Holdaper sa Jeep
Fellas,
Ang aking kakaibang kwento ngayung araw na ito ay tungkol sa isang nangyaring Holdapan sa Jeep... Hindi lang po ito kakaiba, ngunit nakaka kaba rin! But, after you read this piece im sure you will gain knowledge and you will learn lessons from it...
Here it goes...
Scene: Maangas Road, Old Presentacion, Camarines Sur
***
ISANG ARAW, sumakay ng pampasaherong jeep si Aling Esperanza, 69 anyos. Papunta sya noon sa city proper upang mamili ng paninda nya para sa kanyang maliit na tindahan... Medyo hindi matao noong araw na iyon kaya wala masyadong pasaherong sumasakay... Kaya, napagdesisyunan ng driver ng jeep na lumarga na, kahit kaunti lang ang sakay nya... Mga walo lang silang nakasakay sa jeep noon, kabilang si Aling Esperanza.
Habang tumatakbo ang jeep sa kahabaan ng kalsada, mayroong pumara... Isang magandang binibini.., nakasuot sya ng pang opisinang damit at maayos tingnan.. Hinintuan yun ng driver at pinasakay... Umupo ang magandang binibini sa hulihan ng jeep katabi ni Aling Esperanza.
Maya-maya may pumara ulit. Isang lalaking malaki ang katawan na parang construction worker! Mga nasa 35 ang edad nya, may dala itong martilyo at lagari... Hinintuan din ito ng driver, syempre kailangan nya ng pasahero... Umupo ang lalaking ito sa hulihan ng jeep, katapat nya ang magandang binibini...
Pagkalampas ng crossing, may sumakay ulit, mag-asawa... Mga nasa middle 50's sila kung iyong titingnan... Umupo naman sila sa likuran ng driver sa loob ng jeep, pero hindi sila nagtabi, yung lalaki umupo katapat ng asawa nya...
Ngayun ay labindalawa na ang pasahero sa jeep...
Maya-maya, may pumara ulit, isang Pulis, guwapo, matikas ang pangangatawan, naka oniporme at kagalang-galang tingnan... Umupo naman sya katabi ng driver sa harapan ng jeep...
Habang tumatakbo ang jeep, napansin naman ni Aling Esperanza ang pasaherong lalaking may dalang martilyo, hindi ito mapakali sa upuan, tsaka yung mata nya ay umiikot at panay ang tingin sa labas ng jeep at panay rin ang sulyap sa driver... Yung magandang binibini ay nagte-text sa celphone nya.. Yung dalawang pasaherong mag-asawa naman, nag-aaway at panay ang murahan... Yung Pulis naman sa harapan ng jeep, nagtetext din sa celphone nya...
Yung ibang pasahero naman, naagaw ang atensyon nila dun sa nag-aaway na mag-asawa at nakatingin silang lahat doon.. Si Aling Esperanza naman, medyo kinakabahan at nararamdaman nyang parang may kakaiba sa mga nakasakay sa jeep... Mas lalo syang kinabahan ng maramdaman nyang parang may matulis na bagay ang nakatusok sa kanyang tagiliran, napasulyap sya sa magandang binibini, at nakatitig ito sa kanya ng matalim... Tiningnan nya kung ano ang nakatusok sa kanyang tagiliran, isang icepick, hawak yun ng magandang binibini at nakatusok sa kanya...
"Holdap 'to, walang sisigaw!!!!" narinig nyang wika ng lalaking may dalang martilyo... Ngayun ay may hawak na itong patalim at tinututukan nya ang pasaherong katabi nya,.
Yung dalawang mag-asawang nagbabangayan kanina, ay mga holdaper din at kasabwat din nila! May hawak naman silang baril sa kanilang kamay at tinututukan nila ang mga katabi nilang pasahero...
Hindi naman malaman ng mga pasahero kung ano ang gagawin nila, ang iba nanginginig sa takot at nagpapanic, ang iba naman ay napaiyak sa sobrang kaba..
"Deretso! Wag mong ihihinto ang jeep, kung ayaw mong pasabugin ko yang bungo mo!"
Napalingon si Aling Esparanza, at nakita nyang tinututukan ng Pulis na pasahero ang driver...
"Walang kikilos ng masama, sumunod kayo sa gusto namin at hindi namin kayo sasaktan!" marahas na wika ng asawang lalaki kanina...
"Akin na lahat ng mga bag, bilis!!!" wika naman ng magandang binibining katabi nya..
Dahil sa sobrang kaba, napapikit nalang si Aling Esperanza habang yakap-yakap nya ang bag nya na may lamang pera at kaagad nyang binigkas ang isang kakaibang dasal sa isip nya.
"Sàncte Michael Archàngele, defende nos in proelio, contrà nequitiam et insidiàs diaboli esto præsidium. Imperet illi Deus, supplices deprecàmur: tuque, princeps militiæ cælestis, Satanam aliosque spiritus malignos, qui ad perditionem animarum pervagatur in mundo, divinà virtute in infernum detrude." Amen.
Makailang ulit nya itong binigkas sa isip nya..
Kapansin-pansin namang dinaanan lang sya ng mga holdaper at hindi kinuha ang bag nya....
Naramdaman nyang biglang tumahimik ang loob ng jeep at nawala ang mga komosyun.. Ngunit patuloy pa rin itong tumatakbo...
Napadilat sya upang tingnan kung ano na ang nangyari...
Nakita nyang nakaupo ang mga holdaper katabi nya at nakatungo... Hawak-hawak ng lalaking may dalang martilyo ang isang sako at alam ni Aling Esperanza na doon nakalagay lahat ng mga nilimas nila, pero bakit sila natahimik at natigilan..?
Maya-maya, huminto ang jeep, at tahimik na nagsibabaan ang mga holdaper, subalit hindi nila dinala ang mga ninakaw nila! Umalis silang walang dala...
Ang bawat isa ay natulala at hindi makapaniwala sa nangyari.. Hindi nila lubos maisip kung bakit biglang nag sialisan ang mga holdaper nang wala silang nakuha... Hindi sila makapaniwala sa kakaibang pangyayaring iyon...
At naibalik sa bawat pasahero ang mga mahalagang bagay na pag-aari nila.
___
wakas..
A/N:
Hello readers,
Ang kwento pong ito ay actual na nangyari sa totoong buhay... Si Aling Esperanza po ay mother ng Boss ko, matagal ko na syang kakilala! Minsan nagbakasyon sya sa bahay ng Boss ko, galing sya nun sa probinsya ng Camarines Sur.. Habang nagpapahinga kami, naikwento nya s amin ang kanyang kakaibang karanasan... Labis akong namangha sa kakaiba nyang kwento kaya naman, napag-isipan kong ilagay sya dito sa aking banal na Inspirational Stories... Nahiwagaan ako sa kanyang dasal na ibang lengwahe, parang ang hirap bigkasin, pero napaka mabisa! Tinanong ko si Aling Esperanza kung saan nya nakuha ang dasal na ito... Nalaman kong bigay pala ito ng kanyang Lola nung bata pa sya, nakuha daw ito ng Lola nya sa isang lumang simbahan na abandonado na, ngunit yung altar daw nito nakatayo pa rin! At sa ilalim ng altar, nakaukit doon ang isang dasal sa ibang lengwahe... Kinopya daw ito ng Lola nya at itinago... Bago pumanaw ang Lola nya noon, ibinigay daw sa kanya ang dasal na ito at ang sabi, ingatan daw nya ito at wag wawalain. Ito daw ay kakaibang dasal na may halong orasyon,. Bigkasin lamang daw ito kapag nasa kagipitan o di kaya naman, kapag nasa bingit ng kamatayan at sya ay himalang makakaligtas.. Oh, di ba, ang galing, may history pala ang kakaibang dasal na ito...
Pero curious pa rin ako kaya sinearch ko sa google at inalam ko kung anong klaseng dasal ito at hinanap ko ang english translation nito,.
Ito po ang english translation:
"Saint Michael The Archangel, Defend Us In Battle. Be Our Protection Against The Malice And Snares Of The Devil. May God Rebuke Him, We Humbly Pray; And Do Thou, O Prince Of Heavenly Host, By The Power Of God, Thrust Into Hell Satan And All Evil Spirits Who Wander Through The World For The Ruin Of Souls. Amen."
Napag alaman ko na ito pala ay dasal para kay Saint Michael! According to google, noong unang panahon, dinadasal daw ito pagkatapos ng Banal na Misa... At ang ibang tao naman, ginagawa nila itong personal prayer...!
Well, thats all for now, folks! Hope you learned something from me today...!
GINTONG ARAL:
Wag po tayo kaagad magtitiwala sa mga nakikita ng ating mata, nang sa ganun hindi tayo nalilinlang...Maraming mga bagay dito sa mundo ay balatkayo lamang! Even salt looks sugar, right?
Kapag naramdaman natin na mayroong panganib, umiwas na tayo kaagad .. Wag nating hintayin na mayroon pang masamang manyari sa atin..
At kapag naman, nasa delikado tayong sitwasyon at wala na tayong makakapitan, magdasal lang po tayo sa Diyos... Wala nang mas hihigit pa sa bisa ng dasal... Daig pa nito ang matatalim na sandata sa buong mundo... Ang dasal, kaya nitong butasin ang kaulapan at nakakarating ito sa paanan ng Diyos sa Kaitaastaasan... The Lord hears the silent prayer of a humble person even in whispers...
Happy weekend, lovelies!!!
-MARWA ANGLELA ENRIQUE
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro