Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2


ANG KONTINUASYON NG KABANATA 1

Eartha's POV

"A-Ama?! Ano't naririto ka?! " nag-aalala kong tanong.

"Nais kong maging mapayapa ang buong Oceania of Arizona, bago pa man ako mawalan nang hininga sa ilang sandali," Sagot niya.

"Kahit ama pa kita ay kalalabanin kita. Simula ngayon ay 'di na kita kinikilalang ama sa aking buhay," Wika ni Blaze.

Lumalabas ang aking mga ugat,"Taksil! Walang hiya ka! "

"Wala kang mapapala, matandang lalaki! " sigaw niya.

Ngumiti ako, "Ang ninja ay hindi kaagad natatalo. Wala akong ibang dahilan para kalabanin ka, Blaze."

Bumagsak ang panga niya, "Hindi mo alam kung sino ang kaharap mo, Eartha. 'Di mo ako gaanong kilala…"

"Bakit hindi mo 'yan banggitin sa iyong sarili, kapatid? 'Di mo gaanong kilala ang iyong sarili pagkat mali ang tinatahak mo," Sagot ko.

"Pasaway! 'Di ka talaga nagbabago gaya ng dati," Wika niya.

Isang malakas na pagbasabog ang naganap. Ngunit wala ito para hadlangan ang aking mga pangarap at mga hangarin sa buhay.

"Earth Style: Earthall barrier," Sambit ko.

"Death Clone! " sigaw ng ama ni Gale.

"Eartha… Umalis ka na pagkat mapanganib ang kaniyang kapangyarihan. Hindi mo siya kakayanin," Sambit ni ama.

Napabuga ako ng hangin, "Hindi kita maaaring iwan, ama. "

"Sige na, Eartha. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ko kayong magkakapatid," Mungkahi niya.

Nag-pacing ako pabalik-balik, "Mahal din kita, ama. "

Naglaho ako na parang bula. Ngunit 'di ako umalis pagkat nagtago lamang ako. Gusto kong makatiyak na walang mangyayaring masama sa aking ama.

"B-Blaze, paumanhin ngunit dito na nalalabi ang aking buhay. Sana'y malaman mo ang mga natitira pang mga bagay na nais mong malaman." Pautal-utal na pagbigkas ni ama.

"Tumigil ka na! 'Di na kita kakailanganin pa! Oras mo na para mawalan nang hininga," Sambit ni Blaze.

"Anak… Napatawad na kita," Mungkahi ni ama.

"Ama! " sigaw ko at lumapit ako sa kaniya.

"E-Eartha… Patawad…" Wika niya.

Bigla akong lumakas pagkat ipinasa sa'kin ni ama ang malamahika niyang kapangyarihan.

Humihingal siya at umiyak, "Pasaway! Magsama na kayo, Eartha! "

Umiiyak ako na parang ilog,  "Taksil! Lapastangan ka sa pamilyang Ellison! Simula ngayon ay wala nang saysay ang ngalan mo sa aming pamilya! Huwag mong asahan na tatanggapin ka namin! "

Bumaliktad ang ngiti ko, "Mapahamak ka, Blaze! Tang* ka! "

"Lapastangan! " sigaw niya.

Naglaho ako at isinama ang aking ama.

"Ama… Gagaling ka, pangako ko 'yan. Ililigtas kita. Mabubuhay ka pa, ama. Kaunting tiis na lamang," Sambit ko.

"E-Eartha… Patatagin mo ang iyong sarili. Basahin mo ang liham kapag nasa tamang edad ka na. Mahal ka namin ng iyong ina. Ang liham na 'yon ang makapagpapabago ng buong Oceania of Arizona." Sambit niya at nawalan na siya nang hininga.

"Ama… Ama! Huwag mo naman kaming iwan nang ganito…"

"Bibigyan kita nang hustiya, ama at para sa buong Oceania of Arizona. Mas lalo akong magpapakatatag."

"Eartha? " wika ni Aqua.

"A-Aqua…" Sambit ko.

"Si ama? Bakit 'di mo siya kasama? " tanong niya.

"S-Si ama… Pinaslang ni Blaze si ama," Sagot ko.

"A-Ano?! Nagkakamali ka yata, Eartha? 'Di maaaring gawin ni Blaze 'yun," Sambit niya.

"Totoo, Aqua… 'Di ako maaaring magkamali pagkat kasama ko siya. Narito siya," Mungkahi ko.

Nagsimulang tumulo ang kaniyang mga luha, "A-Ama… "

"Hindi! Hindi! Lapastangan ka talaga, Blaze!! " sigaw niya.

"Eartha… Eartha, ligtas ka! " tugon ni Gale.

"Bakit malungkot ang iyong damdamin? " tanong niya.

"P-Patay na ang aking ama… Pinatay ng sarili naming kapatid," Pagpapaliwanag ko.

Nanlaki ang mga mata ni Gale, "Pinaslang ni Blaze ang sarili niyong ama?! "

"Kasama rin dito ang iyong ama, Gale." Wika ko.

"S-Si ama?! Hindi! " sigaw niya.

"Ako mismo ang magpapatunay na 'di totoo ang iyong binabanggit, Eartha. Ipapakita ko ang katotohanan! " sigaw niya.

"Parehas lamang tayo, Gale. Iisa ang ating nararamdaman. Ngunit batid kong gagamitin ni Blaze ang kaniyang kapangyarihan. Kaya'y kailangan nating mag-ensayo at para matalo natin sila," Mungkahi ko.

"Tayo na sa akademya. Hinihintay na tayo roon. Sasama ka ba, Gale? " wika ko.

"Nais ko munang makatiyak. Mauna na kayo, Eartha." Tugon niya at naglaho ito.

"Mahina, Gale ... Hindi niya makakaya ito pagkat nanlalambot ang kaniyang damdamin."

"Eartha? Bakit puno ka ng galos? " tanong ni Lady Luna.

"L-Lady Luna… Patay na si Ama," Sambit ko.

"Si Sensei Hecate?! 'Di ito maari. Sino ang pumaslang sa kaniya? " tanong niya.

"S-Si Blaze at si Sensei Cesar…" Sagot ko.

"Kamalasan! Halina't gamutin natin ang iyong mga galos," Giit niya.

"Hindi na, Lady Luna. Kaya ko nang gamutin pa ito," Sagot ko.

"May galos ka, kaya marahil ay mahina ka. Ako na ang gagamot niyan," Mungkahi niya.

Oo nga pala, may kakayahan din siyang makapagpagaling ng kahit anong nilalang kagaya ko. Pero mas malakas siya kaysa sa'kin.

"Lady Luna… Kilala niyo ba ang aming ina? " tanong ko.

"Oo naman… Makikilala mo rin siya pagdating ng araw," Mungkahi niya.

"Wala na kaming tagapangalaga at ang aming tahanan ay wasak na. Pagkat nandoon si Blaze. Kasalanan ko kung bakit napaslang si ama."

"Hindi mo kasalanan, Eartha. " Wika ni Aqua.

"Kasalanan ko… Alam kong ikakahiya mo ako at kasusuklaman," Sambit ko.

"Hindi totoo 'yan! Kapatid din kita, Eartha…" Mungkahi niya.

"Sumama kayo sa'kin, Eartha." Tugon ni Lady Luna.

"Mabuti at dito kayo nagtungo, Eartha. " Wika niya.

"Dito lamang ang aming mapupuntahan. Kung babalik kami ay mapapahamak kami nang todo," Giit ko.

"Batid kong ipinasa sa'yo ng iyong ama ang malamahika niyang kapangyarihan, tama? " tanong niya at tumango naman ako.

"Kailangan mo itong pag-aralan nang mabuti... Gusto mong iligtas ang iyong kapatid, di ba? " mungkahi niya.

"Nais kong bumalik ang dati naming kapatid! Iisa ang aming hangarin," Sambit ko.

"Magaling! Mag-uumpisa kaagad ang ating pagsasanay kinabukasan, Eartha." Mungkahi niya.

"Pa'no si Aqua? Tsaka si Gale?" tanong ko.

"Bukas ay kayo ang pangkat tatlp, Eartha. Samantala si Aqua ay na sa pangkat lima. Pinagpangkat-pangkat para ito'y mapadali," Tugon niya.

"Ngunit sino ang aking makakasama sa pangkat na iyong binanggit? " tanong ko kay Lady Luna.

"Si Gale at may isa na mamanggha ka kung sino siya. Abangan niyo na lang, Eartha." Wika niya.

"Maraming salamat talaga, Lady Luna." Pagpapasalamat ko.

"Malaki ang utang ko sa iyong ama, Eartha." Sambit niya.

"Sige… Paalam, Lady Luna! " pamamaalam ko.

Saan naman kaya patungo si Eartha?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro