Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Bigla akong napahinto at tumingin sa lupa. Tumakbo ako nang mas mabilis hangga't makakaya ko at nawala.

Kailangan kong tumayo sa asking mga paa kung hindi, mapapahamak ako.

Napakunot ang noo niya, "Paano naman ang dalawa mong kasama kanina? Sina Myrtle at nagngangalang Bertha. Paano sila?" 

"Blackwell, na sa isang misyon tayo. Kung hindi pa natin gagawin ang nakatala. Paano matatapos ang suliraning ito? "

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata, "Hindi ko alam kung ano'ng pinagbago mo ngunit na sa inyo pa rin ang tungkulin ko. "

Ano na nga ba'ng nangyayari sa'kin? Hindi. Hindi dapat ganiyan ang katanungan sa ngayon.

Sila Arthur, Aileen at Gale. Ginagawa na kaya nila. 

"Hindi mo ba kami pinagkakatiwalaan, ha? " Sumuri siya ng tingin.

"Akala ko na naman ay huli na naman kayong darating. "

"Huwag kami, Eartha. Kung 'di 'yung lagi mong kasamang si Gale—"

"Kanina pa 'ko naririto. Ano pa ba'ng hinihintay natin? "

"Biruin mo 'yon? Naunahan tayo ng patay palagi? "

"Mama mo patay—" 

Napunta na sa makatotohanang biruan. Alam ba'ng problema ng mga 'to…?

"Kung maaari sana, Arthur, Gale? Pumasok na tayo sa silid? Paniguradong may naghihintay na. Alam naman natin ang mangyayari kung sakaling mahuli tayo, hindi ba? "

Agad kaming pumasok sa kaloob-looban ng taugan naming silid. Apat na taon din ang lumipas nang makabalik muli kami rito.

"Narito na po muli kami, ama. "

Lumiwanag ang mukha niya, "Galaxia, Grayle, Arthuro, at Aileen. Kapanipaniwalang nagbalik kayo ng buo…! Kay tagal talaga nang muli tayong magkitang magkakasama. " 

"Paumanhin po kung hindi namin kasama ang isa sa mga miyembro ng grupo natin, " pahiwatig ni Arthur.

"Hindi na kailangan. Naitala na noon pa sa akin ni Eartha ang lahat-lahat. Hindi ba, Eartha? "

"Tama. Salamat sa— hindi. Naisahan ko ang isa sa mga kasamahan namin doon at sa tulong niya'y naibigay ko po sa inyo 'yan. "

"Magaling, magaling, magaling. Ngunit sino ang taong ito? Maaari ko ba siyang makilala? "

"Myrtle Hawthorne ang kaniyang ngalan. Tunay ngang mahihina ang mga nilalang sa islang iyon. "

"M-Myrtle…? Myrtle ba ika mo? " Napatulala siya ng tingin.

"P-Paumanhin po, ngunit may nagawa po ba kaming mali? "

"Wala 'yon, Aileen. Magpahinga na kayo at bumalik muli kinabukasan sa lupain na iyon. Naiintindihan niyo ba? "

"Opo! " Sabay-sabay naming pagbigkas.

Hinawakan ko ang kamay ni Gale at hinila siya papalayo. Tumungo kami sa isang matayog na puno upang magtago.

"Ano ba'ng ginagawa mo? "

"Ikaw, ano ba'ng ginagawa mo, ha? Gale? Sa tingin mo, paano kung mahalata nila na niloloko lamang natin sina ama? Siguradong mapapahamak tayo! "

"Hindi mo ba napapansin? Noong binigkas mo ang ngalan ng isa nating—kaibigan. Naging blangko ang ekspresiyon niya. Sa tingin mo, buhay pa ba si Hugo—"

Sinuntok ko siya sa mukha. Sinipa nang sinipa sa bandang dibdib. Punong-puno ng dugo ang mukha nito. Halos bugbog sarado na. Inulit ko pa ng inulit hanggang sa bumagsak ito.

"P-Paulit-ulit na lamang, hindi ka pa rin ba nagbabago, 'no? Isa pang masabi mo 'yan, pawawalan talaga kita ng hininga hanggang sa kaduluduluhan ng pagsikat ng araw."

Nagpatuloy ako sa paglalakad at pinatig niya 'ko. Binigyan niya ako ng isang triangle choke. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. 

"Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Nagbago ka na talaga. Kung ayaw mong sabihin ko ang salitang iyon, hayaan mo akong maging Hugo. "

Nagbibiro ba siya?! O nasisiraan na siya ng bait? Ibinaligtad ko ang sitwasyon. Ngayon, siya naman ang sinasakal ko. Sabay tinutukan ko ng isang maliit na kutsilyo.

"N-Nasisiraan ka na ba? Ginawa mo 'yan sa'kin, 'di ba? 'Di ba? " nangatal ang mga labi ko. "Naalala mo pa ba ang huli kong puntos sa labanan? 19-19 tayo. Hindi natin alam kung sino'ng mananalo kaya naman. Bakit hindi na lamang natin tapusin na? "

Binitawan ko ang kamay ko sa leeg niya. Sumugod na agad ako. Kinuha ko ang kamay niya at may intensyong baliin ito.

"T-Tama na!!! EARTHA! Nakikiusap akooo! Tama na! Panalo ka na! Pakiusapppp! " mangiyak-ngiyak ang ekspresiyon nito.

Katayuan ako at binitawan ko nang dahan-dahan. Ano ba ko? Tao pa ba 'ko? 

"E-Eartha… Umuwi na tayo, kagaya ng dati. Pakiusap. "

"Kailangan muna kitang gamutin. Kasalanan mo, 'to. Kung hindi pa 'ko nag-isip nang maayos ay baka maputulan ka na ng hininga. "

"H-Hindi na… Gusto ko lang naman na…. "

"Na ano? "

May ibinulong siya sa tainga ko at nagkukunwaring hindi ko naintindihan. Patuloy pa rin ako sa panggagamot sa kaniya hanggang sa umabot na ng umaga.

"Umuwi na tayo. Pakiusap."

Tumango ako at hinila niya ang kamay ko. Tumakbo kami at iniwan ang lahat ng suliranin. At umuwi muli. Sa itinuturing naming tahanan noon.

"Sinadya ko talaga 'yun, " Ngumisi siya.

"Ano'ng ibig mong sabihin? Sinadya mo 'yon kahit na malapit na ang katapusan mo. "

"Narinig ko ang usapan nina Arthur at ng ama mo. May binabalak silang pag-eksperimentuhan ka, kaya naman—"

"Naisipan mong gawin 'yon para sa'kin? Para ka rin palang asukal 'no. Naunahan mo 'ko. " Humagikhik ako. "Alam ko talaga kung ano'ng magaganap, 'yun nga lang. Naisahan mo ko. "

"Pa'no ba 'yan? 20-20 na puntos natin? "

"Sa tingin ko rin. Mabuti pang mamasyal muna ako. "

Tumango siya, "Ako ang magiging kakampi mo hanggang sa huli. Hindi tayo magtaksil sa bawat isa."

Tumakbo muna ako hanggang sa marating ko ang isang batis. Napaluha ako. Bakittttt. Bakit ngayon pa? Masyado ka nang huli, Gale. Patawad.

"Ga-la-xia… Ga-la-xia… Ga-la-xia."

Hinawakan niya ang kamay ko at napunta ako sa isang hindi pangkaraniwang lugar. Sandali, nagkaroon ba ng digmaan dito?

At tsaka, bakit punong-puno ng tao rito? Huwag mong sabihin, nasa isang akong palabas?!

"Ngayon! Masasaksihan natin ang isang batang ito na sundin ang pinag-uutos ko, gamit ang isang salita! "

"Pumunta ka dito dahil gusto mo. Dumating ka dahil hindi mo napigilan ang pagkamatay ng iyong kaibigan. Gale. "

Bakit alam niya ang impormasyong ito? Nasaan ba 'ko? Ilusyon ba 'to? Hindi. Mga mamamayan 'to ng RiverRhine kaya imposible 'yon. 

"Ito ba ang gusto mong kalayaan? Ang kalayaan upang humingi ng kapayapaan o ang kalayaan upang saktan ang sinuman? "

"S-Sino ka ba? At tsaka ano ba'ng pinagsasabi mo? "

"Tingnan mo para sa iyong sarili. Ikaw ang pinakamasamang kaaway ng sangkatauhan. Kailangan mo muna akong patayin upang makahanap ng kapayapaan."

Binigyan niya ako ng isang kutsilyo at pagkatapos ay sinaksak ko ito ng walang pag-aalinlangan. 

"H-Huh? H-HINDI! "

"Huwag kayong mag-alala. Pekeng sandata lamang ito. Maraming salamat sa inyong panonood! Salamat! Salamat! "

Tumakbo ako at narinig ang tunog ng kampana. Hindi, hindi ito maaari. Ito na ang malaking pinaplano nina Arthuro.

Ano'ng talinghaga ba 'to? Gusto ko nang umuwi. Gusto ko lamang ng katahimikan.

"Shhh, " Inilagay niya ang kamay niya sa aking bibig. At hinalikan ang kamay nito.

Sinipa ko ito at tumakbo papalayo. Ngunit hinawakan niya 'ko at lumapag sa isang batis. Batis na kanina lamang ay nando'n ako.

"Sabihin mo, ikaw 'yan 'di ba? Myrtle Hawthorne. "

"Alam mo rin pala. Galaxia Meadow. "

Tinutukan niya ako ng kunai at sinipa ko ito. Ang daming talinghaga (misteryo). Ano na ba'ng nangyayari?

Tumakbo ako at pumunta sa tahanan ni Gale. Binuksan ko ito at sinaraduhan ako. Isang espadang punong-puno ng dugo ang itinusok niya sa katawan ko.

May kumokontrol?! Hindi. Hindi pa 'ko maaaring mapaslang. 

"Shin-de. "

Ang mga salitang iyan. Siguro'y nahanap ko na ang kalayaan. Kalayaan na tinapos ng isang kaibigan.

Nanigas ako sa aking sarili sa isang kristal. Taksil. Taksil. Taksil. Hanggang sa napapikit na lamang ako. Hindi alam ang gagawin. Punong-puno ng kadiliman ang paligid.

"E-Eartha? Ano'ng ginawa ko? Bakit nasa krystal ka na? "

Ano nga ba'ng nagawa mo?

WAKAS.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro