Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Tupang Ligaw

Adik, Snatcher, Holdaper, Laking Eskwater, Badboy, Basagulero, Labas-masok sa kulungan, Salot sa lipunan! Sya si Brando, walang trabaho, dakilang tambay sa kanto! May pag-asa pa kayang syang magbago?






Hi Redears,

Ang third story ko po ngayung Semana Santa ay tungkol sa isang taong naliligaw ng landas... Sama-sama po nating tunghayan ang napapanahong kwento ng buhay ni Brando....

Warning:
Ang kwentong ito ay naglalaman ng maseselan at brutal na pananalita. Hinihiling ko po ang inyong pang-unawa nang sa ganun, maging makatotohanan ang bawat eksena sa kwento.
Maraming salamat po.

-marwa
____





***
BATA PA LÀNG si Brando ay kinagisnan nya na ang manirahan sa squater's area sa piling ng kanyang Lola... Maingay, mabaho, maraming nagkalat na basura at lagi pang binabaha ang kanilang lugar... Bukod doon, ang squater na kanyang kinagisnan ay pugad din ng masasamang tao, mga adik, tulak ng shabu, mga sanggano, mga snatcher, holdaper, at hitman... Si Brando ay anak sa pagkadalaga ng kanyag Ina... Sanggol palang sya ay iniwan na sya ng kanyang ina nang sumama ito sa ibang lalaki... Kaya naman ang kinagisnan nyang pamilya ay ang kanyang Lola... illegal vendor lang ang Lola ni Brando sa palengke, at yun lang ang tangi nilang ikinabuhuhay..

Dahil mahirap lang ang Lola nya, hindi sya nakapag-aral! At habang ang ibang mga bata ay nasa paaralan nag-aaral, si Brando naman ay nasa palengke, katu-katulong ng kanyang Lola sa pàgtitinda at kung minsan naman sya ay nangangalakal sa mga basurahan upang may maipambili ng pagkain... Mahal na mahal ni Brando ang kanyang Lola, kahit bata lang sya, gumagawa sya ng paraan upang makatulong...

Ngunit dumating sa buhay ni Brando ang hindi inaashang pangyayari...

Isang gabi, nagkaroon ng sunog sa lugar nila at mabilis itong kumalat sa buong squater,. Mapalad na nakaligtas si Brando ngunit sinawimpalad naman ang Lola nya nang balikan nito ang bahay nilang nasusunog upang maisalba ang iba pa nilang gamit, ngunit hindi na ito nakalabas..

Dinibdib ni Brando ang pagkawala ng Lola nya, sinisi nya ang Diyos sa kamalasang nangyari sa buhay nya..

Unti-unti ng nawalan ng dereksyon ang buhay nya hanggang sa magpalaboy-laboy sya sa kalye kasama pa ng iba pang mga batang squater..

Dahil doon, natutunan nya ang gumawa ng masasama, tulad ng magnakaw at mang hablot ng cellphone sa jeep para lang may maipambili ng pagkain...

Lumipas pa ang mga panahon at lalong naging masamang tao si Brando...,, unti-unti nya na ring natutunan ang mangholdap, mang 123, mang loko ng tao, mang snatch at kung anu-ano pang mga masamang gawain dahil na rin sa empluwensya ng kanyang mga barkada..

Hindi naglaon ay gumamit na rin sya ng shabu at sya ay naging drug addict..

Lumipas pa ang mga taon at naging sugapa na sya sa ipinagbabawal na gamot hanggang sa nagkautang sya sa mga tulak para lang makagamit...

Dahil sa kanyang mga masasamang gawain ay naglabas-masok na sya sa kulungan, ngunit hindi pa rin sya nagtatanda, at kapag nakakalaya sya ay gumagawa ulit sya ng masasama..

Isang araw, nagkayayaan ang buong barkada na mag beerhouse... at doon nakilala ni Brando si Tanya, isang G.R.O....

**
"Tol, gusto mo bang itable yung sexing babaeng yon, oh!" wika ni Baldo habang nakaturo doon sa G.R.O na naka red at halos labas na ang singit sa sobrang ikli ng palda..

"Nasaan?" tanong naman nya habang tumutungga ng San Mig Light.

Ayun oh! Pare, ang sarap nyan, hita palang ulam na!!! Hmmmm... Slurrrp!!!!!"

"Hahahhahh... Siguraduhin mo lang Baldo magpapatira yan sakin...!" ngisi nya....

"Naman! Wala namang PokPok na hindi nagpapatira, basta may pera... Ahhh!!!"

"Baldo, mahal! Nasan na hinihingi ko, ibigay mo nah?" wika ni Mia katable ni Baldo habang pumupulupot ang katawan nito sa kanya.

"Sandali lang mahal, mamaya na!!!" tugon ni Baldo sabay halik nya sa pisngi nito..

"Tang-ina puro ka mamaya, eh, makaalis na nga!" inis na sabi ni Mia..

Pero nang akmang tatayo na sya ay hinatak agad sya ni Baldo kaya napaupo ito sa kanyang harap...

"O ayan.... !" wika nya sabay abot ng isang libo, na sya namang nagpangiti kay Mia..

Di naman sila napansin ni Brando kasi nakatitig ito doon sa G.R.O. na naka red.. Sila Bobby at Bal naman ay busy din sa kanilang mga kalampungan..

"Isang libo lang? Akala ko ba sabi mo bibigyan mo ako ng Tatlong libo?" tanong ni Mia.

"Ahhh, syempre mamaya yun pag nasolo na kita..!" wika ni Baldo sabay kindat na may kasamang pilyong ngiti...

Pumailanlang naman ang nakakakiliting tugtog kasabay ng pagpatay-sindi ng mga ilaw... Napaka romantiko ng buong paligid kaya naman, napayakap si Baldo kay Mia at pinahahalikan nya ito sa taenga...

"Mia, ang sarap mo, nakakagigil ka talaga..hmmmm...."

"Ano ba wag dyan, kinikilabutan ako...hmmm, Baldo, mamaya naaa...!"

Napansin naman ni Baldo na walang kakurap-kurap si Brando sa kakatitig dun sa G.R.O. na naka red kaya naman, humiling sya kay Mia na papuntahin ito kay Brando para mai-table nya..

"Hi Lover Boy! Nag-iisa ka yata...!" bati ni Tanya sa nakatungong si Brando.

Isang malamyos na tinig ang narinig ni Brando sa harapan nya, kaya napaangat ang mukha nya at nakita nya yung G.R.O na naka red, nasa harapan nya na at napakaganda nito, perpekto ang hubog ng katawan.

Napanganga si Brando at natulala sya habang sila ay nagkatitigan..

"Ako nga pala si Tanya..." wika nya na may kasamang matamis na ngiti...

Sinagot naman sya ni Brando ng isa ring matamis na ngiti..

"Brando!"

Nagkamay silang dalawa tapos umupo na si Tanya sa tabi nya...

"Bago kalang dito, ano? Ngayun lang kasi kita nakita, eh...!"

"Oo, ngayun lang ako napunta rito, isinama lang ako ng aking mga barkada..!" wika nya na sa kanya..

Napatingin naman sya kay Baldo at naka silay ang mga pilyong ngiti nito sa kanya...

"Tanya, paligayahin mo ang kaibigan ko ha, wala kasing nagpapaligaya dyan eh, tigang na tigang na yan...wahahah...!" biro ni Baldo...

"Ulol, ina mo!!!" tugon naman ni Brando sa kanya at nagtawanan na sila..

"Talaga?" tumaas ang kilay ni Tanya sabay ngiti..

"Wag kang mag-alala, magiging maligaya ka sa piling ko, Brando!"

Dyan si Tanya expert, Brando kaya wala kang hahanapin pa, kung ligaya lang ang hanap mo!" sabat naman ni Mia...at nagtawanan sila..

Kinabig naman ni Mia si Baldo sa kanyang harapan...at naglambingan sila.. Kaya nagkaroon ng pagkakataong makapag usap sila Brando at Tanya...

"Tanya, bakit mo naman naisipang pumasok sa ganitong trabaho, sinasayang mo lang ang ganda mo..!" tanong ni Brando kay Tanya pagkatapos nyang tumungga ng San Mig Light..

"Hindi kasi ako nakatapos ng Elemtary, mahirap mag apply... Kaya, ito ang kinahantungan ko...!"

"Sayang, ang ganda mo pa naman, pagpipyestahan kalang ng mga lalaki dito...! Ayaw mo bang umalis sa ganitong trabaho?" tanong ni Brando na may pagka concern..

Biglang lumungkot ang mukha ni Tanya..

"Kung pwede nga lang umalis ngayun na! Pero saan naman ako kukuha ng pera para pang paaral sa mga kapatid ko, ako lang ang inaasahan nila...!"

Tumungga ulit si Brando ng alak.... Ngayun ay medyo may tama na sya..

"Peste kasing buhay na ito, bakit ba kasi tayo ipinanganak na mahirap...!" himutok na sabi ni Brando..

"Sana kung mayaman lang ako, natulungan na kitang makaalis dito!"

"Teka nga, bakit, parang concern ka sakin, ngayun lang naman tayo nagkakilala..ha?" nakangiting tanong ni Tanya sa kanya habang nakatingin ito sa mukha nya..

"Hindi ako concern, nag-aalala lang,.!" seryosong sagot naman ni Brando..

"Oh, di bakit ka nag-aalala ka sakin?"

"Kasi, gusto kita...!" maikli nyang tugon.

Lumalim pa ang kwentuhan nila ni Tanya hanggang sa naikwento na rin ni Brando ang totoong buhay nya... Nagpalitan sila ng mga sentiments at di nag laon ay nagkapalagayan na sila ng loob...

Dala na rin sa epekto ng alak at init ng katawan ay nakalimot sila at may nangyari sa kanila ni Tanya ng gabing iyon..

***
Lumipas pa ang ilang linggo at nagpatuloy pa ang buhay ni Brando...

Habang naglalakad sya sa makipot na eskinita papuntang eskwater.., bigla nalang mayroong lalaking sumulpot at sinunggaban sya kaya naman napasandal sya sa pader .

"Hayop ka Brando, ibalik mo ang ninakaw mo sakin!" galit na sigaw ng lalaki habang sakal-sakal sya sa leeg..

Hindi agad nakapalag si Brando sa higpit ng pagkakasakal sa kanya at halos hindi na sya makahinga!

"Ano ba-ng pinag--sasabi mo!! Biti-wan mo a-ko!"

Hirap na hirap magsalita si Brando sa tindi ng pagkaka diin ng kanyang leeg sa pader..

Nag-ipon sya ng lakas at ubod lakas nya itong tinadyakan kaya tumalsik ang lalaki at napaupo.

Patayo na sana ang lalaki ngunit sinipa sya ulit ni Brando sa panga habang hawak-hawak nya ang kanyang leeg.

"Tang-ina mo, Roger, pipiliin mo ang kakalabanin mo ha? Hindi mo ba ako nakikilala, ha?!" galit na galit nyang sabi..

Bigla namang natakot si Roger at huminahin ito..

"Ibalik mo na kasi yung ninakaw mo sakin, Brando!"

"Wala akong ninanakaw sayo, gago!!!" galit na sigaw nya sabay talikod at umalis na ito...

Naiwan naman si Roger at wala syang nagawa... Hinawakan nya ang bibig nya, pakiramdam nya na wala sa alignment ang baba nya dahil sa pagkakasipa sa kanya..

"Hayop ka Brando, may araw ka rin sakin..!" galit na bulong nya..

**
Samantala, habang naglalakad si Brando..

"Tang-inang Roger na iyon, ako pa kakalabanin nya!!! Hayop, may-araw din sakin ang gagong yun!" bubulong-bulong si Brando habang naglalakad...

Napadaan sya sa may mga babaeng naglalaba sa poso, mayroon ding mga batang pinapaliguan ng mga Nanay, mayroong nag-iigib.. mayroong ng kukwentuhan, mayroong nagkukutuhan..

"Anak, may dadaan! Wag nga kayong maglaro sa dinadaanan ng tao!" saway nung Nanay sa anak nya dahil nakita nyang padaan si Brando... Ito kasi ang siga sa eskwater at kapag may pahara-hara sa dindaanan nya ay kaagad nyang sinisipa..

Bago sya nagpatuloy sa paglakad ay napahinto muna sya sa may pader upang umihi.

Subalit hindi pa man sya natatapos sa pag-ihi ay narinig nyang may kumalabit ng gatilyo ng baril sa may likuran nya..

Mabilis syang napalingon upang tingnan kung sino yun..

Kinabahan sya bigla ng makita nya si Banjo, at may mga kasama pa itong tatlong lalaking malalaki ang katawan..

"Kuya Banjo, kayo po pala...!"

Ngunit, hindi ito sumagot at seryoso lang na nakatitig sa kanya, habang tinututukan sya ng baril.. Bakas sa mga mata nito ang galit..

Si Banjo ay isang tulak ng droga at malaki ang pagkakautang ni Brando sa kanya..

Napangiti ng hilaw si Brando..

"Kuya Banjo, wag po kayong magbibiro sa baril, baka makalabit nyo iyan!" puna ni Brando..

"Hindi ako nagbibiro Brando, talagang ipuputok ko ito sayo, kapag hindi ka magbayad ng utang mo sakin ngayun...!" seryoso nyang sabi.

Biglang kinabahan si Brando at napalunok ito...

"Kuya Banjo, wa-wala pa po akong pera ngayun, matumal ang mga raket ko ngayun, ala- alam nyo yan...!"

"Wala akong pakialam, ang gusto ko, bayaran mo ako ngayun din! Tang-ina ka! Lagi ka nalang nangangako pero hindi mo naman tinutupad..!" galit na sigaw ni Banjo sa kanya..

Lumapit pa ito ng konti at itinutok ang kanyang baril sa sentido ni Brando..

Bigla nyang kinalabit ang gatilyo at napapikit si Brando... Buti nalang hindi iyon pumutok kundi bulagta na sya ngayun..

"Kuya Banjo, maawa po kayo sakin, bigyan nyo pa po ako ng isa pang pagkakataon...!" pagsusumamo nya habang tumutulo ang gabutil na mga pawis sa kanyang noo...

"Mga bata!" sumenyas si Banjo sa kanyang mga bodyguard..

Kaagad naman itong nagsilapitan kay Brando at inundayan sya ng bugbog, suntok, tadyak, sapak, sipa...

Napaluhod si Brando sa panggugulpi sa kanya ngunit nagpasya syang wag nalang lumaban... Hindi sya tinigilan ng mga ito hanggat hindi sya nanglulupaypay..

Isang malamasong tadyak sa kanyang panga ang naramdaman nya at alam nyang galing iyon kay Banjo..

"Tandaan mo ang araw na ito, Brando, bibiyan ulit kita ng isang pang pagkakataon,. At kapag hindi ka pa rin makapagbayad sakin sa loob ng isang buwan, sisiguraduhin kong paglalamayan kana..!" singhal ni Banjo sa kanya, ..

"Mga bata, tayo na..!"

Nang makaalis na sila Banjo ay pinilit ni Brandong makatayo kahit na sobrang sakit ng kanyang katawan dahil na rin sa mga sugat at pasang tinamo nya..

"Ulol, ka Banjo,. Pagsisisihan mong binuhay mo pa ako...!! Sisiguraduhin kong mauuna kang mamamatay kaysa sakin dahil, uunahan na kita...gago!!!" nakangising bulong ni Brando habang pinapagpagan nya ang sarili nya.

Nang maka get over sa sakit ng katawan ay paika-ika syang naglakad at nang mapadaan sa isang tindhanan bumili muna sya ng band aid para takpan ang kanyang mga sugat...

Tiempo namang nag-iinuman sila Baldo sa tapat ng tindahan..

"Uy, Pareng Brando, tagay muna...," tawag sa kanya ni Baldo..

Hindi pa ito mga lasing at halatang kakaumpisa palang ng inuman nila..

Paika-ikang lumapit si Brando sa kanila..

Napansin naman ni Baldo ang mga pasa nya at sugat..

"Saan ka naman napaaway, tol at marami kang gasgas...?" nakangiting biro ni Bal sa kanya..

"Wala ah! Sumemplang lang ako sa bike kanina..." tugon nya sabay tungga ng alak na nakalagay sa maliit na baso..

"Ang tanga naman bike!" biro ni Baldo.

"Hindi bike...!" segunda naman ni Bal..

"Yung kalsada...!"

"Wahhahahhh...!!!!" nakakaasar na tawanan ang ang narinig ni Brando , ngunit hindi nya nalang ito pinansin at nakitawa na rin sya..

"Uy, Brando! Nasaan na pala yung stereo na ninakaw mo kina Roger kagabi?" si Baldo.

"Wala na, benenta ko na...!" walang kagatul-gatol nyang tugon..

"Ang lupet mo, Tol! Wala kang kasing lupeeeett!...!" kantiyaw sa kanya.

"Tang-ina, mura ko nga lang nabenta yun, eh! May sira na!! Hindi tuloy ako nakabatak kagabi, bwisiiitt!!!!"

"Wahahahhhhhhahahh!!!!!!" tawanan sila at kalampagan ng mga bote..

Ngunit hindi pa man nag-iinit ang kanilang inuman ay dumating ang bisitang hindi inaasahan ni Brando..

Si Tanya...

Kantiyaw naman ang inabot nya kina Baldo...Biruin mo naman, sinadya sya talagang bisitahin ng isang magandang binibini...

Agad nyang inaya si Tanya sa isang tabi, malayo sa kanyang mga barkada upang makapag-usap sila..

"Oh, Tanya, napasyal ka! Ano atin?" nakangiting wika ni Brando..

"Ikaw talaga ang sadya ko Brando, meron kasi akong mahalagang sasabihin sayo...!" tugon nya.

"Mmmmm, tungkol ba sa nangyari sa atin noon? Kalimutan mo na yun, Tanya, laseng lang ako nun. Wag kang mag-alala, hindi ko naman pinagsabi ang bagay na yun,. Walang nakakaalam sa nangyari sa atin...!"

"Brando, buntis ako! Nagbunga ang ginawa natin noon..!" masayang balita ni Tanya, bakas sa mukha nya ang galak.

Nabigla naman si Brando at napatitig sa kanya..

"Buntis ka?" di makapaniwala nyang tanong.

"Oo, Brando, magiging Tatay kana!" masayang wika ni Tanya sabay hawak sa kamay nya.

Imbis na matuwa ay nag iba ang mukha ni Brando, taliwas sa inasahan ni Tanya.

"So, ano gusto mong gawin ko?" sarkastikong tanong nya.

"Bakit, hindi ka ba natutuwa na magiging Ama kana..?"

"Tanya, alam mo naman na wala akong ibubuhay dyan sa batang yan.. Alam mo naman ang buhay ko di ba?"

Biglang lumungkot ang mukha ni Tanya sa kanyang pagkadismaya..

"Ibig mong sabihin, hindi mo ako pananagutan...? So anong gusto mong gagawin ko sa dinadala ko?"

Ipalaglag mo?" mabilis nyang tugon.

Pakkk!!!" isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Brando..

"Anong klase kang tao, Brando! Pati sarili mong anak, gusto mong kitilin ang buhay!!! Hindi ka ba natatakot sa Diyos, ha???," galit na sigaw sa kanya ni Tanya...

Ngunit mas lalo lang nagalit si Brando at nagtaas ito ng boses!

"Diyos? Bakit may Diyos ba sa mundo? Walang kwenta ang Diyos na sinasabi mo, Tanya! Wala!!!!" pagalit nyang sabi.

Napaiyak nalang si Tanya sa kanyang narinig, habang nakikita nya si Brando na punong-puno ng galit sa mukha at nakakuyom pa ang mga palad..

"Dahil, kung may kwenta ang Diyos, hindi sana ganito ang buhay ko, hindi sana ako naghihirap ng ganito, hindi sana ako nag-iisa ngayun... Galit ako sa Kanya, wala Syang konsensya, wala Syang awa, pati ang kaisa-isang taong nagmamahal sakin kinuha Nya!. Ginawa Nyang Miserable ang buhay ko!" galit na galit na humutok ni Brando..

"Napakasama mo Brando! Nawawalan kana ng respeto, pati ang Diyos nilalapastangan mo na! Hindi ka ba kinikilabutan sa mga pinagsasabi mo, ha?"

"Bakit? Kasalanan ba ng Diyos kung bakit ganyan ang buhay mo? Sarili mo ang sisihin mo, ikaw ang may kasalanan, pinili mong maging ganyan ang buhay mo, nilunod mo ang sarili mo sa poot at galit... Imbis na mag bagong buhay ka, hindi eh...Mas lalo ka pang nagpakasama....!" sermon ni Tanya sa kanya!

Biglang natahimik si Brando at hindi sya nakaimik... Kumamalma naman si Tanya. Natahimik sila ng ilang minuto at nagpakiramdaman.. Tiningnan nya ulit si Brando!

Ngayun ay humupa na ang matinding emosyon ni Tanya, at napalitan iyon ng pagsuyo at pang-unawa..

Hinawakan nya ulit si Brando sa kamay, at tinitigan nya ito sa mga mata..

"Brando, hindi pa huli ang lahat,. Magbalik loob kana sa Kanya, nakikiusap ako! Iwan mo na lahat ng masama mong gawain.. Ituwid mo na ang buhay mo! Kasama mo ako, tutulungan kita... Magkasama tayong magbabagong buhay..! Magiging masaya tayong pamilya! Ikaw, ako at yung magiging anak natin!" nakangting wika ni Tanya sabay himas sa tyan nya.

"Masyado na akong makasalan para tanggapin pa ng Diyos, Tanya! Kung gusto mong magbalik loob sa Diyos, ikaw nalang. Wag mo na akong isali...!" matigas nyang sabi!

"Brando, mahal kita! Tanggap ko kahit ano ka pa! Ang gusto ko lang naman ay mapabuti ka, maranasan mong mamuhay ng ng mapayapa at walang galit dyan sa puso mo! Sana maliwanagan ang isip mo!" seryosong wika ni Tanya habang pinupunasan nya ang mga luhang nangilid sa kanyang mga mata...

At sya ay tahimik na umalis, punong-puno ng pag-asang isng araw magbabago pa ang isip ni Brando at tuluyan na nitong iiwan ang mga masama nitong gawain.

**
Lumipas pa ang mga araw at napagdesisyunan ni Brando na lumipat sa ibang eskwater upang magtago, habang pinapaplanuhan nya ang pagpatay kay Banjo dahil wala naman talaga syang balak na magbayad ng utang dito, kaya uunahan nya na ito...

Araw-araw ay palihim nyang minanmanan ang mga kilos ni Banjo at kung paano nya ito papaslangin...

Hanggang sa dumating na ang deadline ni Banjo sa kanya upang magbayad ng utang...

Kasulukuyan namang nagpa-pot session sila Banjo noong mga oras na iyon at may tama na ang mga ito..

"Bosing, tapos na po ang palugit na binigay mo kay Brando!" paalala ng bodyguard ni Banjo na maskulado ang katawan.. Namumula ang mata nito at nanlilisik.

"Alam ko!" maikling tugon naman ni Banjo! Marahas nyang dinampot ang baril na nasa mesa at sinipat-sipat nya ito...

"Hayop ka Brando, talagang inuubos mo ang pasensya ko, demonyo ka!!!" galit na wika nya sabay tutok ng baril sa pader at marahas na kinalabit ang gatilyo...

"Bang!!!!!!"

"Mga bata, tara! Ngayun na natin buburahin si Brando sa mundong ito.. Alam nyo na ang inyong gagawin ha? At ayokong may papalpak sa inyo!!! Maliwanag????" maawtoridad nitong pagkasabi..

"Maliwanag, Bosing!! Wag kayong mag-alala, tatadtarin namin ng pino ang Brandong iyan... Wahahahaha!!!!!" an mga malademonyo nilang halakhak..

Mabilis na nakarating sila Banjo sa eskwater na tinitirahan ni Brando, subalit, napag-alaman nilang lumipat na pala ito ng tirahan... Ipinagtanong nila sa mga tao kung saan lumipat si Brando ngunit walang nakakaalam..

Hanggang nakarating sila sa isang maliit na tindahan kung saan malimit na nag-iinuman ang mga barkada ni Brando noon...

"Manang, pwede pong magtanong, alam nyo po ba kung saan lumipat si Brando...?" tanong ni Banjo sa matandang nagbabantay ng tindahan..

"Pasensya kana, toy, hindi ko alam...!"

"Sige po, salamat...!"

Kasalukuyan namang dumadaan si Roger noon at narinig nyang tinatanong nila Banjo si Brando sa matanda, kaya napalingon sya..

"Si Mang Banjo yun ah! Bakit kaya nila hinahanap si Brando!" bulong nya kaya nilapitan nya ito..

"Mang Banjo, bakit nyo po hinahanap si Brando!"

"Uy, ikaw pala, Roger! Alam mo ba kung saan naglulungga ngayun si Brando...?"

Ngumisi ito at napatingin sa tatlo nyang bodyguard na malalaki ang katawan...

"Mukhang napakahalaga ng sadya nyo kay Brando, Mang Banjo... Eh, kung sasabihin ko ba, magkakapera ba ako dyan?" pabirong tanong ni Roger..

"Walang problema sa pera, Roger, kilala mo naman ako! So, maituturo mo ba sakin kung saan nakatira ngayun si Brando?"

"Oo, naman, sasamahan ko pa kayo...!" mayabang nyang tugon.

"Yannnn!!! Yan ang gusto ko sayo, Roger, lagi ka talagang maasahan!"

Sinenyasan naman ni Banjo ang isa nyang body guard...

"Pst, Bata!!!"

Kagaad naman itong dumukot sa ilalim ng kanyang jacket, isang makapal na envelop na punong-puno ng tig-libong papel at iniabot iyon sa bosing nila..

"O, ayan, isandaang libong peso... Ayos na ba sayo yan, Roger...!" wika ni Banjo pag kaabot ng pera.

"Ayos na ayos mang Banjo, salamat! Maraming salamat!"

Lihim na napangisi si Roger...

"Ang tao nga naman pag sinuswerte, makakagante na ako kay Brando sa atraso nya sakin, nagkapera pa ako! Ehehehehehh!!!" bulong ni Roger sa sarili habang naglalakad sila..

**
Samantala, hindi naman mapakali si Tanya noong mga oras na iyon.. Sobrang kaba ng kanyang dibdib, pakiramdam nya may masamang mangyayari... Naisip nya kaagad si Brando, kaya naman dali-dali syang nagbihis at umalis upang puntahan si Brando sa eskwater...

Sila Roger naman ay nakarating na sa lugar kung saan naglulungga si Brando... Malayo-layo din ang lugar na iyon at naka-apat na sakay sila sa jeep..

"Mang Banjo, dito na po tayo! Nakkita nyo po ba ang abandonadong building na iyon, dyan naglalagi si Brando... Iyan ang bago nyang lungga..!"

"Salamat Roger, ha? Sige, kami na bahala dito, maari kanang umuwi..!" nakangiting wika ni Banjo sabay tapik sa balikat nya..

Dahan-dahan silang lumapit sa abandonadong building na iyon, at nadatnan nila ang natutulog na si Brando... Nakatihaya lang ito sa mahabang bangko, pero hawak-hawak nito ang baril nya na nakapatong sa tiyan nya..

"Mga bata, pasukin nyo na!" utos ni Banjo sa mga bodyguard nya..

Hindi pa man sila nakakalapit kay Brando ay nagising na ito at nag enat...Bigla syang napabalikwas nang may marinig syang kaluskos sabay tutok ng kanyang baril...

Nagulat sya ng makita nyang mayroong nakatayong tatlong malalaking lalaki sa may pintuan kaya naman, pinaputukan nya ito ng baril...

"Ahhhhh!!!!"

Tinamaan nya kaagad ang isa sa balikat, pero daplis lang.. Mabilis namang gumanti ng putok ang tatlong lalaki at tinamaan si Brando sa binti at balikat, tinamaan din ang kanyang kamay kaya nabitawan nya ang hawak nyang baril..

Napahiga si Brando at ininda nya ang mga tama ng baril sa kanya... Akmang dadamputin nya ulit ang baril nya nang barilin sya ulit sa kamay, tinamaan sya... Binaril sya ulit sa kabilang paa... Tinamaan ulit sya...

"Aaaaahhhhhhh!!!!! Ahhhhh!!!!" Sigaw nya sa sakit habang nakahandusay sya sa lupa... Baldado na sya ngayun at hindi na sya makatakbo... At hindi na rin sya makahawak ng baril..

Malayang nakalapit sa kanya ang tatlong lalaki.

"Ano, Brando! Masakit ba? Ha?" Nang gigigil na sabi ng isang lalaki sabay apak sa ulo nya...

"Mga ha- yop kayo!!!! Pagba-baya-ran nyo lahat ng ginawa nyo sa a- kin...! Gagantihan ko kayo!!!! Ahhhhhh!" Namimilipit na sabi ni Brando habang umaagos ang masaganang dugo sa kanyang mga sugat..

"Whahahhh!!! Hindi na mangyayari yun, dahil mamaya lang matutudas kana...!" wika ng lalaki at mas lalo pa nyang diniinan ang pag-apak sa kanyang ulo..

Nakangisi namang lumapit si Banjo sa kanila, may hawak-hawak itong patalim sa kamay..

"Ano, Brando, nasorpresa ka ba? Ikaw, kasi ang tigas ng ulo mo, eh! Binigyan kita ng huling pagkakataon, pero anong ginawa mo, pinagtaguan mo lang ako...!" wika nya habang nilalaro-laro nya ang patalim sa kamay nya...

"Kuya Banjo, magbabayad naman talaga ako, kaso, kunti palang ang naiipon ko...!" palusot nya.

Umupo sya sa harapan ni Brando habang nakatukod sa sahig ang isa nyang tuhod...

"Tama na ang mga palusot mo, Brando!!! Ubos na ang pasensya ko sayo! Matagal mo na rin akong tinatarado, di ba? Kaya dapat sayo burahin na sa mundo!!!!" galit na sigaw nya sabay taas ng patalim nya sa dibdib ni Brando at nang akmang sasaksakin nya na ito...

Nakarinig sila ng kaluskos sa may pintuan...kaya napalingon sila doon..

Naramdaman ng kanyang mga bodyguard na may iba pang tao bukod sa kanila, sa building na iyon,.

Bosing, may tao! May nakakita sa atin... Tara, takbo na!"

Kumaripas ng takbo sila Banjo kasama ng tatlong body guard palayo sa building...

Nagtaka naman si Brando kung bakit hindi natuloy ang pagsasak sa kanya... At mas lalo syang nagtaka kung bakit may iba pang tao sa building na iyon, samantalang abandonado na ito.. Kaya, pinilit nyang makaupo upang tingnan kung may tao nga sa paligid..

Nagulat sya nang makita nya ang imahe ng tao na nakatayo sa pintuan.. Nakasuot ito ng puting abeto na hanggang laylayan ang haba...may mahabang balbas, at hanggang balikat ang buhok... Kumikinang ang kanyang kaputian... Seryoso itong nakatingin sa kanya, maya-maya ay lumabas na ito ng pinto...

Natulala sya sa kanyang nakita... Kinilabutan sya... Biglang tumulo ang kanyang luha, nanginig ang kanyang mga labi at napahagulgol sya..

"Ang Panginoon!!! Iniligtas nya ako!!!" sambit nya..

**
Samantala, nagmamadali naman sa paglakad si Tanya upang makarating sya sa pinagtataguang building ni Brando... Matindi ang kabog ng dibdib nya at halos lakad-takbo na ang ginawa nya.. Bawat makasalubong nyang tao ay tinatanong nya kung may kilala ba silang Brando..

Hanggang sa nakarating sya sa isang eskinita.. Tiempo namang mayroong taong palabas doon kaya tinanong nya ito...

"Mama, alam nyo po ba kung saan ang daan papuntang lumang building...?'

Sumagot naman ito...

"Deretsuhin mo lang ang eskinitang ito, pagdating mo sa dulo, tumingin ka pakaliwa, doon ay matatanaw mo na ang lumang building...!" wika nya.

"Maraming salamat po!"

"Bilisan mo ineng, baka hindi mo na maabutan ang hinahanap mo!!"

Narinig nyang sabi nung Mama kaya napalingon sya...

Saka lang nya napansing nakaabeto ng kulay puti ang pinagtanungan nya.. Mahaba ang balbas nito at hanggang balikat ang buhok... At nakita ni Tanya na kumikinang ang kaputian nya habang naglalakad.. Biglang kinilabutan si Tanya, pakiramdam nya kakaibang tao ang napagtanungan nya, hindi ito pangkaraniwan...

Nagpatuloy sya sa pagtakbo hanggang sa dulo ng eskinita at nakita nya nga ang lumang building kaya agad na syang tumakbo papunta doon..

Pagpasok nya sa loob ng building ay agad nyang nakita si Brando, nakahandusay ito sa sahig at nang hihina na dahil na rin sa maraming dugong nawala sa kanya..

Patakbo nya itong niyakap..

"Brando, anong nangyari sayo?" wika ni Tanya na puno ng pag-aalala.

"Tan-ya!" gulat na sambit nya.

"Pa-pano ka naka-rating di-to?" puno ng pagtatakang tanong ni Brando.

"Itinuro ka sakin nung lalaking naka abeto, sabi nya sakin, bilisan ko daw, baka hindi na kita maabutan...!" tugon ni Tanya sa kanya.

Kaagad dinala ni Tanya si Brando sa malapit na Hospital bago pa man ito mawalan ng ulirat...at kaagad syang nilapatan paunang lunas....

Dahil sa pangyayaring iyon, narealize ni Brando na mahal pa rin pala siya ng Diyos kahit na sobra syang makasalanan..

Nang makalabas sya sa hospital ay unti-unti na nyang binago ang buhay nya... Pinakasalan nya si Tanya at lumayo sila sa lugar na iyon sabay nilang tinalikuran ang masamang gawain at nag simulang muli ng panibagong buhay...
____
Wakas.







WORDS FROM THE WRITER:

Hi Readers,

Ayan po, ang kwento ng buhay ni Brando... Hango po iyan sa totoong buhay... Kwento po iyan ng isa kong kaibigan at personal itong nangyari sa kanya... Sobra po akong na-amazed sa kwento nya, at pinag tiyagaan ko talagang isulat dito sa aking Inspirational Stories... 4, 500 words po ito, at talaga namang detailed na detailed...

Well, anyway, sana po nainspire ko kayo sa kwento ng buhay ni Brando... Si Brando po ngayun ay nagbalik-loob na sa Diyos after doon sa strange incidence na nangyari sa kanya... Sa ngayun, masaya na silang namumuhay ni Tanya bilang mag-asawa kasama ng kanilang tatlong supling...

GINTONG ARAL:

Minsan po sa buhay natin kapag may nangyayaring kamalasan, lagi nating sinisisi ang Diyos, nagagalit tayo sa kanya... Tingin natin, ang sama-sama ng Diyos sa atin... Wag po tayong ganun, wala tayong karapatan magalit sa Diyos, Sya po ang nakaalam kung ano ang makabubuti sa atin.. Manalampataya tayo sa Kanya at tanggapin natin na lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may mga dahilan...

At habang may lakas pa tayo, habang humihinga pa tayo, tigilan na natin ang ating mga masasamang gawain, at magbalik-loob na tayo sa Kanya bago pa mahuli ag lahat!

Maraming salamat po sa mga bumasa sa aking kwento... At sana po kinapulutan nyo ito ng gintong aral..

Mapagpalang araw po ng Biyernes Santo sa ating lahat...

-MARWA ANGELA ENRIQUE













Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro