Chapter 8
Chapter 8: Little Clues
MONDAYS POV
LIMANG minuto. Limang minuto lang ang itatagal mula sa bahay papasok sa campus kung magko-commute ako pero sa mga oras na iyon, iyong limang minuto ay tila ba naging limang siglo. Bakit nga naman kasi ganitong oras ka din pumasok? Kung alam ko lang na papasok ka ng late at magkakasabay tayo sa tricycle at ganito pa kadikit sa isa't isa sana pala ay naglakad na lang ako o mas tamang desisyon pa iyong hindi na lang ako pumasok.
Sa buong buhay ko ay ngayon lamang ako nakaranas ng ganito katinding pagkailang dahil katabi kita. Hindi talaga ako sanay na ganito, hinding-hindi ako masasanay. Lalo pa at madalas ay maingay tayong dalawa sa tricycle sa gitna ng ingay ng makina nang tricycle. Hanggang kailan ba tayo magiging ganito?
"Dalawa po iyan." Nagmamadaling saad ko kay Manong Driver matapos huminto ng tricycle, pasimple kitang itinuro na siya namang naintindihan ni Manong Driver.
Kakamadali ko makaiwas lang sa iyo ay muntik-muntikan pa akong masagasaan sa pagtawid ko, mabuti na lamang at huminto iyong saksayan, iyon lang, nasigawan pa ako.
Napangiwi na lang ako matapos akong sigawan ng driver, isigaw ba naman sa akin na magpapakamatay na lang daw ako idadamay ko pa siya sa disgrasya. Mga tao talaga ngayon, mas importante pa iyong magiging kalagayan nila sa halip na iyong tao na nangangailangan ng tulong!
Lalong bumusangot ang mukha ko habang nagmamartsa palayo ngunit nangangati ang leeg ko na lingunin ka pero hindi ko magawa dahil mahahalata mo agad na para sa iyo iyong paglingon ko. Iyon lang pasaway ako eh kaya lumingon pa rin ako para lang makita kang salubungin si Trizia na naghihintay sa iyo sa lobby.
Mula 7th grade ay nakikita ko na siya dito sa campus, palaging nasa higher section, iyon lang, sadyang wala naman akong pakialam sa kanya, hindi ko lang maintindihan ang sarili ko ngayon kung bakit kailangan kong bigyang pansin ang babaeng kasama mo ng mga oras iyon.
Talagang nagawa mong pakisamahan iyang babaeng iyan na hindi alam ang pinagkaiba ng cartoons sa anime?!
"Monday!" Salubong sa akin ni Yvienne pagkapasok ko sa classroom.
Masama pa ang loob ko sa hindi ko malamang dahilan. Dahil ata sa t×rantadong muntikan ng makasagasa sa akin o baka dahil na naman sa iyo.
Nakakatuwa ba iyon?! Lahat na lang ng mararamdaman ko ay dahil sayo! Ano ito nabubuhay na lang ako para sayo, ha?
"Bakit?!" Halos pasigaw na tanong ko kay Yvienne pero hindi naman niya napansin, hindi naman talaga kami close niyan, lumalapit lang sa akin iyan kapag manghihiram ng ballpen at hihingi ng papel, kapag ako ang may kailangan hindi na namamansin.
"Bakit may girlfriend na iyong best friend mo?!" Ngawa niya sa akin kaya tumaas ang kilay ko at padabog na ibinaba ang bag ko.
Ngunit sandali akong napatigil at dahan-dahan siyang nilingon. Ikinalma ko muna ang sarili ko, hindi ko tuloy siya matignan ng maayos ngayon, hindi dahil sa nasungitan ko siya subalit may ibang bagay na sumagi sa isipan ko.
Tinapik ko ang kaliwang balikat niya at tinaasan siya ng kilay paulit-ulit. "Walang girlfriend si Klent. Single iyon, gusto mo ireto pa kita." Ngisi ko ngunit kinunutan niya ako ng noo, maging ako ay napakunot ang noo.
"Ha?"
"Ha?" Nalilito siya sa akin kaya maging ako ay nalito sa pagkalito niya.
"Sinong Klent?!" Kunapit siya sa braso ko na para bang close na kami kaya nangunot ng sobra ng noo ko, hindi ko naman siya magawang itulak na lang. "Si Srystian ang tinutukoy ko. Kaasar lang, uh. Hindi na ako makalaban dun sa girlfriend niya beh. Matalino at maganda iyon eh."
Aray. Ikaw pala ang tinutukoy. Napangiwi na lang ako sabay halakhak ng malakas. "Tanga naman." Natatawang sabi ko. "Saka, anong best friend ka diyan? 'Kapitbahay' ko lang iyon si Srystian. Ano ngayon kung may girlfriend siya? Labas na ako doon. Tss! Ako nga nagawang saktan ng kumag na iyon, iyong 'girlfriend' pa kaya niya? Kaya girl, kung gusto mo ng green flag na boyfriend mula sa kaibigan ko, nandiyan naman si Klent."
"Si Klent?" Nakapaling ang ulo na tanong niya. Iniisip pa kung sino si Klent, saglit siyang nagbukas ng bar ng chocolate at ibinigay sa akin ang kalahati niyon. Nagkusa siyang mag-abot kaya hindi ako tumanggi. "Iyong kakambal ni Klint na maingay?"
Mabilis akong tumango. "Oo! Kahit napakaingay niyon sobrang bait naman niyon."
"Hindi ko naman kilala iyon beh."
"Kaya nga ipapakilala kita eh." Para tuloy akong si Kupido kung makapag-match dito ngunit mukhang ayaw talaga ni Yvienne kay Klent kasi ang ingay-ingay daw ni Klent.
Hindi ko na lang kinulit si Yvienne tungkol kay Klent at iniba ko na lang ang topic namin. Sa daldal niya ay nagawa pa naming pag-usapan iyong kaklase namin na kinaiinisan ko rin ngunit hindi ko magawang makapagbitaw basta ng kung anu-anong pagkamuhi ko doon sa kaklase naming narcissist, puro tango at oo lang sinasabi ko kay Yvienne habang binabackstab niya sa harapan ko iyong kaklase namin na iyon.
"Oh my gosh! Nandiyan na si ma'am!" Sambit ni Yvienne sabay tayo mula sa pagkakaupo sa tabi ko, nginitian ko lang siya bago siya bumalik sa pwesto niya.
Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo para ayusin ang mga upuan na wala na sa maayos na pagkakasalansan. Paupo na sana ulit ako sa upuan ko ng may sumanggi sa akin.
Malakas iyong pagkakasanggi, halatang sinadya kaya sumubsob pa ako sa desk ko. Masama ang tinging ipinikol ko sa sumanggi sa akin dahil sumabit sa nakausling pako ng upuan ko ang braso ko.
"Kung wala ka ng magawa sa buhay mo huwag mong idamay ang kapatid at kaibigan ko." Usal ni Klint at saglit akong binato ng masamang tingin. Galit siya. Ano na namang ginawa ko? Akala ko ba ay ayos lang kami? "Nilalayuan ka na ni Srystian naghahabol ka pa rin, kung walang mali sa iyo tingin mo ba hindi ka niya lalayuan?"
Tungkol na naman sa iyo pero hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit niya. "K-Klint... wala naman akong—"
"Bago pa mapahamak ang kapatid ko." Aniya at nilingon ako.
Napaatras ako ng kusa dahil sa bigat ng tingin niya sa akin na para bang anumang oras ay magagawa niya akong patayin. "Klint—"
"Lubayan mo si Srystian at Klent, Monday."
May mali sa akin? May nagawa akong mali? Subalit ano iyon?! Dahil sa sinabi ni Klint ay lalo akong napaisip kung ano ba talagang pagkakamali ko para layuan mo ako. Anong ginawa ko at nilalayuan mo ako?
Masyadong mabigat para sa akin ang mga salitang binitawan ni Klint kaya naman dali-dali kong kinuha ang cellphone at wallet ko bago ako lumabas ng classroom. Abala sa pag-aayos ng PowerPoint Presentation ang teacher namin at nagkakagulo pa sa kabilang row kaya naman halos walang nakapansin sa paglabas ko.
Hindi ko alam kung saan pupunta kaya nagpagala-gala na lang ako sa school grounds. Bahala na kung may makahuling teacher sa akin dahil nagcutting ako. Maliban doon, makakapasok nga ba ako sa classes ko samantalang pending pa iyong kaso ko sa guidance counselor dahil wala pa akong parent o guardian.
Kaso talaga?!
Malalim ang naging pagbuntong hininga ko, saglit akong huminto sa paglalakad at tinignan ang braso ko na mayroong sugat ngayon, may kalaliman pala iyong pagkakasabit nito kanina sa pakong nakausli sa desk ko.
Humingi lang ako ng band aid sa infirmary at ako na mismo ang naglinis ng sarili kong sugat sa washroom. Kakalagay ko lang ng band aid sa sugat ko ng mapadaan ako sa isa sa mga gazebo malapit sa building ng junior high school at mamataan kitang nandoon.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil hindi lang ako ang nag-iisang nag-cutting.
May nakakaproud ba sa pagka-cutting?
Naipaling ko ang ulo ko ng mapansin kong may kasama kang lalaki. Noong una ay akala ko kaibigan mo iyon ngunit ng makita kong kwelyuhan mo ang lalaking iyon ay naintindhan ko agad ang nangyayari kung kaya't walang pagdadalawang isip akong tumakbo papunta sa kinalulugaran ninyo.
"Srystian, ano bang ginagawa mo?!" Pabulyaw na tanong ko sa iyo ngunit tila ba yelo akong natunaw sa lupa dahil sa tingin na siyang ipinukol mo sa akin. "Bullying?!" Pilit kong tinatagan ang boses ko dahil masyadong mabigat ang awra na siyang dala-dala mo ngayon. Tinignan ko iyong lalaking binubully mo at tinanong siya kung kumusta ang lagay niya ngunit nanginginig siyang tumango sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong mo sa akin na gustong-gusto kong sagutin nang pasigaw ng 'chini-cheer ka sa pambubully!'. "Umalis ka dito, Monday."
"Ayaw!" Sambit ko para humarang sa harapan ng lalaking binubully mo ngunit nasapo ko na lang ang labi ko ng hilahin mo mula sa likod ko iyong biktima mo. "Srystian!" Hiyaw ko dahil sinuntok mo sa harapan ko mismo iyong lalaki. Iyong suot niyang salamin ay kinuha mo pa para lang tapakan at sirain.
Nang makakuha ako ng tiempo ay nilapitan ko agad iyong biktima mo at tinulungan siyang tumayo. "Kaya mo pa ba?" Tanong ko sa lalaking nakahadusay na sa lupa ngayon.
Nakagat ko ang labi ko ng makita ko ang ID niya, grade eight?! Nambully ka ng eight grader?! Sisigawan pa lang sana kita ngunit napasinghap ako ng hilahin mo ang manggas ng damit ko at iharap ako sa iyo.
"Sa susunod na pakialaman mo pa ang buhay ko, tiyak na magugulo din ang buhay mo." Animo bago ako halos ibato para lang mabitawan mo.
Napahawak na lang ako sa ID lace ko habang sinusundan ka ng tingin.
Magagawa mong ituloy ang banta mo?
Ano pa nga bang aasahan ko? Tingin mo ba itong pinaggagawa mo ay hindi pa panggugulo sa buhay ko?
Pinagpagan ko ang sarili ko. Wala naman akong sugat maliban sa natamo kong sugat kanina sa upuan. Muli kong nilapitan iyong bata para alalayan siya at nang masamahan ko sa infirmary.
"Ayos ka lang?" Halos wala siyang makita dahil sa ginawa mo kaya tinulungan ko pa siyang tumayo. "Tara, sasamahan kita sa infirmary."
"Tch! Huwag na, ayos lang ako."
Batang ito, ang sungit! Hindi na lang magpasalamat. Pwede bang bumalik ka na lang dito at tuluyan ang batang ito?! Hayss. "Pagpasensyahan mo na ang isang iyon..." saad ko bago babain ng tingin ang salamin ng batang binully mo. "...babayaran ko na lang iyang salamin mo, kasya na ba ang isangdaan?"
"Dalawang libo ang halaga ng salamin ko, kapag hindi napalitan iyan malalagot ako kay Mama!"
Nagmamagandang loob lang ako! Totoo na ito, lulubayan na talaga kita Srystian basta at balikan mo lang itong batang ito, agad-agad! "Bakit parang kasalanan ko?!" Nakangiwing tanong ko at iniwan na lang siya doon para sundan ka, kailangan pa kita makausap.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro