Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 17


Eartha's POV

Pasikat na ang araw pero nakahilata pa rin ako dahil tinatamad pa 'kong tumayo. Medyo pagod kasi ako pero may pasok pa ako.

Biglang may kumatok sa pinto at binuksan ito. Nasilayan ko ang nag-aalalang mukha ni Myrtle. Tila may agam-agam ito.

"Eartha, sabi pala ng tiyo mo na maaari ka nang makalabas dito. Pero, maayos na ba talaga ang pakiramdam mo? " wika ni Myrtle.

"Kahit hindi mo pa sabihin ay tiyak na wala naman akong gustong mangyari. Siya nga pala, may pagsusulit sa herbal medicine ngayon. Nakapaghanda ka ba tungkol dito? " tugon ko.

"H-Huh?! S-Siyempre naman. Walang dapat ipag-alala," Pautal-utal niyang isinagot.

"Tara na kung ayaw mong mahuli sa klase."

****

"Sakto lamang pala tayo sa oras," Saad ni Myrtle.

"Narito na ba ang lahat? Ilang segundo na lamang ay mag-uumpisa na ang pagsusulit? Ang unang pagsusulit ay tungkol sa herbal medicine," Wika ni G. Glynis.

"Kapag umilaw ang nasa kaliwang bahagi ng lamesa niyo, ibig sabihin ay mag-uumpisa na. Pipindutin niyo ang pulang pindutan kung tapos na kayo at dumiretso na kayo sa kabilang silid. Tatlo ang kukuhanin ninyong pagsusulit, kapag naipasa niyo itong lahat. Mapupunta kayo sa mga elite team. Kung saan kayo mapupunta sa grupo ng mga magagaling na ninja," Tugon niya.

"Sir, may tanong lang po ako. Ano po ba ang pinagkaiba ng middle, upper at elite ninjas? " tanong ni Arthur.

"Ang middle ninja ay halimbawa ng mga kagaya niyo. Ang upper ninja ay parang kawani (katulong) ng mga elite ninjas. Samantala ang elite ninjas ay isang organisasyon na katulong ng sensei ng ating nayon," Sagot ni G. Glynis.

"Ako rin po may tanong, paano po kung hindi makapapasa ang iba sa'min. Hanggang middle ninja na lamang po ba ang ninjang iyon? " tanong ni Aileen.

"Kapag naipasa ng middle ninja ang dalawang pagsusulit o isa lamang. Magiging upper ninja pa rin siya pero mas maayos kung elite ninjas. Sa grupo ng mga elite ay ang mga gawain roon ay tripleng delikado kaysa sa mga ginagawa natin. Lahat ng miyembro nito ay nakamaskara para hindi kaagad malaman ng iba kung sino ka," Sagot ni G. Glynis.

Umilaw bigla ang na sa ikaliwang bahagi ng aking lamesa. Agad na may lumabas na kapiraso ng papel na tiyak kong ito ang sasagutan.

Kay dali naman ng pagsusulit na ito. Biglang lumabas ang isang kapiraso ng paglalayan kapag natapos nang magsagot ang isang middle ninja. Ipinasok ko na ito at sumulat sa isang kapirasong papel na may kaunting kasagutan. Ibinigay ko ito pailalim at ibinigay kay Myrtle.

Lumabas na ako at pumunta sa kasunod na silid.

Ilang oras ang makalipas ay natapos ko na ang tatlong pagsusulit. Ipinaskil na rin ang naging resulta ng tatlong pagsusulit.

Nasilayan ko na ako ang nakakumpleto ng lahat ng pagsusulit, simula sa una hanggang sa tatlong pagsusulit. Sumunod ay si Alma Casablanca at Arthur Brooks.

At ang dalawa namang nakapasok. Ang totoo botohan ito pero nakapasa ang dalawa kong kagrupo na sina Gale Wyn at Myrtle Hawthorne.

"Uy, Eartha! Eartha! " sigaw ni Myrtle.

"Malugod na pagbati sa iyo 'pagkat ikaw ang na sa mataas na ranggo sa pagsusulit," Pagbati ni Myrtle.

"Siya nga pala, salamat pala kanina. Oo nga pala! Sabi ni G. Glynis na pumunta raw ang lahat ng nakapasa sa pagsusulit, ngayon na mismo raw," Tugon niya.

"Sige, susunod ako. Pakisabi na darating ako makalipas ang limang minuto," Pag-uutos ko.

Agad akong pumunta sa puntod ni Hugo. Kung saan nakabaon ang mga huli naming alaala.

"Hugo, alam mo ba na isa na 'ko sa grupo ng mga elite ninjas. Sayang at hanggang dito na lamang ang ating pagsasama bilang magkaibigan. Alam ko na nasisilayan mo ang mga nangyari nitong mga nakaraan pero wala kang dapat ipag-alala. Sige! Paalam, Hugo," Wika ko.

Agad akong pumunta sa Akademya at nasilayan ang pagkunot noo ng aming guro.

"Nasaa na ba itong si Eartha? Nasaan ka na ba?!–––"

"Narito na po ako! Gaya nga po ng bigkas ko, darating ako makalipas ang limang minuto," Sagot ko.

"Sir, bakit niyo po ba kami ipinatawag? " tanong ni Myrtle.

"Kayong lima ang bagong miyembro ng organisayong iyon. Bago pa man iyon, napagdesisyunan na si Eartha ang magiging lider ng grupong iyon. Kaya mo ba ang tungkuling ito, Eartha? " wika ni G. Glynis.

T-Teka… Tama ba ang dinig ko? O panaginip lang ito. Ako ang magiging lider ng grupong iyon? Hindi kapanipaniwala pero kakayanin ko!

"Para sa nayon ng Earthall. Tinatanggap ko ang tungkuling ito para sa kapakanan ng lahat," Sambit ko.

"Muntik ko nang makalimutan! Narito pala ang mga kasuotan na isusuot niyo kinabukasan. Ito ang kasuotan ng mga elite team. Umaasa kami na babaguhin niyo ang nakaraang pag-aayos ng grupong ito. Magsisimula na ang gawain niyo bukas," Wika niya.

"Makaaasa po kayo sa inyong desisyon. Maraming salamat dahil binigyan niyo kami ng oportunidad na alamin kung sino po ba talaga kami," Tugon ko.

"Maaari na kayong umalis. Bukas ay dito muli tayo magkikita-kita. Paalam, hanggang sa muli!" pamamaalam ni G. Glynis.

Umuwi na 'ko kaagad at binuksan ang komputer upang maghanap-hanap ng impormasyon tungkol sa grupong iyon. Bago pa ako maghanap ay may natanggap akong sulatroniko (email) galing sa aking ina.

Agad ko naman itong binuksan at nasilayan ang gusto niyang iparating.

Binabati kita sa iyong pagsusulit. Ikinagagalak kitang masilayan na nakatatayo ka na gamit ang sarili mong mga paa. -Luna Ellison.

"Nagbati pero hindi man lang nagpakita. Ano'ng saysay pa nang pagbating ito?! "

Agad ko itong binura at pinatay ang komputer. Lumabas ako sandali at nanghuli ng mga isda. Niluto ko kaagad ito, mukhang naparami. Pwede naman bukas pero ang iba ay sa pusa na  lamang.

"Myr-Myrthle? G-Gale? Ano'ng ginagawa niyo rito? May kailangan ba kayong sabihin? " pautal kong iwinika.

"May kompleanyo (kaarawan) ba na nagaganap dito? Naamoy kasi namin ang masarap na nakahain dito," Sagot ni Myrtle.

"P-Pero hindi naman talaga ako sasama eh. Pinilit lang talaga ako ni Myrtle na sumama dahil sa katakawan niya," Sambit ni Gale.

"Tamang-tama lamang! Ito ang sarili kong bersyon ng pagluto ng isda. Sana'y magustuhan niyo, ang totoo nga ay napasobra ang paghuli ko at ibibigay ko dapat iyon sa mga pusa. Pero ayos na rin at may kumain din ng lutuing ito," Sagot ko.

"A-Ang… ANGHANG! T-Tubig, grabe mabubulunan yata ako sa anghang na 'to," Sigaw ni Myrtle.

"Heto, isang malamig na tubig na galing sa ikatuktok ng bundok. Hindi ko pala alam na malalasahan mo ang kakaunting anghang. Sa totoo lamang ay isang piraso lamang talaga iyon," Tugon ko.

"S-Salamat… pero sa totoo lamang ay masarap ito. Sige mukhang kailangan na naming umalis, hanggang sa muli! Salamat sa pagkain! " pamamaalam ni Myrtle.

Lumisan nang mabilisan si Myrtle subalit si Gale ay nakatayo sa labas. Hindi pa ba siya aalis?

"Eartha… Salamat pala sa masarap na pagkain," Pasasalamat niya.

"May gusto sana akong ibigay sa iyo. Heto isang puting oniks (onyx)," Wika ko.

"S-Sige, salamat dito. Hanggang sa muli, Eartha Ellison…." Pamamaalam ni Gale.

"M-Mahal kita ng buong puso," Pag-amin ko.

"Mayroon ka bang katibayan upang suportahan ang iyong pahayag? " wika niya.

Lumisan na ito kaagad at biglang umihip ang hangin.

🎶That's what you get when you let your heart win, whoa
That's what you get when you let your heart win, whoa
I drowned out all my sense with the sound of its beating
And that's what you get when you let your heart win, whoa🎶

Song name: That's what you get
By: Paramore

Cttro of all the resources

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro