Kabanata 20
Eartha's POV
Kumakain ako ng paborito kong pagkain sa kaininan nina Mang Roberto. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa huli kong misyon.
Nasilayan ko si Myrtle na parang may bumabagabag sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pero nasilayan niya ako at nagulat ito. Tumakbo ito papalayo at sinundan ko.
"P-Pa'no na? Ano ang gagawin ko? Kailangan kong rentahan si Eartha upang maging kasintahan ko ngayon. Wahh! Nakakahiya talaga ang misyong ito! " bulong niya.
"Sino'ng rerentahan mo bilang nobya mo, ha? Parang nabanggit mo yata ang ngalan ko," Tugon ko.
"H-Huh? Ayon kasi sa misyon na iniulat sa akin kanina ni Bb. Luna. Dadalo tayo sa isang pagpupulong na kung saan ay nabibilang doon ang magkakasintahan, upang hindi raw tayo makahalata ay dapat magpanggap tayo na magkasintahan. Pero… hindi ko sinabing gusto kong gawin ito. Ang ibig kong sabihin ay—" Pagpapaliwanag ni Myrtle.
Namumula ako o kung ano ano pa, "Mag-ingat ka, ang pakikipag-date sa akin ito ay tulad ng isang mapanganib na misyon. Nga pala, ano ang ginagawa natin kapag nando'n na tayo? "
Pinamula niya ang kaniyang pisngi, "Tinitipun nila ang sangkatauhan pagkatapos ay pag-eeksperimentuhan. Kung kalalabanin natin sila kaagad ay madadamay ang buong sangkatauhan, tama? "
"Magaling! Paminsan-minsan ay nag-iisip ka rin pala, Myrtle. Sige, magkita tayo mamayang alasais ng gabi. Ewan ko lamang kung mahuhuli ka pero aasahan kong darating ka! " sambit ko.
Pumunta ako sa opisina kung saan nagtatrabaho si ina. Kumatok ako sa pinto ngunit walang tumutugon. Naiwang nakabukas ang pinto, agad naman akong pumasok. Nasilayan ko ang isang asul na bestidong (dress) sweetheart at may nakasulat na isang maliit na liham na may nakasulat ang aking ngalan.
Isinuot ko ito at inaayos ang aking buhok. Tumingin sa salamin upang malaman kung maayos ba ang aking hitsura.
"Oh ikaw pala, Eartha. Naisuot mo na pala," Wika ni ina.
"Isinuot ko lamang 'pagkat nasilayan ko ang aking ngalan sa liham. Aalis na po 'ko," Pamamaalam ko.
"Alam mo ba na 'yan ang kasuotan ko sa una naming date ng iyong ama. Tiyak na ikinagagalak ka ng iyong ama na masilayan kang nakasuot ng bestidong iyan," Tugon niya.
"I-Ikaw po ba ang totoong ina ko? " tanong ko.
"Siyempre naman! Ako at ang iyong ama ay konektado sa aming mga damadaming dalawa," Sagot niya.
"Nagsisinungaling ka po! Bakit negatibo ang DNA results kina Myrtle? Papaano niyo po ipaliliwanag iyon?! " sambit ko.
"Dahil iyon sa bunso naming kapatid na si Hermione. Nagtaksil siya sa akin at inilagay ang DNA niya sa iyo, ginawa niya ito upang sa sandaling malaman mo ay kasusuklaman mo ako," Sagot niya.
Lumabas ang aking mga ugat, "Paano mo po mapatutunayan ang lahat? Lahat kayo… papaano ko kayo paniwalaan kung puro pagsisinungaling na lamang ang pinapakita niyo sa akin?! " sambit ko.
"Dahil mayroon ka sa mundong ito ... Eartha. Maiintindihan mo ang lahat ng iyon kung nasa tamang lugar ka na. "
Lumisan ako at gumawa ng kamao. Sinuntok ang salamin. Salamin na nakatapat kung sino ba talaga ako. Mag-aalasais na pala, siguro ay paroroon na ako kung saan kami nagkita kanina.
****
"Himala! Narito ka na pala, Myrtle. Ikinagagalak kong masilayan ka sa gabing ito. Tandaan, walang kahulugan ang date na ito, okay?" wika ko.
"A-Amm okay! Alam ko naman eh! Uupo ako sa tabi mo. Ibig kong sabihin ay—! " pautal-utal niyang iwinika.
Hinila ko ang kamay niya at tumakbo nang mabilis.
"T-Teka lamang Eartha! Saan pala tayo paroroon? " tanong niya.
"Kanina pa tayo naririto. Nanaginip ka ba nang gising o lutang ka lang ngayon? "
"M-Meron sana akong gagawin mamaya sa'yo," Bulong niya.
"Ang bastos mo! " tugon ko.
"H-Huh? Ano ba'ng pinagsasabi mo? Ang gusto ko lamang sabihin ay ihahatid sana kita mamaya pagkatapos nang misyon natin. Ang dumi ng isip mo,lutang ka ba? Parang mas lutang ka pa sa akin eh," Pagpapaliwanag niya.
"Heto ang plano, si Anda ang mastermind ng mga ginagawa nilang experimento. Kung sakaling mahuli natin ang taong ito ay tatawagan natin sina Tiyo Glynis. Kung sakaling mang hindi ay kailangan nating mapakawalan ang lahat ng pinag-eexperimentuhan," Estratehiya ko.
Pumasok na kami sa silid. Masyadong galante ang silid na ito. Pati rin ang mga dumalo, napakagalante. Mayayaman pa at punong-puno ng aksesorya. Simula sa paa hanggang sa katawan.
Biglang umilaw ng pula ang mga iluminasyon. Mukhang may tudlaan (target) silang patatamaan. Sa liit ng ilaw na ito ay hindi mapapansin kaagad. Agad ko namang ipinalabas ang mga shadow clones ko. Sinugatan nila ang isa sa mga clones ko at biglang lumaki ang katawan nito pagkatapos ay sumabog.
"Ganito pala kung paano mo ginagawa ang sumasabog na mga tao, Anda? "
Itinaas ko ang kapira ng bestido sa harap ng aking tuhod. Kinokolekta ko ang lahat ng tela sa harapan ko. Hinila ko ang natipon na tela sa pagitan ng aking mga binti, inilipat sa isang pad. Kinukuha ko ang kalahati ng tela sa bawat kamay ko upang makagawa ng mga pakpak. Sa wakas, nagtali ako ng kaunting tela. Ikaw ay isang dragon. Ikaw ay isang apoy. Ikaw ... ay ... KAMATAYAN.
"Isang elite ninja na galing sa Earthall. Nakatutuwang isipin na ipinadala ka para talunin ako. Ngunit… Hindi ako magbibigay ng awa sa iyo! " sambit niya.
Nagpamalas siya ng mga solitaryong baraha at lumabas ang mga shuriken at kunai. Ihagis ko ang aking mga shuriken at ibinigkas ang salitang "Ibukas ang mata! "
"Galing ka pala sa mga angkan ng Meadow. Sabihin mo, ikaw ba si Eartha Ellison? " tanong niya.
"Ano naman kung ngayon? "
Inihagis niya ang usok na gas na nagsilbi upang magpatulog ng isang nilalang. Marami akong nalanghap na gas at medyo nahihilo na ako. Tinurukan pa 'ko ni Anda upang mawalan ako ng malay.
****
Nagising ako na nakagapos sa isang tagong lugar. Hindi ko batid kung makaliligtas pa ba ako o hindi.
"Maganda kang pag-eksperimentuhan 'pagkat may kakayahan ka na galing sa dugo ng mga Ellison. Tamang-tama ito para mapagaling mo ang nabigo kong experimento. Kung gagawin mo ito ay makaaalis ka na. Bibigyan lang kita ng limang minuto bago mo gawin ang adhika ko kung hindi, mamatay ka sa kamandag na ilalagay ko," Adhika (nais/gusto) niya.
"Limang minuto na ang nakalipas. Ano na ang pasya mo? " tanong niya.
"Hindi! Hindi ko gagawin ang adhika mo! " sambit ko.
Siguro ay dito na nagtatapos ang kuwento ni Eartha Ellison. Kailangan ko pa ring makaalis dito.
Isang malakas na pagsabog ang inilikha ni Myrtle. Ginawa niyang yelo si Anda. Binuhat niya ako at hawak-hawak ang kapiraso ng asul at lila kong buhok. Lumisan kami sa lugar na iyon.
Habang tinititigan ko ang kanyang mga mata lahat ay tumahimik pagkatapos bigla akong nakaramdam ng isang mainit na lugar kung ito lang sa akin at sa kanya dibdib sa dibdib, tibok ng puso sa tibok ng puso. Nakakalimutan ang lahat at nakatuon sa kamangha-manghang sandali na ibinabahagi natin sa ilalim ng maliwanag na langit kung ang mga bituin ay nakakatugon sa buwan. Dinamdam ko ang pakiramdam na ito at hinigpitan ko ang hawak sa kaniya.
"Bakit… Bakit mo 'ko iniligtas? Dati ay wala ka namang pakialam sa'kin kapag nangyayari sa'kin ang mga ganitong bagay," Wika ko.
"Dahil alam kong malakas ka, "Sagot niya.
Lumapag na kami at tumungo sa aming tahanan. Nasilayan ko ang pag-ilaw ng puting onyx ni Myrtle. Umilaw din ang kulay-abo na onyx ko. Ano'ng pahiwatig ito?
"Siya nga pala. Salamat, Myrtle." Pasasalamat ko.
"Paalam na Eartha! Baka maabutan pa 'ko ni Tiyo Glynis," Pamamaalam nito.
"Oh! Narito ka na pala, Eartha! Gutom ka ba? Ipaghahanda kita kung gusto mo," Pag-aayaya ni Tiyo.
Para siyang si Kuya Blaze noon. Masyadong maalaga pagdating sa'kin.
"Busog pa po ako. Sige magpapahinga na po ako," Sambit ko.
Umakyat ako sa ikalawang palapag ng aming bahay. Pumasok ako sa aking silid at binuksan ang mga bintana. Tintigan ko ang mga bituin at nagpakita ang isang bulalakaw. Ako'y natutuwa at humiling. Humiling na sana magbago na ang lahat. Ano ba'ng pahiwatig ito?
🎶Nag-iisang muli, yakap-yakap ng ulan sa lupa
Maghihintay nalang ng muling pagdating mo
Bakit kaya pinagtagpo kung tayo'y magkakalayo
Mahirap man puso'y mananatili sa iyo
Umaasang muli kang makasama
'Di man makita sa ngayon
('Di man makita sa ngayon)
Pagkat pag-ibig kong ito'y laan sa iyo
Apoy ng puso ko'y Maghihintay
Sa bawat sandali luha'y napapawi ng hangin
Maghihintay pa rin maging isang ating mundo
Tayo'y muling magtatagpo kahit ngayo'y magkalayo
Ang buhay ko't puso'y mananatili sa iyo
Umaasang muli kang makasama (muling makakasama)
'Di man makita sa ngayon
('Di man makita sa ngayon)
Pagkat pag-ibig kong ito'y laan sa iyo
Apoy ng puso ko'y Maghihintay
Ipaglalaban ka kahit na umabot pa
Hanggang sa dulo ng huli kong paghinga
Maghihintay... maghihintay... maghihintay...
Tayong dalwa'y muling magkakasama
Darating din ang panahon
Pagkat pag-ibig kong ito'y laan sa iyo (pag-ibig ko'y iyong iyo)
Apoy ng puso ko'y Maghihintay🎶
Paano na kaya ang pag-ibig niya kay Gale? Isa ba itong love triangle?
Title: Maghihintay
By:Gabbi Garcia and Christian Bautista
Cttro of all of the resources.💐
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro