Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 27


Nasa kalagitnaan na ng gabi ngunit hindi pa rin talaga ako makatulog.

"Ano'ng mayroon, Eartha? May problema ka ba? " sabay hawak sa balikat ko.

"M-Myrtle?" Napabuntong hininga ako. "Uhm. Nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan kanina ng isa kong kakilala."

Tinitigan niya ako na parang nag-aalala ba ito o kung ano, "Huwag mong sabihing si Gale ang tinutukoy mo, ha? " ngumisi siya.

Nanginig ako at napatitig nang malamig, "O-Oo siya nga, ngunit kaibigan ko pa rin siya. Ayos lang na nagkaroon kami ng ganoong pag-uusap, hindi ba? " tanong ko.

"Literal na ayos lang naman pero alam natin na tinalikuran niya na ang lahat-lahat kaya magpatuloy ka sa iyong buhay. "

"Siguro… siguro hindi niya lamang talaga naintindihan…."

"Alam mo, Eartha. Kung ayaw niya talaga tayong kasamang tatlo ay ipagwalang-bahala mo na lamang ang lahat. Natatandaan mo ba si Hu—"

Napalunok ako at napapikit na lamang, "Si Hugo ay magkaiba kay Gale, malaki ang kaibahan nila sa isa't-isa. Ngunit, ayokong isinasali si Hugo sa kahit ano'ng usapan." sambit ko.

"P-Pasensya na. Ang punto ko lamang talaga ay kalimutan mo na ang nakaraan at magpatuloy sa hinaharap," Pahayag niya.

"Paano ko makakalimutan ang nakaraan kung palagi ko na lamang naiisip ang nakaraan? Paano?! Pagod na pagod na 'ko! "

Niyakap ako ni Myrtle ng biglaan, "Nandito lamang ako palagi kahit ano'ng mangyari."

****

Pa'no kung magkatotoo ang mga ipinakita sa'kin ni Gale kahapon? Hindi… hindi maaaring magkamali ang hinaharap. Pero ano'ng gusto niyang iparating?

Ang mga dahon ay nahuhulog mula sa mga sanga ng puno? Hindi, hindi na talaga ako maniniwala sa kalokohan ni Gale. Paniguradong ilalagay niya na naman ako sa ilusyon.

"Mga taong nagiging mabalahibo.…" isang ihip ng hangin ang bumulong mula sa tainga ko.

"Sino ka?! Ano'ng kailangan mo?! " napatitig na lamang ako sa kaniyang mga mata at naging dahil para bumilis ang tibok ng puso ko.

Napangisi siya, "Kamukhang-kamukha ka talaga ng ama mo.…"

Kalaunan ay nawala kaagad ito?! Ano 'to, laro?! Tsk! Palagi na lamang ba na ganito iikot ang mundo ko, ha?

May-akda: Pasalamat ka nga't buhay ka pa e. Dami mong rason ah!

Huh?! Ibig sabihin may mangyayari sa'kin?

May-akda: Tumahimik ka nga! Ngayon nga lamang ako nakapagsulat tapos ganiyan pa ibabantad mo sa'kin?! May papel ka pang gagampanan, oy!

E 'di, salamat sa lahat-lahat!

"Eartha, tama? Kukumpirmahin ko lamang kung tama ba? " kwestyon niya.

"Hayss may sakit ka ba sa utak, ha? Malamang sino pa ba, Delbert? Ano ba'ng kailangan mo? " nagcross arm ako at sabay irap.

Pilit nitong ngiti sabay hawak sa batok, "Wala naman, tsaka bakit ganiyan ka magsalita? Parang kakaiba... Aaayain ka sana namin ng Pangkat apat at lima kasama si Myrtle na kumain? "

"Wala akong gana. May balita na ba kay Gale? Alam na ba kung saan siya matutunton? " pagsisinungaling ko.

Nagpakita siya nang gulat na mukha, "S-Si Gale? Uhm... wala pang balita tungkol sa kaniya, d-'di ba? "

"Umalis ka na lang, gusto ko munang mapag-isa, pwede ba? "

Napalunok ito, "Kung magbago ang isip mo, pwede kang pumunta sa pupuntahan namin. Sige... paalam."

Nasilayan ko kahit na kilometro ang layo ng mga kasamahan ko na nagkakatuwaan kasama na si Myrtle siyempre, oo si Myrtle. Siya na laging nakapagpapatibay sa'kin. Siguro oras na rin para tumayo ako sa mga paa ko.

Oras na rin para panindigan ko kung ano ang paniniwalaan ko kahit na nangangahulugang tumayo ako.

"Eartha? "

Hindi ko ito pinansin sapagkat siya 'yun, siya at wala ng iba pa. Sino pa ba? E 'di si Gale na parang bula. Susulpot at mawawala na lang sa huli.

"Alam ko kung bakit ganiyan ang reaksyon mo ngunit umalis ako dahil may rason ako."

Napabuntong hininga ako nang biglaan, "Alam ko kaya pinabayaan kita 'di ba? Kagaya nang ginawa mong pagbabaya noong una pa lamang! "

"Ibig sabihin alam mo lahat nang nasa isip ko? "

"Bob* ka ba, ha? Tinanggal ko ang salamin ko hindi ba?! Sumalubong si Hugo sa kanyang pagkamatay nang nakangiti. Matagal ko nang alam! Oo, masakit pero pinaramdam ko ba ang lahat ng iyon?! "

"Kapag sinabi kong hindi ito nasasaktan sa akin, nangangahulugang kinaya ko ito. Hindi na lamang ikaw ang nasaktan, Eartha. Pati ako, kasi nahuli ako nang dating. Kaya kasalanan ko ang lahat ng 'to." paliwanag niya.

"Hindi na ako mapapaikot ng mga salitang iyan. Labintatlo na tayo, hello? Hindi na tayo mga siyam na iyakin pa at uto-uto kagaya mo! Kaya kung ipapaalala mo pa ang lahat-lahat, umalis ka na lamang sa harapan ko kasi 'yun naman ang ginawa mo 'di ba? Aalis sabay lilitaw, ang galing! Ang galing-galing mo! "

"Siguro, tama ka nga. Oras-oras umaalis ako sa dala ng emosyon sabay babalik na lang kapag maayos na wala ng problema. Tinatakasan ko ang mga suliranan na alam ko namang walang mangyayari. Intindihin mo rin ako, wala na si Hu—"

Hindi ko na tinapos ang pagsasalita niya at umalis na lang ako. Ang sakit! Ang sakit-sakit kasi 'yung taong nagpaalala ng nakaraan 'yun pa 'yung mahalaga sa'yo. Hindi patas 'yun, hoy!

May-akda: Gusto mo bang mamatay na? Daming reklamo e. Tsk, bleh! Magdusa ka diyan, hayss. Ngayon na nga lang sinipag na sulatin ka tapos ganiyan pa. 2021 na oy! Gising na, Eartha!

Pati 'tong may-akda para walang pakialam hayss palibhasa siya gano'n din 'yung buhay kaya pinaparanas niya sa'kin lahat. Yawa hahaha.

May-akda: May sinasabi ka ba? Patayin kaya kita?

Oo na! Hayst! Nakakainis na buhay 'to. Puro patayan wala bang simpleng buhay lang 'yung parang sa buhay ng mga tao sa totoong buhay.

May-akda: Akala mo lang 'yun.

Huh? Ang weird?

May-akda: May kwento ka pa oy! Tumahimik ka na nga, dami mong satsat.

Siguro... siguro... hanggang dito na lang ako.

"Ano nang nangyari sa dating masiyahin na Eartha noon? Hmmm? "

"Iwan mo na lang ako, Alma. "

Napatingin siya sa langit, "Alam mo ba na mas lalong lumakas ang mga mata mo? Mas naging madilim 'yun, hindi ka ba natutuwa roon? "

"Ano naman, 'yun lang naman ang dahilan para mapatay ko ang lahat sa hinaharap—"

Napatingin ako sa kaniya na balot na balot ng dugo "Alma? D-Dugo? "

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro