Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15

DALAWANG buwan simula ngayon, mangyayari ang pagpasok nina Yophiel at ng ama sa imperial palace. At ang araw na iyon ay ang koronasyon ni Prinsipe Adelio.

“What do you want to tell me, Yoyo?” tanong ni Prinsipe Adelio sa kaniyang tabi habang yakap-yakap si Zopy.

Nasa loob sila ng kaniyang kuwarto. Hawak ni Yophiel sa kaniyang kamay ang libro na binigay sa kaniya ni Lady Gisela.

“Galing ‘to kay Lady Gisela,” patukoy niya sa librong dala-dala.

Kaagad namang napatingin ang prinsipe sa kaniya. “And? What is the book about? Did she say something to you? Did you find out something?” Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at pagnanais na malaman ang sitwasyon ni Lady Gisela.

“Teka, kalma. Masiyado ka nang halata,” natatawa niyang sabi.

“Ikaw rin naman, ah,” sagot nito.

“Anong ako?”

“Gusto mo si Sir Eziyah. Ginanon mo nga no’ng nakaraan.” He used his hands to demonstrate how Yophiel kissed Eziyah in the lake.

Umirap siya. “Ito na naman tayo, e.”

Hindi pa rin sila nagkakausap ni Eziyah. Sinubukan niya itong lapitan pero ito mismo ang umiiwas. Nabubuwisit na nga siya dahil hindi nga siya nito binibisita pero minu-minuto naman nitong ginugulo ang isipan niya. Sa mga araw na malayo ang presensya ng lalaki, hindi rin niya mapigilan ang manlumo.

Gusto niyang nakikita ito palagi, masilayan ang mga ngiti, at marinig ang maliliit nitong tawa. Isang kasinungalingan kapag sinabi niyang wala siyang napagtanto sa mga araw na ‘yon.

“You like him, right? Right, Yoyo?” Siniko ng prinsipe ang kaniyang tagiliran.

Nakangisi ito sa kaniya nang nakakaloko kaya inis niyang winaksi ang braso nito.

“Oo na kaya puwede ba tumigil ka na? Hindi ‘yan ang pinunta mo rito.” Bago pa siya asarin, binuklat na niya ang libro. Makapal ito subalit hindi nangalahati ang laman.

Sumalubong sa kanila ang sulat-kamay ni Lady Gisela. Habang nagbabasa, sinabi niya sa prinsipe na may ibang nilalang ang nagmamay-ari sa katawan ng babae.

I am now 15.

Nothing changed. It just got worse. I couldn’t do anything at all. Nakikita ko ang mga ginagawa niya subalit hindi ko magawang pigilan. Natatakot ako sa posible niyang gawin sa katawan ko.

“Someone’s inhabiting her body?” Napaisip ang prinsipe bago muling nagsalita, “So, some of those times, I am not with the real Lady Gisela?”

Tumango si Yophiel at seryoso itong tinignan.

“Ibinigay niya ‘to sa akin no’ng nakaraan. She asked me to help her.” Binuklat niya pa sa ibang pahina ang libro, ang laman lang nito ay ang mga araw kung kailan siya nagigising na siya ang nakakokontrol sa kaniyang katawan.

I’m 18 now.

Nawawala na ako. I couldn’t last a day controlling my body. Hindi ko na rin magawang makita ang pinaggagagawa ng taong ito sa katawan ko kapag ito na ang kumokontrol. She’s owning my body. Help me.

Iyon ang huling laman ng libro at puro na blangko ang mga sumunod na pahina. Hindi alam ni Lady Gisela kung sino ang pumapalit sa katawan niya at kung bakit din ito nangyayari kaya natahimik silang dalawa ng prinsipe at nag-isip.

“Is it a magic curse?” the prince muttered.

Napatingin siya sa prinsipe na hawak-hawak pa rin sa mga bisig si Zopy.

Walang nakasulat sa nobela na isinumpa ang female lead. Sa kanilang lahat, siya lang ang isinumpa dahil sa kaniyang cursed mark, pero hindi sinabi ng author kung ano ang mayroon sa kaniyang cursed mark.

Napahawak siya sa braso. Isa rin ‘to sa pinoproblema niya. May pagkakataon itong kumikirot pero nawawala lang din naman. Kahit na ganoon, hindi niya pa rin mapigilang kabahan.

“Is it possible for two people to inhabit one body?” the prince asked.

Sumagi naman sa isip niya ang nangyari sa kaniya. She wasn’t the Yophiel in the novel. Siya ay si Blank Herana na napadpad lang sa katawan ni Yophiel sa hindi malamang dahilan. Although she didn’t experience what Lady Gisela had been experiencing, could it be that the other body also came from a different world like hers?

“Prince Adelio—” Naputol niya ang sasabihin dahil biglang dumilim ang kaniyang paningin. Napailing siya upang tanggalin ang pangingitim ng kaniyang bisyon.

“Are you okay?” Nagtaka ang prinsipe sa kaniyang inakto.

“A-ayos lang.” Tumayo siya sa pagkakaupo subalit nanlambot ang kaniyang mga tuhod.

“Yoyo!” Nasalo naman siya ni Prinsipe Adelio. Sinubukan siya nitong itayo pero hindi niya magawang iangat ang sarili.

Nawawalan siya ng lakas. Hindi niya maramdaman ang kaniyang katawan. Kahit igalaw man lang niya ang mga daliri ay hindi magawa. Okay lang naman siya kanina, bakit bigla na lang siyang nanghina?

Lalo pang dumilim ang kaniyang paningin. She could barely see the floor that was moving like waves, making her nauseous. Pinikit niya ang mga mata upang tanggalin ito. Paulit-ulit din siyang tinatawag ng prinsipe pero parang nasa malayo ang boses nito. Hindi siya makarinig nang maayos.

“My lady!” Isa pang boses ang sumakop sa kaniyang tainga bago tuluyan siyang mawalan ng malay.

ISANG mainit na bagay ang nakahawak sa kaniyang kamay nang mahigpit. Marahan nitong pinipisil na para bang ginigising siya.

Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata. Sumalubong sa kaniyang paningin ang chandelier ng kuwarto.

“My lady.”

Napalingon siya sa kaniyang kanan nang may gumalaw. Nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Eziyah habang hawak ang kaniyang kamay. Nakaupo ito sa gilid ng kama.

“Eziyah.”

“You’re awake.” A smile of relief formed across his lips. “How are you feeling?”

“I . . . don’t know.” Mabigat pa rin ang kaniyang katawan na para bang hinihila siya nitong makatulog ulit. “Nasaan si Papa? Si Prince Adelio?”

“His grace went back to the office to do something, my lady. Prince Adelio, on the other hand, has returned to the imperial palace.”

“Ah, ganoon ba.”

Napatingin siya sa kamay nilang magkahawak. Bahagya niya itong tinaas kaya napatingin din doon si Eziyah. Natigilan ang lalaki at mukhang ngayon lang yata pumasok sa isipan ang ginawa. Bibitaw na sana ito pero hindi niya hinayaan.

She held his hand. Tight.

Napatingin si Eziyah sa kaniya, nagtataka sa ginawa. “My lady?”

“You’re leaving soon, right? In-assign ka ni Papa na mamuno sa digmaan, ‘di ba?”

“Yes, my lady. I will be leaving tomorrow.”

Ngumiti naman siya. “You will win, anyway, so I am not really concerned.” Bumangon siya sa kama at sumandal sa headboard.

Tinignan niya ang kalangitan mula sa bintana na madilim na. Buong araw yata siyang nakatulog.

“Is that what was written in the novel?”

“Oo.”

“Kaya rin ba nalaman mo ang revolt dahil sa nobela?”

“Yes.” Mukhang sinabi na ng ama kay Eziyah na matitigil pansamantala ang pag-aalsa. “Bakit ka pala nandito? Hindi ka na galit sa akin?”

“I am not mad at you,” sagot nito.

“Kung hindi, bakit mo ako iniiwasan?”

“Well, it’s just . . .” Napayuko ito. “I just . . . I was just distancing myself.”

“Bakit?”

Inangat nito ang tingin. “Because I will be left alone if the lady will return to her world.”

Napakurap siya. Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ang lalaki.

“I do not want to be in terrible pain when you go away, especially now, that you have been growing closer to me.” Pinaglaruan nito ang kaniyang mga daliri. “I never liked it when you say something about going back. And I also . . .”

Napalunok ito. “I . . .”

Hindi nito matapos-tapos ang sasabihin. Napaiwas din ito ng tingin at hindi kayang salubungin ang asul niyang mga mata.

“Ano? Huwag kang pabitin.”

“You know . . . t-that day, in the river. You . . .” Pinasadahan nito ng tingin ang kaniyang labi kaya napalunok siya. “That day when you saved me. I was disappointed when you said it was just nothing to you.”

Napanganga naman si Yophiel nang may mapagtanto. Kaya pala bigla itong nawala sa mood. Akala pa naman niya kung ano na ang nagawa niya.

“So, you want me to kiss you? Like a real kiss?” Hinila niya ang kamay nito dahilan para mapalapit ito sa kaniya. Nataranta naman si Eziyah.

“I didn’t say I—” Hindi niya ito pinatapos. Binitawan niya ang kamay at hinawakan ang magkabila nitong pisngi.

Pinagmasdan niya ang mapula nitong mga mata, ang makapal nitong kilay, at ang moreno nitong balat. Hinaplos niya ang malambot nitong pisngi at sinukbit sa tainga ang iilang hibla ng maputi nitong buhok.

She had been wanting to do this. She wanted to touch his face and play with his hair.

“Eziyah.”

“Y-yes?”

Natawa siya dahil nautal ito, halatang kabado. Pansin niya rin ang pagtaas-baba ng lalagukan nito.

“Eziyah, hindi mo naman siguro nakakalimutan, ‘no? Lumapit ka sa akin kasi gusto mo akong pigilan na saktan si Lady Gisela. You came to me because you wanted to protect her.” She reminded him of those days. Gusto niyang maalala iyon ni Eziyah kung sakali man ang nararamdaman nito para sa kaniya ay pansamantala lang.

She also wanted to remind herself that the man in front of her was a fictional character in love with the female lead.

“I will never forget that day, my lady.” He smiled. “If it wasn’t for that day, I will not know how great of a woman you are.”

Kaunti na lang at matutunaw na siya sa nakakalunod nitong tingin. Parang kanina lang, ito ang naiilang pero siya ngayon ang hindi mapakali. Muli siyang napalunok habang nararamdaman ang mabilis na tibok ng kaniyang puso.

“Tell me, you’re not here because of Lady Gisela.”

“I have already changed my mind.” Nahigit niya ang hininga nang maramdaman ang kamay nito sa gilid ng mga mata.

He reached some strands of her hair. Like a waterfall, he slid those between his fingers. Hindi nito hinayaang makatakas ang lahat ng hibla at hinalikan ito.

Napakurap siya.

When a man kissed a woman’s hair, it symbolised affection and a yearning to express someone’s love. And when he did that gesture, her heart fell.

Their gaze met as Eziyah spoke. “I have already vowed my heart and soul to you, my lady. To you, I offer my vulnerability. I am all yours to love, to care, to tear, and even to be forsaken. I am all yours in all seasons and in all of your emotions.”

Hindi namalayan ni Yophiel na may tumakas na pa lang mga luha sa kaniyang mata. Only in books she had read about this type of confessions. She never dreamed of receiving one in the first place, for in her world, it was only a wishful thinking to have this kind of love.

And it was true. What she received and where she was today was inside of the novel. The only difference was that she was real. And it was enough reason for her to believe that her feelings and him were not just mere fiction.

It was real. They were real.

She was too moved to stop her lips from trembling as she spoke, “But, Eziyah, you’re not supposed to be with me.”

She wanted to say her feelings too, but she hesitated. She was the daughter of the main villain, making her a villainess of the story. Eziyah, on the other hand, should be with the female lead. He should be pursuing her heart because that was the role given to him. He should be giving his all to the female lead and not to her—a villainess.

“Who shall I be with then? Am I destined to be with someone like what the novel says? Who did I end up with, my lady?”

Nagitla siya matapos marinig ang mga kataga ni Eziyah. He ended up with no one for he was only a second lead. It was even worse because he died in the end. He died, just like her ending.

Umiling siya. She refused to tell him his end and held his hand instead. Binabawi na niya ang naisip kanina.

She had decided.

“Forget what I said. Stay with me, and you will end up with me. You will be great by my side.” Hinalikan niya ang likod ng palad nito dahilan para magulat ito.

“My lady?”

“What? I can’t kiss a man’s hand?”

“It’s . . . fine with me,” naiilang pa nitong sabi dahil sa kaniyang ginawa.

Napunta ang tingin nito sa kaniyang mga labi. Malapit lang sila sa isa’t isa. Napalunok ito bago nagsalita.

“My lady, can I—”

She didn’t wait to finish his words and claimed his lips. Kaagad nitong tinugon ang bawat halik na binibigay niya. Pinulupot niya ang mga braso nito sa leeg habang nararamdaman ang kamay nito sa kaniyang baywang. Hindi niya mapigilang ngumiti habang nagdidiwang sa saya ang kaniyang puso’t isipan.

Humiwalay siya at tinitigan ang lalaki.

“Dito ka na sa tabi ko,” she said and kissed him once again.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro