Kabanata 4
NAKASIMANGOT si Yophiel habang kasayaw niya ang prinsipe ng kanilang kontinente. Naghahanda na siya para sa kaniyang seremonya at isa na ang pagsasanay ng sayaw. Kahit na tinuruan na siya sa sayaw na ito dati sa kaniyang mga dance lesson, nahihirapan pa rin siya.
Isa sa mga kalidad ng pagiging noble ang magaling sa pagsasayaw subalit mahina si Yophiel sa ganitong aspeto.
Dalawang linggo na ang lumipas matapos siyang pumunta sa lungsod at hindi na siya nakabalik pa dahil naging abala na siya sa preparasyon ng kaniyang coming-of-age ceremony. Isang linggo na lang ang natitira bago ang opisyal na pagpapakilala sa kaniya sa buong Chloronosos dukedom.
“You are getting better, Yoyo,” Prince Adelio said. “Dalawang minuto na ang lumipas pero hindi mo pa naaapakan ang paa ko.”
“Huwag mo nga akong tawagin niyan. Ang bantot pakinggan,” sabi niya sabay ngiwi.
She turned around as the prince guided her moves.
Tumawa naman ito. “Sino ba ang makakarinig sa atin maliban sa ‘yo?”
Calling someone with their first name was a sign of intimacy. Kaya mahigpit na ipinagbabawal sa panahong ito ang pagtawag ng first name o kahit na anong nickname kung wala namang namamagitan sa inyo o kung hindi kayo magkadugo.
“Hindi mo nakikita si Miss Ella at ang mga musician?” sarkastiko niyang tanong. Even though she wasn’t sure if Miss Ella and the musicians could hear them because they were standing in the farthest corner of the spacious dancing hall, she was still cautious.
“They’re too far. And the music is loud.”
Nagpatuloy lang siya sa pagsayaw hanggang sa matapos sila. Napangiti siya dahil ito ang unang pagkakataon na hindi siya nagkamali at hindi niya naapakan ang paa ng prinsipe.
“Ang galing ko,” puri niya sa kaniyang sarili sabay halakhak.
Palabas na sila ng dancing hall. Nakahawak siya sa braso ng prinsipe habang ginaya siya nito palabas.
“Aren’t you busy, my prince?”
“Of course, I am. But if it’s for my friend, then I can free up my schedule.” And he winked at her.
Napangiti na lang din siya at napailing.
Hindi nakasulat sa nobela na naging matalik pa lang magkaibigan si Yophiel at ang prinsipe. Ang sinabi lang doon, magkakilala lang sila dahil sa kapangyarihan na mayroon ang kanilang pamilya.
It was sad to think that they would become enemies as the story moved forward.
But Yophiel would not let that happen. She would never ruin their friendship. She would not be a brat and a bully like what the novel had portrayed her.
Sasagot na sana siya pero muli itong nagsalita.
“Do you know Lady Gisela from the count’s family?”
“Yeah. Nagkita na kayo?” tanong niya.
Base sa libro, nagkita na si Prinsipe Adelio at Lady Gisela bago pa ang kaniyang coming-of-age ceremony. Malapit nang magsimula ang kanilang istorya. At kung pagbabasehan niya ang nakangiting mukha ng prinsipe ngayon, mukhang nagsimula na nga.
Tumango naman ito at binalik ang tingin sa daan. Nakangiti pa rin ang mga labi.
“Uy, si Prince Adelio, may tama na.” Sinuko niya ang tagiliran nito. “Huwag mo ‘kong kalimutang gawing ninang ‘pag kinasal kayo, ah?”
He chuckled in response.
Lumiko sila sa isang pasilyo kung saan naroroon ang harden. Kailangan pa nilang maglakad ng ilang minuto para makapunta sa living room ng mansiyon.
Napunta ang tingin niya sa unahan ng pasilyo nang may makita siyang pigura ng lalaking naglalakad salungat sa kanilang direksyon.
Makakasalubong nila ito.
Napalaki ang kaniyang mga mata nang makilala ito.
“Eziyah Cecilion,” bulong niya.
Napahawak siya sa gown ng kaniyang black dress at tinaas ito nang kaunti upang makalakad siya nang mabilis. Hinila niya ang prinsipe papunta mismo sa gitna ng harden upang maiwasan ang papalapit na knight.
“Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ng prinsipe.
“Dito lang.” Binitawan niya ito at kunyari’y inaamoy ang mga namumukadkad na rosas. “Ang bango. Subukan mong bigyan ng rosas si Lady Gisela baka kaagad siyang um-oo sa ‘yo.”
May sinagot ang prinsipe subalit hindi niya ito marinig dahil wala rito ang kaniyang pokus. Nakatingin ang kaniyang mga mata sa lalaking naglalakad sa pasilyo. Madilim ang mukha nito na animo’y may kakataying tao. Salungat na salungat sa prinsipe na kasama niya.
Bigla itong lumingon at nagkasalubong ang kanilang mga tingin. Kaagad siyang yumuko at muling inamoy ang mga rosas.
“Oh, heck,” bulong niya habang nararamdaman ang kaba sa kaniyang dibdib.
Huminga siya nang malalim dahil parang nakalimutan niyang huminga nang makita ang pula nitong mga mata.
“Hoy, Yoyo.”
Napatayo siya nang matuwid nang kinalabit siya ng prinsipe. Nasa gilid niya ito habang sa kaliwang bahagi naman niya, nandoon ang kaniyang lady in waiting na hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha at nakasimangot pa rin.
“May gusto ka ro’n, ‘no?” nakangising tanong ng prinsipe habang nakaturo sa pasilyo kung saan dumaan si Eziyah kanina.
Napakunot naman ang kaniyang noo at dali-daling napailing. “Wala! Hindi ko nga ‘yon kilala.”
Pero imbes na maniwala ay tinaasan lang siya ng kilay ng prinsipe.
“Wala nga!”
Natawa naman ito. “You’re acting so defensive. Anyway, Yoyo, I need to go. Tell the teacher I visited.” He was pertaining to his father. Prince Adelio was one of her father’s students in the magic tower.
Inabot nito ang kaniyang kamay at hinalikan ang likod ng palad. “See you on your birthday.”
MABILIS na dumating ang araw ng kaniyang coming-of-age ceremony. Maaga siyang ginising ni Miss Ella para bihisan siya at lagyan ng kung ano-anong palamuti ang kaniyang damit at buhok. No’ng isang araw pa dumating ang mga dadalo sa kaniyang seremonya at namamalagi ang mga ito sa guest rooms ng kanilang mansiyon.
Lahat ng miyembro ng nobility ay dumalo sa kaniyang kaarawan, hindi lang para makita at batiin siya pero para na rin magkaroon ng koneksyon sa pamamagitan ng kanilang mga anak. Paniguradong maraming pipila sa kaniya at magpapakitang gilas sa ama upang maging kaniyang asawa.
She already rejected a lot of marriage proposals even before her coming-of-age ceremony. Mapili din ang kaniyang ama kaya wala itong problema kung sakali mang wala siyang mapiling mapapangasawa.
“My lady, bumangon ka na.” Kanina pa siya pinapabangon ni Miss Ella pero ayaw niya.
Mabigat ang kaniyang pakiramdam. Okay naman siya kahapon at sinigurado niyang sapat ang naging tulog niya kagabi kaya hindi niya maintindihan kung bakit na lang biglang sumama ang pakiramdaman niya.
“Miss Ella, isang minuto pa, please?” pakiusap niya.
Kumikirot din ang cursed mark niya sa kaniyang braso. Ang itim na marka ng isang dragon na hindi niya alam kung bakit siya nagkaroon ng ganito. Her father told her that it was a birthmark, and that it was normal for a magician like her to have that, but in the novel, Yophiel was a cursed daughter. The author labeled the mark as cursed.
Ilang minuto pa siyang nanatiling nakahiga hanggang sa mapagpasiyahang bumangon na. Kahit na masama ang kaniyang pakiramdam, hindi naman maaari na hindi siya dumalo lalo na’t siya ang sentro ng araw na ito.
Binihisan na siya ni Miss Ella. Isang fitted black dress ang kaniyang sinuot na may kumikinang na ginto sa dulo. Kahit na maliwanag ang itsura ng kaniyang kuwarto dahil sa rosas na kulay, ang kulay na mayroon naman ang kaniyang wardrobe ay puro itim.
Siguro dahil isa siyang villain kaya halos mga kasuotan niya ay kulay itim din.
Nagsimula nang ayusan ni Miss Ella ang kaniyang mahaba at tuwid na buhok. Imbes na sundin ang nauusong braid style sa kanilang panahon, tinuruan niya ito kung paano gawin ang fishtail braid. Tinirintas nito ang ibabaw at kalahating parte ng kaniyang buhok at hinayaang ilugay ang natira. Ganito palagi ang ginagawa niyang hairstyle no’ng nagtatrabaho pa siya.
Pagkatapos, hindi rin nito kinalimutang ilagay ang brooch na binigay ng ama. Sinuotan din ang magkabila niyang pulso ng pulseras. Sa kaniyang leeg naman, isang kuwintas na may palawit na diyamante.
Papunta na sila sa hall kung saan gaganapin ang seremonya.
Hanggang sa makarating at magsimula, hindi siya makapagpokus. Nangangawit na rin ang kaniyang mga labi sa kakangiti at kababati sa mga taong lumalapit sa kaniya.
“Okay ka lang ba, anak?” tanong ng kaniyang ama na nakaupo sa kaniyang tabi. Nasa ibabaw sila ng plataporma.
Tumango naman siya kahit ang totoo, gusto na niyang magpahinga.
Inalok siya nitong sumayaw kaya tinanggap niya naman iyon. Bumaba sila at pumunta sa sentro ng banquet hall. Sa hudyat ng kaniyang ama, nagsimula na rin silang sumayaw.
Habang sumasayaw sila, nakita niya sa paligid si Prinsipe Adelio na masayang inaya si Lady Gisela sa isang sayaw. Dumalo na rin ang iba at sinabayan sila sa musika.
“Argh . . .” Napayuko si Yophiel nang bigla na lang nandilim ang kaniyang paningin.
“My daughter?” Napatigil sila sa pagsayaw.
Mariin siyang napahawak sa kaniyang braso nang humapdi ito. Ang kaniyang mana ay umaakyat at naiipon sa kaniyang braso. Nanunuot na anghang ang nangibabaw na parang sinusunog ang kaniyang balat.
Tumitibok ito na para bang may gustong kumawala.
“Papa, a-ang sakit,” saad niya habang habol-habol ang hininga. Hindi niya namalayang tumulo na pala ang kaniyang mga luha.
“Yophiel—”
Hindi natapos ang sasabihin ng ama nang bigla siyang magpakawala ng malakas na presyon ng hangin sa paligid. Para itong bomba na naging dahilan upang tumilapon ang mga bagay at taong nakapaligid sa kaniya.
Natanggal ang nakatirintas niyang buhok sa lakas ng hangin. Hindi niya ito magawang kontrolin.
“Yophiel!” sigaw ng ama.
Napaangat ang kaniyang tingin. Doon niya lang napansin na lumulutang na pala sa ere ang mga taong nakapaligid sa kaniya. Ang mga sigaw at natataranta nilang ekspresyon ang naging dahilan para mapagtanto ni Yophiel ang kaniyang ginawa.
Napamura siya.
Tinaas niya ang kamay at sinubukang patayin ang sariling mahika subalit hindi ito nakikinig sa kaniya. Lalo lang itong lumakas. Ang mabatong pader ay nabibitak na rin sa lakas ng hangin. Parang ipuipong umikot-ikot ang mga taong nadakip ng kaniyang mahika.
“Papa!” sigaw niya.
Mabuti na lang at nandiyan ang ama upang pantayan ang kaniyang kapangyarihan. Nagawa nitong makuha ang mga taong nadawit sa kaniyang pagwawala. Ngunit, hindi ito naging sapat para mapakalma ang nag-aalburoto niyang kapangyarihan.
“Tumigil ka na. Pakiusap.” She gritted her teeth as she tried to calm herself, but her pulses beat faster instead.
The droplets of sweat started to pour from her forehead. Sa pangalawang pagkakataon, muli na naman siyang nagpakawala ng malakas na mahika pero hindi ito katulad ng nauna.
Imbes na isang hangin lang na walang direksyon kung saan patungo, ang pinakawalan niya ngayon ay mga Wind Spear. Ito’y mga maliit na ipuipo na hinulma sa imahe ng isang spear, at kung gaano katulis ang dulo nito, mas doble pa ang epekto ng kaniyang Wind Spear dulot ng mga kidlat na nakapaligid sa spear.
Parang mga palasong naglalabasan ang mga Wind Spear sa kaniyang katawan at hindi niya ito kayang pigilan. Napapikit na lang siya dahil hindi niya kayang tignan kung sino man ang matatamaan nito.
Susuko na sana siya subalit narinig niya ang boses ng ama.
“Yophiel!”
Napamulat siya. Imbes na ang ama ang makita, isang babae ‘di kalayuan ang tumakbo at sinalubong ang isa sa mga Wind Spear niya. Nadaplisan nito ang noo dahilan para matumba ito.
Lady Gisela? Why did she do that?
May mga palad na lumapat sa kaniyang noo. Narinig niya ang boses ng ama mula sa kaniyang likuran. May sinabi itong mga kataga dahilan para makaramdam siya ng antok.
Bago siya makatulog, nakita niya ang dalawang lalaki na tumatakbo papunta sa direksyon ni Lady Gisela na nawalan ng malay. Si Prinsipe Adelio na agad binuhat ang babae, habang ang isa naman ay lumingon sa kaniya at pinukol siya ng masasamang tingin.
“Eziyah,” she uttered his name as she lost consciousness.
It was the worst and terrifying stare she had received in her entire life.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro