala ko kapag minahal kita
Magiging sobrang saya na
Akala ko pinagtagpo tayo ng tinadhana
Na ikaw at ako ay para sa isat isa
Pero parehas lang din pala tayo ng iba
Na tayo'y pinaghiwalay na lang din bigla.
Sobrang sakit ba?
Na sa lahat ng akala ko'y totoo na.
Na sa lahat ng akala ko'y mangyayari na.
Pero akala ko lang pala.
Sana hindi na lang ako umasa
Sana hindi na lang ako nagmukhang tanga
Dahil napatunayan kong, mas masakit pala ang pusong nasugatan
Kaysa sa tuhod na nagasgasan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro