Chapter 1
Chapter 1: I am always here, always
MONDAY'S POV
"ANTUKEN, bangon na. Ma-le-late na tayo, huy!"
Mabilis kong hinila paangat ang kumot ko para magtalukbong. Sa mga kwentong nababasa ko, nanay o alarm clock ang siyang gigising sa bida at ito namang bida magigising ng late na sa klase, iyon lang, sa kwentong 'to hindi ako ang bida. At tinatamad pa talaga akong bumangon para pumasok! First day of classes, puro orientation pa lang naman kaya wala talaga akong gana pumasok.
"Monday na monday eh." Hinila mo ang kumot ko na siyang ipinantalukbong ko sa sarili ko kaya tinignan kita ng masama.
"Monday is always the worst day, so I am."
Kundi uubra ang kumot, ang unan siguro uubra pa, kaya naman unan ko na lang ang pinantalukbong ko. Tinatamad kasi talaga akong pumasok, ano ba?! Isa pang gising mo sa akin ay hindi ko maipapangako na hindi kita magagawang sipain.
"Monday—"
"Tulog pa!"
"Ang kulit mo naman. Bumangon ka na nga kasi diyan. Kapag hindi ka bumangon diyaan—"
Mabilis pa sa oras na napabangon ako sa kinahihigaan ko at hinarap ka bago ko diretsong itaas ang middle finger ko tungo sa iyo pero tinawanan mo lang ako at ginulo ang buhok ko na sabog pa nang umagang iyon. Sa inis ko ay nasipa ko ang binti mo pero lalo mo lang akong tinawanan.
"Bakit kasi hindi ka na lang maunang pumasok?"
"Maligo ka na roon. Tignan mo oh, puro muta ka pa tapos ang dami pang natuyong laway diyan sa bibig mo."
Hayss. Isa lang ang masasabi ko. Napakat*rantado mo. Pero tinatamad pa akong magsalita kaya tumayo na lang ako para pumunta sa banyo. Ang lamig-lamig eh!
"Nagpa-init na ako ng tubig para sa'yo. Gusto mo ihanda ko na rin pati susuotin—"
Ano pa bang magagawa ko? Kabisado mo ang likaw ng bituka ko. "Shut up!"
Dalaga at binata na tayo kaya hindi ko lubos na maintindihan kung bakit nakakapagsalita ka ng mga ganyang bagay na para bang normal lang ang lahat, siguro nga ay normal para sa iyo pero paano naman sa perspective ko? Nawiwindang ako sa mga kilos mo, Kumag ka!
Naligo na lang ako sa banyo pero ang isip ko ay isinusumpa ka pa rin dahil sa ginawa mong panggigising sa akin, ang ganda-ganda ng panaginip ko tapos gigising mo lang ako ng ganun-ganun? Nasaan ang hustisya roon?!
"Ahh!" Napahiyaw ako ng muntikan na akong madulas dahil sa pagmamaktol.
Kasalanan mo 'to Drayton!
"Monday, ayos ka lang?"
"Huwag mong sabihin na papasok ka dito. Hoy Drayton! Diyaan ka lang sa labas!"
"Inaalam ko lang kung buhay ka pa o nilamon ka ng gagamba. Wala akong plano na pasukin ka diyan."
"Che! Doon ka na nga."
Narinig ko na naman ang tawa mo pero pinigilan ko na ang sarili ko na magmaktol dahil baka matuluyan akong madulas.
Basang-basa pa ang buhok ko nang magbihis ako ng uniform ko. Ako lang ata itong nagdadalaga sa atin dahil normal pa naman sa iyo ang lahat pero sa akin hindi—at bakit ka nga naman kasi magdadalaga?!
"Hoy! Tara na." Sigaw ko sa iyo nang matapos kong ayusan ang sarili ko at maabutan kita sa sofa na natutulog na. Sinong antukin sa atin ngayon? Dahil ayaw mong gumising na kumag ka ay dire-diretsong kitang sinipa sa binti mo na siyang nakapagpagising sa iyo. "Ma-le-late na sabi tayo."
"Sino kaya itong dahilan ng pagka-late ko? Tsk!"
"Excuse me?" Nameywang ako at tinaasan ka ng kilay. "Kasalanan ko pa ngayon? Sino ba nagsabi sa iyo na hintayin mo pa ako, ah?"
"Kung hindi kita sasabayan sa pagpasok paniguradong hindi ka papasok." Animo at tinakpik ako sa ulo.
Napanguso na lang ako dahil totoo naman ang sinabi mo.
Senior High School na tayo. Habang tumatagal ay papalapit na ang pagtuntong natin sa college, lalo lang akong nawawalan ng gana na mag-aral dahil sa isang dahilan na mula pa pagkabata ko ay dala-dala ko na; walang sumusuporta sa pag-aaral ko. Magkaroon man ako ng award ay wala lang iyon sa parents ko. Tumaas man ang mga grado ko o bumaba ay wala silang pakialam ngunit tiyak na makukuha ko ang atensyon nila kung sakali mang huminto ako sa pag-aaral.
Hindi ko rin naman alam kung anong gusto kong gawin pagkagraduate ko ng Senior High School. Kahit naman kasi graduate ng college ay madalas underpaid pa rin! Iyong strand ko nga, dinaan ko lang sa wheel of fortune.
"Good morning, Lola Solidad!" Bati ko kay Lola na naabutan kong nagwawalis sa bakuran ninyo ng umagang iyon. Lumapit pa ako kay Lola para magmano. "'La, papasok na po kami ni Drayton."
"Makapagpaalam, uh? Sino kaya itong walang planong pumasok?" Ngiwi mo ng maabutan mo ako dahil iniwanan ko na sa iyo ang pag-la-lock ng bahay namin.
"Tch! Manahimik ka nga. Tinatanong ba kita? 'La, itong apo ninyo kanina pa ako inaaway!" Parang batang sumbong ko kay Lola na tinawanan pa ako. At dahil ako ang paboritong apo ni Lola Solidad, kahit ikaw ang totoong apo, ikaw pa rin itong napagalitan at napagsabihan ngayon!
"Bakit naging kasalanan ko? Lola naman eh! Sige na po, mamaya na pag-uwi namin. Ma-le-late na kami. Ito pa namang paborito ninyong apo daig pa pagong kung kumilos. Akala ata kapitbahay ang school."
Nakangiwi naman akong dumepensa. "Dinaig mo pa manok sa aga mo! Sino ba nagsabi kasing gisingin mo ako?"
"Nyehnyehnyeh! Mahuli manlilibre mamayang recess!" Sambit mo sabay hampas sa akin bago ka kumaripas ng takbo palayo!
Mandurugas ka talagang Hudas ka!
Nagpaalam na lang ulit ako kay Lola Solidad bago humabol sa iyo na papunta na sa sakayan ng tricycle! Ako pa talaga aasahan mo sa panlilibre eh halos wala nga akong baon ngayon!
Umirap sa ere ang mga mata ko at itinulak ka palayo sa tricycle nang dumating iyon at inunahan kang sumakay. Binelatan pa kita sa pang-aasar na nauna ako, kahit na ang totoo ay nandaya ako.
Dalawa na ang estudyante sa likod at ako ang isa roon. Akala ko naman ay iiwanan ka na ni Manong Driver kaya binelatan na kita kaso mapilit si Manong Driver, talagang pinasiksik pa ako sa gawi niya para lang makasakay ka at iyan na naman iyong nakakag*go mong ngiti, ganyan ka eh! Damuhong ka, siksikan tuloy sa tricycle!
Nanuna pa rin naman akong sumakay! Ikaw ang manlilibre ngayon!
"Aw!" Ganoon na lang ang pagnguso ko matapos na tumama ang ulo ko bubungan ng tricycle dahil sa pagiging kaskasero ng driver. Ang reklamador kasi! Pero bigla kong naramdaman ang kamay mo na pumatong sa ulo ko. "Ginagawa mo?"
"Pinoprotektahan ka." Ngisi mo na siyang nagpataas ng kilay ko. "Paano kung mauntog ka ng malakas? Magkaroon ka ng damage sa utak maapektuhan iyang memories mo. E'di nakalimutan mo na itong pinakagwapo mong kaibigan." Maingay sa labas ng tricycle pero malinaw ko pa ring naririnig at naiintindihan ang ingay mo.
"Ang OA mo!" Sabi ko bago inalis ang mga kamay mo sa ulo ko.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa mga pagkakataong iyon ay magkaibigan pa rin tayo, samantalang wala kang ibang ginawa kung hindi ang bulabugin ako!
Magpapa-cute, maglalambing tapos kung anu-anong bagay ang pinagsasabi mo na ni isa ay wala naman akong naiintindihan. Iyon lang, higit na malakas ang pang-aasar mo sa akin.
"Drayton!" Bulalas ko matapos nating makababa sa tricycle, napatulala na lang ako matapos kapain ang bag at bulsa ko.
"Bakit?"
"Naiwan ko..."
"Ang?"
"Wallet ko! Naiwan ko iyong wallet ko, oh my gosh!" Napapadyak ako sa pagkataranta. Si Manong Driver ang sama-sama na nang tingin sa akin, iyon lang nandoon ka eh kaya bago pa man ako bugahan ng apoy ni Manong Driver ay nagawa mo ng bayaran ang pamasahe ko.
Kaya imbes na galit-galitan ang drama ko nang araw na iyon ay natahimik na lang ako kasi all of the sudden nagka-utang na loob ako, hindi lang basta utang na loob, literal na utang! "Huy!" Dinutdot kita bago ka tuluyang lumiko papunta sa building ninyo at hayan na ang boses kong maamo kasi may... utang. "Ba—"
"Sabay tayong mag-recess mamaya." Ngiti mo bago ako iwanan sa kinatatayuan ko.
Sasabihin ko pa lang sana na mamaya ko na babayaran iyong utang kong pamasahe at wala akong plano na umutang ulit pang-recess, ang kaso tinalikuran mo na ako at umakyat ka na sa classroom ninyo.
Bakit nga ba iniisip ko pa iyong utang ko eh alam ko namang ililibre mo ako!
Napabuntong hininga na lang ako bago ka tingalain mula sa kinatatayuan ko, kasalukuyan kang nasa railings ng second floor at nakikipag-usap sa mga kaklase mong lalaki.
Pakiramdam ko ay mayroon pa akong gustong sabihin sa iyo nang araw na iyo, ngunit hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang gusto kong sabihin. Ang tanging nagawa ko na lang ay tahimik kang pagmasdan bago hanapin ang section ko.
PAGPATAK ng break time ay nauna pa akong lumabas sa teacher namin. Alam kong rude ang ginawa ko pero hindi naman na niya siguro pa ako napansin dahil abala siya sa pakikipag-usap sa ibang mga kaklase ko.
Unang araw ay umaaligid na agad iyong mga sipsip.
Ilang ikot ang nagawa ko sa buildings ng senior high, hindi ko alam kung nasaan ka, idagdag pa na hindi ko pa kabisado ang pasikot-sikot sa building ng senior high! Hindi mo naman ugaling maglibot tuwing break time, kaya saan ka nagpunta?
Hanggang sa mamataan ko ang grupo ng kalalakihan sa likuran ng building ninyo, hindi ko na sana bibigyang pansin ang mga kumag na nagkukumpulan doon pero narinig ko ang boses mo dahilan upang sumilip ako roon.
Alam ko naman na hindi ka magtutungo roon. Hindi mo pakikisamahan ang mga lalaking iyon ngunit nagkamali ako.
Tulala akong napatingin sa iyo, lalong-lalo na sa daliri mo, naguguluhan ako ng sobra. Hindi ko maintindihan kung bakit may hawak kang sigarilyo noon. Siguro ay ipinahawak lang sa iyo ng tropa mo? Pero nasaksihan ng dalawang mata ko kung papaano ka naghithit buga sa sigarilyong nasa pagitan ng daliri mo.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, gusto kong ihakbang ang mga paa ko at agawin sa iyo ang sigarilyong iyon ngunit may kung anong pumipigil sa akin. Hanggang sa mag-angat ka ng tingin, nagsalubong ang mga mata natin at dali-dali mong binitawan ang sigarilyong kanina lamang ay nasa labi mo, tinapakan mo iyon at nginitian ako na para bang wala lang iyong nakita ko.
Sa mga sandaling iyon ay hindi ko alam na unti-unti ka na pa lang nawawala sa akin. Sa patuloy mong paghakbang papalayo ay hindi mo na nagagawang lumingon pa sa pinanggalingan mo.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro