Aasa pa ba o Susuko na?
Aasa pa ba o susuko na?
Isang araw tayo'y nagkita
Nakatitiig sa mata ng isa't isa
Biglang sumibol ang ngiti sa mukha
Sinabi sa sarili na ikaw na nga.
Madalas tayong magkita
Madalas din kung tayo'y magsama
Masayang nagpapalitan ng balita
At parang sabik sa bawat isa.
Hindi mapigilan itong nadarama
Nagtapat sa'yo na mahal kita
Nakatingin sa 'yong mata
Umaasa na sana ganoon din ka.
Ngunit isang araw ika'y nakita
May magandang babaeng kasama
Ako ba'y pinagpalit mo na,
Kung una wala naman talaga?
Pero nang ika'y magtapat ako'y nabigla
Ako rin pala'y mahal mo na
Pero napangisi nang may maalala
Babaeng maganda na iyong kasama.
Ano itong aking nadarama?
Tama bang magkagusto sa'yo ng bigla?
Tama bang makita kang masaya sa iba?
Dapat na bang sumuko o aasa pa ba?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro