Chapter 19
Chapter 19: Error
MONDAY'S POV
IKALAWANG araw ng linggo pero hindi pa rin maalis sa isip ko iyong ginawa ko kahapon. Kahit sinabi ni Zoya na okay lang ay hindi ko pa rin matanggap, pakiramdam ko talaga ay sinira ko ang pinakamahalagang araw niya dahil nag-eskandalo ako doon, na hanggang sa oras ng party ay lugmok na lugmok ako dahilan para maaga tayong umuwi at ito ako ngayon nasa pangalawang tahanan ko na naman.
"Monday!" Inangat ko ang tingin kay Yvienne ng lapitan niya ako. Sana lang ay hindi na tungkol sa iyo ang paglapit niya sa akin. "Sasali ka ba sa intramurals? Bukas na kasi iyon, baka gusto mong sumali sa sports?"
"Eh?" Napangalumbaba ako sa desk ko at nakanguso siyang hinarap. "Wala naman akong alam na sports."
"Sure ka na diyan? Plus two points direct to the card daw kasi ang ibibigay na plus points ni ma'am sa HOPE natin."
Siraulo 'tong babaeng 'to, kunwari pa na patanong-tanong sa akin eh may ideya naman talaga siya na naglalaro ako ng table tennis. "Wala kang kasamang maglalaro ano?!"
Mabilis naman siyang tumango at nagpa-cute pa sa akin na akala mo naman talaga ay uubra ang pagpapacute niya. "Samahan mo na akong maglaro ng table tennis, please?"
"Aish! Talagang lalapit ka lang sa akin kapag may kailangan ka ano?"
"Grabe ka na Monday, ang tindi ng pagiging pranka mo ha!"
Napakibit balikat na lang ako. Nagsabi lang naman ako ng totoo, ang lala na ng mundo ngayon, magsabi ka lang ng totoo masama na ang tingin ng mga tao sa iyo. "Hanggang kailan ang registration?"
"Sasali ka na?"
Umiikot sa ere ang mga mata ko. "Nagtatanong pa lang ako, pag-iisipan ko pa kung dapat ba akong sumali."
"Okie! Hanggang 5pm daw ang registration. Si Ma'am na---nakalimutan ko ang pangalan basta adviser ng HUMSS, sabihin mo sa akin kung magpaparegister ka, sabay na tayo!"
Tumango lang ako at umalis din naman na siya hanggang sa dumating na ang teacher namin para sa first subject. Hindi pa rin tuluyang nawawala sa isip ko iyong kagagahan ko kahapon kaya pinilit ko ang sarili ko na makinig sa lessons at isang achievement na ang may natutunan ako sa unang dalawang subjects.
May natutunan nga pero hindi ko sinasabing maipapasa ko na ang quizzes! Sa ten items, nakatatlo lang ako sa GenMath at Precal, naka-seven, hindi pa nag-eight!
ORAS ng break time, nakapagdesisyon na ako na sasali ako sa game bukas. Sayang din iyong plus two para sa HOPE. Kahit sa isang subject lang ako mataas paniguradong mahahatak na niyon ang average ko, wala naman akong plano na umabot ng 90 mahigit ang average ko, kuntento na ako sa pumasa man lang ng 85 ang average ko.
Tuwang-tuwa si Yvienne ng malaman niyang sasali na ako sa table tennis, sa sobrang tuwa niya ay iniwanan muna niya ang mga tropa niya at sinamahan ako para sa registration. Maliban sa magpaparegister ako, gusto rin kitang makita lalo pa at napaaga ang pasok ko kanina, huli kitang nakita ay kaninang alas-dos pa ng umaga nang makauwi tayo. Hindi na kita ginising dahil ang nasa isip ko kanina ay posibleng natutulog ka pa. Ayaw ko sanang pumasok ngayon, iyon lang halos dalawang linggo na akong hindi pumapasok.
Abot langit ang ngiti ko ng makita kita sa hallway subalit mabilis na napalis ang ngiti ko nang makita kita na kasama na naman sila Marc, siguro nga ay naging kaibigan mo na talaga sila kaya hindi mo basta maiwan. Hindi rin naman kita masisisi.
Isa sa mga tropa mo ang nakapansin sa akin kaya napunta ang atensyon mo sa akin ngunit para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig ng tapunan mo na naman ako ng malamig mong mga tingin, na siyang sinundan ng magkakasunod na pagbaha ng tanong sa isipan ko.
Drayton, ano na naman ito?
Alin ang dapat kong paniwalaan? Iyong pagbalik mo sa akin noong nagdaang dalawang araw o itong paglayo mo na naman sa akin. Nakikiusap ako sa iyo, lapitan mo ako at sabihin mo na inaantok ka lang kaya ganiyan ang tingin na ipinupukol mo sa akin. Sabihin mo sa akin na mali lang ako ng pagkakaintindi sa nakikita ko ngayon.
"Srystian! BFF mo iyan 'di ba? Bakit hindi mo sabihin? HAHAHA!" Tawa ng isa mong tropa habang nakatingin sa akin, hindi ko agad napansin na si Marc iyong nagsalita.
Anong---wala akong naiintindihan.
Naguguluhan ako o maaaring hindi talaga ako naguguluhan at natatakot lang talaga ako sa maaari kong malaman.
"Monday, anong... nangyayari? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Yvienne na mahigpit na ang hawak sa braso ko ngayon.
Tumigil ako sa paglalakad, nagsimula akong yakapin ng lamig na hindi ko alam kung saan nagmumula. Ang mga kamay ko ay nanginginig ngayon dulot ng lamig at ang mga paa ko ay hindi ko na magawang ihakbang pa.
Napalunok na lang ako dahil wala akong sagot na maibibigay sa kanya.
"Hoy Srystian! Maawa ka naman kahit papano kay Monday, sasabihin mo o kami ang magsasabi?"
Kahit hindi ako lumingon ay alam kong boses iyon ni Marc.
Huminga ko ng malalim at inipon ang lakas na mayroon ako para ilayo sa grupo ninyo si Yvienne. Lalo na at hindi lingid sa kaalaman ko na hindi komportable si Yvienne na maraming lalaki sa paligid niya na hindi naman malapit sa kanya.
Tutungo na sana kami sa loob ng room ninyo para kausapin ang adviser ninyo na siyang may hawak ng registration para sa table tennis. Subalit bago ko pa tuluyang maihakbang papasok ang paa ko ay naabot ng mga tainga ko ang mga salitang ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na maririnig ko.
"Srystian, pinakilala mo na ba kay Monday iyong suspect sa pagkakasaksak niya?" Natatawang tanong ni Marc kaya muli akong nagkaroon ng lakas ng loob na lumingon sa direksyon ninyo.
Nahuli pa ng tingin ko ang pagsiko mo kay Marc para itikom niya ang bibig niya ngunit nagtawanan lang ang ibang kasama ninyo.
"What? Monday was the victim. May karapatan naman siyang malaman hindi ba?"
Patuloy sa pagtawa si Marc ngunit ang paningin ko ay nananatiling nakatingin sa iyo. May hindi ba dapat ako marinig? Umikot sa ere ang mga mata mo at lalapitan mo na sana ako nang magsalita ulit si Marc na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.
"Dre, bakit hindi mo sabihin na nasaksak siya dahil sa truth or dare natin? Swerte naman ng guardian angel mo, Monday, binuhay ka pa! HAHAHA!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakatitig sa iyo ngayon. Napatigil ka sa paglalakad at diretso kang nakatingin sa mga mata ko. Hinihintay ko na itanggi mo ang sinabi ni Marc, hinintay kong sabihin mo na umiiral lang ang katarantaduhan niya pero walang salitang namutawi sa mga labi mo.
Magsalita ka, Drayton. Itanggi mo!
Umasa ako na itatanggi mo ang mga sinabi ni Marc ngunit wala kang sinabi. Tinapunan mo lang ako ng tingin at tinalikuran.
Mariin kong naikuyom ang mga kamao ko. Naninikip ang dibdib ko at nagbabadyang tumulo ang mga luha ko subalit paulit-ulit kong pinaalala sa sarili ko na hindi ito ang tamang oras para bumuhos ang mga luha ko. Alam ni Yvienne ang dahilan kung bakit halos dalawang linggo akong hindi nakapasok kaya ganoon na lang ang tingin niya sa akin, nahahabag siya sa sitwasyon ko at gusto niya akong yakapin ngunit bago pa niya ako mayakap ay natabig ko na siya upang habulin ka.
Inipon ko ang natitira kong lakas bago ako tuluyang tumumba sa panghihina dahil sa nalaman ko. Humabol ako sa iyo para hilahin ang uniform mo na hindi mo inaasahang gagawin ko. Nang humarap ka sa akin ay kaagad kitang sinuntok sa panga mo, sa lakas ng suntok na binigay ko sa iyo ay bumagsak ka sa sahig habang dumudugo ang parte ng panga mo na siyang natamaan ko.
Maraming estudyante ang nakakita ng ginawa ko, mayroon ding teachers na nakasaksi subalit bakit ko pa sila pagtutuunan ng pansin? Ano ngayon kung masira ang good record ko? Ano ngayon kung ma-guidance ako? Ano ngayon kung nasaktan kita?!
Halos mag-agaw buhay ako sa ginawa ninyo! Matapos niyon, anong ginawa mo? Nilapitan mo ako na para bang hindi mo ako pinagtabuyan. Lumapit ka sa akin na parang hindi mo sinabi na nasasakal ka sa ugali at presensya ko.
Kaya naman pala bigla kang bumait sa akin. Tangina! Akala ko naman kasi na-realize mo na nasaktan mo ako sa mga binitawan mong salita. Akala ko na-realize mo na isa ako sa mga kaibigan mo na hindi ka bibitawan kaya bumalik ka! Iyon pala biktima lang ako ng putanginang truth or dare ninyo!
Ang dami kong gustong sabihin. Gusto kitang sigawan, bulyawan at sumbatan ngunit magsasalita pa lang ako ay alam ko ng wala akong karapatan na gawin iyon. Bakit kasi hindi mo sinabi sa akin? Na gumaganti ka dahil ako ang sinisisi mo sa pagkamatay ni Auntie Freya?
Kung hindi ako nag-iniyak noong graduation hindi sana kayo magmamadaling pumunta sa graduation ko, 'di ba? Pasensya na kung nakalimutan kong ako nga pala ang dahilan ng pagkamatay ni Auntie Freya ah.
"Lunes?" Naibaba ko ang kamao ko ng marinig ko ang boses ni Klent mula sa likuran ko. Kaagad kong inayos ang sarili ko. Ang away nating dalawa ay atin lang, labas na dito si Klent at Klint. "May---"
Huminga ako ng malalim. Ngayong nandito na si Klent ay pakiramdam ko magagawa kong ibuhos ang lahat sa kanya at hindi ko dapat hayaan na mangyari iyon. "Naglalaro lang kami ng truth or dare ni Yvienne." Sarkastikong ani ko habang tinitignan ka, hindi ko magawang lingunin si Klent dahil tiyak na namumula na ang mga mata ko sa pagpipigil ng luha ko.
"M-Monday, tara na. May reporting pa tayo." Dahilan ni Yvienne upang mahila niya ako palayo doon. Sa kabilang dulo ng building kami dumaan ng sa ganoon ay hindi ko na kailangan pang harapin si Klent.
Pagkarating sa classroom namin ay nanginginig na ang buong katawan ko. Napahawak na lang ako sa hamba ng pintuan bilang suporta sa pagtayo ko habang nananatili si Yvienne sa tabi ko upang alalayan ako. "H-Huwag mo akong alalahanin. Iyong narinig mo galing sa mga tropa ni Srystian... atin-atin na lang iyon, hindi pupwedeng makarating kay Klent iyon dahil paniguradong hindi maganda ang kahinatnan."
Mabilis niya akong inilingan kaya umangat ang tingin ko. "Pero... nasaksak ka. Physical injury iyon hindi ba? At some point, dapat magfile ka ng lawsuit."
"Kaya ko na ito, ako na ang bahala. Kaya naman nakikiusap ako sa iyo, h-huwag ka na lang magsalit sa nalaman mo... mukhang tayo-tayo lang naman ang n-nagkarinigan tungkol sa b-bagay na iyon."
"This may lead in a bigger crime Monday pero kung ito talaga ang gusto mo, sige mananahimik ako pero oras na mas lumaki pa itong gulo na mahihirapan ka ng kontrolin sa sarili mo. Hindi mo ako mapipigilang magsalita."
"Madadamay ka lang kaya makinig ka na lang sa akin. Tungkol sa registration, ihahabol ko na lang---"
"Kahit huwag ka na lang magregister, I don't think na nasa tamang kondisyon ka para maglaro bukas."
Alanganin na lang akong napatango at napangiti sa kanya. Hindi ko akalain na makikita ko itong side na ito ni Yvienne.
Sa ikatlong subject, Komunikasyon. Wala na talagang pumapasok sa isip ko, paulit-ulit na naglalaro sa isip ko iyong mga bagay na narinig ko kanina at iyong tinging ipinukol mo sa akin ay hindi na magawang maalis pa sa isip ko.
Tinapos ko lang ang third subject at umuwi na ako matapos iyon, alam kong hindi ako pauuwiin ng walang sundo kaya inakyat ko ang bakod ng school sa likod ng mga sirang building kung saan hindi na hagip ng mga CCTV cameras. Wallet at cellphone ko lang ang dala ko, iniwan ko ang bag ko sa classroom para walang makapansin sa pagcu-cutting classes ko.
Kung sakaling lalapit ka sa akin mamaya... dapat pa nga ba akong makinig sa paliwanag mo kung sakaling puntahan mo ako at paliwanagan? Gusto kong marinig ang paliwanag mo pero alam kong hindi na dapat ako makinig pa.
Ano pa nga ba ang kailangan mong sabihin para lang matauhan ako? Ano pa ba ang dapat na mangyari para magising na ako sa katotohanan?
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro