The Strange Tricycle DRIVER (Tagalog Version)
TRIVIA:
Alam nyo po ba noong unang panahon, mas mabisa raw ang isang dasal kapag ito ay binibigkas sa salitang Latin?
___
Hello po mga readers,
Ang next story ko po ay isa sa mga kwento ng Lola ko na hinding-hindi ko makakalimutan... Ito po ay ang kanyang kakaibang karanasan na talaga namang napatindig ng aking mga balahibo! Sobrang akong na-amazed at hindi ako makapaniwalang may nangyayaring ganitong eksena sa totoong buhay..
Ganito po iyon...
***
Yung Lola ko kasi dati, noong maliit pa lang ako ay sobrang napaka relihiyoso! Sya ay madasalin, laging nagrorosaryo, halos lahat nalang ng santo kanyang dinadasalan ng Novena.. Bukod sa pagiging relihiyoso, sya ay napakabait, matulungin, at mapagbigay... At saka hindi iyon nagpapahuli kapag mayroong mga parochial activities sa aming simbahan.. Araw-araw syang nagsisimba at volunteer worker din sya, lagi syang kasa-kasama ni Father kapag nagpupunta ito sa ibang kalapit na bayan upang mag daos ng Banal na Misa!
Isang araw, ginabi si Lola sa pag-uwi. Biyernes Santo noon, galing sya sa isang Pilgrimage kasama sila Fr. Avi...
Siguro mga pasado alas dose na iyon ng hatinggabi.... Nagmamadali si Lola sa kanyang paglakad at kaagad na syang dumeretso sa paradahan ng Tricycle upang magpahatid...
"Anak, pwede mo ba akong ihatid sa Camire?" tanong nya sa isang driver na medyo nasa early 30's.
"Naku, Nay! Pasensya na po! Madilim kasi papunta doon at saka sobrang gabi na po!" sabi nya kay Lola.
"Kung dodoblehin ko yung bayad sa pamasahe, papayag ka ba?"
Subalit tinanggihan pa rin si Lola nung driver..
"Nay, pasensya na talaga! Hindi ho talaga ako bibiyahe papunta doon. Mabuti kung araw, papayag ako. Sa ibang tricycle nalang po kayo sumakay!" sabi nya.
Kaagad naman nyang tinawag yung driver na kasunod nya sa pila..
"Tata Epi, isakay nyo nga 'tong si Nanay, sa Camire daw!"
Sumagot naman yung driver na medyo may edad na..
"Ate, saan po banda sa Camire? Sa looban po ba o bago dumating ng tulay?" tanong nya.
"Eh, sa looban pa kasi ako, eh! Sige na, pakihatid nyo naman ako, kailangan ko nang makauwi, walang kasama yung anak ko doon, bagong panganak pa man din sya! Nag-aalala ako sa kanya!"
Sandaling nag-isip yung driver na kausap ni Lola.
"Ho? Ehhh....Napakadelikado po kasi banda sa inyo, Ate! Ang dilim papunta doon at saka hating-gabi na po! Yung pagkalampas ng tulay, wala nang street lights yun at saka madilim na kakahuyan na yun, Ate. Alam nyo namang maraming sina-salvage banda dyan sa lugar nyo.. Sana hindi nalang po kayo nag pagabi ng uwi, wala na hong maghahatid sa inyo doon!" sabi nya sa kanya.
Sinubukan nyang makiusap sa iba pang mga tricycle driver ngunit lahat ay tinanggihan lang si Lola..
Sobrang lungkot nung Lola ko noon, at napaupo nalang sya sa tabi... Hindi mapanatag ang kalooban nya, inaalala nya yung Mama ko na bagong panganak lang noon sakin.. Dahil sa disappointment nya, iyinuko nalang nya ang ulo nya na para bang nagdadasal...
Maya-maya pa'y nakarinig si Lola ng tricycle na huminto sa harapan nya...
"Nay, pauwi na po ba kayo?"
Nag-angat ng mukha si Lola, nakita nya ang isang lalaki na may kabataan pa, gwapo, mestisuhin at saka napaka amo ng mukha...
"Oo anak, eh! Kaya lang wala na akong masakyan, hating-gabi na kasi...!" sagot ni Lola.
Bakit, saan po ba sa inyo, Nay?" tanong nung gwapong lalaki..
"Sa Camire ako!" sabi ni Lola sa kanya..
"Tamang-tama. Doon rin po ang daan ko. Gagarahe no po kasi ako, eh. Uuwi na ako sa Baras... Sabay na po kayo sakin, Nay, para makauwi na po kayo!" nakangiting sabi nya kay LolA.
"Naku! Salamat, anak ha?"
Agad nang sumakay si Lola sa tricycle at umalis na sila..
Malayu-layo rin yung aming bahay noon, mula sa simbahan.. Ang simbahan kasi noon ay nasa city proper mismo! Isang kilometro ang layo mula sa amin...tapos, baku-bako pa ang kalsada at walang mga street lights.. Kaya naman kinakatamaran ng ibang mga tricycle driver ang maghatid ng pasahero papunta sa lugar namin lalo na kapag gabi na!
Himala namang mayroong nag magandang loob kay Lola nung gabing iyon, kahit na delikado ay isinakay pa rin sya...
Habang binabagtas nila Lola ang kahabaan ng kalsada, kapansin-pansin namang ang tahi-tahimik at wala man lang silang makasalubong na iba pang sasakyan..
Pagkalampas nila ng tulay ay biglang bumagal ang kanilang takbo...maya-maya lang ay napahinto na ito... Nagtaka si Lola at napasilip sya..
Nahintakutan sya sa kanyang nakita. Kaya pala huminto yung tricycle na sinasakyan nya dahil mayroon silang kasalubong, pero hindi ito sasakyan.. Mga tao sila! Tatlo silang lalaki! Malalaki ang kanilang mga katawan, yung dalawang lalaki nakasuot ng itim na jacket at yung isa naman ay walang damit pang-itaas at kitang-kita ang kanyang mga tattoo.. Nanlilisik ang kanilang mga mata na para bang naka drugs... Yung dalawa may hawak na patalim at mahabang itak! Yung lalaking may tattoo naman, may hawak na malaking palakol...
Nanginig sa takot si Lola noong mga oras na iyon at hindi nya malaman ang gagawin... Kung tatakbo man sila, tiyak na maaabutan sila ng mga ito.. Pero yung driver ay kalmado lang, hindi man lang sya kinakitaan ng takot.. Nang malapit na sa kanila ang mga lalaki, napapikit nalang si Lola at taimtim syang umusal ng panalangin.. Kaagad nyang dinasal ang "Apostle's Creed" sa wikang Latin.. At paulit-ulit nyang sinambit ang "Domine Deus, Rex Caeli et Terrae Salva Nos Perimus"
Habang taimtim na nagdadasal si Lola ng kanyang Latin Prayer, bigla syang nakaramdam ng mainit na ihip ng hangin at nakaamoy sya ng sobrang bangong amoy, kaya naman napadilat sya.. At laking gulat nya ng mapansin nyang nakaangat sa lupa ang tricycle na sinasakyan nya at lumilipad sila sa ere..
Napalingon sya sa driver at mas nanlaki ang mga mata ni Lola nung makita nyang iba na ang nagda-drive. Isang lalaki iyon na puting-puti ang damit na parang robe, kulay gold ang buhok at meron itong pakpak sa likod na katulad ng isang Anghel... Sumilip sya sa ibaba at nakita nyang nakalampas na sila sa mga lalaki kanina, at patuloy lang sa paglalakad ang mga ito na para bang walang nakita...
Nanindig ang mga balahibo ni Lola ng mga oras na iyon, sobra syang na-shock sa pangyayari. Alam nyang ipinag-adya sya ng isang Anghel sa tiyak na kapahamakan. At kaagad dininig ng Diyos ang kanyang dasal at gumawa Sya ng milagro...
Alam ni Lola na talagang lumilipad ang tricycle sa ere kasi naramdaman pa nya mismong lumapag ito sa lupa at nang tumingin sya ulit sa driver, wala na yung Anghel, yung totoong driver na ang nakaupo doon..
"Ayos lang po ba kayo, Nay?" nakangiting tanong nya..
Ngunit shock pa rin si Lola ng mga oras na iyon at hindi sya nakapagsalita...
Pagbaba ni Lola sa tricycle, agad nyang inabot ang pamasahe nya sa driver..
"Wag na, Nay! Ayos lang po iyon! Masaya na po akong nakauwi kayo ng ligtas...!" sabi kay Lola nung gwapong driver..
"Maraming Salamat anak, ha? Ingat ka rin sa pag uwi mo!" sabi nalang ni Lola at pumasok na sya sa loob bahay na hindi pa rin makapaniwala sa milagrong nangyari sa kanya..
Simula noon, ay natuto na ang Lola ko at never na syang nagpapagabi sa pag-uwi..
_____
wakas.
WORDS FROM THE WRITER:
Hi Redears,
Na-amazed po ba kayo? Totoo nga po ang dasal ay sobrang makapangyarihan, lalo na kapag taimtim mong binibigkas ito... Pero mas makapangyarihan pa rin ang faith mo kay God! Sabi nung isang kasabihan, "Faith can moved mountains!"
Si Lola kasi, sobrang lakas ng faith nya kay God at dahil sa kanyang dasal agad, dininig ng Diyos ang panalangin nya, ang mas nakaka-amazed lang eh, nakita mismo ng kayang mga mata kung paano kumilos ang Diyos on the spot... O, di ba, bongga? Bihira lang ang mga taong pinagpapakitaan ng ganun, kaya mapalad ang Lola ko na experience nya iyon...
GINTONG ARAL:
Ang dasal ay ang pinakamabisang sandata natin sa lahat ng pag subok natin sa buhay, kapag nararamdaman natin na wala na tayong pag-asa sa mundo, magdasal lang po tayo ng taimtim sa Diyos at manalampataya tayo sa Kanya, at naniniwala akong magkakaroon ng Himala... Hindi man sya ganun kaastig katulad ng naranasan ni Lola, alam kong meron pang ibang pamamaraan ang Diyos kung paano nya didinggin ang ating mga dasal...
Salamat po sa lahat ng bumasa sa kwento ko ngayung araw na ito.. Sana po ay nainspire kayo sa hiwaga ng dasal..
Abangan nyo po ang pangatlo kong Lenten Special story..., kasi yun ang pinaka bongga sa lahat! Hindi lang tatayo ang mga balahibo nyo, mapapatalon pa kayo sa sobrang pagka-amazed... weheheehh,. (*,*)
Once again, thank you for reading guys, and may you have a meaningful Season of Lent...
_Marwa Angela Enrique
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro