Kabanata 12
IMBES na magpatuloy sa pagpunta sa opisina ng ama, bumalik siya sa kuwarto dahil nakaramdam siya ng kilabot. Simula nang makita niya ang kulay sa mga mata nito, hindi na naging maganda ang pakiramdam niya.
“Weird.”
Hanggang sa maggabi, hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang female lead.
Nakaupo siya ngayon sa bintana habang pinagmamasdan ang buwan nang biglang makita si Eziyah sa ibaba. Napaangat din ang tingin ng lalaki. Pagkatapos magkasalubong ng kanilang tingin, kaagad itong lumipad papunta sa kaniya.
Napaalis siya sa pagkakaupo sa bintana at hinayaan ang lalaking tumuntong doon.
“Are you going to the tea party tomorrow?” tanong nito.
“No. Ikaw?”
Natahimik muna ang lalaki nang ilang segundo bago sumagot. Napahawak ang isang kamay nito sa ulo. “I don’t know why but I ended up saying yes. Anyway, I just want to give you this.” Muli siyang binigyan ng lalaki ng isang Bluestar flower.
Natigilan siya. Kumabog nang mabilis ang kaniyang puso habang tinatanggap ang bulaklak.
“Thank you,” sagot niya habang pinagmamasdan ang bulaklak.
Why is he giving me flowers? Pangalawa na ‘to.
She looked up but immediately looked away when their gaze met. Lately, she had been feeling a little high everytime Eziyah was around. Wala namang nag-iba sa pagtingin niya sa lalaki kaya hindi niya maintindihan kung bakit bigla-bigla na lang siyang nakararamdam ng pagkailang.
Hindi naman naging mas guwapo si Eziyah sa paningin niya. Ni hindi niya na nga maalala kung gaano kaganda ang boses nito sa tuwing tumatawa o kung paano siya natitigilan sa tuwing nakikita ang hindi pantay nitong mga ngiti. Oo, tama. Hindi niya na naaalala. Hinding-hindi niya rin ito naiisip sa tuwing matutulog siya.
Hinding-hindi. Kahit ni isang beses.
“My lady.”
“B-bakit?” Napaatras si Yophiel nang maglakad papalapit sa kaniya si Eziyah.
Hinawakan nito ang kaniyang kamay. Ramdam niya ang init sa palad ng lalaki. “I know I am not in a position to say this but . . . can I ask a favor?”
“Oh? Ano ‘yon?”
“Can you come to the tea party tomorrow?”
“Ha?” kunot-noo niyang sagot. “Ayoko nga, ‘di ba? Wala akong planong makipag-plastikan sa kanila.”
“Please, come.” Gently, he pressed her hand.
“Bakit gusto mo akong pumunta?”
“I just feel like something will happen, and I can’t be at ease without you there.”
Kinagat niya ang loob ng kaniyang pisngi upang pigilan ang sariling mapangiti.
Anong I can’t be at ease without you there? Nagpapakilig ka ba?
Hindi siya sumagot. Hindi rin niya sinabi na may mangyayari sa lalaki sa tea party. Hindi naman siya pupunta kaya malaki ang posibilidad na walang mangyayaring masama.
“Kapag pumunta ako, mas lalong may mangyayari. Bakit mo ba naisip ‘yan?”
“I don’t like the water.”
Napamulagat naman siya nang maalala ang parteng iyon ng nobela. Eziyah had an aquaphobia. Kaya pala muntik na itong mamatay dahil tinulak ito ng orihinal na Yophiel at muntik nang malunod.
“Ang sama mo.” Sa unang pagkakataon nasabihan niya ang orihinal na Yophiel na masama.
“Ano namang gusto mong gawin ko sa tubig? Sisipsipin ko?”
He chuckled which made her heart fell. It was too much to say that her knees went weak, but she couldn’t deny the fact that it was exactly what she was feeling.
“No. Just be there. If anything happens to me, I know you will save me.”
“Wow! Confident? Sino ka naman para iligtas ko? And why would a man be saved by a woman? Hindi ba dapat baliktad?”
“Well . . .” Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Pinagmasdan siya nito na para bang siya lang ang nakikita ng lalaki. “Someone told me that regardless of what women wear, they can still fight like how men in armors can do.”
“Ano namang connect sa pagligtas ko sa ‘yo?” Her eyebrows arched.
“I can say that if women can fight, then men can also reach out for help. That is what I learn from you, my lady.” Hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kaniyang kamay. “So, please, allow me to be vulnerable to you. If something happens, please, rescue me.”
Natahimik naman siya. She opened her mouth but ended up closing it right away for she couldn’t find the right words to say. She just stared at him with a restless heart. It couldn’t be still as she stared at the man’s deep, crimson orbs.
Bigla siyang napaisip kung paano hindi nahulog ang female lead sa lalaking ito? Bakit hindi ito ang napili?
“My lady?”
Napakurap si Yophiel nang marinig ito. Hindi niya napansin ang kamay niyang nakahawak na pala sa pisngi ng lalaki. Kaagad niya itong inalis.
“H-hindi ko alam. Subukan ko. Ewan ko.” Iniwas niya ang kaniyang tingin.
“All right. I understand. Good night, my lady.” Hinalikan nito ang likod ng kaniyang palad bago tumalikod at naglakad papalapit sa bintana.
Pinanood niya ang likuran nito hanggang sa tumalon at mawala sa kaniyang paningin.
Sa gabing ‘yon, hindi siya nakatulog nang maayos. Hindi mawala-wala ang mukha ng lalaki sa isipan niya. Dapat nag-iisip siya ng paraan para makaalis sa mundong ‘to pero puro si Eziyah ang laman ng kaniyang utak.
BANGAG na bangag siyang bumangon kinaumagahan nang gisingin siya ng kaniyang lady in waiting. Madaling araw na siyang nakatulog kakasermon sa sarili na tanggalin si Eziyah sa kaniyang utak, pero kahit ni isang beses hindi siya nagwagi.
Naalala niya ang sinabi nito kagabi.
“Miss Ella, anong oras na?” tanong niya habang napapakamot sa buhok.
“Malapit nang magtanghali, my lady.”
Hahabol pa ba siya sa tea party? Paniguradong nagsimula na sila. Nakakahiya naman kung ma-la-late siya. Sinabi niya na rin kahapon kay Lady Gisela na hindi siya dadalo.
Pero si Eziyah . . .
“Argh!” Muli siyang humiga sa kama at muling napakamot sa ulo. Kinapa niya ang tabi kung saan natutulog si Zopy pero wala ang kaniyang alaga.
“Miss Ella, nakita mo ba si Zopy?”
“Sumama kay Sir Eziyah kanina. Dumaan dito si Sir Eziyah at hinahanap ka pero tulog ka pa, e.”
“Ba’t ‘di mo ‘ko ginising?” mabilis niyang sagot.
“Sir Eziyah told me not to.”
Muli siyang napakamot sa ulo. Ano ba ‘yan! Gusto raw siyang pumunta pero ayaw siyang gisingin? Ano ba talaga? Baka nagbago na ang isip? Baka ayaw na siya nitong papuntahin?
Naalala naman niya si Lady Gisela. Nakaramdam siya ng pagkainis sa tuwing maiisip na may gusto si Eziyah kay Lady Gisela. Sa kakabuntot ng lalaki sa kaniya, nawala na isipan niya na second lead pala ito sa kuwento at siya ay isang villainess. Ang puso na gusto nitong makuha ay hindi sa kaniya kundi kay Lady Gisela.
“Bakit ka nakasimangot, my lady?”
“Hulaan mo.”
Napangiwi naman si Miss Ella sa kaniyang sinabi. “Gusto mo bang humabol sa tea party? Kung oo, bumangon ka na r’yan. Hinanda ko na rin ang susuotin mo.”
Napaangat ang kaniyang tingin. “Wow, Miss Ella. The best ka talaga. Pero okay lang ba na humabol ako kahit late na ako?”
“Nakakalimutan mo na ba kung sino ka, my lady? Mahuli ka man o mauna, tatanggapin ka pa rin nila dahil ikaw si Lady Yophiel kaya bumangon ka na r’yan.”
Napangiti naman siya sa sinabi ng kaniyang lady in waiting. Kaagad na siyang bumaba sa kama at nagtungo sa bathroom para maligo. Pagkatapos, mabilis siyang binihisan nito. As usual, she was wearing a black and gold gown. Nilugay lang ni Miss Ella ang kaniyang buhok at kinoronahan siya ng isang Schapel na gawa sa iba’t ibang uri ng bulaklak.
Lumabas na sila sa mansiyon at sumakay sa karwaheng naghihintay sa kanila sa labas. Tatlumpu’t minuto silang nasa byahe bago nakarating sa Larin Lake.
Bumaba na siya at naglakad na papalapit sa mga kababaihan at kalalakihang nagkukumpulan sa gilid ng lake. Nakasunod naman sa kaniya si Miss Ella.
Nakita na niya si Eziyah at Zopy. Nandoon din ang prinsipe. Napakunot ang kaniyang noo dahil parang may nangyayaring alitan. Si Lady Ross ng baron family at Lady Ali ng viscountess family ay nag-aaway.
Nang makalapit siya, saka niya lang narinig nang maayos ang mga pinagsasabi ng dalawa.
“Hindi ko nga ‘yon sinasadya!” malakas na pagkakasabi ni Lady Ross habang nakaturo sa damit ni Lady Gisela na natapunan ng tea.
“Bakit ba ayaw mo na lang humingi ng paunmanhin? Halata naman ang ginawa mo kanina. Kahit na itanong mo pa sa mga kasama natin,” sagot naman ni Lady Ali at binagsak ang mga kamay sa lamesa na nasa pagitan nila.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit kay Eziyah dahil abala ang lahat sa nag-aalitan kaya hindi siya napansin. Napatigil lang siya at napatingin din ang iba sa kaniya nang magsalita ang prinsipe.
“Lady Yophiel,” malakas na pagkakasabi at mukhang sinadya ‘yon ng prinsipe upang matigil ang alitan ng dalawa. Tumabi ito kay Lady Gisela na nakatingin sa kaniya.
Nagulat pa siya dahil salubong ang mga kilay ng babae pero nang magtama ang kanilang tingin, biglang nagbago ang ekspresyon nito at napalitan ng isang ngiti.
“My lady.” Napunta ang tingin niya kay Eziyah na tumawag sa kaniya at ito na mismo ang lumapit. Bakas sa mukha ng lalaki ang saya nang makita siya.
Napangiti rin siya.
Nasa gilid siya ng ilog at hihilahin na niya sana si Eziyah na kakalapit lang sa kaniya para mailayo sa tubig nang bigla na lang siyang sinugod ni Lady Ross.
“Umalis ka rito!” sigaw nito.
Namilog ang mata niya sa gulat nang malakas siya nitong itulak. Bumangga siya sa katawan ni Eziyah dahilan para mahulog silang dalawa.
“Lady Yophiel!”
Their falling body created huge splashes as the river swallowed them. Sumuot ang malamig na tubig sa kaniyang balat nang tuluyang mabasa ang kaniyang damit at matanggal sa kaniyang buhok ang Schapel.
She held her breath as she swam upward. Nang makarating sa ibabaw, kaagad siyang napahinga nang malalim. Hinanap niya si Eziyah pero siya lang mag-isa ang nakaahon.
“Oh, heck.”
Muli niyang pinigilan ang paghinga at nilusob ang ilalim. Kaagad siyang lumangoy patungo sa direksyon ng lalaki nang makita ito. Papunta na sa kailalim ang katawan nito.
She stretched out her hand and reached for his palm. Nang mahawakan, kaagad niya itong hinila at lumangoy paitaas.
“Ha!” Habol-habol niya ang kaniyang paghinga habang umaahon.
Nilapitan din siya ng prinsipe at tinulungang iangat ang walang malay na si Eziyah paalis ng ilog. Nang makaalis din sa ilog, kaagad niyang tinignan ang kondisyon nito.
“Sir Eziyah.” Tinapik niya ang pisngi ng lalaki pero hindi ito nagising.
“Eziyah!” tawag niya ulit pero walang sagot mula sa lalaki.
Bigla siyang kinabahan at nag-iisip kung ano ang puwede niyang gawin. Ang paligid niya ay nagsimula na ring mataranta.
Naalala ni Yophiel ang tinuro sa kaniya no’ng nasa orihinal na mundo pa lang siya. She was in high school when their school taught them how to do a cardiopulmonary resuscitation or CPR. But it had been too long, and she might not be able to this right this time.
Argh! Bahala na!
Lumuhod siya at tinapat ang mga kamay sa dibdib nito. She tried to squeeze every bit of memory she had and executed the cardiopulmonary resuscitation.
“What are you doing, my lady?”
Hindi niya pinansin ang mga ingay sa paligid at pinokus lang ang atensyon kay Eziyah. She opened his mouth and didn’t hesitate to breath him air.
Inulit niya pa ito ng ilang beses bago tuluyang mapaubo si Eziyah at mailabas nito ang tubig na nainom.
“Eziyah!” Inalalayan niya itong bumangon.
Lumapit din ang prinsipe sa kanila at ginamit ang mahika nito. Prince Adelio had the water element as his magic. He sipped the liquid from their clothes for it to dry and avoid getting cold.
“My lady.” Nang marinig ang boses ni Eziyah at makita ang mga matang nakatingin sa kaniya, doon lang siya nakahinga nang maluwag.
Mabilis niya itong niyakap at sinubsob ang sarili sa dibdib nito. Hindi niya pinansin ang malakas na kabog ng kaniyang puso at hinayaan ang sariling damhin ang init ng lalaki.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro