Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SELDA

Sariling Likha Ni:
MARWA ANGELA ENRIQUE



Mga ginigiliw kong mambabasa,

Isa na naman pong makabagbag damdaming kwento ang inyong matuntunghayan ngayon... Mga minamahal, gaano nyo ba pinagkakatiwalaan ang inyong mga kaibigan? Kaya nyo bang ipagkatiwala ang inyong sarili dahil meron kayong pinanghahawakang pangako sa isa't-isa... ? Paano kung buhay nyo na ang nakakasalalay dito? Isusugal nyo pa rin ba ang buhay nyo dahil sa isang pangako?

-marwa
___________

°°°
Minsan merong dalawang batang magkaibigan... Si Simon at si Alfred... Sila ay magkaibigan simula nung mga musmos pa lamang sila... Kalimitan ang dalawang batang ito ay makikita sa may dalampasigan, namumulot ng mga kabebe, o di kaya naman nagtitinda ng mga shells sa palengke... Kapag walang pasok sa school, makikita silang naliligo sa may tabing dagat o di kaya naman, napapalipad ng saranggola sa may dalampasigan... Kahit saan nila maisipang magpunta, palagi silang magkasama at nagtutulungan din sila kapag meron silang mga gawaing bahay...

Hanggang sa sila ay lumaki, hindi pa rin nagbago ang kanilang pagkakaibigan kahit na meron pa silang nakilalang ibang mga kaibigan! Palagi silang nagdadamayan kapag may problema.. Para kina Simon at Alfred, magbago man ang lahat, ngunit hindi ang kanilang pagkakaibigan, walang iwanan, walang mang iiwan hanggang maging matanda na sila! Nangako sila sa isa't-isa na walang magbabago sa kanila anuman ang mangyari...

Ngunit, isang pangyayari ang sumubok sa kanilang pagkakaibigan..

Di inaasahang na frame up si Simon sa isang krimen na hindi naman nya ginawa... Inakusahan sya, na sya ang pumaslang sa kanyang kasintahan na si Thyra, dahil sya ang nakita ng mga pulis nung dumating ang mga ito sa Crime Scene...

Nung araw kasi na yun, dumalaw si Simon sa kanyang kasintahan, ngunit pag dating nya sa bahay nila, nadatnan nya si Thyra, na nakahandusay sa sahig at wala nang buhay... Punong puno ito ng saksak sa katawan, na para bang walang awa itong pinatay.. Naging emosyonal si Simon at kaagad nya itong niyakap at napahagulgol sya sa sobrang galit at pag kaawa... Hinaplos-haplos pa nya ang mukha nito at hinalikan... Napansin naman ni Simon na puro dugo na ang kamay nya at pati ang damit nya ay nalagyan na rin ng dugo.. Pupunta sana sya sa kusina upang hugasan ang sarili nang biglang dumating ang mga pulis... Ang akala ng mga pulis, sya ang saralin kaya agad syang pinosasan... Kahit anong paliwanag ang gawin nya ay hindi sya pinaniwalaan ng mga ito dahil matibay ang kanilang ebedensya..

Dahil dun, nabilanggo si Simon sa kasalanang hindi naman nya ginawa.. Walang nagawa ang kanyang mga magulang upang sya ay tulungan dahil mahirap lang ang mga ito... Tuluyan nang naging miserable ang buhay ni Simon sa loob ng bilangguan at ang bukod tanging kaibigang dumamay sa kanya ay si Alfred.. Simula ng makulong kasi sya ay iniwasan na sya ng iba pa nyang kaibigan, dahil naging masama na ang tingin nila sa kanya... Si Alfred lang ang bukod tanging naniniwalang inosente sya dahil kilala nya ito mula pagkabata at batid nyang hindi nito magagawa ang karumaldumal na krimen....

Kahit nakakulong si Simon, hindi pa rin nagbago si Alfred sa kanya... Lagi nya itong dinadalaw sa kulungan araw araw pagkagaling sa eskwela at sinasamahan sya nito, at kinakausap... Lagi nya itong dinadalhan ng pagkain at kinukwetuhan ng mga nagaganap sa labas ng kulungan.

"Alfred, makakalaya pa kaya ako?" tanong ni Simon.

"Makakalaya ka, wag kang mag alala, basta manalig ka lang sa Diyos... Alam ng Diyos na wala kang kasalanan..!" tugon ni Alfred...

"Pero paano kung hindi!"

"Wag ka ngang mag isip ng ganyan, be positive, okey?"

Napatingin nalang si Simon sa taas upang pigilan ang luhang malapit ng lumandas sa pisngi nya... Pakiramdam nya wala na syang pag-asang makalaya. Wala na syang pagkakataon mabuhay ng normal..

Tinapik-tapik naman sya ni Alfred nang mapansin nya itong malayo ang tingin..

"O, kain ka pa! Marami akong pagkaing dala sayo, o eto, paborito mo... Jollibee chicken joy!!!!" nakangiting wika ni Alfred sabay labas ng isang supot na Jollibee sa bag nya..

Napangiti na rin si Simon, sandaling napawi ang lungkot nya sa mukha at nagsalo na sila sa pagkaing dala ng kaibigan nya..

"Alfred, salamat ha!"

"Saan?"

"Wala, ang tibay mo kasi, di ka nagsasawang dalawin ako...!"

"Wala yun! Di ba may pangako tayo sa isa't-isa na, walang iwanan... Walang magbabago hanggang sa pagtanda natin, mananatiling matibay ang pagkakaibigan natin, kahit na anumang problema ang dumating sa atin...!" paalala ni Alfred sa kanya!

"Tandaan mo ito lagi, kahit na iwan ka man ng iba nating mga kaibigan o husgahan ka man nila, dito pa rin ako, hindi ako magbabago... Understood, man????" sabi ni Alfred habang pabiro nya itong sinuntok-suntok sa balikat.

Makalipas ang 20 taon ay hindi pa rin nakakalaya si Simon... Malas namang hindi pa rin lumalantad ang totoong salarin... Pati ang mga magulang nya ay madalang nalang syang dalawin dahil na rin siguro sa katandaan..

Subalit si Alfred ay hindi pa rin nakakalimot. Tulad ng dati, araw-araw pa rin syang dinadalaw nito at dinadalhan ng pagkain kahit may pamilya na ito..

Lumipas pa ang isang taon at tuluyan na syang nakalimutan ng kanyang mga magulang at wala nang dumalaw sa kanya kahit ang nag-iisa nyang kapatid na babae, ay di na rin sya naalala... Sobra syang nag alala, at gusto nyang malaman kung ano na ang nangyari sa kanyang mga mahal sa buhay...

Isang araw dumating ang labis na kinakatakutan ni Simon... Ibinaba na ng korte ang hatol sa kanya, at sya ay nakahanay na sa death row... At sa isang buwan na gaganapin ang pagbitay sa kanya...

Nanlumo si Simon sa kanyang nalaman, batid nyang dito na matatapos ang buhay nya, ni hindi man lang nya lubos na naranasan ang mabuhay ng normal sa mundo... At ngayun, haharapin nya na ang hatol sa kasalanang di naman nya ginawa...

Lihim syang napaluha at kinausap nya ang Diyos... sa isip nya...!

"Diyos ko, batid ko Pong lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may dahilan... Ngunit hindi ko Po alam ang dahilan kung bakit ako Po ang nagdudusa sa kasalanan hindi ko naman ginawa... Napakasakit Pong isipin... Subalit, batid ko Pong, merong Po Kayong matibay na dahilan kaya nangyari ito sakin! Hinihiling ko Po , sana bigyan Nyo Po ako ng sapat na lakas at tibay ng loob upang mapaglabanan ko ang matinding pagsubok na ito! Amen!"

"Simon, may dalaw ka!"

Narinig nyang sabi ng isang pulis na bantay... Binuksan nito ang selda nya at agad na syang pinalabas...

Si Alfred agad ang tumambad sa paningin nya at katulad ng dati, maraming bitbit itong pagkain para sa kanya..

"Kamusta, Simon, ano na balita?" tanong ni Alfred sa kanya.

"Masamang balita, pare!"

"Bakit?"

"Ibinaba na ng korte ang hatol sa akin!" malungkot na wika ni Simon!

"Ano????? Hindi maaari!!!!!" tugon naman ni Alfred na puno ng pag-aalala sa mukha nya.

Napabuntong hininga naman si Simon sabay tayo sa upuan nya at nag lakad...

"Hindi na mababago ang disisyon nila, tanggapin nalang natin!!! Sa susunod na buwan na gaganapin ang pag bitay nila sakin...!" garalgal ang boses na sbi nya..

Si Alfred naman, ay tulalang napatingin sa kawalan, hindi sya makapaniwala sa masamang balitang iyon..

Bigla syang hinawakan ni Simon sa balikat..

"Alfred, pwede ba akong humingi ng pabor sa iyo...!"

"Ano yun?"

"Gusto ko sanang makalabas ng kulungan pansamantala kahit isang linggo lang!"

"Bakit, san ka pupunta?"

"Hahanapin ko ang mga magulang ko, gusto ko silang makita bago man lang ako mamatay?"

"Ano naman ang maitutulong ko?" tanong ni Alfred..

"Gusto ko sanang ikaw muna ang humalili sa akin dito sa loob ng kulungan habang nasa labas ako...!" walag kagatul-gatol na sabi ni Simon..

Nashock naman si Alfred sa narinig nya at hindi ito nakapagsalita..

"Wag kang mag-alala, Alfred, hindi kita ipapahamak, babalik ako sa loob ng isang linggo, pangako !"

"Simon, napakahirap naman ng hinihingi mong pabor!!! Wala na bang ibang paraan?" wika ni Alfred, halatang nag-aalinlangan ito...

"Pasensya kana, yun lang ang naisip kong paraan upang makalaya pansamantala.. Pero, kung hindi ka papayag, wala akong magagawa! Nererespeto ko ang disisyon mo... malungkot na tugon ni Simon.

"Pasensya kana Simon ha, hindi ko mabibigay ang pabor na hinihingi mo, alam mo namang may pamilya ako, siguradong hindi sila papayag!"

Lumipas pa ang mga araw at paikli na ng paikli ang buhay ni Simon,. Wala syang ginawa kundi magdasal ng magdasal sa Diyos hindi upang hingiing magbago ang disisyon ng korte kundi, bigyan pa sya ng konting lakas upang harapin ang napakapait na hatol sa kanya..

Ikinagulat naman nya nang sabihin ni Alfred na pumapayag na syang pansamantalang humalili sa kulungan para sa kanya... Sandaling nakaramdam si Simon ng kasiyahan dahil sa pagpayag nito, lalo pa't sumang-ayon na rin ang korte sa kanyang pansamantalang paglaya...

Sa kanyang pansamantalang paglaya ay agad nyang hinanap ang kanyang mga magulang... Ngunit, masamang balita ang agad na sumalubong sa kanya at nalaman nyang mag-iisang taon na palang pumanaw ang mga ito at ang kapatid naman nya'y nasawi rin sa panganganak doon sa probinsya, mag iisang buwan na ang nakakalipas!

Ibayong kalungkutan ang nadama ni Simon nung mga oras na iyon... Pakiramdam nya, sya na ang pinakamalas na nilalang sa mundo! Pakiramdam nya, wala syang kwenta! Pakiramdam nya, wala syang silbi!

"Tuluyan na akong iniwan ng mga mahal ko sa buhay, ano pa ba ang silbing mabuhay sa mundo!" bulong nya sa sarili, kasabay nang paglandas ng masaganang luha sa kanyang mga mata...

**
Samantala, isang araw nalang ang nalalabi sa takdang oras ng pagbitay kay Alfred, ay hindi pa rin bumabalik si Simon...

"Bata, mukhang hindi kana sisiputin ng kaibigan mo! Tanga mo kasi, pumayag kang magsubstitute sa pwesto nya... Eh, di ikaw ngayun ang dehado!!!!" mapang asar na wika ng kapwa nya preso.

Subalit nanatiling tahimik lang si Alfred at hindi nya ito pinansin...

Sumegunda naman ang isa pang preso at nagsalita..

"Ang swerte talaga ni Simon, pagkakataon nya ng tumakas, tutal meron namang sasalo sa magiging parusa nya... !"

"Oo nga!" sang ayon naman nung isa pa..

"Kung ako kay Simon, hindi na ako magpapakita pa, magpapakalayo-layo nalang ako...!"

"Alam nyo mga kusa, pakana lang yun ni Simon, may pasubstitute-substitute pa syang nalalaman eh gusto lang naman nyang tamakas, ahahahahahhhhh, hahahahh!!!!!!!"

Di na nakapagtimpi si Alfred at nagsalita na ito..

"Manahimik kayo!!!!!! Mali ang mga iniisip ninyo! Hindig-hindi ako lolokohin ni Simon, mabuti syang kaibigan, meron syang isang salita... Hindi nya ako ipapahamak!!!!"

Limang oras nalang ang nalalabi at isasakatuparan na ang pagbitay kay Alfred, subalit, hindi pa rin dumadating si Simon.... Ngunit matibay pa rin ang paninindigan ni Alfred sa kaibigan, batid nyang darating ito, kaya hindi sya kinakitaan ng pagpapanic..

"Bata, isang oras na lang ang nalalabi.... Kapag lumipas ang isang oras at wala pa rin ang kaibigan mo, ikaw ang aako sa hatol ng kaibigan mo, maliwanag?" maawtoridad na wika ng pulis na hepe sa kanya...

"Hindi po mangyayari yung, Sir! Darating po ang kaibigan ko! Darating sya...!" wika ni Alfred na halatang kinakabahan na ito...

Tapos na ang isang oras, ay walang dumating na Simon, tuluyan na ngang sumira ito sa pangako! Napahagulgol naman si Alfred sa takot at sa pagkadismaya habang inaalalayan sya ng mga pulis upang iupo na sya sa Silya Elektrika...

"Simon, bakit mo ginawa sakin 'to! Bakit hindi ka tumupad sa usapan natin??? Bakiiitt????" galit na bulong ni Alfred sa sarili, hindi sya makapaniwalang ginamit lang pala sya ng kaibigan upang makatakas ito! Subalit sa isang sulok ng kanyang isip ay may katiting pa rin syang pag-asang dadating ito...

"Sir! Sir! Sandali lang po, baka pwede pa hong humingi ng isang oras pang palugit, baka naman po natraffic lang ang kaibigan ko! Wala po akong kasalanan, hindi po ako ang nararapat dito!!!!" pagsusumamong wika ni Alfred subalit hindi na sya pinakinggan ng mga pulis...

Pumwesto na ang pulis sa may switch at nakahanda na itong pindutin iyon sa hudyat ng kanilang hepe..

Sinakluban na si Alfred ng itim na helmet na dindaluyan ng libo-lbong bultahe... Pati ang mga kamay nya at paa ay kinabitan na rin ng mga live wire...

Tapos na rin magdasal ang inimbitang Pari sa kanya at benendisyunan na sya...

"Panginoon, tanggapin Nyo nawa ang kaluluwa ng iyong anak na si Alfred at patawarin Nyo sya sa kanyang mga nagawang kasalanan dito sa lupa. Sa pamamagitan ni Kristo. Amen..." huling dasal ng Pari kay Alfed.

Nagsimula na ang hudyat upang ibaba ang kuryete na dadaloy sa katawan niya...

--- Isa...
.
.
.
.
.
.
--- Dalawa...
.
.
.
.
.
.

Biglang bumukas ang pintuang malaki at merong sumigaw!
.
.
.
.
"Itigil nyo yannnnnnnn!!!!!!!!!!! Wala syang kasalanan....!!!! Ako ang dapat na parusahan nyo, wag ang kaibigan ko!!!!"

Napalingon ang lahat sa may pinto at sa taong sumisigaw!
.
.
.

Si Simon!
.
.

... Humahangos ito at halatang pagod na pagod sa pagtakbo !!! Tinupad nya ang kanyang pangako!!!

Dahil dun, hindi na naituloy ng pulis ang pagbaba ng switch ng Silya Elektrika at nakaligtas si Alfred sa tiyak na kamatayan... Hindi naman makapaniwala ang mga pulis sa kanilang nasaksihan...at namangha sila sa katapatang ipinakita ni Simon sa kaibigan nya, hanggang sa huli ay hindi ito sumira sa pangako!

Humagulgol naman si Alfred sa sobrang pasasalamat! Agad nyang niyakap ang kaibigan ng sobrang higpit...

"Simon, maraming salamat, ha! Tinupad mo ang yong pangako, akala ko, hindi kana dadating..!!!"

"Oo naman! Bakit naman hindi, di ba may pangako tayo sa isa't-isa, walang iwanan.. Walang magbabago hanggang sa pagtanda natin, mananatiling matibay ang ating pagkakaibigan kahit anumang problema pa ang dumating!" wika ni Simon sa kanya habang hinahagud hagod nya ang likod nito...

"Gago, linya ko yan dati, inulit mo lang, eh!!!!"

"Heheh... Oo nga pala...!"

Nasaksihan ng buong bansa ang nakakaantig at makabagbag damdaming tagpong iyon nila Simon at Alfred at halos lahat ay namangha sa tiwala at tatag ng kanilang pagkakaibigan, kaya naman napagdisisyunan ng korte na ipagpaliban muna ng isang buwan ang pagbitay sa kanya...

Makalipas ang tatlong linggo, di inaasahan ng lahat ang paglantad sa publiko ng isang testigo pabor kay Simon sa loob ng mahabang panahon.. Itinuro ng testigong iyon ang tunay na pumaslang kay Thyra at si Greg iyon na kaagad namang nahuli mga otoridad.. . Napag alaman na si Greg ay pinsan mismo ni Simon at meron itong lihim na pagtingin sa kasintahan nya... At lulong ito sa droga nung isagawa nya ang karumaldumal na krimen...

Sa pagkadakip ng tunay na salarin, Si Simon ay napawalang sala at tuluyan nang nakalaya at nakapamuhay na ng normal... At ang kanyang mapait na karanasan ay nagsilbi namang inspirasyon sa kanyang mga kakusa!
_______
wakas...

GINTONG ARAL:

Pasensya na po sa mahabang kwento.. heheh.. Well, anyway, sana po ay nainspired kayo sa aking kwento,. Sana magsilbing inspirasyon sa atin si Simon... Sana maging matatag tayo kahit na ano mang pagsubok ang dumating sa buhay natin... Wag tayong panghinaan ng loob, dahil habang tumitibok pa ang mga puso natin, meron pa tayong pag-asa!

Di ba mga, folks?

God bless po sa lahat po ng bumasa sa kwento ko! I love you, guys! mwah!!

Abangan nyo po ang aking Lenten Special, tatlong kwento na makapanindig balahibo ang inyo pong matutunghayan dito lamang po sa aking Inspirational Stories!

'Till then, happy reading everyone!

MARWA ANGELA ENRIQUE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro