Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

Chapter 17: Remedy in this Chaos
MONDAY'S POV

"DIDN'T you packed a lot of things?"

Ibinaba ko ang earphones ko dahil parang nay narinig akong sinabi mo. "Ano iyon?"

"Ngayon ko lang napansin na ang dami ata ng damit na dinala mo, isa't kalahating araw lang naman tayong mag-s-stay sa kanila Zoya."

"May bruha akong haharapin, kailangang maging ready ako dahil kung hindi baka magtagumpay ang bruha na kulamin ako." Giit ko at ibinalik muli ang isang parte ng earphones ko sa tainga ko.

Wala ka naman nang sinabi kaya itinulog ko na lang ang natitirang oras sa byahe. Alas-quatro ng umaga nang makarating tayo sa Malolos, halos lahat ay nakababa na ng jeep pero ayaw ko pa ring bumaba dahil tinatamad pa ako, kung hindi mo pa ako pinagbantaang itutulak mo ako pababa ng jeep ay paniguradong hindi pa ako bababa ng jeep.

"Tukmol ka talaga ano?" Bulong ko sa hangin pero parinig talaga iyon, na hindi mo nama pala narinig.

"Hindi ba sumasakit iyang sugat mo?"

At bigla kang naging concern sa akin! Wow ah. "Hindi!"

"Kung hindi pala masakit iyang sugat mo bakit ang kupad-kupad mong kumilos?"

"Che!"

"Mabagal ka nga pala talagang lumakad."

Narinig ko iyon ah! Madali akong humabol sa iyo at sinipa ka sa likurang bahagi ng binti mo, may kalakasan iyong pagkakasipa ko kaya napalingon ka sa akin pero binelatan lang kita.

Mauuna na sana ako pasakay sa tricycle nang mapadako ang paningin ko sa ilang tindahan na nagtitindi ng kakanin sa terminal. Walang sali-salitang hinawakan kita sa pulsuhan mo at hinila papunta sa bilihan ng kakanin.

"Na-miss ko itong puto calasiao!" Pumalakpak ako bago ka tignan. "May pera pa ako kaya naman, ililibre na kita nang paborito mong kutsinta!" Pipigilan mo pa sana ako pero hindi ako nagpapigil, ganitong kahinaan ko ang kaharap ko. "Shems! May kasama pang yema iyong kutsinta oh!"

"Oi! Oi! Bumili ka lang ng mauubos mo."

"Matagal na akong walang nakakaing ganito sa atin kaya pagbigyan mo na ako, huwag kang mag-alala uubusin ko iyan---ay hindi---uubusin pala nating dalawa!"

"Monday."

"Sunday ngayon!"

"Aish! Okay na iyong dalawang balot lang ang bibilhin mo. Celebration ang ipinunta natin dito, okay? For sure ay sandamakmak ang pagkain sa party ni Zoya!"

"Pero maghahanda ba siya ng puto calasiao at kutsinta?" Nameywang akong humarap sa iyo at tinaasan ka ng kilay. "Hindi ‘di ba?!"

Ibinigay mo na iyong blanko mong tingin sa akin kaya napasimangot na lang ako at sumuko, dalawang balot na lang tuloy ng puto calasiao at isang balot ng kutsinta ang nabili ko.

"Ako na kaya muna ang humawak ng pera mo." Suhestyon mo habang pasakay na tayo ng tricycle pero nilingon kita at tinignan ng masama.

"A-yawhhh!" Sambit ko habang abala na sa pagngata ng puto. Nauna na ako pumasok sa tricycle pero biglang bumwelo si Manong Driver, sa lakas ng padyak niya nauntog ako at tumilapon ang puto na nasa bibig ko! "Argh! Iyong puto ko...!"

"Maging mabait ka naman." Sabi mo matapos kong makasakay sa tricycle at tabihan ako, mabilis naman ding sumama ang tingin ko sa iyo dahil sa sinabi mo. "Ipaubaya mo na iyang puto sa mga langgam, talaga ito, walang awa sa mga hayop eh!"

"Kung wala akong awa sa mga hayop bakit naawa ako sa iyo, ha?!" Pasigaw na tanong ko sa iyo bago kita diretsong salpakan ng kutsinta sa bibig. "Manahimik ka na ah, kapag ako napuno sa iyo titirisin kita na parang kuto---aray! Drayton!" Maagap kitang nahampas ng hawakan mo bigla ang ulo ko, ano na naman bang trip mo?

"Kuto, uh? Wala ka na bang kuto?"

"Drayton!"

"What? Naniniguro lang ako. Nakakamiss kaya iyong mga panahon na imbes maglalaro tayo nauuwi tayo sa kutuhan. Sa dami nga ng kuto mo noon maging ako, si Klint at Klent ay nahawa."

"Hindi ka talaga titigil kakatawa? Gusto mo tirisin kitang kutong-lupa ka?!"

"Well, hindi na masamang maging kuto."

"Tama, hindi na masama kung matitiris kita!"

"Hindi na masama kung makakasama naman kita---"

"Ano?! Ako iyong ulo na kakapitan mong g×go ka?! Ganoon ba?! Kung may plano kang banatan ako ngayon tigilan mo na ako!"

"Psh! Sino nagsabing iyon ang sasabihin ko?" Magkakasunod kitang nahampas dahil wala kang tigil sa kakatawa. "Ang sasabihin ko ako ang kuto at ikaw ang lisa, ‘di ba mga partner in crimes tayo?"

"Démios!"

"What do you want, Worst day of the Week?"

"Argh!"

Mahigit labing-limang minuto tayong nakasakay sa tricycle at sa limang minuto na iyon ay sobrang ingay nating dalawa, para tayong mga bata na nag-aaway. Pakiramdam ko nga ay naaalibadbaran na si Manong Driver sa atin, na anytime ay magagawa niya tayong iwan sa gitna ng kalsada dahil ingay natin---mo!

Nauna kang bumaba sa akin at nagbayad ng pamasahe pero nauna na akong nagmartsa papunta sa kanila Zoya ngunit ng malapit na ako sa gate ay mabilis akong napahinto. Kahit na sabihing close kami ni Zoya ay hindi pa rin magandang magdire-diretso ako sa bahay nila hindi ba?!

Kaya lumingon ako sa iyo at hinintay ka. Sabay tayong papasok, hmpf!

"Magpahinga ka muna sa loob pagkapasok natin." Sabi mo kaya inangat ko ang tingin sa iyo.

"Ayaw! Kung may plano kang puntahan dito isama mo ako kung pwede, nakakahiyang mag-stay sa loob para lang magpahinga." Napatingin ako sa pintuan, sa pinto pa lang ay tuloy-tuloy na ang labas pasok ng mga tao. Besides kung mananatili ako sa loob magmumukha lang akong pabigat at isa pa, may ilang malalayong kamag-anak na rin kayo na nandito kaya busy si Zoya sa pagkausap sa kanila, ang classmates at tropa niya ay nandito na rin kahit mdaling araw pa lang, mga nag-overnight ata. "Kung ayaw mo naman akong isama, maglilibot na lang ako sa paligid, hehe."

Wala ka namang sinabi, basta mo na lang hinawakan ang kamay ko at sabay tayong pumasok sa loob.

Napapikit ako bago kagatin ang pang-ibabang labi ko, may strange thoughts ako ngayon, walang hiya! Tumigil ka, Monday! Pero hindi ko mapigilang isipin, shemay! Feeling ko tuloy girlfriend mo ako na ipapakilala sa mga magulang mo---sabing magtigil ka!!!

"Anong mukha iyan?" Tanong mo nang mapansin ang ka-engotan ko.

"Mukha ng natatae, hmpf!" Naidilat ko ang mga mata ko ng maramdaman kong binitawan mo ang kamay ko.

"Kailan pa? Bakit hindi ka nagsabi?"

"Ang po---nagbibiro lang ako, hmpf!"

"Monday 'yung seryoso."

Ang ewan mo naman! Talagang sineryoso mo?! Umagang-umaga, nilalagay ko iyong sarili ko sa kahihiyan, eh ano? "Hindi nga, sadyang may strange thoughts lang ako. Kaya huwag ka ng magtanong!"

"Sabi mo eh."

Muli mong hinawakan ang kamay ko at magkasabay na tayong pumasok sa bahay nila Zoya, sa sobrang abala ng mga tao ay halos wala agad nakapansin sa pagdating nating dalawa, kung hindi mo pa kalabitin si Auntie Zara walang makakaalam na nandito na tayo.

"Good morning po, Auntie---eyy!" Babati pa lang sana ako kay Auntie pero hinila niya ako para yakapin, nakalimutan ata ni Auntie na ikaw ang pamangkin niya at hindi ako. "Kamusta po?" Tanong ko ng bumitaw na siya nakangiti naman siyang tumugon sa akin na okay lang daw at ikaw naman ang hinarap niya pero mabilis kong natutop ang bibig ko ng bigla niyang pingutin ang tainga mo.

"Tita! Aww!"

"Ikaw Srystian ah, hindi man lang nakaalalang mangamusta sa amin!"

"Busy ako sa bahay at school---aray! Tita!"

Natawa na lang tuloy ako dahil sa panenermon ni Auntie Zara sa iyo pero mabilis akong tumigil sa pagtawa nang maalala ko si Auntie Freya. Kung nabubuhay lang suguro si Auntie Freya paniguradong ganitong-ganito kayong dalawa.

"Sige na, mamaya na muna tayo magkamustahan, ha? Marami pa kaming kailangan asikasuhin. Dumiretso na lang kayo sa kusina, may nakaluto nang champorado doon. Tapos nakahanda na iyong kwarto sa itaas, doon sa lagi mong tinutuluyan Srystian---naku! Nakalimutan kong ipagtabi ka ng kwarto Monday! Sandali, sandali palilipatin ko na lang---"

Bago pa man umakyat si tita sa taas ay mabilis ko na siyang napigilan. "Ayos lang ako tita, doon na lang din ako sa kwarto ni Srystian."

"Monday, hindi pwede---"

"Iiwanan na lang po naming bukas ang pintuan, pwede po ba iyon? Isa pa, auntie~ kung may gagawin man po akong milagro paniguradong hindi ko gugustuhing kasama si Srystian!" Sabi ko at napangiwi na lang ako ng mapansin kong salubong ang mga kilay mo na nakatingin sa akin dahil sa sinabi ko.

May tumawag kay auntie kaya naman sa huli ay umoo na lang din siya sa suhestyon ko. Iniwanan muna natin ang mga dala nating gamit noon sa kwartong tutuluyan natin bago tayo bumaba. Hindi ko maintindihan kung bakit ang dami-dami mo pang inayos sa kwarto, iyan tuloy hindi agad ako nakababa kasi nahihiya akong kumilos mag-isa dito.

"Oh my gosh, Monday! You're here!" At dire-diretsong tumakbo si Ate Nomira papalapit sa akin nang makita tayo pagbaba natin ng kusina, mukhang maging siya ay nakalimutan na ikaw ang pinsan niya. "Omg! Three years tayong hindi nagkita, grabe dalagang-dalaga ka na!"

"Mukha lang dalaga iyan pero isip bata pa rin iyan."

Bahagya akong lumayo kay Ate Nomi para lang masipa ka, ang epal mo eh! Mas isip bata ka nga sa akin kung tutuusin.

"Haha whatever! Noms, nasaan na pala iyong champorado na sinasabi ni Tita?"

Kupal ka talagang kumag ka!

"Nandyaan sa kaldero, nasa ref iyong gatas." Nakangiti namang sagot ni Ate Nomi pero nasa akin ang tanong niya, inaasahan ko na sasabihin niyang kumain na muna ako o magpahinga muna pero nauna na iyong daldal niya sa dami ng tanong niya sa akin kahit nakakausap ko siya through chat, sabagay, bihira nga lang pala ako mag-open ng social media accounts ko kaya bihira ko lang din siyang makausap. "Kamusta naman pala ang love life mo Monday? Si Srystian ba nagtangka ng manligaw sayo?"

Umarko ang kilay ko sa tanong ni Ate, alam mo naman ito, mga bata pa lang ito solid shipper na natin. Natawa na lang ako sabay biro. "Paano ako liligawan niyan ate? Eh pinagtutulakan na nga ako." At na-realize kong hindi biro ang sinabi ko. "Ang eme mo ate, alam mong uunahan kitang magtanong tungkol sa love life mo kaya inunahan mo na ako eh!"

"Wala nama kasi akong makukwento sa iyo, okay?"

"Wala daw~ iyong totoo?"

"Well I'm committed to someone." Hagikgik niya kaya napataas ang kilay ko.

"Syempre fictional character iyan."

"Hindi mo ako mapipigilan Monday, ang green flag kaya ni Kazehaya!"

"Hmm? Sinong Kazehaya?"

"Shota Kazehaya ng Kimi ni Todoke!"

Narinig ko na iyon ang kaso romance eh. "Pili lang ang romance na pinapanood ko ate, kung may romance man akong pinapanood ngayon Your Lie in April lang."

"Your Lie in April?!" Napaatras ako dahil sa shocked reaction ni Ate Nomi. "Monday, alam mo para sa ikabubuti mo rin ito, ha? Huwag mo ng ituloy iyan."

"Eh? Paano ba iyan, katatapos ko lang panoorin kanina sa byahe."

"Pi... nanood mo?!"

"At natapos ko!" Ngiti ko sa kanya at nag-wacky pa. Medyo apektado ako sa  naging ending ng kwento pero hindi naman ganoon kalala kaya okay na rin. "May bagong romance akong pinapanood ngayon kaso nag-aalangan ako kung dapat ko bang ituloy."

"Ano iyon? Sabihin mo sa akin, baka alam ko at ako ang magdedecide para sa iyo kung dapat mo bang ituloy o hindi!"

Natatawa na lang ako sa sobrang hyper ni Ate Nomi, minsan talaga nakakalimutan kong mas matanda siya sa atin ng tatlong taon. Habang kausap ko si Ate ay pasimple akong sumilip sa iyo na ninanamnam na ang champorado, mabilis ko na lang na kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti ko dahil ang cute mong kumain.

"Ano ate..." walang hiya, hindi ko na alam ang pimag-uusapan namin ni Ate Nomi. "... iyong Rascal does not Dream of Bunny Girl Senpai. Well, almost kalahati na ako ang kaso tinigil ko kasi feeling ko ang red flag ni Azusagawa---actually ang red flag niya talaga sa paningin ko doon sa part na tinulungan niya si Koge, kasi naman feeling ko---"

"Aish-shh-shhh! Ituloy mo lang, kung feeling mo hindi loyal si Azusagawa kay Mai, feeling mo lang iyon! Maganda iyan 'pag natapos mo at naabot mo iyong movie."

"May movie pa?!"

"Yes! Kaya ituloy mo---wait, wait, omg! Nakalimutan kong may gagawin pa pala ako! Shit! Monday, Srystian! Dito na muna kayong dalawa, kumain lang kayo diyaan, may gatas at mga kape doon sa drawers, may mainit na tubig pa rin sa thermos. Babalik agad ako!"

Lalo akong natawa sa pagkataranta ni ate, nang makaalis siya ay saka lang ako naupo sa tabi mo para kumain dahil nasakdukan mo na pala ako at napalamog mo na rin ang akin. Akala ko naman ay nakalimutan mo na, na ayaw ko sa maiinit na pagkain. Iyong champorado ko punong-puno din ng gatas.

"Huy! Bakit ang daming gatas nito?"

"Hmm? Ayos lang iyan, ang dami pa nilang gatas doon sa ref."

"Baka mamaya gagamitin sa desserts iyon?" Nagkibit-balikat ka na lang kaya napakamot ako ng ulo bago magsimulang kumain.

"Kumain ka na lang ulit mamaya saka ka uminom ng gamot."

"Aye-aye capteyynnhh!"

"Puno iyang bibig mo tapos magsasalita ka?"

"Bha-ket mo kase ako-wh dinadaldal?!" Maagap kong nakuha ang isang baso ng tubig dahil muntikan na akong mabulunan. "Aray!" Angil ko ng naramdaman kong hinampas mo sa akin ng dulo ng kutsara, kaya naman hinampas kita pabalik.

"Pasaway ka ano? Tumigil ka na nga sa pagsasalita, kumain ka na diyan."

"Huwag mo kasi akong daldalin, 'di ba?! Kung hindi ako titigil sa pag-iingay ko, anong gagawin mo ha?! Hahalika mo ako para manahimik---" at kusa akong natahimik dahil sa sinabi ko. Ang pangit naman ng ugali ko, sinira ko iyong magandang mood eh. Nag-iwas na ako ng tingin sa iyo pero naramdaman kong nakatingin ka sa akin kaya nilingon pa rin kita ngunit mabilis din akong umiwas ng tingin, iyon lang pilit mong hinabol ang tingin ko.

"Monday,"

"A-ano? Teka, kumakain pa ako. D-dindaldal mo na naman ako eh."

"Nakakadalawa ka na."

"A-anong dalawa?" Gaga, itago mk iyang pagkautal mo!

"Sa tricycle kanina, akala mo babanat ako sa iyo." Eh? Biro-biro lang naman iyon eh, jusme naman! Naiirita ako sa sarili ko dahil hindi ko matukoy kung seryoso ka ba sa tanong mo sa akin o hindi. "Tapos ngayon..." narinig ko ang pagbuntong hininga mo kaya napalingon na talaga ako sa direksyon mo subalit mabilis din akong napalunok ng magkakasunod dahil nakatungo ka pala sa akin at sobrang lapit ko sayo ngayon!

Ano ba?! Magkatabi naman tayo sa bus, jeep at tricycle kanina, kaya bakit ngayon pa ako nawindang na ganito ako kalapit sa iyo?!

"D-Drayton..."

"Monday, higit na sa kaibigan ang tingin mo sa akin." Pakiramdam ko ay tumigil sa pag-ikot ang kamay ng orasan, ang bawat tao sa paligid ay naglaho habang patuloy tayong kinakain ng nakabibinging katahimikan.

Naalala ko ang sinabi sa akin ni Klent noon, ang sabi niya in love daw ako sa iyo at alam ko, alam ko sa sarili ko kung ano ang totoong nararamdaman ko. Iyon lang, halos maiwala na nga kita bilang kaibigan lang paano pa kung malaman mo na higit pa sa pagkakaibigan ang lahat.

Hindi lang ikaw ang kaibigan kong lalaki at hindi lang din ikaw ang kaibigan ko na kasama kong lumaki, kung tutuusin nga ay mas matagal ko pang nakasama sina Klent at Klint pero bakit ikaw? Bakit sa iyo ko nararamdaman lahat ng ito? Sasapat na ba ang sagot na dahil ikaw si Srystian Démios Clifton C. Drayton at ako ito si Monday Dorian na higit pa sa kaibigan ang tingin sa iyo.

Bago pa man ako makapagsalita ay lumapit ka na sa akin at bumulong.

"I'm not a fool for me not to notice everything... Monday, I know you well, I know you very well, kalimutan mo na ang nararamdaman mo sa akin, pasensya na, hindi ko matatanggap iyan. Sapat na iyong nasasaktan kita ngayon."

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro