Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19


Eartha's POV

Sa isang tagong lugar ay nag-eensayo ako. Isang lihim na ensayo.

Isang hindi pangkaraniwang tunog ang aking narinig. Ngunit bakit walang tao? Ako lamang mag-isa ngunit bakit nagkakaroon ng mga misteryosong ganito.

"Alam kong nandiyan po kayo… Tiyo Glynis," Sambit ko.

"Dito ka pala nag-eensayo ngunit bakit sa tagong lugar pa? Maaari naman kitang tulungan sa mga bagay na 'yan," Mungkahi niya.

"Kung gano'n, maaari niyo po ba akong turuan sa paglunas. Tutal, isa po kayo sa mga angkan ng mga manggagamot," Mungkahi ko.

"H-Huh? Sige pero pangunang lunas pa lamang ang kaya ko. Pero maaari mo naman 'tong hiramin. Isa iyang kuwardeno na dekada na ang tanda, naglalaman iyan ng mga sikretong paglulunas na ang angkan lang natin ang nakaaalam," Sagot niya.

Napakunot noo ako, "T-Teka po muna, ang sabi niyo po ay pangunang lunas pa lamang ang kaya niyo. Ibig sabihin ay hindi niyo pa alam ang mga siruhiya (surgery)?! "

"Kapag hinuhusgahan mo ang iba, hindi mo sila tinutukoy, tinutukoy mo ang iyong sarili," Saad niya.

"Nakuha ko na, dapat po ay alamin ko muna ang na sa loob at hindi ang na sa labas na kaayuan ng isang nilalang, 'di po ba? " sagot ko.

"Wow! Hindi ko akalaing maiintindihan mo ang palaisipan na kagagawa ko lamang. Hayy, simula ngayon ay dito na ang taguan natin," Mungkahi niya.

"Earthall… mga hilaw na bahay! " sambit ko.

Lumikha ako ng bahay na gawa sa kahoy. Medyo mahirap ito pero gaya nga nang sabi ni Tiyo Glynis ay ito na ang magiging taguan namin.

"Kamangha-mangha! Sana ay makagawa ka pa ng ganiyan," Wika niya.

"Ugh… Madaling banggitin ngunit mahirap gawin," Bulong ko.

"May binabanggit ka ba? Muntik ko na talagang makalimutan! Heto pala ang mga impormasyon para sa gagawin ninyong tatlo," Tugon niya.

"Tatlo? Akala ko po ba ay isa po kaming grupo?" tanong ko.

"Tama ka, pero tatlo lamang ang kailangan para rito. Ang pangkat tatlo pa rin naman ang kasama mo," Dagdag niya pa.

"Sige po, aalis na po ako. Pakisabi po na… hindi bale na lamang po," Pamamaalam ko.

****

Nasaan na kaya 'tong tatlo. Hmph, lagi na lamang ganito. Tama! Bakit 'di ko kaagad naisip? Hays ang hina ko talaga!

Pumaroon ako sa tahanan nina Myrtle. Kumatok ako sa pintuan at naghintay.

"Oh, ikaw pala Eartha. May kailangan ka ba? " tanong ni Gng. Hawthorne.

"Paumanhin kung naabala ko po kayo, nais ko lamang pong malaman kung narito po ba si Myrtle? " tanong ko.

"S-Si Myrtle? Kaalis niya lamang, lumisan siya para kumain doon sa tindahan nina Mang Roberto," Sagot niya.

"Ahh gano'n po ba? Sige, maraming salamat po," Pasasalamat ko.

Lumisan na 'ko kaagad at nagsimulang maglakad-lakad. Kung wala ang mga kasamahan ko, nasaan sila? Kailangan ko pa ring magpatuloy sa gawaing ito kahit na ako lamang mag-isa.

"Hinahanap mo si Myrtle, tama? Kanina ay nasilayan ko siya ngunit lumisan ito kaagad. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang nagmamadali siya," Mungkahi ni Gale.

"Ikaw pala, Gale. Kung wala si Myrtle ay mag-iiwan na lamang ako ng mensahe kung sakaling hanapin niya tayong dalawa."

"Ayon dito, kailangan nating pumunta sa bilangguan upang makuha natin ang tinatago ng taong ito," Tugon ko.

"Kailangan nating manubok (spy) para sa importanteng misyon na ito, tama? " tugon niya.

"Parang gano'n na nga, magiging preso ka ngayon Gale. Ikaw ang maghahanap ng impormasyon tungkol sa kaniya. Ako naman ang magiging katulong o nagpapakain sa mga bilanggo. Kapag may papel na dumapo sa iyo, ibig sabihin ay 'yun na ang hudyat para kalabanin sila," Estratehiya ko.

"Mag-iiba tayo ng kasuotan sa ngayon dahil maaari nila tayong makilala kung sakaling 'di tayo nagpalit. Tandaan mo, 'di tayo maaaring pumatay o magkamali rito. Kukuhanin lang natin ang bagay na pinakaiingatan niya," Pag-uutos ko.

****

"T-Teka, bakit narito na kaagad tayo? Tsaka 'di ba kanina ay naroon tayo sa kagubatan kanina tapos—"

"Mamaya ko na lamang ipaliliwanag. Wala tayong oras para sa mga ganitong bagay. Tayo na kung ayaw mong mamilipit ang iyong mga buto," Pagbibiro ko.

Naglagagay ako ng mga palatandaan kung sakaling maligaw kami sa masukal na lugar na ito.

"Hoy, ikaw! Maghanda ka na at maghain nang kakainin ng mga preso! Kumilos ka na kaagad! " pag-uutos ng nakatataas dito.

"Mga bala ng Earthall! Bala na gawa sa lupa," Sambit ko.

Binugahan ko siya ng mga bala mula sa aking bibig. Nakailag ito ngunit naapakan niya naman ang papel na bomba na inilagay ko sa kaila-ilalim ng lupa.

"S-Sino ka? Ano'ng pakay mo rito? " takot na mukha niyang sinabi.

"Batid ko na kilala mo ang lalaking ito. Nais kong malaman kung saan siya matatagpuan," Sagot ko.

"O-Okay sasabihin ko na. Siya ang kinatatakutan sa lahat ng mga presong naririto. Nais niyong makuha ang tinatagong bagay niya. Sa kadulu-duhan ng tore sa pinataas na bahagi ng gusali. Pero, binabalaan ko kayo na mag-iingat kayo sa gagawin niyo," Babala niya.

Sinuntok ko siya sa tiyan at nawalan siya nang malay. Inilagay ko muna siya sa isang tagong lugar. Agad kong pinadalhan si Gale ng hudyat.

Hinanap ko ang binanggit ng lalaking iyon kanina. Mga papet na naglalakad mag-isa at nagbubuga ng apoy.

Binalanse ko ang pag-tayo sa aking espada. Ipinutok ang mga bombang na nasa paligid ng mga papet na ito.

Ano'ng nangyayari?! Bakit 'di sila nawawasak?

"Bula nang paglipad! " sambit ni Myrtle.

Ang kaniyang mga bula ay iwinisik sa mga papet at ito'y nalusaw.

"Ang mga papet na 'yan ay gawa sa metal. Kapag nakalawang sila ay hindi na ito makagagalaw pa. Paumanhin kung ngayon lang ako, ang totoo ay kanina pa talaga ako narito pero tsaka ko na lamang sasabihin kung bakit," Sagot niya.

"Nauunawaan ko kaya wala ka na dapat pang alalahanin. Isa na lamang ang natitira at 'yun ay hindi ko alam kung bakit niya ninakaw ang bagay na iyon," Sambit ko.

"Tamang-tama lamang ang dating niyong mga elite ninjas. Nalulugod akong masilayan ang mga bagong miyembro ng organisayong iyon," Sambit niya.

"Batid ko kung bakit ka lumisan sa elite team at batid ko rin kung bakit mo ninakaw ang bagay na iyan," Tugon ko.

"Kamangha-mangha na masilayan ang nagbabasang ninja. Masyado ka nang maraming nalalaman! Kinuha ko 'to dahil sa pansarili kong kaligayahan, 'yun lang ang dahilan no'n! " pagsisinungaling niya.

Isang malakas na buhawi ang nililikha ni Gale at idinerektang ipinamalas sa lalaking iyon. Ngunit bigo pa rin itong mawakasan. Ang buong katawan niya ay gawa sa bakal.

"Myrtle! Lumikha ka nang malaking bula at ipasok mo ito sa kaniya! Gale! Ihagis mo ako patungo sa kaniya! " estratehiya ko.

Lumikha ng isang malaking bula si Myrtle at ipinasok ito sa loob ng lalaking iyon. Pagkatapos ay inihagis naman ako ni Gale. Ang panghuli, sinuntok ko siya hanggang sa ito ay mawalan ng malay.

****

"Magaling! Nalulugod akong masilayan na natapos niyo kaagad ang misyon niyo. Sige, maaari na kayong magpahinga," Tugon ni Tiyo Glynis.

"Siya nga pala, salamat at dumating ka Myrtle," Pasasalamat ko.

"A-Ah eh ayos lang. Medyo nagkaroon nang galos kanina pero 'di na naman gaanong masakit," Pagsisinungaling niya.

"Akin na… Akin na at gagamitin ko ang iyong galos. Tandaan mo, wala ka dapat na itinatago lalo na sa mga ganitong bagay," Sagot ko.

Ginamit ko ang kapangyarihan kong magpagaling at ipinainom ko siya ng isang malamig na tubig.

"S-Salamat, Eartha. Tunay na nahasa ka na sa pagpapagaling," Pambobola nito.

"Heto, tanggapin mo ito. Isa itong puting onyx (oniks). Papagagalingin ka nito kahit na sa malalim na sugat," Wika ko.

"S-Salamat…. "Namutla ang mga pisngi niya nang bigyan ko ito.

Bakit naman kaya niya binigyan ng onyx si Myrtle?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro