Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9: I Have Something For You
MONDAY'S POV

SINUBUKAN kong hanapin ka matapos mong mawala dahil sa ginawa mo sa batang iyon. Mabilis kitang nakita subalit kasama mo na naman ang mga bago mong kaibigan kaya pinili kong huwag ka ng lapitan at pansinin.

Gusto kong bumalik ng classroom pero gusto ko namang iwasan si Klint. Wala rin naman akong matatambayan sa labas ng room kaya saan ako pupunta? Iisa na lang talaga ang pwede kong gawin at iyon ang akyatin sa likod ng school para makatakas ako makapag-cutting.

"Hey! Sorry HAHAHA."

Kamot-ulo kong sinundan ng tingin iyong lalaking nakabungguan ko. Saglit ko lang siyang nakita at halos hindi ko nakita ang mukha niya ngunit napansin ko ang kiss mark na nasa leeg niya.

Talagang nakipag-make out siya rito sa school?

Iniisip ko pa lang pakiramdam ko ay tumataob na ang sikmura ko dahilan upang muli akong mapalingon sa kanya ngunit nilapitan ka niya. Hindi ganoon kalayo ang distansya ninyo sa akin kaya dinig na dinig ko ang pag-uusap ninyo.

"Magsisimula na iyong match. Saan ka galing?" Tanong ng katabi mo na blonde ang kulay ng buhok---sa pagkakatanda ko ay bawal ang may kulay ang buhok sa lalaki.

"Na-miss ako ni Darzene HAHAHA."  Ang sumagot ay iyong lalaking nakabungguan ko, himas-himas pa niya ang batok niya habang tumatawa hanggang sa lumapit ka sa kanya at akbayan siya.

"Tss! Tama na iyan, Marc. Mas mahalaga iyong match."

Marc? Ibig sabihin siya iyong Marc na leader ng gang ninyo? Aalis na sana ako roon ngunit bigla kang lumingon diretso sa akin. Sunod-sunod akong napalunok, kanina mo pa ba napansin na nandito ako?

Nangunot ang noo ko dahil napansin ko ang kamay mong nasa likuran ni Marc na sinesenyasan akong umalis na. Hindi ko alam kung anong dahilan at pinapaalis mo na ako, wala na akong plano pa na alamin ang dahilan ng pagpapaalis mo sa akin. Kusa rin naman akong umalis.

Kung gayon ay iyon si Marc, first impression pa lang isa lang ang mamasasabi ko. Pervert. Talagang nakipagkaibigan ka sa Tarantadong iyon?

You're hopeless, Drayton.

Patuloy pa ako sa pagmamaktol ng mag-vibrate ang cellphone ko. Hindi ko na sana papansinin pero tatlong ulit na iyong nag-ba-vibrate at nang buksan ko ay may tatlong messages ako galing sa iyo.

Akala ko ikaw itong hopeless, ako pala.

From: Drayton Kumag <( ̄︶ ̄)>
- Don't be stubborn, Monday.
- Stay away from me.
- Stay away from Marc

Ako pa talaga ang pasaway ngayon? Isa pa, sa iyo lang naman ako lapit ng lapit at hindi kay Marc. Bakit ako lalapit sa Kutong Lupa na iyon?

To: Drayton Kumag <( ̄︶ ̄)>
Hindi ako lumalapit kay Marc, okay?! Bakit ako lalapit sa pervert na iyon? Pero kung usaping paglayo sa iyo, umasa ka sa wala!

Ang dami kong gustong sabihin sa message ko sa iyo ngunit pinili kong pigilan ang sarili ko. Gusto kong pag-usapan natin ng magkaharap ito.

Hindi ka naman na nagreply sa akin kaya bagsak na naman ang mga balikat ko. Pupunta na sana ako sa gazebo para doon matulog subalit bago pa man ako makalakad papuntang gazebo ay mayroon na namang Kutong Lupa na lumapit sa akin. Talagang umangkla pa siya sa braso ko na para bang malapit kami sa isa't isa!

Hindi naman Lunes ngayon kaya bakit ang sama ng araw ko?!

"Monday, hello!" Nakangiting batinsa akin ni Trizia kaya alanganin akong natawa.

"Anong kailangan mo?" Masama na kung masama ang approach ko, dapat lang na malaman niyang naiirita ako sa kanya.

"Gusto ko lang naman na makipagkaibigan sa iyo eh."

"Makipagkaibigan? Sa akin pa? Uh, no! Hindi ako tumatanggap ng kaibigang babae!" Saad ko at inalis ang braso niyang nakaangkla sa braso ko.

Kahit na hindi mo siya girlfriend at gusto talaga niyang makipagkaibigan sa akin ay ayaw ko pa rin. Kahit na sabihin pa na mabait siya, ayaw ko pa rin.

Ilang beses ko ng nasaksihan ang mga babae kung mag-away. Iyong iba nasaksihan ko pa kung papaano nabuo ang friendship nila at nasaksihan ko rin kung papaano natapos ang friendship nila na karamihan ay dahil lang naman sa napakawalang kwenta at maliliit na bagay.

Tatlo lang ang tinuturing kong kaibigan at ikaw, unti-unti pang nawawala.

"Galit ka pa rin ba dahil sa sinabi ko about sa anime?"

Pababa ako sa hagdanan papunta sa building ng junior high school at nakasunod pa rin sa akin si Trizia. Kapag hindi ako nakapagtimpi talagang itutulak ko siya pababa ng hagdanan na ito.

"Sorry talaga sa sinabi ko last time. Pinaliwanag na rin naman sa akin ni Srystian na iba ang anime sa cartoons. Monday, please!"

Nang marating ko ang dulong baitang ng hagdan ay marahas akong napalingon sa kanya. "Tigilan mo na ang kasusunod sa akin, naiirita ako sa presensya mo!"

"Naiirita ka sa akin kahit hindi mo pa ako nakikilala ng tuluyan? Naiirita ka sa akin dahil kay Srystian, ano?"

Syempre, napaka-obvious ko. Kahit sino ay mahahalata kaagad na ikaw ang dahilan kung bakit iritable ako kay Trizia. Ano pa nga bang magagawa ko? Kahit na ipagtulakan ko si Trizia ay nasa sa iyo pa rin kung patuloy mo akong ipagtutulakan palayo ngunit kahit naman ilang ulit mo akong ipagtulakan palayo ay hinding-hindi ko naman magagawang bumitaw sa iyo.

"Nagseselos ako sa iyo." Diretsong sabi ko na siyang ikinagulat ni Trizia. Bahagya akong ngumiti at sinalubong ang mga tingin niya. "Nagseselos ako sa iyo kasi ang lapit-lapit mo kay Drayton... kay Srystian. Ilang ulit na akong ipinagtatabuyan ng Kumag na iyon pero hindi ako nadadala. Kahit na umiiwas ako ipinagsisiksikan ko pa rin ang sarili ko kasi mahalaga sa akin iyon. Ikaw, ang lapit-lapit mo sa kanya Trizia kaya inis na inis ako. Gusto kitang palayuin pero wala akong karapatan na gawin iyon." Huminga ako ng malalim, pakiramdam ko ay tutulo ang luha ko anumang oras ngayon. "Huwag mo na sanang ipagpilitan pa na maging magkaibigan tayo Trizia. Hinding-hindi mangyayari iyon."

Tinalikuran ko na siya ngunit kaagad din akong huminto dahil may sinabi pa ulit siya. "Alam mo ba ang dahilan kung bakit sumali si Srystian sa gang?"

Gustong-gusto kong malaman ang dahilan ng pagsali mo sa gang na iyon, ngunit higit na makakabuti kung sa iyo ko mismo maririnig ang dahilan. "Hindi ko alam. Hindi rin ako interesado."

"Pero baka interesado ka sa sunod kong sasabihin."

"Hindi pa rin---"

"I have a crush on you, Monday." Ngiti niya kung kaya't mabilis kong naiikot sa ere ang mga mata ko.

"Nakikipag-usap ako ng maayos sa iyo, Trizia."

"This may be a shitty confession pero seryoso ako sa sinasabi mo. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing nakikita kita gandang-ganda ako sa iyo. Lalo na kapag nagkakasalubong tayo sa corridor noon pa mang junior high school tayo."

Nagsimula ng mangunot ang noo ko ngayon. Sa nakikita ko ay seryoso nga siya sa sinasabi niya.

"Naging honest ka sa akin kaya magiging honest din ako sa iyo. Ikaw ang reason kaya nilapitan ko si Drayton. I'm a bisexual, Monday."

Kahit na gaano pa siya ka-honest sa akin ay hindi ko pa rin magawang alisin ang inis na nararamdaman ko sa kanya. Hanggang sa lumapit siya sa akin at bumulong sa tainga ko.

"You're Srystian's best friend after all, thus let me share to you our secret. Walang kami."

Paulit-ulit kong sinasabi at pinapaalala sa sarili ko na sa iyo lang ako makikinig Drayton. Anumang sabihin mo ay handa akong paniwalaan, subalit kung nakikita ko na sa harapan ko na nagsisinungaling ka ay hindi mo ako maaasahang makinig pa sa iyo.

Gayunpaman, ang mga binitawang salita ni Trizia patungkol sa iyo, sa inyo, ay kuhang-kuha ang atensyon ko. Sa hindi malamang dahilan ay mayroong parte ko na natuwa nang lubos sa nalaman ko.

Matapos kong makalayo kay Trizia ay nagpagala-gala na naman ako sa hallway subalit nagkataon na nagkaroon ng Earthquake Drill. Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon para kuhain ang bag ko sa classroom bago pa man iyon ma-i-lock ng president namin. Inilagay ko rin ang pangalan ko sa absent list na nasa board. Panigurado namang si Yvienne at Klint lang ang nakakaalala na pumasok ako. Hindi naman na mag-uusisa iyon si Klint ngunit si Yvienne ay paniguradong mag-uusisa, idadahilan ko na lang na sumama ang pakiramdam ko at nagpa-excuse ako.

Papunta ng evacuation ang lahat nang mayroong humila sa akin. Tinakpan pa niyon ang bibig ko kung kaya't nataranta ako dahil akala ko ay may kikidnapp na sa akin dahil hinila pa ako nito sa bakanteng classroom. Sinubukan kong magpumiglas subalit higit na mas malakas siya sa akin.

Kumalma lang ako ng maamoy ko ang pamilyar na pabango. Maaaring nagkataon lamang na pamilyar kayo ng pabango ngunit nang mahawakan ko ang kamay nang taong humila sa akin papasok sa bakanteng classroom ay nasisiguro kong ikaw iyon.

Ilang minuto pa ang nagdaan ay binitawan mo na ako. Nang lingunin kita ay nakatingin ka sa labas, halatang may pinagtataguan ka. Gusto kong magtanong kung anong nangyayari subalit may kung anong pumigil sa akin para magtanong at nanatili na lang akong nakasalampak sa sahig habang pinagkakatitigan ka.

"Sinong kasabay mo pauwi?" Tanong mo sa akin kung kaya't natauhan ako.

Hindi ko namalayan na sobrang lapit ko pala sa iyo kaya nang lumingon ka ay nagkauntugan pa tayo. Himas-himas ko ang noo ko nang tinugon ko ang tanong mo. "Sarili ko. Pauwi na nga ako eh."

"Mag-ka-cutting ka?" Hindi makapaniwalang tanong mo sa akin at mabilis naman akong tumango na para bang wala lang iyon. "Tss! Tara nga sa evacuation site, pumila ka kasama ang mga kaklase mo. Huwag kang uuwi mag-isa."

"Eh? Bakit hindi? Uwing-uwi na ako eh! Saka kanina pa ako wala sa klase, magtataka iyong mga iyon kapag napansin nilang nandoon na ako."

"Nagpapasaway ka na naman."

Ganoon ba ako kakulit kaya hawak-hawak mo na ang sintido mo habang nakatingin sa akin ngayon? Napanguso na lang ako, ganitong-ganito ang normal na away natin. Sa nakikita ko ay hindi maganda ang sitwasyon ngayon subalit hindi ko magawang isipin kung ano ang siyang bumabagabag sa iyo ngayon. "Seryoso kasi---"

"Dala mo na ba lahat ng gamit mo?"

"Oo. Bakit?"

Wala kang sagot na binigay sa akin. Muli kang sumilip sa labas ng classroom kung nasaan tayo, maya-maya pa ay tumayo ka na sa pagkakaupo at inilahad ang kamay mo sa akin.

"Tara na. Ihahatid na kita pauwi."

At sa pagkakataong iyon, nang hawakan ko ang mga kamay mo ay siniguro kong hindi ka basta-basta makakabitaw sa akin. Sa makailang ulit na sumilay ang pagmamaktol sa hitsura ko ngayong araw ay ngayon ko lang nagawang ngumiti na tila ba ayos lang lahat.

Ayos lang ang lahat? Parati namang nagiging maayos ang lahat sa tuwing magkasama tayo hindi ba?

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro