Kabanata 1
Eartha's POV
Noong unang panahon, payapa ang lahat sa Oceania of Arizona. Magkakasundo ang lahat ngunit nagbago ito ng dahil sa maling pagkakaintindihan.
Ang dating magkakaibigan ay ngayo'y magkakaaway na. Walang ginawa kun'di magpatayan.
"Sa sandaling pag-aalinlangan ka kung maaari kang lumipad, huminto ka nang walang magawa upang magawa ito," Wika ni Ama.
"Nakamamanghang pakinggan iyon ama! " tugon ko.
"Sa tingin mo, nakamamanghang pakinggan na 'yon? " wika ni Blaze.
"Kuya… Huwag ka namang ganito sa harap ni ama. Magbigay galang ka naman," Mungkahi ni Aqua.
"Tsk. Wala akong panahon para sa mga ganiyang bagay. Siya naman ang dahilan kung bakit namatay si ina, di ba? " pagpapaliwanag ni Blaze at umalis na siya kaagad.
"Ama, paumanhin kung naging ganito si kuya. Hindi ko inaasahang magiging ganito ang kaniyang mararamdaman."
Nagbuntong hininga siya, "Hindi mo na kailangan pang gawin ang mga bagay na 'yan, Eartha. Pagkat kasalanan ko rin naman. 'Di ko nagawang iligtas ang inyong ina."
"Ang nakaraan ay nakaraan, ama. Kaya ay kalimutan na natin ang lahat ng mga nangyaring naganap," Wika ni Aqua.
"Mabuti pa't mag-ensayo na kayo upang malaman niyo kung sino ba talaga kayo," Wika ni Ama.
"Gusto ko rin na maging kagaya niyo, ama." Saad ni Aqua.
"Kung nais mo ang mga bagay na 'yan ay pagsikapan niyo upang makuha niyo 'yan. Ang lahat ng mga nasisilayan niyo ay galing sa pagsisikap," Sagot ni Ama.
"Asa ka pa, Aqua. Ako ang hahalili sa trono ng ating pinakamamahal na ama. Dahil ako ang pinakamalakas at ako ang panganay," Tugon ni Blaze.
"Blaze, anak… Alam kong may pagkukulang ako pero huwag mo naman ito ang ipapalit mo," Mungkahi ni Ama.
"Huwag mo akong matatawag na anak. Pagkat 'di kita kinikilalang ama! Lapastangan ka sa buong buhay ko! Darating ang araw na ako ang magiging hari ng buong Oceania of Arizona at ipagmamalaki niyo ako…." Tugon ni Blaze.
"Kuya! Tama na! Itigil na natin ang mga hidwaang ito! " sigaw ko.
"Huwag kang makikialam kung ayaw mong madamay, Eartha! " Ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan para kalabanin kami.
"Huwag mo akong susubukan, Eartha! " Dumikit ang dibdib niya.
Pero sa kabilang banda ay natalo siya ng madalian lamang.
"Mga taksil! Pinagkaisahan niyo akong lahat! Ikinasusuklaman ko kayo! Isinusumpa ko sa ngalan ng buong Oceania of Arizona na magbabayad kayong lahat! " Ang kanyang pagsigaw sa tuktok ng kanyang baga at bigla siyang nawala gamit ang kaniyang kapangyarihan na maglaho.
Lahat ng may dugo sa tatlong nasyon ay may kakayahang maglaho. Ikaw man ay mahirap, may kaya o kaya ay mayaman.
"Bathalang Akel, nawa'y gabayan niyo palagi ang aming kapatid. Sana'y maimulat niya na ang kaniyang mga mata sa katotohanan," Hiling ko.
"Saan naman patungo 'yon? " tanong ni Aqua.
"Alam ko na kung saan… Dito ka lang, Aqua." Sabi ko.
Alam kong paroroon si Blaze kina Gale at siguradong mangyayari ang nasa aking panaginip kapag nagkataon 'yun.
"E-Eartha?! Ano't narito ka? Alam mo na may hidwaan ang ating mga pamilya. Kaya kung pwede ay makaaalis ka na," Sambit niya.
"Alam ko… Ngunit dito paroroon si Blaze. Kaya'y hinahanap ko siya. Nakita mo ba siya? " pagpapaliwanag ko.
"Paumanhin ngunit hindi... Umalis ka na, bago pa ako masilayan ni ama na nakikipag-usap sa mortal naming kaaway," Wika niya.
"Gale? " wika ng kapatid ni Gale.
Nanlaki ang mga mata ni Gale,"Electra? Ano't naparito ka? "
"May naririnig kasi akong mga hidwaan dito kanina lamang. Gusto ko lamang tiyakin kung totoo nga 'yon," Sagot ni Electra.
"A-Ah… Wala! Nais ko lamang makausap ang aking kambal diwa," Pagsisinungaling niya.
"Mabuti naman… Ngunit batid kong may iba pa tayong kasama," Sambit ni Electra.
"Nilalang! Kung naririnig mo ang aking boses ay magpakita ka! " sigaw niya.
"Electra, mabuti't magpahinga ka muna. " Mungkahi ni Gale.
Umalis na ang kaniyang kapatid.
Nagbuntong hininga siya, " Eartha… Paumanhin kung nandito siya kanina. 'Di ko alam na pupunta siya nang biglaan. "
"Ako dapat ang humingi ng paumanhin, Gale. Kung nasilayan mo si Blaze rito ay ipagpaalam mo kaagad sa'kin, " Wika ko.
"Maaasahan mo 'ko diyan. Alam kong may kailangan ka pang tapusin kaya't umalis ka na," Mungkahi niya.
"Hanggang sa muli, Gale…." Tugon ko.
Mabuting kaibigan si Gale simula pa nung bata pa kami. Marami na talaga kaming pinagsamahan, ngunit nagkagulo rito at pinaghiwalay kami ng tadhana.
"Nasaan na si Blaze? Sana'y walang mangyaring masama sa kaniya. "
Bumilis ang tibok ng puso ko, "M-May mga bakas ng apoy?! Hindi kaya…"
"Eartha?! " sigaw ni Gale.
"G-Gale?! " sambit ko.
"Nakita ko si Blaze… Gusto niyang sumanib sa aking ama," Mungkahi niya.
"A-Ano? Nagkakamali ka yata, Gale. Hindi maaaring gawin 'yon ng aking kapatid! " sagot ko.
"Totoo Eartha… Hindi maaaring magkamali ang aking mga mata. Pagkat nasilayan ko ang kanilang pag-uusap na dalawa," Pagpapaliwanag ni Gale.
"Nasaan ang aking kapatid? Nais kong dalhin mo ako sa kaniya," Tugon ko.
"Totoo nga… Totoo nga ang aking panaginip."
"Magkakagulo sa buong Oceania of Arizona..."
"Tigil! Blaze! " sigaw ko.
"Eartha? Umalis ka na pagkat 'di mo na mababago pa ang aking nais. Sasanib ako kay Cesar. Walang makapipigil sa aking pasya," Sambit niya.
"Itigil mo na ito, Blaze! " sambit ni Aqua.
"A-Aqua?! Nais mo bang mapaslang? " mungkahi ko.
"Eartha, alam mo ba na magkapatid tayong dalawa? Kapatid laban sa kapatid," Sagot niya.
"Gale… Nais kong magsanib pwersa tayong dalawa."
"Hindi ko ito maaaring gawin. Pagkat siya pa rin ang aking ama kahit ganito ang nangyayari. Paumanhin, Eartha…" Mungkahi niya.
"Kung 'yan ang iyong pasya… Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya pagkat mali ang tinatahak ng aking kapatid."
"Hindi ko nais na mapaslang kayong dalawa. Kaya'y umalis na kayo, Gale! " sigaw ko.
"E-Eartha… " Sambit ni Gale at umalis na sila.
"Hindi mo kami kakayanin, Eartha. Dalawa kami, lubhang mahihirapan ka kung kalalabanin mo kami," Mungkahi ni Blaze.
"Wala akong pakialam kung kapatid kita. Nais ko lamang na mabago ang nakatadhan," Sagot ko.
"Ang nakasulat sa aking palad ay 'yun ang mangyayari. Kaya ay walang paraan para ito'y mabago. Huli na ang lahat! " wika niya.
"Blaze… Tama na! " sigaw ni ama.
"A-Ama?! " sambit ko.
Maililigtas kaya nila si Blaze? O hindi na? Pagkat huli na?
TO BE CONTINUED.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro