Chapter 8
Serina
"So kapatid mo nga siya?" tanong ni Yeon. Nandito kami ngayon sa isang bar malapit samin. Nag-aya ako dahil namomoblema ako. Kwinento ko sa kanya yung nalaman ko kanina. Kapatid ko daw yung Katana na yun.
"Siguro. Wala namang proof nadala na nagsasabi na kapatid ko siya pero kutob ko nga na oo. Parehas kami ng mata." sabay inom ng ice tea ko. Sumandal ako sa upuan at hirap si Yeon.
"Ano sabi mo nung sinabi niya?" tanong niya.
"Syempre hindi ako makapaniwala. Humingi ako ng oting oras at lumabas ng building. Gagawa daw sila ng DNA test para daw mapatunayan."
"Walk out queen ka masyado." sabay subo ng pistachio sa bibig niya. Hilot ko yung ulo ko at uminom ulit.
"Paano kapag magmatch kami? Magiging ate ako. Paano ko sasabihin kay Dad. Sasabihin ko ba sa kanya? Titira ba siya dito?" binato sakin ni Yeon yung shell ng pistachio.
"Gaga ka! Magiging kapatid ka lang akala mo magiging ina ka. Stress mo ko Babe!" umiwas ako ng tingin. Medyo OA nga ako.
This day is so stressful. Sumabay pa yung pasister reveal kanina.
"Sayaw na lang tayo." hila niya sakin papunta sa dancefloor. I need to forget the problems and ipabukas na lang yun. I need fun. Sumayaw kami ng sumayaw. Nararamdaman ko na may mga lalaki sa likod namin pero wala kaming pake. We are here to have fun and not to hook up with someone.
This guy behind me keeps touching my waist. Sinignal ko si Yeon na medyo umalis na kamj sa gitna. Umalis kami doon at nagpatuloy sumayaw. The DJ is good with his job. Bop song siya.
I feel someone behind me and tapping my shoulder akala ko yung lalaki ulit kanina pero hindi pala. Tumalikod ako kasi naiirita na ako. Nung nakatalikod ako nagulat naman yung nasa likod ko.
"Mermaid!!!!"
"Cree!!"
Sabay naming sigaw. Si Cree is my gay friend from school. Kasama namin ni Yeon dati. Niyakap ko siya dahil matagal na kaming hindi nakikita. Tinawag ko si Yeon na nakikipagmomol na sa gilid. This girl works fast.
"Vakla!!! I miss you!" sabi niya kay Cree. Inimbita namin siya sa taas kasi matao sa dancefloor. Nagorder pa kami ng booze para may inumin habang nagkwekwento.
"How are you Cree?" tanong ko. Ang last post niya sa IG niya ay nasa Alberta siya.
"I'm fine. I noticed you kanina sa taas kaya lumapit ako sa iyo. I would notice your hair miles away. Hindi ka pa rin nagbabago." sabi niya. Hinaplos niya yung buhok ko. Nagmaintain ako ng buhok since highschool kasi ayun lang ang alam kong maganda sakin.
"What brings you to London?" tanong naman ni Yeon.
"Producer ako ng isang banda. Worldtour nila and may concert sila kahapon sa arena. Humingi ako ng one night out sa kanila. Boy hunting din." Inikot niya yung mata niya na parang may hinahanap.
"Kulang ata itong bar na ito ng mga gwapo." desidido talaga siyang makahanap ng gwapo. Lumilinaw ang mata kapag nakakakita ng lalaki lalo na kung gwapo.
"Ano bago sa buhay niyo?" tanong ulit ni Cree samin.
"Yung isa dyan may bago sa buhay niya." turo sakin ni Yeon. Tinutukoy niya yung kapatid ko na bago dating.
Kwinento ko din kay Cree yung nangyari kaninang umaga. Nabuga niya yung inumin niya sakto sa mukha ni Yeon. Sinabunutan ni Yeon si Cree at kinaladkad pa punta sa CR. Naiwan ako dito sa table namin. Sakto dumating si Cristy na mukhang galing pang trabaho.
"Sorry late ako may sinundo ako na pinsan ko. Hindi ko alam na nandito na pala sila ng kaibigan niya." nilapag niya yung bag niya at kinawayan yung pinsan niya sa kabilang side ng bar. Sinabi ko kay Christy na nasa CR si Yeon.
"Ito pala si Richy pinsan ko. Kaibigan niya yung isa. Coincidence pala yung kaibigan daw niya kilala ka daw." inform niya sakin.
"Couz!" napatingin ako sa dalawang lalaking bagong dating. Si Richy at Paxton. Grabe naman pala connection niya sa buhay ko.
"Oh si Ms. Designer pala ito eh! Si Yeon na saan?" sabi niya. Umupo sila sa kabilang side ng table. Across sakin si Paxton. Kung hindi lang siya kasama ni Richy na pinsan ni Christy ay sasabihin kong stalker siya. Why do we always cross paths?
"Magkakilala kayo? How?" takang tanong ni Christy. Dumating na si Cree na basa yung buhok at mukha. Tinawanan ko siya at inabot yung tissue ko.
"Anong nangyari sayo?" tanong ko habang tumatawa.
"Nilunod ako ni Yeon." turo niya kay Yeon na nagpupunas ng mukha. Binato niya yung gamit na tissue sa mukha ni Cree at nandiri si Cree doon sa tissue. Mukhang nagulat si Cree bakit rumami yung tao sa table namin. Kinalabit niya ako.
"Sino sila? Mukhang gwapo yung bagong salta." bulong niya sakin. Niyakap ni Yeon si Richy at naghighfive sila ni Paxton.
"Cree, si Christy, Richy, at Paxton nga pala. Guys si Cree kaibigan namin ni Yeon nung highschool." Inintroduce ko sila sa isa't isa.
"Ay bet ko si fafa Paxton." bulong sakin ni Cree. Katabi ko si Yeon kaya sumingit sa usapan.
"Wag mong sabihin yan. Magagalit yung isa." sabay turo sakin. Binatukan ko siya.
"Bakit ako magagalit?" umiwas ako ng tingin. Bakit naman ako magagalit eh hindi naman kami? Change subject na kami kasi umorder pa kami ng isang bucket ng beer and dalawang club soda para sakin kasi ako magddrive. Kaya ko pa naman.
As usual si Yeon at Richy ang laging magkausap. Si Cree naman ay pinipilit na kausapin si Paxton pero walang ginawa kundi tumango lang. Panay sulyap ko kay Paxton ay ganon din siya sakin. Iwas naman ako kaya nagmeet mata namin.
"Mermaid, diba classmate natin si Pablo Frontier na football player?" tumingin naman ako kila Cree at Paxton. Mukha ng pagtataka ang mukha ni Paxton ngayon.
"Football player pala yun? Di ko alam eh." pagtaboy ko sa tanong. Nakipagusap naman ako kay Christy about doon sa reunion daw ng batch namin. Invited kami as magdedesign ng party namin. Nasa committee kami. Sa Tuesday daw yung party namin sasabay na lang daw siya sa private jet ko.
"Mermaid, naalala mo ba yung time na nagswimming tayo sa bahay niyo tas nagslide tayo noon. Tas biglang nahulog yung shorts ko noon." tawa kami ng tawa ni Yeon. Naalala ko pa yun.
Swimming party kasi yun tas bawal naman maong pants ang gamitin kaya humiram siya sa kuya ko ng swim shorts. Ang payat payat ni Cree noon kaya super luwag ng shorts. Nung time na nagslide kami nahulog shorts niya. Tinawanan siya ng lahat kasama yung crush niya nung high school.
"Nandoon pa si Zander na crush ko. Hiyang hiya ako nun. Pero tingnan mo ko ngayon. I'm hot af!" flex niya lang muscles niya.
"Mermaid?" tanong ni Paxton. Tumingin siya samin ni Cree.
"Pet name niyo? Are you guys together?" sabay niya pang tanong sakin. Seryoso yung mukha niya. Akala niya ba straight si Cree? Hindi mukhang straight si Cree lalo na gestures niya kapag nagsasalita. Medyo exaggerated yung galaw niya and medyo feminine. Maraming pinagkakamalan siyang bakla at first glance.
"Ewwww! Hindi kami noh! Tawag ko lang sa kanya Mermaid kasi Serina and it's close to serena. Mermaid in tagalog."
"Stop calling me that na kasi. We're not high school kids na."
"Sige, Dugong na lang." binato ko siya ng plastice bottle na malapit sakin. Sakto tumama sa ulo niya yung bote. Binato naman ako ng rolyo ng tissue. Binato ko din siya ng tissue.
"Tama na yan! Para kayong bata. Tinginan niyo si Paxton!" suway samin ni Yeon. Tumingin kaming lahat kay Paxton na punong puno ng tissue yung mukha. Siya pala ang nakasalo ng ibang tissue na binabato namin.
"Omyghad! Sorry." lumapit ako at tinanggal yung mga tissue. Nung natanggal ko na gwapo na ulit siya.
"Thanks." pagpag niya sa damit niya. Bumalik na ulit kami sa mga kanyang kanyang usapan.
Lasing na si Cree pati na si Yeon kaya nagsiuwian na kaming lahat. Hindi naman ako tinamaan masyado kaya ako na lang magddrive samin. Hindi ko alam kung saan yung hotel ni Cree kaya dinala ko silang lahat sa bahay ko. Sumama sila Christy at Paxton samin kasi hindi ko kayang buhatin sila Yeon at Christy ng mag-isa.
Pagdating namin sa building kaming dalawa ni Christy ang nag-akyat kay Yeon habang sila Paxton kay Cree. Pinasok ko yung susi para buksan yung pinto. Nilagay namin si Cree sa couch at si Yeon sa kwarto niya.
"Thank you sa pagtulong sakin. Gusto niyo ng tubig or coffee? It'll help with sobering yourselves." lumapit ako sa ref namin at nilabas yung tubig. Kumuha na din ako dalawang baso at nilagay yun sa isle. Magiinit na sana ako ng tubig pero pinigilan na ako ni Richy at sinabi na tubig lang ok na.
"Thank you ah!" Inabutan ko sila nung baso at nilagyan yun ng tubig. Nang naubos nila yung tubig nagsabi na aalis na daw sila para magpahinga. Sinundan ko sila hanggang pintuan. Tuluyan na silang umalis.
Pagkalock ko ng pintuan derecho na ako sa CR at naghalf-bath. After ko sa CR ay nagbihis na akong pantulog. Humiga na ako sa bed.
Nandito ako sa office ngayon. Medyo busy kami kasi malapit na yung fashion show.
"Maam, may tumayawag sa inyo." inform sakin ni Mandy.
"Connect mo na lang sa line ko, thanks." sabay nagring yung landline ko. Boses ng babae yung sumagot.
"Hello?" sabi niya.
"Who is this?" seryoso kong sinagot. Naririnig ko yung paghinga niya sa phone. Lumagpas yung ilang minuto wala pa ring sumasagot. Sayang ang oras ko kay ibababa ko na yung phone.
"Hello? Ate?" huli niyang sabi. Nabigla ako kaya inaba ko ng mabilis yung tawag. Wala akong kapatid. Buong buhay ko wala akong kinilala na batang kapatid. She will never be my sister.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro