Chapter 6
Serina
Nagising ako sa alarm ko na sobrang lakas. Rinig ko na gising na si Yeon dahil naka-on na yung morning radio sa labas. Alam kong may TV kami pero mas maganda pa rin na nakikinig lang ng music at news at hindi nakatutok sa TV lang para less yung radiation.
"Gising na ang mahal na prinsesa!" bati niya sakin. May bow pang kasama. Sira talaga ito!
"Magandang umaga masungit na palaka." insulto ko sa kanya. Binato niya sakin yung throw pillow sa couch. Buti nakaiwas ako.
"Ang ganda ng bati ko sayo tas tawag mo sakin palaka?! Bastos kang babae ka!" reklamo niya sakin. Tumawa ako nung hahabulin niya sana ako pero nadulas siya.
"Ilang isda?" tanong ko. Ang sama ng tingin sakin nung isa. Tawa ako ng tawa habang kumukuha ng ice para sa ulo niya. Nadulas siya doon sa rug kasi biglang gumalaw.
"Napakasama mo sakin. Nakita mo na nga nadulas ako tinatawanan mo pa ako." hawak na niya yung ice pack at nilagay sa ulo niya.
Tumayo na ako sa couch at nagsimulang magluto ng breakfast namin. Hindi naman siya makakain kung wala ako kasi hindi ito nabubuhay ng walang taga-luto.
Simple sunny side egg at avocado toast lang pagkain namin. Nagtimpla na pala siya ng kape sa coffee maker. Masarap ang kape ni Yeon lasang clorox CHAR masarap talaga. Hindi nga siya marunong magluto pero masarap magtimpla ng kape.
Jowain niyo na please.
Tinawag ko na si Yeon para kumain nung tumunog na yung toaster.
"Saan tayo pupunta ngayon?" maglilibot daw kami ngayon para daw hindi ako ma-stress. Papalapit na event namin kaya babad ako sa work.
"Punta tayo sa Leicester Square At magshoshopping doon after punta tayo sa Bridge para magboating then kapag gabi na punta tayo sa London Eye sakay tayo doon." excited niyang sabi.
"Magdadala ba tayo ng kotse?" paano yung binili namin diba.
"Magdadala tayo kotse pero sa Square lang. Park na lang doon at magtaxi na lang tayo kapag magiikot para mas feel yung UK life." uminon siya sa kape niya at tumayo na.
Naligo na kami para mas mapatagal yung ikot namin. Nagsuot ako ng halter top, high-waist jeans, and coat kasi gagabihin kami. Hindi ako nagheels kasi maglalakad lakad kami kaya nagrubber shoes ako.
Lumabas ako ng kwarto nakita kong naglalagay si Yeon ng tubig sa hydroflask namin. Nilagay ko sa tote bag ko.
Kinuha ko yung susi ng kotse ko at niyaya ko na siyang lumabas. Pagdating namin sa Square naghanap kami ng overnight parking. Nakahanap din ako sa gilid ng isang mall at pinark na doon.
Agad kami pumunta sa mga stalls sa Square. Namili kami ng accessories sa buhoy. Matching chairbands kami, akin brown kay Yeon black. Pumasok kami sa forever 21 para bumili ng damit. I saw a good pair of heels at binayaran ko nasa cashier. Bibili daw si Yeon ng mga pang-alis niya kasidaw kulang yung dala niya. Naiwan niya yung iba niyang gamit sa condo niya sa Pinas. Masaya maging shopping partner itong si Yeon kasi ginagawa niyang fashion show.
Natutuwa akong damitan siya ng collections ko ng damit sa shop. Kukunin ko nga siyang model ko kaso bawal exposure sa kanya kasi naguundercover siya sa trabaho. Ngayong wala siyang trabaho baka pumayag siyang kunin ko para sa fashion show ko sa November.
Lumabas si Yeon sa fitting room suot ang isang Bodycon dress na may leopard print. Rumampa siya sa harap ko with matching poses pa. Tawa ako ng tawa kasi yung poses niya yung sakit sa tyan pose, sakit sa ulo pose, at nagkaway-kaway pa. Tumawa din yung mga sales lady na nag-assist sa kanya.
"Bagay ba?" tumingin siya sa full length mirror. Nagpakuha siya nung knee-high boots na matching sa damit niya.
"Oo, pero may kulang." nilibot ko yung mata ko sa store. Naglakad ako sa may mannequin at kinuha yung hat at nilagay kay Yeon. Mas bumagay yung hat sa damit niya. Binigay na nung sales lady yung pinakuha niyang sapatos at sinuot yun. Humarap kami sa mirror para makita yung complete look niya.
Nakuntento naman siya sa unang damit niya kaya bumalik na sya dressing room para itry yung ibang damit. Bagay sa kanya lahat ng pinili niya kaya binili na niya lahat. Nakabili din ako ng damit kasi matagal kami sa shop. Sampung malalaking paper bag ang bitbit namin pagkalabas namin.
Naramdaman kong nagugutom na tyan ko kasi kumukulo na.
"Babes, kain muna tayo. Ayun oh! May Burger King." hinatak ko na siya papasok ng fastfood. Pinapila ko siya habang ako ang maghahanap ng upuan namin. Ang bango ng amoy ng burger. SHEMAYYYY!!
Puno na ang mga tables sa first floor kaya umakyat ako ng isang palapag. Less naman ang tao kesa sa baba kaya nakahanap agad ako ng table na bakante. Bandang gitna yung table at mabilis makikita ni Yeon kasi visible sa stairs.
Habang naghihintay ako sa pagkain naginstagram muna ako. Pinost ko yung pictures namin ni Yeon kanina habang nagtitry yung damit. Puro mirror selfies lang naman.
Stress go away! We're shopping. @yeoniee_gurl
Nagcomment agad yung mga kaibigan namin sa Pinas. Sila yung naghatid sakin sa airport nung umalis ako.
@crizzele_mojica Bakit kayo lang? sama kami dyan sa London
@idolraffy Amporkchop niyo! Bring pasulubong please kahit hindi na kayo umuwi basta padala kayo chocolate
@MiracleA. Aba! Hindi ka na nakakatuwa Serina!! Sagutin mo tawag ko!!
@K.Young Good day po......This is ENAN from Lazada Delivery...magdedeliver po kami today ng parcel.
GAGI NATATAWA AKO! yung lazada talaga ni Kineki. Epal nilang lahat. Nireplyan ko sila gamit comment section.
@crizzele_mojica Ayaw mo nga umalis ng bansa kasi ayaw mo iwan ala-ala niyo ni Z.
@idolraffy Bastos kang bata ka! Sumbong kita kay Tita Ram na ayaw mo sa gawa niyang chocolates.
@MiracleA. Ayaw ko nga blehhhh!
@K.Young Nasa aso yung bayad bark 4 times para ibigay sayo.
Dumating na si Yeon dala yung pagkain namin. Hindi lang siya mag-isa kasi meron siyang kasamang dalawang lalaki sa likod niya. Kanya kanyang dala ng tray na may malamang pagkain. Yung isang lalaki red yung buhok at nakasuot ng black leather jacket. Yung isa naman ay brown yung buhok at medyo moreno suot niya ay isang black polo na may coat.
Sandali...bakit parang kilala ko yung brown na buhok. Isip Serina!!!! Ah! Si Paxton!
SI PAXTON?!!!
Pinanlakihan ko ng mata si Yeon habang nilalagay niya yung tray sa table. Hinatak ko si Yeon papunta toilet at kinutungan.
"Bakit kasama mo sila?!" galit kong patanong sa kanya. Hinimas niya yung ulo baka nalakasan ko yung ginagawa ko.
"Kilala ko yung isa doon, si Richy kasi kasama ko nung nagclub tayo. Nakasulubong habang hinahanap kita sa baba. Wala daw silang table kaya niyaya ko sila." explain niya sakin. Istress ako sa babaeng toh.
"Eh bakit kasama si Paxton?" tanong ko sa kanya. Naalala niya pa ba si Paxton? May malisya ata yung offer niya eh.
"Hinde, eh? Sino ba siya?" tanong niya sakin. Binatukan ko ulit siya. Minsan hindi ko din alam anong gagawin sa kanya.
"Nagimbita-imbita ka, hindi mo kilala yung kasama. Si Paxton yun, yung lalaki sa club din na lumapit sakin." Shock pa siya sa sinabi ko. Matalino naman siya eh na saan na yun??
"PUCHA! Siya yun?!!! Gagi di ko alam! Teka Wait, hinga muna ako." Naghihyperventilate siya. OA parang hindi naman ako ganyan maka-react. Kumuha ako tissue at binato sa kanya. Nahigop niya yung tissue. Inalis niya yung tissue sa bibig niya at tinapon sa bin.
"Hindi ko kasi namukhaan kasi madilim sa club." nagpeace sign siya. Di ko alam anong gagawin namin. Awkward masyado ang situation. FUDGEEE!!
Lumabas na kami sa CR kasi baka pagkamalan kaming nagpopoops. Umupo kami sa may booth at sila Paxton naman nasa harap namin. Binuksan ko na lang yung burger ko at kinagatan. Iniiwasan ko magkaroon ng eye contact kay Paxton.
"So......Richy anong trabaho mo?" Tanong ni Yeon para basagin ang katahimikan. Sumubo ako ng fries at tumingin kay Richy.
"Professional football player kami. We play for the San Francisco Hawks." Flex niya samin. I don't follow sports. Heck! I haven't been to a football game before. Buong lunch sila Richy at Yeon lang ang nagsasalita tahimik kami ni Paxton na kumakain.
"How about you? Serina, right?" tanong niya sakin. Huh? Ano daw sabi? May bubble ako eh.
"Huh?"
"I was asking you about your profession." Tumingin sakin silanv dalawa ni Paxton. Bakit napunta sakin yung usapan?
"Well, I'm a designer at Heathers."
"Really? Our manager is looking for a designer for our team. It's for a awards night next month." He nudge Paxton para sumang-ayon siya sa sinabi niya.
"Yeah." tipid niya sabi.
"We would love if you would be our designer. Our outfits last year were a disaster!"
"I c-"
"She would love to!!" singit ni Yeon. Sinipa ko yung paa niya pero ibang paa yung nasipa ko. Nasipa ko si Paxton.
"Great! I will give you the number of our manager and you too will talk details." He handed me a calling card. I took it para hindi naman rude tingnan. Makakarinig sakin ng sermon itong si Yeon mamaya about boundaries. Sinave ko yung number sa phone ko.
I checked my watch and it said 3:14 pm. Kinalabit ko si Yeon para sabihin kailangan na naming umalis. Magpapaalam na kami nung may suggestion si Yeon. Hindi ata maganda ang kalalabasan nito.
"Are you busy? If not, would you like to join us? Since you've been here a lot you could be our tour guide." sabi niya. The two guys exchanged looks. Parang gusto sumama ni Richy samin pero need niya ata ng permission kay Paxton para sumama siya. In the end, walang nagawa si Paxton at pumayag na siya.
Inaakbayan ni Richy si Yeon at lumabas ng Burger King. Naiwan kami dito sa loob habang sila naghohop na sa labas, Para siyang best friends sa itsura nila ngayon. Natawa ako dahil cute sila.
Binuksan ni Paxton yung pintuan para makalabas kami. Such a gentleman! Plus points yun para sakin. Nilabas ko phone ko at pinicturan yung mga buildings at statues habang sumusunod lang sakin si Paxton.
Kita kong naglalakad lang si Paxton na parang wala lang habang yung dalawang kasama namin nakikipaghabulan sa mga pigeons.
"You want? I can take a picture of you." offer ko sa kanya. Hesitant pa siya pero pumayag naman. Doon kami sa may fountain nagphotoshoot. Umupo siya sa ledge habang kamay niya nasa side lang. Medyo awkward yung poses niya kaya lumapit ako.
"Medyo awkward yung poses mo. Try a different style. Put your hands into your hair and push it back or like lean on the ledge ang hands on the pocket. Okay?" tumango lang siya. Sinunod naman niya yung sinabi ko at maganda yung kinalabasan nung picture. Gwapo siya both real life and sa picture.
Inairdrop ko na sa kanya yung mga pictures para pwede niyang ipost sa IG niya.
"You want me to take a picture of you as well?" tanong niya. He offered his hand para kunin yung phone ko. Tinangap ko naman yung alok niya kasi si Yeon naman busy doon sa mga ibon.
He squated infront of me to get the whole fountain and my outfit in the shot. Opposite yung side na pinostsan niya ako tumapat. After a couple of clicks binigay na niya sakin yung phone ko. Scrinoll ko yung mga kinuha niya pics para tingnan kung maayos ba. To my suprise maganda naman siya.
After sa Square, sumakay na kami ng taxi papunta sa Bridge. Dapat kami yung magbabayad kaso naunahan ako ni Paxton sa pag-abot ng bayad. Magboating kami and sakto may tour guide din. Nakinig ako sa mga stories behind old buildings. History is kinda relaxing for me.
Sabi ng guide pwede na daw may picture. Habang busy ako magpicture hindi ko namalayan na may pasulubong na bangka. Nabigla ako at naout of balance. Pinikit ko mata ko expecting na mababasa ako pero hindi naman.
"Ok ka lang ba?" alalang tanong ni Paxton. Before ako mahulog nahatak pala ako pabalik ng bangka. Muntik na yun ah!
Nakadagan pala ako sa katawan ni Paxton. Nakatingin lang siya sakin na may halong pag-aalala. Hala OMG! Tumayo ako bigla pero gumalaw yung bangka ulit tas napatid ako.
Namula si Paxton sa nangyari. Bakit siya naging kamatis? Nakita ko yung kamay ko sakto lumanding sa ano niya. F*CK!! Inalis ko agad at tumayo na. Ako din naging kamatis na. Nakakahiya talaga!
"Sorry, Paxton" mahina kong sabi. Nakakahiya talaga mga 100. Tubig lumurin niyo na ako now na. Lumayo ako kay Paxton at lumapit kay Yeon. Kinuha ko yung braso niya at ninudnud yung mukha ko doon.
"Anong nangyari sayo? Bat ang pula mo?" tanong ni Yeon sakin. Dinabog yung paa ko at pinalo siya. Nahiya akong ikwento sa kanya dahil nandyan si Richy sa tabi niya. Tumingin lang siya na may pagtataka.
"Huy! Ano nga meron?" kuliy niya sakin. Tinusok niya tagiliran ko. Hindi pa rin ako nagpatinag kasi nakakahiyang sabihin.
"Ah! Bahala ka dyan!" pagtabot niya sakin. Umupo na lang akong mag-isa sa bench. Malayo sakin si Paxto dahil baka naiilang din siya. Tiningnan mo yung kamay ko at pinalo yun.
Kung saan saan ka kasi napupunta. Inis mo ko kamay ah!
Paano ako makakasurvive nito? SHEMS NAMAN EH!!
Natapos na din yung boat ride sa London Bridge kaya mabilis akong bumaba at pumunta sa pinakamalapit na CR. Hinugasan ko yung kamay ko. Sana matangal ng sabon yung nakaraan.
Lumabas ako ng CR at nakita ko si Paxton na naghihintay. Iniwas ko yung mata ko at hinanap sila Yeon at Richy. Hindi ko sila makita kaya wala akong choice kundi lapitan siya para tanungin.
"Saan sila Yeon?" kalabit ko sa kanya. Yung mga kamay niya nasa pockets niya.
"Nung umalis ka kanina na nagmamadali, sinundan kita. Pagkabalik ko dito wala na sila." sagot niya. Iniwan kami??! Tinatawagan ko si Yeon pero out of coverage area daw. Hala!!
Ngumiti ako ng pilit at umupo sa bench. Tinatawagan din niya si Richy pero hindi din daw sumasagot. Paulit-ulit kong dinadial pero wala pa rin. Inis kong nilagay yung cellphone ko sa bag ko.
"Sayang kung dito lang tayo. Mas maganda kung pumunta na lang tayo sa next destination niyo. Baka nandoon sila." suggestion niya. Mukhang wala naman na yung nangyari kanina para sa kanya. Siguro nga nandoon sila napunta.
"Next destination namin London Eye. Cab na lang tayo." tumawag sila ng taxi. Umupo kami sa likod pareho. Nang dumating kami sa London Eye akala namin makikita namin sila doon pero wala pa rin.
"Gusto mo sumakay na lang?" sayang na din kasi kung di kami sasakay. Pumila kami sa may bilihan ng ticket. Onti yung mga tao compared sa weekends.
Ilang minuto lang ang hinintay namin ay nakasakay kami. Mabagal yung pag-angat nung cart. Nakikita ko yung paglubog ng araw. Ang ganda talaga ng sunsets.
Walang nagsasalita saming dalawa at nakatingin lang sa kalawakan habang nagiging blue ito. Pakiramdam ko magandang oras ito para humingi ng sorry ng maayos sa nangyari kanina.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. Ang ganda ng pagkatama ng natitirang liwanag ng araw sa kanya. Perfect picture. Kinuha ko cellphone kp at pinicturan siya. Nakalimutan kong automatic flash siya kaya napansin niya.
"Buti na lang pinicturan mo ko. Mas tatagal kasi iyon." tumawa siya. Tinago ko yung phone ko sa hiya at tumingin sa baba. Naka-on na yung mga street lights. Ang gandang scenery! Out of the blue nagsalita si Paxton naikinagulat ko.
"Be my date."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro