Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13


ANG KONTINUASYON NG KABANATA 12

Eartha's POV

Palubog na ng araw at hindi pa rin kami nakakikita ng pergamino. Ang ikinabahala ko pa nga ay nag-iisa lamang talaga ito.

Batid kong nagsinungaling si G. Glynis para hindi kami magkasakitan. Pero mas lalong lala ang sitwasyon.

"Sa tingin ko ay kailangan muna nating magpalipas ng gabi rito," Wika ko.

"Sumasang-ayon ako," Sagot niya.

Bumubuhos ako ng init sa aking mga kamay. Narinig ko ang paos na salitang nagmamakaawa na huwag siyang paslangin. Nagmadali akong pumanta sa kinaroroonang iyon.

Bumungad sa'kin si Myrtle na wala nang lakas at punong-puno ng galos. Ihinahagis ko ang sampung kunai patungo sa lalaking iyon at bigla itong natumba ng gano'n na lamang.

"Sino ka? Ano'ng kailangan mo? " sambit ko.

"Eartha? Ba-Bakit? " pautal niyang itinanong.

"Ang tunay na mga mata ay napagtanto ang totoong mga kasinungalingan, " Sagot ko.

"He-Heto… Suko na 'ko. Pakiusap hayaan niyo akong makawala at sa inyo na 'to," Mungkahi ng isang lalaki.

Pahalagahan ang mga taong pinahahalagahan ang iyong oras.

"Tayo na, Myrtle. Batid kong hinihintay na tayo ni Gale," Tugon ko.

Tatlong shuriken ang pumarito sa'kin ngunit bigo siya. Nagawa kong ilagan ang mga ito sa pamamagitan lang ng pagkumpas ng hangin.

"Sinusubukan mo pa rin ba ako? O gusto mo na tapusin ko na ang laro? " Ang aking mukha ay sumisilaw sa ilaw.

Agad itong naglaho at itinusok nang mabilisan ang kunai na kaniyang hawak sa aking harapan. Dinuraan ko siya ng aking dugo at sinuntok siya. Halos isang daang metro ang layo nang pagkakabagsak niya.

Nagkaroon ako ng matigas na kalamnan at mga kasukasuan, "Lumilipas ang oras, alaala'y nawawala, umaalis ang mga tao. Ngunit, hindi makakalimutan ang puso."

Unti-unti akong nawawalan nang lakas. Nanlalabo rin ang aking mga mata. Pabagsak na rin ang aking katawan. Hindi ko na yata kaya. Hindi… hindi ko na talaga kaya.

"Paumanhin, ama. Nangako ako na bago ako mamayapa ay matutupad ko ang aking pangarap. Bigo ako ama."

Napapikit na lamang ako habang unti-unti akong lumuha. Nabigo ba ako?

Nagising ako sa isang napakasamang panaginip. Hindi ko batid kung totoo nga ba iyon.

"Sa wakas at gising ka na… Eartha," Wika ni Myrtle.

"Myr-Myrthle? Gale? Nangyari pala 'yon sa totoong buhay? " sagot ko.

"Huh? Ang huling tayo mo ay nang mawalan ka nang malay kani-kanina lamang. Mabuti't buhay ka," Sagot niya.

"Ma-May gusto sana akong sabihin sa'yo. Kung ayos lang," Pautal kong iwinika at tumango naman siya.

"May isang lalaki na, hindi ko alam kung gusto ko siya o mahal ko siya, " Tugon ko.

"Kung gusto mo ng isang bulaklak ay isasaksak mo ito. Kung mahilig ka sa isang bulaklak ay didiligan mo ito araw-araw, " Sagot niya.

"Mayroon kang isang sirang puso hindi isang sirang buhay. Nagkaroon ka ng sirang panaginip hindi isang sirang hinaharap, " Sagot ko.

Naiintindihan ko ang isip ng isang tao ngunit 'di ko alam kung ano ang pakiramdam nito. Masaktan mo ako sa katotohanan ngunit huwag mo akong aliwin ng kasinungalingan.

"Myrtle… Nakuha mo ang pergamino (scroll)? " tanong ko.

"Oo, sa tulong ni Gale. Nagpapasalamat pala ako sa pagligtas mo sa'kin kanina," Tugon niya.

"Magkaibigan tayo, tama? Kaya'y nararapat lang na magkaroon ng gano'n na pagsasamahan bilang isang miyembro," Tugon ko.

Matutong magmahal, matutong tumanggap at matutong magpatawad. Diyan ko nalaman kung ano talaga ang katotohanan.

Alam kong iisa lamang talaga ang pergamino na iyon. Pero maayos na rin ang lahat 'pagkat nakuha na namin ito.

"A-Ang buhok ko? Pa'no nangyari ito? " sambit ko.

"Habang wala kang malay ay pinutol ng lalaking iyon ang buhok mo dahil naiingit ito. Natatawa pa rin ako kung bakit siya naiingit sa'yo. Sa tulong ni Gale ay ligtas din ikaw," Tugon niya.

Hindi ko akalaing gagawin 'yun ni Gale. Ano ba talaga ang nangyayari sa kaniya? Nauntog siguro 'yon.

"Nararamdaman ko. Para bang may nakalagay sa'kin. Kailangan niyo akong paslangin," Sambit ko.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo? Para sa kaalaman mo, Eartha. Nangako ako kay Hugo na iingatan kita kahit ano'ng mangyari," Tugon ni Gale.

Ang aking mukha ay labian, "Patayin mo na lamang ako! May masamang mangyayari kung babalik ako sa ating nayon na hindi man lang namamatay."

Nabitin ang ulo ko, Ikaw ang aking paboritong kumusta at ang pinakamahirap kong paalam. Mahal na mahal kita, Gale ... hanggang sa aking huling mga salita."

Isinaksak niya ang kunai sa aking baga habang tumutulo ang kaniyang mga luha kasabay nang pagtulo ng aking dugo.

Piliin mo ako o mawala ako. Hindi ako isang backup na plano.

"E-Eartha? Bakit mo siya hinayaang mamatay?!Dahan-dahang bumagsak ang panga ni Myrtle.

Sinipsip ko ang aking dugo upang lumunas ang aking mga sugat. Mas madali ito kaysa sa nauna kong pagpapagaling.

"Nakikita ko ang kapalaran ng mga nilalang. Kaya't mangyaring huwag niyong gawin ito para lamang sa akin. Ginagawa ko lang ang bagay na iyon dahil may sumusubaybay sa atin," Sagot ko.

Sinipa ni Gale si Myrtle papalayo at itinulak naman ako ni Gale. Agad na natabunan siya ng mga bato kasama ang napakaraming bomba.

Humihingal ako ng hangin, "Gale…! Hi-Hindi! "

"Ano'ng mayroon? Clone iyan na may maraming bomba kaya ay lumayo na kayo diyan! " sambit ni Gale.

"Anunsyo sa lahat ng mga tagakuha ng gawain! Paubos na ang oras kaya't mangyaring hayaan ang pergamino (scroll) na makapasok sa butas na iyon. Kung hindi, ikaw at ang iyong mga kasamahan sa koponan ay nabigo. Good luck! " wika ni G. Glynis.

Iginulong na namin ang pergamino at lumusot ito ngunit bigo pa rin kami. May gurang na humarang sa harapan at inalis ito.

"Sama-sama tayong maglaro, Eartha. Ikaw at ako lamang kung nais mong makuha ang iyong scroll. Kung natalo ka, ibibigay ang scroll na ito sa amin," Tugon ni Alma.

"Ayoko nang gulo. Ibigay mo na lamang sa'kin iyan! " sagot ko.

"Basahin ang utak! " sigaw niya at pumunta siya sa aking katawan para bang kinokontrol niya ang aking isipan.

"Pa'no na, Eartha? Mukhang tapos na ang laro!" tugon niya.

Mula sa ibaba ay nagsimula akong dunggulin (manuntok) papunta sa itaas patungo sa kaniyang baba. Matwid na sintukin siya habang bimabalanse ang aking kamao.

"Tapos na ang oras! Tila walang nagwagi. Ngunit sa aming nasilayan ay nakapasa kayong lahat! " isang anunsyo mula kay G. Glynis.

"Hindi pa tayo tapos, Eartha! Harapin mo ako! " sambit ni Alma.

Matwid kong ipinasipsip sa kaniya ang aking dugo. Pagkatapos ay pinatulog siya.

Napahinto ako, naramdaman ko ang panghihina ng aking katawan hanggang sa mapaupo ako. Ramdam ko ang sakit dulot ng malalamim na galos na dala kanina ni Alma.

"Eartha… bakit? " Nilabanan niya ang kaniyang mga luha.

"Kahit na maigot ang tadhana ay dapat mo itong pahalagahan. Kailangan ko munang subukan kung ayaw kong magsisi sa hinaharap," Sagot ko.

Tama nga kaya ang desisyon ni Eartha?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro