The Good Prisoner (Tagalog Version)
***
NOONG UNANG PANAHON, mayroong dalawampung bilanggong nag tangkang tumakas sa kulungan... Sampu sa kanila ang maswerteng nakatakas ng tuluyan at ang sampu naman ay nahuli ng mga pulis at naibalik sa kanilang selda..
Kaagad namang pinatawan ng kaukulang parusa ang mga Jail Guards at pinatalsik sa serbisyo... Ngunit hindi lang Jail Guards ang pinarusahan ng mga Otoridad, kung hindi pati na rin ang sampung mga bilanggo na nagtangkang tumakas..
"Dahil sa inyong pagtatangkang makatakas, kayong sampu ay haharap sa isang matinding parusa...!" galit na wika ng Jail Warden.
Bigla naman silang kinabahan at nagkatinginan sa isa't-isa, bakas sa mga mata nila ang takot..
Tiningnan naman sila ng Jail Warden ng matalim at nagsalita..
"Simula ngayun hindi na kayo makakatikim ng pagkain hanggang sa kayo ay mamatay sa gutom!"
Lahat ay nagulat sa kanilang narinig at nagbulong-bulungan, ang iba ay naiyak nalang sa tabi, at ang iba naman ay nagmura sa sobrang galit,. Kapansin-pansin naman ang paglapit ng isang bilanggo sa rehas at pilit na nagmakaawa sa Jail Warden..
"Sir, mahabag po kayo sa akin, ayoko pa pong mamatay! Maawa po kayo, maliliit pa po ang mga anak ko!!!" pagmamakaawa nya!
"Manahimik ka!!! Kasalanan mo yan! Kung hindi ka sana sumama sa kanila, eh di sana ligtas ka sa parusa ngayun! Subalit nagtangka ka ring tumakas katulad nila, kaya marapat lamang na ikaw ay maparusahan!" galit na sigaw ng Jail Warden...
"Patawarin nyo po ako, Sir! Batid ko pong nagkamali ako, ngunit humihingi po ako ng tawad sa inyo! Lahat po ng parusang ibibigay nyo sakin ay tatatnggapin ko, wag lang po ang kamatayan! Maawa po kayo! Kailangan pa po ako ng aking pamilya....!"
"Wala akong pakialam..! Ako ang Jail Warden dito, kaya ako ang syang masusunod!!!" galit na sigaw nya..
"Nakikiusap po ako, parang awa nyo na! Sirrr!!!!! Sirrrr!!!" umiyak na napaluhod ang bilanggo ngunit, tinalikuran lang ito ng Jail Warden at nag umpisa na itong humakbang kasama ang lima nyang mga kasamang pulis..
Lingid sa kanilang kaalaman, isang bilanggo sa kabilang selda ang tahimik na nakikinig sa pinag-uusapan nila... Nakita nya ang abot langit na pagmamakaawa ng kanyang kakusa subalit hindi sya pinakinggan... Nakaramdam sya ng matinding pagkaawa sa kapwa nya bilanggo kaya naman tinawag nya yung Jail Warden na noo'y di pa nakakalayo...
"Sir!!! Sir!! Meron po akong mahalagang sasabihin sa inyo... Sir!!!!"
Napalingon naman sa kanya ang Jail Warden at pinuntahan sya nito sa kanyang selda..
"Ano, kailangan mo?" tanong nya.
"Sir, Maawa na po kayo sa kakusa ko, wag nyo nalang po syang parusahan... Maawa po kayo sa pamilya nyang maiiwan kapag mamatay sya sa gutom..!" pakiusap nya...
Nainis sa kanya ang Jail Warden!
"Eh, bakit ka ba nangingialam dito, ha? Bilanggo ka lang, ah? Ako ang Jail Warden dito, ang utos ko ang syang masusunod! Wag mo akong turuan kung ano ang dapat kung gawin!!! Baka gusto mong isama kita sa paparusahan ko ng gutom!!!! Ano????" galit na sabi ng Jail Warden sa kanya...
Seryoso lang itong nakatingin sa kanya at buong tapang na sumagot...
"Sige po, Sir! Tinatanggap ko ang hamon nyo! Tatanggapin ko ang parusang gutom, sige ipasok nyo na ako sa seldang iyan, ibigay nyo lang ang hinihiling nung kakusa ko!"
Namangha naman ang Jail Warden sa ipinakitang katapangan nya pati ang iba pang mga pulis ay namangha din...
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" di makapaniwalang tanong ng Jail Warden..
"Opo, Sir! Hindi po ako nagbibiro! Ako nalang ang parusahan nyo!" tugon naman nya.
"Ngunit, bakit ibig mong isakripisyo ang iyong sarili at umako sa parusa ng iba?" tanong nya...
"Ibig ko po syang iligtas, kawawa naman po ang maiiwan nyang mga mahal sa buhay kapag namatay sya... Kailangan pa po sya ng kanyang pamilya, Sir! Okey lang po na ako nalang ang parusahan nyo, wala na po akong pamilya, ulila na po ako sa mga magulang! Pag ako'y pumanaw wala pong problema dun dahil wala naman akong maiiwang mahal sa buhay!"
Kasalukuyan namang nakikinig sa kanilang usapan ang bilanggong iyon sa kabilang selda at na antig ang kanyang damdamin sa kabutihan ng kanyang kakusa para magsakripisyo para sa kanya...
Noon di'y ipinag utos ng Jail Warden ng pagpalitin sila ng kulungan...
Hindi nag laon, namatay sa gutom ang sampung bilanggong pinatawan ng parusa kabilang na roon ang bilanggong nagsakripisyo....
Nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan ang bilanggong pinag alayan ng sakripisyo. Hindi nag laon sya ay nabigyan ng parol at nakalaya.... At nakasama ulit nya ang kanyang pamilya...!
____
Wakas.
GINTONG ARAL:
Sana po ay naibigan nyo ang aking kwento ngayung araw na ito... Salamat po sa lahat ng bumasa...
Ang kwento pong ito ay hango sa totoong buhay na nangyari sa ibang bansa noong unang panahon... Nabasa ko lang po ito sa isang lumang dyaryo na nakita sa basurahan... Nagustuhan ko po ang kwentong ito kaya naman shenare ko sa inyo...
Batid po nating lahat na hindi lahat ng bilanggo ay masasama, katulad po ng mabuting bilanggo sa aking kwento... Napakabuti po ng kanyang kalooban, at ninais nya pang isakripisyo ang sarili nyang buhay para sa kaligtasan ng iba! Kamangha-mangha, hindi po ba?
Sa kabilang banda, ang mabuting bilanggo sa aking kwento ay kahalintulad sa ating Panginoon... Inalay Nya ang Kanyang buhay para sa ating kaligtasan... Pero tayong mga tao, ang iba sa atin, walang pakialam sa sakripisyong ginawa Nya, bagkus paulit-ulit tayong gumagawa ng kasalanan... Paulit-ulit natin Syang sinasaktan...!
Sana po, nainspire kayo sa aking maikling kwento! Mapayapang Linggo ng Palaspas sa ating lahat! Sumaatin nawa ang Awa at Pagpapala ng Poong Maykapal...!
-MARWA ANGELA ENRIQUE
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro