Kabanata 28
NOTE: MAY BRUTAL SCENES DITO. MAGBASA NA IKAW LANG ANG MAKAKAKITA. SALAMAT!
Eartha's POV
Siguro nananaginip na naman ako. Hmmm ang gulo ng isip ko ah...
"Kung gusto mo'ng iligtas ang buong mundo. Kailangan mong sumulong! "
"Huh? Kanino mo naman sinasabi 'yan, ha? "
Nahulog yata 'ko sa sahig sabay umikot-ikot patungo sa hagdan. Putekk, medyo masakit 'yon ah.
Ano nga ba'ng napanaginipan ko? Ba't ang gulo? Arghhhh!
"Talagang ako lang ba mag-isa rito? Tsaka ganito ba talaga kaiksi 'yung buhok ko? Teka! Lumuluha ba 'ko? "
"Gising ka na pala? "
Aba! Malamang, hindi pa ba halata?
Napabuntong hininga si Myrtle, "Alam mo, ganiyan ka ba talaga makipag-usap? E-Eartha, umiiyak ka ba?"
"Hindi ko alam... siguro? HAHA, ang tanong bakit ka nandito? Tsaka ganito ba talaga katahimik sa tahanan ko? "
"Hindi mo naaalala? Wala na sila, 'di ba? "
"W-Wala? Ang gulo, ah—"
"Hindi mo natatandaan?! Namatay sila sa pagliligtas sa'yo. "
A-Ano? Kung pwede lang sanang ulitin. Sandali, talagang naguguluhan talaga 'ko.
"EARTHA! GUMISING KA NA DIYAN—!" Kumukolong dugo na pagkasabi ng Toyo este Tiya ko.
Sabi ko nga gising na 'ko. Kailan pa ba siya umuwi?
Napailing-iling ako dahil kulang yata ako sa tulog o kulang 'yung malakas na sigaw niya kanina, "S-Si Mama po? Tsaka si Tiyo? Nasa'n po sila? "
"Sa bagay, maaga silang lumuwas. May hinahanap silang importanteng bagay. "
Importanteng bagay? Ano pa ba'ng importante bukod sa'kin? Joke lang... Siyempre talagang importante 'yon, talagang importante!
"Ibig sabihin, ako muna ang bahala sa ensayo mo! "
"Huh? Mayroon akong diskarteng hindi alam kaya naman po, wala muna 'ko sa mga ipagagawa niyo. Maliwanag po ba 'yon? "
"Maliwanag pa sa sinag ng araw? Siyempre hindi! Ganiyan ka ba talaga makipag-usap, ha? "
"Kung iisipin oo, kung iintindihin, hindi. Okay na po? Paalam? "
"Ikaw talagang bata ka—!"
"Sisigawan niyo na naman po ba 'ko? Heto po 'yung speaker tapos magsalita po kayo."
"Ang talino mo talaga! Hanep! "
"Mas matalino pa po sa inyo! Bleh! "
****
"ISANG maaraw na araw ngayon, ha? Tama, Hugo, Itay, Blaze, Aqua? "
Kasunod ay napabuhos nang malakas na ulan na siya namang sumira ng araw ko. Tama, sumira ng araw ko.
"Kaya sana magkita-kita tayo sa ibang buhay, 'di ba? Sa ibang buhay ay papananatilihin ko kayong lahat. "
Isang mahabang hikab na gawa ni Arthur , "Anong meron sa malamig na boses na 'yun? Nasaan ang masasayang ngiti ng Daigdig sa nakaraan? "
"Sino'ng daigdig ang tinutukoy mo? Tsaka, talaga ba'ng dito ka natutulog sa libingan ng mga patay? " Pairap kong sabi.
Ang lamig pala rito. Nakakamiss pumunta rito. Sana masaya na ang mga taong pinapahalagahan ko noon.
Binalutan niya 'ko ng isang pulang bandana (scarf). "Mainit na ngayon, hindi ba? Maaari mo akong tawagan kung mayroon kang problema, alam mo?"
"O-Oo, salamat. Ipagpapatuloy pa ba natin ang misyon natin? "
"Hmmm? Maghintay tayo sa tamang oras."
"Oyyy! Kayo talaga! Bakit 'di niyo man lang 'ko sinama, ha? "
"A-Aileen? Ano'ng meron? "
"Ano 'ka mong meron? Hayst, kayo talaga. 'Di niyo sinabi na rito lang pala tayo magkikita-kita. "
"A-Ano, ano'ng misyon ang pinag-uusapan niyo? Tsaka ano 'yung sinasabi niyong maghintay tayo sa tamang oras? "
Delbert?! Nananaginip lang ako, tama?
Napatitig kami kay Delbert, "H-Huh? 'Yung misyon? Ahhh! Baka 'yung misyon na pinapagawa sa'min. 'Di ba, Aileen? "
"T-Tama. Sasama ka ba para tumulong sa'min, Delbert? " tanong ko.
"A-Ah... hindi na! Mauuna na 'ko! " Humarurot nang takbo si Delbert at sinundan naman nina Aileen at Arthur.
Masama ito... may nakarinig ng plano namin. Bakit... bakit ngayon pa? Siguradong tatapusin kaagad ni Arthur ang buhay ni Delbert dahil sa mga salitang binanggit niya. Hindi... hindi mangyayari 'yon.
Kaya sinundan ko sila sa abot ng makakaya ko. Hanggang sa....
"Eartha! Tulong—!" Nanginginig na pagkakasabi niya habang kinakagat ang mga labi na parang pusang takot na takot.
"Mabuti't narito ka na, Eartha. "
"A-Arthur, ano'ng nangyayari? Huwag mo'ng sabihing–"
"Kailangan natin siyang tapusin kahit ano'ng mangyari."
Pinagpapawisa't kinakabahan na ang damdamin ko, "H-Hindi! May iba pang paraan hindi ba? Tama ako? "
"SA TINGIN MO?! MAY IBA PA BA'NG PARAAN? " sambit ni Aileen.
"Eartha... Nakikiusap ako, tulungan mo ko! Eartha! Eartha! Eartha! "
"Mamili ka, Eartha. Sa kaniya o sa dedikasyon mo? Eartha! Eartha! Eartha! "
Tinadtad ko nang saksak mula ulo hanggang paa. Kasabay nang pag-agos ng kaniyang dugo.
Hindi ko na kaya. Ano'ng nagawa ko? May utak pa ba 'ko? Itutuloy ko pa ba 'to? Sino... pa ba... ako?
"Magaling, Eartha. Siguradong hangang-hanga ang ama mo sa ngayo—"
"Tama na! Ayokong marinig ang kahit ano tungkol sa kaniya, pwede ba? "
"Patawarin mo 'ko, Delbert. P-Patawad.…"
"Huwag nang humingi ng tawad. Ang importante ay mabigyan natin siya ng isang kahanga-hangang libing."
Konsensya ba 'to? Poot ba ito?
"Itigil ang pagpapanggap. Mabuti ang ginawa mo kaya't huwag kang magtaka na gawin mo iyon alang-alang sa iyong ama," Pahayag ni Aileen.
Tama siya... hindi, mali 'yon. Gulong-gulo na talaga 'ko. Poot ba 'to?
"Ang sarap sa pakiramdam, hindi ba? " wika ni Gale.
"Maaari ba'ng iwan niyo muna kami? "
"Nasilayan ko ang lahat-lahat ng pangyayari kaya naman ay binabati kita, Eartha. Sana'y naintindihan mo na kung bakit may poot ang mundo. "
Poot?! Ito ba ang pakiramdam ng poot? Tila tinik sa lalamunan at damdamin ang poot.
"Kung gusto mo'ng iligtas ang lahat-lahat, nagsisimula 'yan sa poot. Naintindihan mo na ba? "
Hindi... hindi totoo 'yan! Ang paghihiganti, ang pinakamatamis na piraso ng bibig sa kailanman na luto sa impyerno.
Hindi ba, ama? Kaya't ano 'tong nararamdaman ko? Ano'ng nangyayari sa'kin? Hindi ako 'to.
"Tanggapin mo na, Eartha. Habang nabubuhay ka ay permanente na ang mga nangyayari sa mundo, kaya't napakaganda, hindi ba? "
"Siya nga pala, hindi muna 'ko magpapakita sa mahabang panahon kaya ingatan mo muna 'yung sarili mo," dagdag ni Gale.
Ano naman? 'Kala niya may epekto sa'kin 'yon? Wews! Kainis siya.
****
ANO'NG ginawa ko. Nakagawa ako ng mali.
"Eartha! Eartha! Eartha! Eartha Ellison! " Sigaw ng sigaw si Myrtle dahil hindi ko lang siya pinansin nung nakaraan.
"May problema ba? "
"Wala, okay na? Nasagot ko na ba 'yung tanong mo? "
"Parang nasa moody ka ngayon, ha? Nandito lang ako kapag kailangan mo 'ko."
"Hindi ko pa kailangan ng tulong mo. Ngunit salamat, maaari ka nang umalis ngayon. Hanggang sa muli! "
"Phew! Paano kung muli nating isulat ang mga bituin, Hugo? "
"At sabihing itinadhana ka sa'kin? "
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro