Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 16


ANG KONTINUASYON NG KABANATA 15

Eartha's POV

Grabe, kating-kati na talaga ako sa masikip na kasuotan na ito. Bakit ba kasi kailangan pa 'tong isuot?

"Oo nga pala, Tiyo Glynis. Bakit po pala namin susuotin ang pusang kasuotan na 'to? " tanong ko.

Tumawa siya nang malakas tila parang kinikiliti ang kaniyang katawan, "Para sa kaalaman niyong lahat. Ang pusa ang kinagigiliwan ng mga nasa nayon na 'yon, para ba na ito ang magiging kahinaan nila. "

Biglang umihap ang hangin. Tila may initan (kumpas) ito. Anong talinghaga (misteryo) ang gustong iparating nito.

Nasilayan ko ang masamang pangitain na mamapaslang ako sa sandaling maligaw si Myrtle. Hindi! Pipigilan ko ang hinaharap.

"May agam-agam (problema) ka ba, Eartha? " nag-aalalang tanong ni Myrtle.

"H-Huh? Wala naman… Nagpapahangin lamang saglit," Pagsisinungaling ko.

"Huwag kang mag-alala, Eartha. Narito ako para bantayan ka, isusugal ko ang aking nalalabing buhay para lamang sa iyo," Tugon niya.

May balitunang (laban na) magaganap. Nang dahil lang sa'kin.  Biglang may dumapong banoy (agila) sa aking maniksik (balikat/shoulder).

"Teka, ano naman 'yan, Eartha? Tsaka kanino naman galing iyan? " tanong ni Myrtle.

"Isa itong babala," Bulong ko.

"Huh? May sinasabi ka ba, Eartha? " tanong niya.

Isang babala para sa akin. Sa sandaling mamayapa ako ay ipaghihiganti ako ni Myrtle na tiyak kong ikamamatay ni Gale.

"Ano, hindi pa ba tayo aalis? " sambit ni Gale.

"H-Huh? Tama, aalis na tayo. Mauuna na po kami, Tiyo Glynis. Pakisabi po kay Bb. Luna na malugod ko siyang binabati sa bago niyang trabaho," Wika ko.

****

"Narito na tayo, siya nga pala bago tayo makapasok ay may mga subyang (tinik) na nakasabit sa mga sulok at mayroon itong lason. Mag-iingat kayo, naintindihan niyo? "

"Gale, doon ka sa kaliwa. Myrtle, doon ka naman sa kanan. At ako naman ang tatapos nito," Pag-uutos ko.

Habang naglalakad nang marahan si Myrtle ay muntikan na siyang mabuslot (mahulog sa butas). Ngunit nasalo ko naman. Hays 'di kasi nag-iingat si Myrtle.

"A-Ah eh, pasensya na. Huhuhu," Malungkot na pagwika ni Myrtle.

"Walang rason para humingi ka nang kapatawaran. Alalahanin mo, nasa iisang koponan kami. Kung mawawala ang isang pangkat ay magiging balanse ito, " Tugon ko.

Isang pitak (bahagi) ng basag na salamin ang nahulog muli sa akin. Ngunit bigla itong nawala dahil sa tulong ni Gale.

"S-Salamat, " Pautal-utal kong iwinika.

"Shhh! Narito na sila," Sambit ko.

"May narinig ka bang ingay dito kanina? O imahinasyon ko lamang iyon? " tanong ng isang lalaking mangangalakal.

"Mukhang mayroon… Biro lamang! " sambit ng kasamahan niyang lalaki.

Hindi mapigilan ang pag-alog ng katawan ni Myrtle, "Phew… Medyo malapit iyon. Natutuwa akong ligtas tayo."

"Sino'ng nakaligtas? " sambit ng mangangalakal na lalaki kanina.

Nagpasabog ako ng mga mga bombang usok para maligaw kung nasaan sila. Pero biglang nawala si Myrtle.

T-Teka? Nawala siya? Hindi… Malapit na.

Biglang may tumurok sa akin na parang unti-unti akong nawawalan nang malay. Nanghihina na yata ako. Hindi, hindi pa pwede ngayon. Wala akong nagawa kun'di pumikit na lamang dahil sa sakit.

****

Huh? Nasaan ako? Bakit kinukuha nila ang dugo ko? Ano'ng nangyayari?

"Ikaw ang nagbabasang ninja, tama? Ang dugo mo ay nakapagpapagaling ng mga nilalang sa pagmamagitan ng pagsipsip ng dugo mo. Pa'no kung ubusin namin ang dugo mo, ano naman kayang mangyayari sa'yo? " sambit niya.

"S-Sabihin mo… Ikaw ba ang kaliwang kamay ni Cesar Wyn? " tanong ko.

"Isa ako sa mga organisasyon na Hawkstone. Ang organisasyong ito ang nagtataguyod sa amin sa pamamahala ng taong binanggit mo kani-kanina lamang. Oo ako nga ang kaliwang kamay ni Cesar at ano naman punto no'n? " sagot niya.

"G-Ginawa mo iyan para makapaghiganti, tama? Ang paghihiganti, ang pinakamatamis na piraso ng bibig sa kailanman na luto sa impyerno. Ginagawa mo ito para sa hustisya ng taong iyon, tama? " sambit ko.

Biglang nagsalubong ang dalawang kilay niya at uminit ang dugo nito, "Nakatutuwang isipin na alam mo ang lahat. Kaya pala iyon ang tawag nila sa isang walang kwentang katulad mo. Pero hanggang kailan ka makatatagal? "

"Alam mo kung ano ... Ikaw ay walang silbi na ninja, isang walang silbi na pinuno ng grupo niyo at walang silbi na tao sa lahat ng oras, " Tugon niya.

Nanlilisik ang mata ko, "H-Hindi mo 'ko kilala, Huw Worley o mas kilala bilang Hawk."

"Iniinis mo 'ko…! Hindi na 'ko nagpapaligoy-ligoy pa! Katapusan mo na! " sambit niya.

Tinamaan niya ang salamin ko at nabasag ito. Biglang akong nasilaw at lumabas si Blackwell na siyang ikinabahala ko. Inatake niya si Huw at tumalon ako bigla sa harapan ni Blackwell at biglang tumulo ang aking dugo.

"B-Bakit, Eartha? Kalaban mo 'ko, 'di ba…?! " sambit niya.

"Naiintindihan ko kung bakit mo 'yon ginawa pero hindi nila naiintindihan kung bakit mo iyon nagawa. Maaaring mali ang tingin ko sa'yo noon pero nang basahin ko ang nakaraan mo ay naintindihan ko na kung bakit."

"Eartha…! E-Eartha? " nanlaki ang mga mata ni Gale.

Bigla akong natumba at nawalan nang malay. Para ba'ng walang nangyari. Naghihina na 'ko at paubos na ang dugo ko. Para bang walang nangyari.

Masaya 'yon, tama? Maayos na bukas at wala nang problema. Nalutas ang problema!

"Myrtle… Umalis na kayo ni Eartha at dalhin mo siya kina G. Glynis, naintindihan mo? " sambit ni Gale.

"Naguguluhan ako… Hindi ba patay na 'ko kani-kanina lamang? "

"Tama ka pero ang mata mo ay bukas pa rin. 'Yun ang kapangyarihan ng matang 'yon," Sagot ni Alma.

"Pero… mabubuhay pa ba kaya ako? " tanong ko.

"Kung mamatay ka ay hanggang dito ka na lamang sa lugar na ito. Naintindihan mo ba ang punto ko? " sagot niya.

"Malaking tulong na nandirito ka pa rin kahit na wala ka na," Sagot ko.

"Oo pero ang presensya ko ay narito pa sa mundong kinagagalawan mo. Kaya magpakasaya ka kahit papano," Tugon ni Alma.

"Grabe, gulong-gulo na 'ko tapos mayroon pang gan'to? Teka, isa ka bang zombie ? " pag-aalinlangan kong tinanong.

"Siyempre hindi 'no! Kung nangyari 'yun ay kakainin ko ang utak mo. Biro lamang," Pagbibiro niya.

"Hindi ko alam kung biro ba 'yon o ano. Ahh basta siguro ay makababalik na 'ko. Sige sa susunod muli! " pamamaalam ko.

Iminulat ko nang dahan-dahan ang aking mga mata. Nasilayan ko ang mukhang pag-aalinlangan na nakaukit sa kanilang mga mukha. 'Agad akong niyakap nang mahigpit ni Myrtle at umiyak nang dahan-dahan.

"Ayos ka lamang ba, Eartha? " tanong ni Tiyo Glynis.

"Paumanhin kung hindi namin natapos ang misyon, Tiyo Glynis. Sa tingin ko ay hindi dapat ako ang pinuno ng aming pangkat," Wika ko.

"Huwag mo nang alalahanin iyon 'pagkat ligtas ka. Alam mo bang nag-alala kami sa iyo nang husto? Mabuti at naagapan ito," Sagot ni Tiyo.

"Naagapan ito dahil kay ina, tama po ba? Ipinagsama-sama niyo ang dugo niyo para lamang makabalik ako. Salamat sa lahat nang ginawa niyo sa'kin," Pasasalamat ko.

"Pero… nasaan si ina? Ayy! Bakit ko pa natanong? Busy siya, tama? Tsaka malaking responsibilidad ang ginagawa niya ngayon. Dahil pinuno siya ng nayon.... " Wika ko.

Bakit mapoot ang pakiramdam ni Eartha?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro