Chapter 13
Chapter 13: Nasty Games
MONDAY'S POV
Halos ‘po at opo’ lang ang naisagot ko sa lahat ng tanong sa akin ng guidance counselor. Bukod doon ay nilito mo na naman ako, all of the sudden inako mo ang kasalanan. Ang dahilan mo, naglalaro kayo ng ‘truth or dare’ noon at nagkataong nandoon ako ng mahila mo na ang fire alarm kaya sa akin nabaling ang sisi. Ewan ko ba. Kung tutuusin ay totoo iyong parte na nandoon ako, iyon lang sinadya kong lumakad palapit sa fire alarm para ako ang masisi at hindi ikaw.
Ayos lang sa akin na ma-guidance ako kasi naniniwala ako na walang future na naghihintay sa akin. Ano pang gagawin ko sa good moral, grades ko pa lang halatang wala ng kinabukasan. Bukod doon ay wala rin naman akong planong kumuha ng college degree. Pero ikaw, ikaw! Ang dami mong mga pangarap kaya kahit tarantado ka, at kahit ikasira ko pa gagawin ko para lang matupad mo pa rin ang mga pangarap mo.
"Opo, ma'am. Thank you." Nabaling ang atensyon ko kay uncle Jonas na kakatapos lang kausapin ang guidance counselor natin. Nakangiti pa si Uncle ng lumabas tayo ng office pero nawala agad ang ngiting iyon ng makalayo na tayo sa office.
Syempre, kasama ako sa pagagalitan.
"Kayong dalawa...! Kung gagawa kayo ng kalokohan huwag dito sa loob ng school. Nagkakaintindihan ba tayo? Srystian? Monday?"
Tumango ako kay uncle pero napansin kong hindi ka man lang nagreresponse.
"Kung hindi ko lang napakiusapan ang guidance counselor ninyo malamang ay may bad record na kayo sa school. Pasalamat kayo at warning pa lang ang nakukuha ninyo!"
Nakagat ko na lang ang labi ko dahil matindi ring magsermon itong si Uncle Jonas. Mas nakakatakot pa nga ang mga sermon ni Uncle kumpara kay Lola Solidad. Pero mabuti na lang talaga at napakiusapan ni Uncle ang guidance counselor, sa laki ng gulo na nalikha dahil lang sa fire alarm ay pupwede na tayong ma-expel kung susumahin!
May naalala akong itatanong kay Uncle kaya nalilito akong napaangat ng tingin sa kanya. "Uncle, hindi ba't... nasa Qatar ka? Anong ginagawa mo dito?"
"Hindi mo pa rin nakukuha, Monday. Ikaw rin Srystian." At nakangisi na si Uncle ngayon, eh? "Pinayagan akong magleave ng amo ko kaya ito! Bakit? Ayaw ba ninyo nandito ako?"
Ibig sabihin ay kakauwi lang ni Uncle? Kakauwi lang niya at ito ang bungad natin, sa guidance office talaga.
"How long are you going to stay here?" Tanong mo kaya napatingin ako sa iyo. Grabe punong-puno ng respeto iyong tono mo! Pasimple kitang siniko pero tinignan mo lang ako ng masama.
"Isang linggo lang. Kulang man iyon para bawiin ang higit dalawang taon na wala ako ay mas mabuti na ang mayroon kahit kakaunti kaysa naman sa wala, hindi ba?"
Ang mahal ng ticket mula Pilipinas hanggang Qatar at ang leave ni Uncle Jonas isang linggo lang? Nalilito pa rin ako ngunit wala naman na ako sa lugar para magtanong pa ng mga bagay-bagay kaya nanahimik na ako.
Naipaling ko ang ulo ko ng tignan ako ni Uncle.
"May pasalubong ako para sa iyo sa bahay Monday, huwag mong kakaligtaang kumatok. Bukod doon ay magbabonding din pala kami ni Edgardo mamaya, mabuti na lang at nandyan siya sa inyo ngayon."
At syempre, si Uncle Jonas lang ata ang masaya sa existence ni Papa. Napangiwi na lang ako. Masaya akong umuwi si Uncle pero ibig sabihin niyon ay mas magtatagal pa rin si Papa sa bahay.
Ang daya lang kasi si Mama may trabaho at hatinggabi na umuuwi kaya hindi na niya naabutang gising si Papa. Habang ako kailangan kong magtiis sa bahay sa mga utos niya. Kung pumunta man ako sa inyo at kina Klent para doon magtago ay malakas naman ang loob ni Papa na sunduin ako para lang utusan.
Bumalik ang atensyon ko kay Uncle ng magsalita siya. Kasalukuyan na kaming naglalakad papunta sa gate para ihatid si uncle palabas.
"Ito pa nga pala, Srystian, Monday. Nagpadala ng invitation sa akin si Zoya, debut daw niya sa susunod na linggo, hindi ako makakapunta kasi iyon ang araw ng alis ko kaya kayong dalawa na lang ang pumunta. Aasahan daw niya ang pagdating ninyong dalawa."
Sandali. Kasama ako? Magkasama tayong pupunta sa debut ni Zoya? Malamang ay hindi magandang ideya na magkasama tayo. Kung ganoon lang din alam ko namang hindi ka na aattend at ako na ang bahalang pumunta doon, hindi ba?
"Pero Uncle, may kailangan---"
"Narinig ko galing kay Nanay na may alitan daw kayong dalawa." Putol sa akin ni Uncle na napansin agad ang pagdadahilan ko. "Mabuti pa ay ayusin na ninyo kaagad kung ano man iyang pinagtatalunan ninyo lalo na at hindi ganoon kadali na magkaroon ng alitan sa gitna ng ganitong mga edad ninyo." Hindi pupwede! Hindi naman kasi basta away itong nasa pagitan natin na madaling mareresolba.
Teka nga, nanay? Si Lola Solidad? Masyado ba tayong obvious kaya napansin na ni Lola na nagtatalo tayo kahit nagpapanggap tayong ayos lang kapag nasa harapan niya?
"Eh uncle may..." Drayton! Jusme, alam kong hindi mo rin naman ako gustong makasama sa debut ni Zoya kaya tulungan mo akong magdahilan. "Uncle may practice kami ng---"
"Is it about the festival dance?" Kusa akong napangiti ng magsalita ka, mapapa-yes na sana ako kaso ang sunod mong sinabi— "Hindi allowed ang practice every weekend, kaya makaka-attend ka ng walang inaalalang practice . Zoya was very fond of you, you can't miss her party."
Bullshit! Kamusta na iyong ‘labas na sila dito?’! Ano ito ngayon? Damay ako sa mga desisyon mo sa buhay? Kunsabagay, pwede pa rin naman akong umattend at unahan ka papunta sa event. Duh?!
Ay. Wala pala akong lakas ng loob na bumyahe ng malayo.
"Ngayon, magsibalik na kayo sa mga room ninyo, mamaya na ninyo isipin ang tungkol sa debut ni Zoya." Imbes na nakangiti pa akong magpapaalam kay Tito ay nakasimangot na akong tumalikod at kulang na lang ay magkaroon ng apoy na effects sa bawat lakad ko dahil sa frustration na nararamdaman ko.
Maliban sa problema ko na makakasama kita doon hindi rin maalis sa isip ko iyong part na debut iyon! Hindi lang basta birthday party, ibig sabihin may eighteen something-something pang magaganap and knowing Zoya, hindi na ako magdududa na kasama ako sa 18 treasures niya—pero okay naman na siguro ang mapabilang sa 18 treasures—mas malaking problema kung maging 18 blue bills iyon!
Nagiging habit ko na ata ang nakasimangot at bagot na bagot sa buong klase. Pagdating ng fifth subject ay nakatulog na ako, hindi ko na talaga kinaya, alam ko namang hindi ako basta pagagalitan ng teacher namin oras na mahuli niya akong natutulog.
Alam ko ba naman ang sikreto para payapang matulog sa klase...
Hindi lang teacher ko ang mabait ng araw na iyon na hinayaan akong matulog, dahil maging ang mga kaklase ko ay hindi ako ginising hanggang sa mag-uwian o posibleng may nagtangkang gumising sa akin sadyang mahimbing lang ang tulog ko.
Iyon lang, basta ikaw ang manggigising it is always in a special way.
"Drayton!" Tili ko matapos kong dumausdos pababa sa upuan kung saan ako natutulog. Sa ising pitik nagising ang diwa ko. "Napakatarantado mo!" Bulyaw ko sa iyo ngunit nginisian mo lang ako.
"Sa bahay mo na ituloy iyang tulog mo pero syempre mamaya pa iyon."
Nakakunot ang mga noo ko na sinundan siya ng tingin na naglakad na papalabas. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at natutop ko na lang ang bibig ko ng makitang ako na lang mag-isa sa room at nakapaglinis na rin ang cleaners.
Shemay!
Inayos ko lang ang upuan ko kung saan mo ako binagsak at dali-daling humabol sa iyo papalabas. Gusto ko ring malaman kung bakit mamaya ko pa maitutuloy ang pagtulog sa bahay, sa tono kasi ng pananalita mo ay may kailangan ka pang puntahan---na kasama ako!
"Sa susunod na ikaw naman ang makatulog hindi lang paghulog sa upuan ang gagawin ko sayo!" Sambit ko matapos kitang mahabol, nakangisi kang lumingon sa akin kaya mabilis na umikot sa ere ang mga mata ko.
"Hindi mo magagawa iyon, Monday."
"At sino nagsabi sayo? Tingin mo ba hindi kita kayang buhatin at ihagis sa kung saan?"
"It is not my point, the point here is that... hindi ako tulog mantika."
Tulog mantika?! Oo na, itatanggi ko pa ba? Talent ko ang matulog ng mahimbing, bakit ba? Kahit gaano pa kaingay at kahit gaano pa hindi ka-komportable ang tulugan makakatulog at makakatulog ako ano!
"Saan ba tayo pupunta?" Inilihis ko na lang ang usapan.
Sa halip na bigyan ako ng sagot ay inabot mo lang sa akin ang isang invitation, mukhang ito iyong invitation para sa debut ni Zoya kaya mabilis kong binuksan at binasa.
At tama nga ako, kasama ako sa 18 treasures niya!
"Oh ngayon? Hindi pa naman ngayon ang debut ni Zoya kaya bakit sasama pa ako kung saan ka pupunta?" Naguguluhanng tanong ko pero sa totoo lang, masaya ako ngayon sadyang kailangan ko lang itago ang sayang nararamdaman ko at baka masira pa lahat ngayon.
"We'll buy your dress."
Nanlaki ang mga mata ko. "Dress ko? Bakit?! Saka ngayon na agad? Next next week pa naman iyon ah?"
"Iyon ang kailangan mong isuot sa birthday ni Zoya and it should be a purple dress na based sa theme ng debut ni Zoya which is sigurado naman akong wala ka. Tss! Stop with that next week pa, kaya ka laging late eh. Tsk!"
"Ohhh! Whatever pero wala nga, hehe. At wala rin akong pera kaya bakit---?!"
"Ibinigay na sa akin ni Papa ang pera."
Kailangan pa ba talaga kitang kasama sa pagbili ng dress? Hindi ba pwedeng iabot mo na lang sa akin iyong pera at ako na lang ang bumili? Litong-lito na talaga ako sa iyo! Pero sige, ito ang ikakasaya ko eh, ang samahan ka sa kung ano man itatakbo niyang utak mo.
Saka makakatanggi pa ba ako? Sa ating dalawa mas maganda pa ang fashion sense mo kumpara sa akin.
Sa sasakyan papunta sa bayan, alam kong wala naman na tayong masyadong mapag-uusapan kaya naman kinalkal ko na lang ang mga social media accounts ko, dito ko lang din napansin na ang dami na palang messages sa akin ni Zoya na hindi ko naman nababasa, last week pa pala niya ako inimbitahan sa debut niya.
Nahiya ako kasi sobrang tagal na ng messages niya sa akin kaya nang makapagreply ako ay na-spam ko na siya kakasorry kasi hindi ko agad nabasa ang message niya.
Sa sobrang abala ko sa pagrereply kay Zoya ay hindi ko napansin na pababa na pala tayo. Pagkalito at gulat naman ang siyang sumalubong sa akin nang malaman ko kung saan tayo bababa.
"Wait, wait!" Gulat akong lumingon sayo habang salubong na ang mga kilay mo na nakatingin sa akin, malamang ah nalilito ka na sa akin ngayon. "Bakit sa SM tayo bibili?!"
"At bakit hindi?"
Kamot-kamot ko ang ulo ko na bumaba ng jeep bago ka hilahin patawid sa pedestrian lane. "Sa ukay-ukay tayo bibili, okie?!"
"Sa ukay? Monday, mas maganda kung sa mall na tayo bumili---"
"Gagastos ka ng mahal para lang sa damit na kung tutuusin ay isang beses ko lang masusuot? Kung tutuusin nga pwede namang manghiram na lang ako eh!"
"Ang sabi ni Papa samahan kitang bumili, naiintindihan mo ba?"
"Oo na!" Malapit lang ang pinakamalaking thrift shop kaya naman pagdating natin doon ay nauna na akong pumasok at inisa-isa ang mga damit na nandoon, abala pa ako sa pangangalkal nang hatakin mo ako sa isang sulok, akala ko ay kung ano nang gagawin mo sa akin pero dinala mo lang pala ako sa section kung nasaan ang mga dress.
Pero bakit parang kabisado mo itong lugar?
Namimili pa ako ng kakasya at babagay sa akin pero nagawa mo na akong unahan, nagulat na lang ako nang may dress ka na iabot sa akin. Tinignan kong maigi ang inabot mo sa akin, maayos naman. Kumpara sa ibang naririto na mukha ng gusgusin at iyong iba mukha pang damit para sa patay!
"You're taking too much time to choose one." Animo kaya umangat ang tingin ko sa iyo at tinignan ka ng masama.
"Salamat, ha!" Sarkastikong bulyaw ko sa iyo. Akala ko naman tuloy-tuloy na ang pagiging nice mo!
"Oh sir, bumalik kayo agad." Napalingon ako sa sales lady na lumapit sa atin habang nakangiting nakatingin sa ating dalawa. "Akala ko ay matatagalan pa bago---"
"Pumunta ka na doon sa fitting room at sukatin mo iyan."
"Eh?" Aba, iba rin kung makautos ah.
Natataranta ka nang pinapasok mo ako sa fitting room kaya nangunot ang noo ko. Ano namang trip mo ngayon? Napailing na lang ako bago sukatin sa fitting room ang dress, napanganga na lang ako dahil sukat na sukat iyong dress sa akin bukod doon ay tamang-tama lang iyong tingkad ng pagkapurple ng dress na bumagay agad sa skin tone ko.
Hinawi ko ang kurtina at sinilip ka na nakaabang ilang metro sa akin.
"Pssst... Drayton!"
"What?"
Ngumiti ako bago kumindat. "Salamat!"
Inirapan mo lang ako kaya napairap din ako. Hinubad ko na ang damit at naunang pumunta sa counter dahil napansin ko naman na nakasunod ka sa akin.
"What about your..."
"Ang alin?" Lingon ko nang marinig kitang magsalita pero hindi ka naman nakatingin sa akin, sinundan ko ng tingin ang tinigtignan mo at napansin kong nakatingin ka sa hilera ng mga sandalas. "Huwag kang mag-alala marami naman akong sandals sa bahay, mabubulok na nga lang kasi hindi ko naman naisusuot."
"Okay."
Nauna kang lumabas kaya sumunod na agad ako pagkatapos na makapagbayad sa counter. Tumingala ako sa langit para lang makita na magdidilim na pala, wala na ring masyadong tao sa paligid.
"May pupuntahan pa ba tayo? O uuwi na tayo?"
"Bumili muna tayo ng makakain."
"Oh! Sige ba, saan ba tayo? May pera pa naman---"
"Malaki pa ang tira sa ibinigay ni papa pambili ng susuotin mo sa debut ni Zoya. Sa iyo naman ito."
Seryoso talaga na nag-abot si Uncle ng pambili ng gamit ko? Sanay naman na akong nag-aabot siya ng pera sa akin, si Uncle nga rin ang nagtutustos sa pag-aaral ko ngunit kung minsan ay hindi pa rin ako sanay. "Anong akin? Hati na tayo diyaan!"
"Whatever you say." Umikot na naman sa ere ang mga mata mo kaya maging ako ay napaikot ang mga mata sa ere.
Patawid pa lang sana tayong dalawa sa kabilang parte ng kalsada niyon nang may marinig akong nabasag at nang lumingon ako sa iyo ay ganoon na lang ang tili ko matapos kong makita ang ulo mo na duguan.
"D-Drayton!"
Natataranta akong lumapit sa iyo pero hinila mo lang ako para itago sa likuran mo. Tuloy-tuloy ang pagdurugo ng sugat na natamo mo sa ulo ngunit nagawa mo pang habulin at sugurin ang lalaking humampas sa iyo ng bote.
Gusto kitang pigilan ngunit nanginginig na ako sa takot nang mga oras na iyon at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang kuhain lang ang cellphone ko para humanap ng mahihingian ng tulong ay hirap na hirap pa ako.
Sisigawan ko na sana ang sarili ko dahil hindi ako makatulong habang nakikipagbuno ka sa kung sino. Wala talaga akong ideya kung sino ang dapat ko tawagan pero naalala ko si Klent kaya pinili kong siya na lang ang tawagan pero halos maibato ko sa pagkaasar iyong cellphone ko dahil wala akong load! Natataranta ako, hindi ako makapag-isip ng maayos, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko lalo na nang makita kitang naliligo na sa sarili mong dugo.
Sa palagay ko ay malala ang tinamo mong sugat sa ulo kung kaya't madali kang naiisahan ngayon ng lalaking kalaban mo. Pero bakit nakikipagbuno ka pa rin?! Kahit nahihirapan na akong magdesisyon sa dapat kong gawin ay binuksan ko agad ang social media account ko at nag-message kay Klent online at umaasang mababasa niya agad iyon.
Hindi ako sigurado kung tama bang tumawag ako sa emergency hotline sa ganitong sitwasyon. Subalit emergency naman itong maituturing hindi ba?
Inilibot ko ang paningin sa paligid at humanap ng pupwedeng hingian ng tulong sa malapit. Namataan kong marami-rami ang tao sa kabilang bahagi ng kalsada.
Patakbo na sana akong tatawid papunta sa kabilang bahagi ng kalsada para humingi nang tulong, subalit bago pa man ako makahingi ng tulong para sa iyo ay namalayan ko na lang ang sarili ko na humihingi ng tulong para sa sarili ko.
"Monday!"
Hinihingal at nanghihina akong napatingin sa kanang bahagi ng dibdib ko. Tulala akong nakatingin ngayon sa balisong na siyang nakabaon sa akin kung saan nasisilayan ko na ang pagmantsa ng dugo sa puti kong uniform. Nag-aapoy ang pakiramdam ko habang nanginginig naman ang buong katawan ko sa takot.
Kusang akong bumagsak sa sahig. Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko dahil sa dami ng dugong nawawala sa akin, ang talukap ng mga mata ko ay nagsisimula na ring bumigat habang hinahabol ko na ang paghinga ko.
Sa kabila niyon ay tanging paghingi na lang ng tawad sa iyo ang tangi kong naisambit. Kahit nanlalabo na ang mga mata ko ay nakita pa kitang tumatakbo papalapit sa akin kahit ikaw mismo ay naliligo na rin sa sarili mong dugo. "D-Drayton... s-sorry..." Ngunit bakit nga ba humihingi ako ng tawad sa iyo?
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro