Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Chapter 23: My Resentment
MONDAY'S POV

INAANTOK pa ako habang inililista ang pangalan ko sa attendance sheet. Sinabihan kasi kami ng General Biology teacher namin na kasama sa performance task ang attendance sa STEM org.

Feeling ko lalagapak na ang grades ko GenBio kaya kahit ayaw ko umattend ng org meeting, aattend pa rin ako.

Nahilot ko ang sintido ko, nahihilo na ako kung saan ko isusulat ang pangalan ko!

17. Olivia Margarelle Suarez
18. Pierpaolo Aragon
19. Yvienne Costillas

20. Klent Thadeus Van Dorren

Ay, may kupal! Anong ginagawa ni Klent dito sa list nga attendance sheet, si Klint dapat ang nandito, hindi naman STEM 'yan! Napailing na lang ako bago punan ang kulang na info sa attendance sheet.

Malapit sa bintana si Klent at Yvienne na magkatabi kaya umupo ako sa gitna nilang dalawa. Napansin kong tinignan pa ako ng masama ni Klent dahil sumingit ako sa kanilang dalawa ni Yvienne kaya mabilis na umarko ang kilay ko.

"May angal ka? Hindi nga dapat ikaw ang nandito." Nakangiwing saad ko.

"Puro na lang kami essay, maawa ka naman sa akin!" Depensa agad ni Klent kaya tinignan ko siya ng masama bago iangat ang middle finger ko sa kanya.

"Gunggong, pangalan mo nilagay mo sa attendance, hindi pangalan ng kapatid mo. Tss!"

"Weh? Hindi nga?"

Hindi ko na siya sinagot at nginiwian ko na lang, inaantok pa kasi talaga ako!

Narinig kong tinawanan lang ako ni Yvienne habang natataranta namang tumayo si Klent para tignan ang attendance sheet at palitan ang pangalan niyang nakalista roon.

Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa meeting, ngunit gusto na talagang bumagsak ng mga mata ko. Papikit na sana ako ng umalingawngaw ang tunog ng fire alarm sa buong school grounds. Nagising ng wala sa oras ang diwa ko at nataranta naman ang mga schoolmates naming nasa loob ng school grounds.

"Lunes, hinila mo na naman ang fire alarm?!" Salubong ang mga kilay na biro sa akin ni Klent pagkabalik sa amin ni Yvienne.

Mabilis ko siyang nabato ng masasamang tingin at naitaas ko na naman ang middle finger ko sa kanya. "Kitang nandito ako?"

Nag-aasaran pa kaming dalawa nang pinapila na kami ng teachers palabas ng classrooms. Inililibot ang tingin ko habang pinagmamasdan ang paligid, hindi naman mukhang may emergency dahil wala akong naririnig na hiyawan ng mga estudyanteng natataranta.

Hiyawan ng mga estudyanteng nagpapansin, meron.

Pinpapipila pa kami base sa section namin dahil ang apat lang naman na section ng grade eleven at grade twelve ang kasama sa org. Kung talaga ngang may emergency, nayari na ang mga estudyante sa kakahanap pa lang ng pila.

Hinahanap ko pa ang nga kaklase kong nasa unahan nakapila. Magkasunod lang kami ni Yvienne subalit may tarantadong biglang humatak agad sa akin sa dami ng taong nagkakagulo sa pila.

Salubong ang mga kilay ko habang nakatingin sa likuran mo dahil sa bigla mong pagsulpot at paghatak sa akin. Nakaawang ang mga labi ko hanggang sa dalhin mo ako sa sirang gusali malapit sa senior high school building.

"Ikaw ang humila ng fire alarm." Saad ko nang maharap na kita. Hindi tanong iyon, kundi isang pangungusap. Minsan mo ng ginawa iyon, imposibleng hindi mo ulitin.

"May kailangan akong sabihin sa iyo." Mariing bitaw mo kaya umikot sa ere ang mga mata ko.

Humakbang ako paatras at magkakasunod na napailing. "Ano na naman ba? Kailangan mo talagang hilahin iyong fire alarm para lang kausapin ako? Nakakalimutan mo atang magkapitbahay lang din tayo, pwede mo akong kausapin sa bahay."

"Hindi mo ako pagbubuksan ng pintuan, Monday."

Ang hirap mo na talagang intindihin. Nasapo ko na lamang ang noo ko habang kagat-labing nakatingin sa iyo. "Fine! Makikipag-usap ako ng maayos sa'yo mamaya. Pero ayusin mo muna ito! Aminin mo na ikaw ang tarantadong humila ng fire alarm," tatalikod na sana ako at iiwanan ka na roon ngunit may naalala ako. "Maging iyong mga kalokohan mo noong nagdaang buwan, aminin mo."

"Monday---"

"Nagdidilim ang paningin ko sa'yo, mamaya na tayo mag-usap!" Singhal ko sa iyo bago ako tuluyang tumakbo patungo sa pila ng section namin.

Mas mainam ng nakapila ako kasama ang section namin at baka ako na naman ang mapagbintangan. Isang pagkakamali at pinagsisisihan ko ng inako ko ang katarantaduhan mo noon.

KINUSOT-KUSOT ko ang mga mata ko habang tinitignan ang magulong classroom namin. Matapos malaman na may pasaway na estudyanteng humila ng fire alarm kanina ay pinabalik na rin kami sa classrooms namin, iyon lang, wala pang klase ko.

Dahil wala pang klase ay nagkaroon ako ng pagkakataong makatulog sa loob ng classroom.

Hinanap ng paningin ko si Yvienne at Klent, nakita ko silang dalawa na nasa sulok kasama ang ibang kaklase namin na naglalaro ng Uno. Gusto kong sumali sa kanila pero nahihiya ako dahil hindi ko naman sila ka-close iyong ibang kaklase namin.

"Suggest ka nga ng magandang pangalan."

Makailang ulit akong napakurap bago lingunin ang katabi ko, si Olivia. Itinuro ko pa ang sarili ko, hindi ako sigurado kung ako ba ang kausap niya kahit na bakante naman ang upuan sa tabi niya at ako lang itong malapit sa kanya. Kahit na magkagroup kami sa research ay halos hindi rin kami nag-uusap. "Ako?"

"Mhmm!" Tango niya habang palipag-lipat ang tingin niya sa akin at sa phone niya na hawak niya. "Iniisip ko kung anong pangalan ang gagamitin ko para sa short story na ipapasa ko sa writing contest. Gusto ko ng pangalan na simple pero malakas iyong dating at magiging impact sa mismong character."

Naidukdok ko na lang ang ulo ko sa lamesa bago siya tapunan ng tingin. "Gamitin mo na lang pangalan ko." Biro ko subalit sineryoso niya!

"OMG! That sounds great! Ang ganda pa naman ng pangalan mo!"

"Haha. Nice joke!" Sambit ko at muling pumikit. Subalit kapipikit ko pa lang ay may bumubulabog na naman sa akin. Akala ko ay si Olivia ang nanggugulo kaya nagpigil akong sigawan siya pero ng iangat ko ang tingin ko ay ikaw na Kumag ka ang nasa harapan ko. "Ano?!" At bakit wala ka sa guidance office?!

"Pampalamig ng ulo." Kaswal na saad mo sabay abot ng soft serve sa akin.

Laglag naman ang panga ko na tinanggap iyon dahil matutunaw na ata sa init ng ulo ko. "Bakit nandito ka?" Tanong ko sa halip na pasalamatan ka sa ice cream.

"Para ipaalala sa'yo na may sasabihin ako mamaya."

"Tsk! Gaano ba kaimportante iyon? Kagigising ko lang, tinotopak ako, kaya dumistansya ka!"

"Opo..."

"Aba! Bakit si Lunes lang ang meron?" Sabay tayong napalingon kay Klent na lumapit dahil may bitbit kang ice cream na halata namang para sa iyo at akin lang. "Nasaan ang akin?"

Binawasan mo muna iyong sa iyo bago ibigay kay Klent kaya napangiwi ako. "Oh!"

"'Yun! Mahal na mahal mo talaga ako 'Tol!" Ngisi naman ni Klent at bumalik na sa mga kalaro niya ng uno.

Ano pa nga bang aasahan ko? Kahit naman mag-away kayong dalawa para rin naman kayong mga bata na magbabati agad. Napansin ko na nakatingin ka pa rin pala sa akin kaya nag-iwas na lamang ako ng tingin at dali-daling inubos ang ice cream.

Bakit nga ba kasi nandito ka pa?!

Malalim na lang akong napabuntong hininga. Nag-alcohol lang ako matapos na maubos ang ice cream at nagmamadali kang hinila palabas ng classroom, patungo sa likod ng building.

"Galing na ako sa guidance, okay? Pero wala pa akong guardian na pupunta, suspended na ako. Hindi ko naman din pupwedeng papuntahin si Lola at baka masugod ko siya ng wala sa oras sa hospital." Kaagad na pahayag mo kahit hindi pa ako nakakapagsimulang magtanong.

Napahalukipkip na lamang ako bago salubungin ang mga tingin mo sa akin. "Okay, ngayon, ano iyong importanteng sasabihin mo sa akin na hindi na makakapaghintay, hmm?"

"It is not hindi na makakapaghintay, natatakot lang ako na baka mawalan na naman ako ng lakas ng loob na sabihin sa iyo."

Umangat ang kaliwang kilay ko. "So ano itong bagay na hindi mo masabi na may kinalaman sa lahat ng mga katarantaduhan mo?"

"You grow dependent on me, Monday." Diretsong pahayag mo kaya natigilan ako at gulat na nakatingin sa iyo. "You're close with Klint, especially Klent pero sa akin, nasanay kang ako ang laging nasa tabi mo. Ramdam kong hindi mo kaya kung wala ako."

"Ah, so nandito ka para sumbatan ako or what? Pakilinaw, naguguluhan ako."

"Monday," seryosong turan mo sa pangalan ko kaya napangiwi ako.

"What?! I know, Monday ngayon. Nakikinig ako, okay?"

"Seryoso ako rito, listen to me please."

"Wait lang ah? Bilangin ko kaya muna kung ilang beses kang nagsinungaling sa akin." Sarkastikong saad ko kaya nasapo mo na lang ang noo mo. "Kaya kita hinila palabas ng room para ipaintindi sa iyo na lubayan mo ako bago tuluyang magdilim ang paningin ko sa'yo."

"Makinig ka muna sa akin---"

"Uh-uh! Nakakalimutan mo ata kung ilang ulit kang nagbingi-bingihan sa akin at itinuloy mo pa rin lahat ng kagaguhan mo. Baka naman nakakalimutan mo na, kasi ako, naalala ko pa lahat. Let me know kung gusto mong ipaalala ko sa iyo bawat detalye, handa naman akong maglaan ng---"

"I'm slowly losing my memories..."

"Huh? Ano ka may dementia---?" Unti-unti akong natigilan bago ka tignan sa mga mata subalit hindi mo na magawang salubungin ang mga tingin ko ngayon. "Drayton?"

"Binalaan na ako ng doctor ko tungkol dito noon pero ipinagsawalang bahala ko. Nang mas nararamdaman ko na iyong epekto ng sakit ko roon ako natakot ng sobra, natakot akong maiwan ka."

"D-Drayton... s-sinabi ko ng pagod na akong makinig sa mga k-kasinungalingan mo hindi ba?" Hindi ko alam kung bakit nagsisimula na akong yakapin ng takot at kaba sa mga oras na ito. O baka dahil napapagtanto ko na at napapagtagpi-tagpi ko na sa isip ko lahat. "K-Kailan pa...?"

"It's the same as dying. Kapag nawala lahat ng memorya ko, it's the end for me at hindi ko kayang makikita ka na umiiyak sa harap ko ng hindi kita maaalala. A-Alam ko kung gaano ako ka-importante sa iyo k-kaya hindi ko kayang iwanan ka."

"Kaya p-pinagtulakan mo ako p-palayo?" Mabilis kong nakagat ang pang-ibabang labi ko dahil pakiramdam ko ay bubuhos ang mga luha ko. "Gago ka talaga!" Sambit ko at mabilis lang nasipa sa binti.

Nasapo ko na lamang ang noo ko habang litong-litong nakatingin sa iyo.

"I'm sorry. I'm really s-sorry."

"Tingin mo n-nakatulong ang mga ginawa mo?! Sana simula pa lamg sinabi mo na sa akin, baka sakaling nagawan natin ng paraan hindi ba?! B-Baka sakaling... may gamot or mahanapan ng himala! Drayton, ang tanga-tanga mo! Natakot kang mawala ako? Makalimutan ako? Pero hindi ka natakot na saktan ako?"

"I don't have a choice Monday! Mas pipiliin ko pang masaktan ka dahil tinulak kita papalayo kaysa naman iyong umiiyak ka at hindi na kita maalala."

Naiinis ako sa'yo sa mga oras na ito kaysa maawa. Ni hindi mo man lang pinag-isipan ng maayos kung anong gagawin mo. Talaga bang solusyon na saktan mo ako? Bakit? Hindi ba mawawala lahat ng alaala mo kung ipagtatabuyan mo ako papalayo?

"Mon---"

"Kailan pa?" Tanong ko habang pilit na pinipigilan ang pag-iyak ko. "Bakit ka nagkaganyan? Epekto ng aksidente noong graduation day?"

"It's not your fault---"

"No. Huwag mo ng ipagkaila, kasalanan ko lahat." Mariing saad ko kaya bahagyang namilog ang mga mata mo bago ka sunod-sunod na napailing sa akin. "Gusto talaga ng mundo na mag-isa lang ako, pero pinipilit ko palagi iyong mga tao sa paligid ko na manatili sa tabi ko, sa huli kayo at kayo lang din ang nasasaktan ng dahil sa akin. Kung hindi ko kayo iniyakan ni Auntie Freya ng araw na iyon, hindi kayo magmamadaling pumunta sa venue ng graduation ko, 'di ba? Iniiwasan natin, ninyong pag-usapan iyong aksidente kasi ako, ako ang may kasalanan kung bakit nangyari iyon---"

"Monday, please no! It is not your fault. Walang sinoman na ginusto iyong nangyari."

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Kaagad ko naman akong hinila palapit sa akin kaya naibuhos ko lahat ng luha ko sa dibdib mo. "K-K-Kasalanan ko, D-Drayton. Mas mainam pa nga na makalimutan mo ako kaysa naman g-ganito."

"Monday, for once, makinig ka naman sa akin. Pinili kong sabihin na ang totoo sa iyo kasi na-realize kong ang unfair kung wala kang alam sa totoong nangyayari." Natigil ako dahil mga binitawan mong salita kaya napaiwas na lang ako ng tingin. "Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko hahayaang maramdaman mo na balewala ka sa mundo ng wala kang kaalam-alam sa totoong dahilan pero anong ginawa ko? Sa huli, ako mismo ang nagparamdam sa iyo ng mga bagay kung saan kita g-gustong i-iiwas... naging makasarili ako, n-naging duwag ako..."

Muli ko lamang naiangat ang paningin ko sa iyo nang marinig ko ang panginginig ng boses mo. Nang iangat ko ang paningin ko sa iyo ay doon ko lamang muling nasaksihan ang pagtulo ng luha mo sa loob ng ilang taon simula ng mawala si Auntie Freya.

Hindi ko alam kung may karapatan ba akong pakalmahin at patigilin sa pagbuhos ang luha mo na siyang ako rin ang mga dahilan. Wala namang magbabago kung simula pa lamang ay sinabi mo na ang totoo sa akin.

"D-Drayton..." Usal ko bago abutin ang balikat mo.

"Monday, hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwanan kang mag-isa, natatakot akong mamatay, natatakot akong iwanan ka."

"Hindi ka aalis, hindi ka mawawala." Paninigurado ko sa'yo kung kaya't naingat mo ang mga mukha mo sa akin. Bahagya akong ngumiti bago ayusin ang mga hibla ng buhok mo na tumatabing na sa mukha mo. "Naaalala mo sa tuwing naglalaro tayo ng agawan base noon, hindi ba at lagi mong ipinagkakatiwala sa akin ang base natin," nakangiting saad ko bago punasan ang mga luha mo. "Natakot ka, sinarili mo lahat at nakalimutan mong magtiwala sa akin pero ngayon, maniwala ka sa akin. Hindi ko hahayaang mawala ka. Sisiguraduhin kong maaalala mo lahat."

"Monday, ilang doctor na ang tumingin sa lagay ko at---"

Inabot ko ang mga kamay mo at hinawakan ng mahigpit ang mga iyon bago nakangiting sinalubong ang mga mata mong binabaha ng mga agam-agam ngayon. "Ako ng bahala sa base natin."

Nang mamamatay si Auntie Freya ay alam kong may parte mo na namatay din ng araw na iyon. Siguro nga ay matagal ko ng alam o napansin subalit itinanggi ko. Ngunit sa pagkakataong ito, sisiguraduhin kong maililigtas na kita.

Hindi ko hahayaang mamatay ka muli sa ikalawang pagkakataon.

─────⊱◈◈◈⊰─────

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro