Chapter 12
Chapter 12: I am freaking confused!
MONDAY'S POV
LUNCH time, nakikinood lang ako sa mga kaklase ko na naglalaro ng chess. Wala naman na akong pera para bumili ng makakain kaya nakikitambay na lang ako nang bulabugin ako ng bruhildang akala ko ba naman ay girlfriend mo. Hindi ko na sana siya papansinin pero mapilit na naman siya. Matapos ang pag-uusap namin noong nakaraan ay hindi ko inaasahang may lakas pa siya ng loob na kulitin at bulabugin ako ulit.
"Anong kailangan mo?" Inaantok na tanong ko sa kanya, nginitian lang niya ako at inabutan ng tinapay na naliligo sa keso. Kakikita ko pa lang sa tinapay ay natakam na agad ako ang kaso baka may lason o gayuma siyang nilagay dito. "Salamat." Nasabi ko na lang at tinanggap pa rin ang bigay niya. "Ano pala ‘to? Manliligaw ka na? Sorry, hindi ako interesado." Inaasahan kong malulungkot o masasaktan siya sa sinabi ko pero tinawanan lang niya ako ng napakalakas. Siya lang iyong nag-iisang tao na siyang dahilan oara pilitin ko ang sarili ko na maging rude. Kung kailan ko kinakailangan na maging masama sa ibang tao ay hindi naman lumalabas ang kasamaan ko!
"Iyan ang gusto ko sa iyo Monday eh! Your humor~ eyy!"
Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya ngayon. "May sasabihin ka ba? Anong ginagawa mo rito?"
"Hindi pa ako nakakapagpakilala ng maayos sa iyo, hindi ba?"
"Hindi—" Sino ba nagsabing gusto konsiyang makilala? "Hindi, ayos lang..."
"I'm really glad that I met you, Monday!" Gulat akong napasunod ng tingin sa kamay niya ng hawakan niya ang kamay ko at paulit-ulit na nakipag-shakehands sa akin. "Trizia. Trizia ang pangalan ko. It is pronounce as Tri-siya but the spelling is T-R-I-Z-I-A. Well, Trizia as Trisha ang tawag sa akin ng parents ko but I want my name to sound unique kaya naman Tri-zia ang pakilala ko. Hmm? My name sounds pretty isn't it?"
"O-oo naman!"
"Good, mabuti naman at nagustuhan mo!"
Naiilang kong inagaw ang kamay ko mula sa kanya. "Mabuti pa ay bumalik na ako sa loob ano? Nakapagpakilala ka naman na at salamat ulit dito sa tinapay."
"Hep! Hep! Hep!" Napaatras ako mula sa pagtangkang pagtakas sa kanya ng hilahin niya ang dulo ng damit ko, halos salubong na ang mga kilay ko ng harapin ko siya. "Hindi ako pumunta dito para magpakilala lang sa iyo lalo na at alam ko namang hindi ka interesado sa akin, tama?"
Alam naman pala niya? Pero nagpakilala pa rin siya sa akin?!
"Ano bang kailangan mo?"
"May gusto lang sana akong linawin sa iyo." Sumeryoso na siya ngayon na siyang lalong bumuhay sa kuryosidad ko?
Ano nga bang sasabihin niya sa akin? Kung tungkol lang din naman sa iyo ay tiyak na makikinig ako.
"Tungkol kay Srystian."
Sabi ko nga, tungkol sa iyo ang pag-uusapan namin. Pero ano pa nga bang tungkol sa iyo ang dapat naming pag-usapan? Kung susumahin nga ay iniiwasan kong masagi ka sa isipan ko dahil kasi sa tuwing naaalala ko iyong pagtatalo natin noong huling araw ay naninikip ng sobra ang dibdib ko.
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang nasakal ka sa kagustuhan kong palagi kang nasa tabi ko.
Hinila niya ako sa gilid ng corridor kung saan walang masyadong tao bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. "Sa pagkakatanda ko ay nasabi ko na sa iyo ito, hindi ko alam kung naaalala mo pa o talagang hindi mo lang binigyang pansin." Huminga siya ng malalim bago sinalubong ang mga tingin ko. "Wala kaming relasyon ni Srystian. Hindi niya ako girlfriend, sa totoo lang ay hindi rin naman kami magkaibigan. Kung tutuusin nga ay hindi ko alam kung ano ba talaga ang relasyon ko sa kanya. Totoong nilapitan ko siya dahil sa iyo pero may ilang mga bagay pa kaming pinag-usapan na hindi ko naman na magagawang ipaalam sa iyo dahil isa iyong sikreto. Sikreto na hindi naman sa akin para sabihin ko sa iyo..."
Hindi ko maintindihan kung nagbibiro ba siya ngayon o ano. Gusto ko siyang saktan ng wala sa oras. Nasabi na niya sa akin noong nakaraan na wala naman talagang kayo at wala na akong pakialam doon. Iwinaksi ko na rin ang nararamdaman kong selos dahil bago ko pa maramdaman ang selos ay naaalala ko na agad ang nangyari noong sinabi mo sa akin ang siyang totoong tingin mo sa akin.
Nagpapapansin lang ata itong si Trizia sa akin.
Huminga na lang ako ng malalim at sinalubong ang mga mata niya. "Kung may hindi man ako maintindihan dito ay iyon ay kung bakit kailangan mo pang ipaalam sa akin lahat ng ito. Sasabihin mo sa akin na may sikreto kayo pero hindi mo naman ipapaalam sa akin kung ano iyon?"
"Monday, gusto ko lang linawin ang mga bagay sa iyo. Kasi nakikita ko sa mga mata mo na nasasaktan ka sa pinaggagawa ni Srystian. Sa ating dalawa, ikaw ang higit na nakakakilala sa kanya. Mahigit isang dekada ng buhay niya ay kasama ka niya, alam kong kabisado mo na ang likaw ng bituka ni Srystian, kaya kung mayroon mang tao na makakapagligtas sa kanya ay walang iba kung hindi ikaw."
"Bakit... bakit ko ililigtas ang taong ayaw namang tanggapin ang tulong ko?" Umaatras ako mula sa kanya bago sumandal sa railings ng corridor.
"Gusto mong iligtas si Srystian hindi ba? Nararamdaman kong gusto mo siyang iligtas."
"Hindi ko ba sinusubukang iligtas siya? Ilang... ilang beses ko ng ginawa iyon pero malinaw na sa akin na hindi niya kailangan ang tulong ko!" Ano bang sinasabi ni Trizia na iligtas ka? Pinagtabuyan mo na nga ako. Nasasakal ka sa pagiging makasarili ko hindi ba?
Sa mga sinasabing ito ni Trizia ay kinakalaban lang niya ang mga binitawan mong salita noong nakaraang araw. Ang problema naman sa akin ay kumakagat ako, gusto kong maniwala na totoo ang sinasabi ni Trizia na kailangan kitang iligtas sa kung anumang bagay. Dahil kaakibat ng paniniwala ko sa kanya ay ang pagpapaniwala ko sa sarili ko na walang katotohanan ang masasakit na salitang binitawan mo sa akin.
"Monday..."
Gayunpaman, tama si Trizia. Kung may tao man na higit na nakakakilala sa iyo ay walang iba kung hindi ako. Iyon nga lang, nagbago ka na. Hindi na ikaw ang Drayton na kaibigan ko. Kahit anong pagsisinungaling ko sa sarili ko ay patuloy naman akong hinihila ng katotohanan sa lahat ng binitawan mong salita sa akin.
"Trizia, nakapagdesisyon na ako. Gusto kong maging masaya si Srystian at kung ito lang ang makakapagpasaya sa kanya hahayaan ko na s-siya. Kung ito ang gusto niya hindi na ako mangingialam sa buhay niya."
"Sumusuko ka na sa kanya?"
Bahagya ko siyang nilingon ngunit nag-iwas din agad ako ng tingin. Sumusuko na nga ba ako sa iyo? Hindi ako sumusuko, hindi pagsuko ang tawag sa ginawa ko, kung hindi pagtanggap sa katotohanan.
"There is still a chance for you to save him."
"Trizia, hindi mo naiintindihan. Alam mo, bago pa ako tuluyang mamuhi sa iyo, mabuti pa ay umalis ka na. Buo na ang desisyon ko. Hindi ko kailangang iligtas si Srystian, siya ang pumili nito para sa sarili niya, kung sakali mang kailangan niya ako pwedeng-pwede siyang bumalik pero hindi niya ginawa. Ipinagtutulakan lang niya ako palayo, sa halip na hingiin ang tulong ko!"
Wala naman na akong narinig pa mula sa kanya. Naidukdok ko na lang ang ulo ko sa railings. Pinipilit kong tanggapin na wala ka na ngunit hindi ko pa rin matanggap kahit na sabihin kong pinaubaya ko na ang lahat sa sarili mong desisyon at kagustuhan.
"Monday," kinalabit ako ni Trizia. Wala sana akong plano na mag-angat ng tingin sa kanya subalit kung mananatili akong nasa ganitong posisyon ay baka maiyak lang ako dito.
"What?" Tanong ko matapos na mag-angat ng ulo sa akin.
May inginuso lang siya sa tapat ng railings bago umalis. Napaiwas na lang ako ng tingin sa iyo. Ano na namang kailangan mo sa akin? Hindi ko alam kung dapat ba akong humakbang palapit sa iyo, kung sakali mang humakbang ako palapit sa iyo ay dalawa lang ang posibleng kahinatnan, una ipagtutulakan mo ako o maaaring ikaw ang kusang humakbang paatras.
Nagpanggap na lang ako na wala akong nakita at nilaro ang buhok ko, hanggang sa mapansin kong nasa tabi na kita.
Ni wala ka man lang sinabi, nagulat na lang ako may isinuksok ka sa bulsa ng blouse ko. Medyo nataranta ako sa inabot mo sa akin dahil akala ko ay kung ano iyon, mamaya ay naglagay ka na pala ng ahas sa bulsa ko tanda ng matinding pagkamuhi mo sa akin pero ganoon na lang ang pagkunot ng noo ko sa inilagay mo sa bulsa ko.
"Para saan ito?" Tanong ko sa iyo sabay angat ng tatlong libo na isinuksok mo sa bulsa ko.
"Huwag kang gumastos nang gumastos sa mga bagay na walang kabuluhan." Namulsa ka na at tinalikuran ako, nakakailang hakbang ka pa lang ng muli mo akong nilingon. "Naghihintay na sa office si Papa, bilisan mong kumilos."
Naghihintay? Sino at saan? "Srystian! Srystian! Anong sinasabi mo?"
"Naghihintay na si Papa sa guidance office." Sagot mo habang pilit akong humahabol sa bilis ng paglalakad mo.
"Naguguluhan ako. Si uncle Jonas na ang kakausap sa guidance counselor? Pero nakausap ko naman na si Ate Yanna..."
Kahit simpleng tanong ko na ganito ay wala ka talagang plano na bigyan ng kasagutan ano? Paano na lang pala kung ako ang naging proctor mo sa exam? Hindi mo sasagutin? Bakit ba sa tuwing nabubuo ko na ang mga desisyon ko ay lagi mo na lang akong nililito?
Higit sa lahat binanggit mo si Uncle Jonas. Kailan pa siya umuwi?
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro