Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 22

YOPHIEL finally got the book. Kaagad siyang tumakbo pabalik ng harden. Kahit na sumasakit ang buo niyang katawan, ininda niya iyon. May kailangan pa siyang dapat gawin.

Sumalubong sa kaniya ang harden na nagkawatak-watak na. Si Prinsipe Adelio na nagbabago na ang anyo dahil sa awakening at si Eziyah naman na nakatuon ang espada kay Lady Gisela.

“Eziyah!” pigil niya.

Napalingon ang lalaki sa kaniya. Nang makarating siya, nilagay niya ang libro sa katabi ni Lady Gisela.

Nilapat niya ang kamay sa libro. Ang kaniyang braso na may cursed mark ay kaagad na umilaw.

“Trapped Barrier!” Mula sa libro, may kumikinang na bagay na lumabas. Para itong yelo na mabilis na kumalat at lumikha ng parisukat na kulungan sa paligid nila.

Bago pa ito tuluyang magsara, nilingon niya si Eziyah. “Disperse your magic and lumabas ka rito.”

Mabilis na sinunod ng lalaki ang utos niya. Kahit na kabado ang mukha nito, lumipad ito paalis at tinanggal din ang mga kadenang nakapulupot sa katawan ni Lady Gisela.

“Argh!” Napadaing si Yophiel dahil mabilis siyang sinunggaban ni Lady Gisela.

Sila na lang dalawa ang natira sa loob.

“And what are you trying to do? Kahit anong gawin mo, wala kang mababago!”

“Alam ko!” sigaw niya rin pabalik at inipon ang natitirang lakas sa kamao. Sinuntok niya ang mukha ng babae upang maalis ito sa kaniyang ibabaw.

Tumayo siya. “So, ikaw pala ang author. Marami akong gustong sabihin sa ‘yo.” Napunta ang tingin niya sa lupa nang may puting ilaw na lumabas at gumagalaw ito ng kusa. May ginuguhit ito.

Isang portal spell.

Napangiti siya. A portal spell that wasn’t included in the book but could only be performed by the dragon itself. The purpose of the portal spell was to make her wish came true.

“Like I care about anything you say!” Muli siya nitong sinugod. Hindi na siya umiwas pa at tinanggap ang kamao.

Napaupo siya sa sahig ngunit hindi nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Nilingon niya ang babae habang lumalawak ang ngisi. “Si Blank ‘to, remember? Isa ako sa mga taong nag-publish ng libro mo.”

Natigilan ito sa kaniyang sinabi. “W-what? You’re Blank Herana?” Bakas sa mukha nito ang gulat, hindi inaasahang ibang tao na pala ang kaharap. “But you died.”

“Oo tapos napunta ako rito. Gulat ka ba?” sagot niya sabay tawa. “Actually, after kong mabasa ang manuscript mo, ilang beses kong pinigilan ang team na i-publish ang libro mo kasi ang pangit! Pero dahil sikat ka at kahit pa hindi maganda ang gawa mo, i-pu-publish pa rin nila ‘yon kaya in the end, wala akong nagawa.”

“How dare you!” Nilapitan siya nito at sinampal ang kaniyang mukha. “My story is not ugly!”

“Ang pangit kaya!” Hinawakan niya nang mahigpit ang kuwelyo ng damit nito. “Pero kahit na pangit ang story mo, maganda ka naman gumawa naman ng mga karakter.”

“I don’t care if you like my story or not.” Dinaganan siya ni Lady Gisela. “You can’t change anything! It is me who can only change the story. I made this! This is my world!”

“Paulit-ulit? Sabi nang alam ko na nga ‘yon! At kahit na alam ko na ‘yon, gagawin ko pa rin ang lahat para hindi mangyari ang sinulat mo!”

“Wow! You really hate my story this much to change everything? Gusto mong ikaw ang masusunod?” Humalakhak ito. “There is no way you can stop this fictional reality!”

“Paano kung mayroon? Paano kung dahil lang sa kahilingan ko mawawala ‘to lahat?”

“A wish?” Muli itong tumawa. “What wish? Did you wish to change the ending? Did you wish to become the main character, huh? Kahit si Yophiel pa ang maging main character, hindi pa rin mababago ang magiging kahihinatnan niya!”

“Kahit kailan hindi ko at si Yophiel pinangarap maging bida sa kuwento mong ang pangit!” Nakahawak pa rin siya sa damit nito. Kumabog nang malakas ang puso niya dahilan para bahagyang mapaigtad ang kaniyang katawan.

Nagwawala ang mana niya. Dahan-dahan na siyang hinihila dahil sa ginawa niyang kahilingan. She closed her eyes. And as she opened it, her blue orbs glowed.

Kita niya sa mukha ng babae ang gulat pero kaagad itong ngumisi. “Yophiel had done this to me already. You can’t stop me from sharing your fate with me.”

“I’m not sharing my fate with you.” Hinila niya ang buhok nito dahilan para mapasigaw ito. Tinapat niya ang kamay sa dibdib ng babae, at sa huling pagkakataon, bumuo siya ng isang Pressure Ball. Pinasabog niya ito sa dibdib ni Lady Gisela upang tumilapon ito papunta sa libro.

Tatayo na sana ito pero may puting kadena ang pumulupot sa kamay nito upang hindi makaalis.

Ngumisi siya. Pilit na kumakawala ang babae, pero sa tuwing sinusubukan nitong sirain ang kadena, lalo lang itong kumakapal.

She glared at her. “What did you do?”

“Sabi ko naman sa ‘yo, isang kahilingan lang ang katapat mo.” Naglakad siya papunta sa babae.

Nagpumiglas pa rin ito. Nagtaka siya dahil bigla itong pumikit pero ilang saglit ay minulat din ang mga mata.

Napamura si Lady Gisela. “Why can’t I go back to reality?”

Umupo siya sa lupa habang nakaharap kay Lady Gisela. Kumikirot ang buo niyang katawan at pumipikit na rin ang talukap sa mga mata niya.

“Not yet. Hindi ka pa makakabalik hangga’t hindi matutupad ang hiling dahil kasali ka.” Tinignan niya ito sa mga mata. “You, weatherwitch, you’re going to rewrite the story.”

Kumunot ang noo nito pero kaagad ding tumawa. “Rewrite? Are you kidding me? You can’t change what has been written for the characters!”

“Wala akong sinabing iibahin mo ang mangyayari sa mga karakter. My wish is to change the perspective of the story.”

Yophiel thought about this earlier.  Paano niya gagamitin ang kaisa-isa niyang kahilingan upang mailigtas sa kamatayan ang mga karakter na malapit sa kaniya?

It wasn’t allowed to change the ending nor the happenings in the story. But if she wished to change the perspective even if she couldn’t change the fate of the characters, the main story would not be about Lady Gisela and Prince Adelio. Kapag nangyari ‘yon, hindi masusunod ang timeline nila. Ang timeline ng panibagong lead characters na ang masusunod. And if the story would end in a timeline where those who died would not be included in the story, their death would not be written as well, thus, it would not happen.

“In Yophiel’s perspective?” Muli itong humalakhak. “Didn’t I tell you earlier? Even if Yophiel will lead the story, she will still die!”

“Sinabi ko na rin sa ‘yo kanina pa na hindi pinangarap ni Yophiel na maging bida sa kuwento!” Napakuyom ang kaniyang mga kamao.

Hindi niya masasabing perpekto ang naging hiling niya dahil may karakter pa rin na mamamatay. But at least, her father, Eziyah, and her end would not be written.

She also wanted the readers to see the other side of the story.

Muli niyang tinapat ang kamay sa libro. Pinikit niya ang mga mata habang ang hangin ay nagsimula na siyang palibutan. Umalon ang kaniyang buhok sa palakas na palakas na enerhiya sa paligid niya.

“Inferio, ngayon na.”

Inferio’s voice echoed around her ear. “Your wish shall be granted.”

Minulat niya ang mga mata at pinanood sila Lady Gisela. Mula sa mga kamay at paa nito, dahan-dahang nalulusaw ang babae. Kaagad itong nataranta. She was shaking her hand and feet to prevent it from dissolving.

“What is happening?!” Lady Gisela shouted.

Ngumisi siya. Dahan-dahan na ring bumabagsak ang katawan niya sa lupa.

“Don’t worry. Makakabalik ka rin naman sa fictional reality mo. Iyon nga lang, sa ibang katauhan na. At sa katauhang iyon, mararanasan mo rin paulit-ulit . . . ang kamatayan.” Tuluyan siyang bumagsak sa lupa.

Nabalot ng takot ang mukha nito sa huli niyang sinabi. Isang malakas na sigaw ang nagmula kay Lady Gisela hanggang sa tuluyang naging alikabok ang buo nitong katawan. Lumipas ang ilang segundo at ang mga alikabok na iyon ay muling nabuo. Dahan-dahan itong naging anyong tao. Binalik nito ang katawan na nalusaw kanina.

“Lady Gisela,” saad niya sa walang malay na katawan. Sa pagkakataong ito, natutuwa na siyang sabihin ang pangalan nito dahil alam niyang ang totoong Lady Gisela na ang nasa harapan niya.

“My lady!”

“Yophiel!”

Napaangat ang kaniyang tingin nang may mga bisig na binuhat siya. Nawala na ang barrier.

“E-Eziyah . . .” Inabot niya ang mukha ng nag-aalalang lalaki. Naluluha ang mga mata nito.

Napalingon siya sa kaniyang kaliwa at nakita ang ama na naiiyak ding nakatingin sa kaniya. Si Prinsipe Adelio ay dumiretso kung saan naroroon si Lady Gisela.

“Papa, mukhang okay ka na.” The manipulation had vanished. She did it. The author had perished now. And this part of the story would soon perish, too.

She would perish, too.

“I’m sorry, Yophiel. I’m sorry,” iyak ng kaniyang ama. Nilapat nito ang kamay sa kaniyang noo at naglabas ng mahika. “I was careless. I’m so sorry.”

Napapikit siya dahil sa lamig ng palad nito. Pinagaling ng ama ang mga sugat na natamo niya sa labanan kanina.

“Okay lang, Pa.” Bumaba siya sa pagkakabuhat ni Eziyah sa kaniya. Nakakapit pa rin siya sa lalaki dahil hindi niya kayang makatayo. Nanghihina pa rin siya kahit na gumaling na ang kaniyang sugat. Ang talukap ng kaniyang mga mata ay mabigat pa rin at hinihila siyang makatulog.

Pinapaalis na siya.

“My lady.” Eziyah caressed her cheek. “What did you do?”

“Pinalayas ko na ‘yong manunulat. You will not die anymore. Ako rin. Hindi na rin ako mamatay sa huli!” Trying to sound cheerful, she smiled at the man.

Ngumiti naman si Eziyah subalit hindi masaya ang mukha nito. His face wasn’t relieved. Samo’t saring emosyon ang naglalaro sa mga mata nito, ngunit nangibabaw ang takot.

“You are always the expectation, my lady. N-nothing else will happen, right? N-nothing will happen to you?” Hinawakan nito ang kaniyang kamay. “You will not l-leave, right?”

“Leave? What do you mean?” tanong ng ama.

Hindi siya kaagad sumagot at napayuko. Hindi niya alam kung ano ang una niyang sasabihin dahil ayaw niyang magpaalam. Ayaw niyang umalis. Pero kahit ayaw niya man o gusto, wala siyang magagawa.

Namuo ang luha sa kaniyang mga mata bago inangat ang tingin. Pinagmasdan niya ang dalawang lalaking higit na naging malapit sa kaniya.

“I’m sorry. Gusto kong manatili rito pero hindi ko na kakayanin pa.”

Pinaliwanag niya sa dalawa ang sitwasyon ng kaniyang katawan, kung bakit siya aalis at kung sino siya talaga. Sinabi niya rin ang nangyari sa orihinal na Yophiel. Ang Yophiel na naging dahilan kung bakit siya nandito. Ang tunay na Yophiel na anak ng duke.

Nilingon niya ang ama na ngayo’y patuloy pa rin sa pag-iyak. Si Eziyah naman ay ginamit ang kaniyang kamay upang takpan ang mukha. Ramdam niya sa kaniyang palad ang mga luha nitong tumutulo.

Tuluyan ding tumakas ang luha sa mga mata niya.

“Papa, sorry, hindi ko sinabi sa ‘yo na hindi talaga ako ang anak mo. Babawi na lang ako sa ‘yo sa hiniling ko.” Pilit siyang tumawa kahit na lumuluha ang mga mata. “Sorry din kasi mawawala na ang fictional reality na ‘to pero hindi na ulit pa kayo mamamatay. Napigilan ko na ang magiging wakas niyo.”

“You’re still my daughter.” Nilapat ng ama ang kamay nito sa kaniyang ulo dahilan para lalo lang siyang maiyak.

Napalingon siya kay Eziyah nang magsalita ito.

“W-when are you going to leave? Tell me, so I can prepare myself at least.” Hawak pa rin nito ang kaniyang kamay. Nanginginig ang mga palad nito, pinipigilan ang sariling humagulgol.

Inferio said after her wish would take place, her soul would not yet leave. It needed to take a week for the changes to be applied in the fictional reality. Ibig sabihin, isang linggo rin siyang magtatagal dito hangga’t mawala na ang fictional reality na ito at mapalitan ng kaniyang kahilingan.

“A week. I still have a week.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro