EPISODE 17
"Sisters in Light"
Sa pagpapatuloy nang ating kwento...
Isinangguni ni Mary ang kanyang mga nasaksihan noong kasama nya si Cristine.
Habang nakaupo si Mary sa isang silya biglang may tumawag sakanya at napatayo naman ang babae.
"Nagawa mo ba ang sinasabi ko Sayo?" Tanong nang isang Madre na nasa mataas na antas.
"Opo, nakumbinse ko si Cristine na pumanig sya saatin. Napaalis ko din ang sugo ni Lilith." Sagot ni Mary.
"Magaling, si Cristine ang tanging susi natin upang matupad nang mga kapatid nating mga anghel." Sabi ni Sister Mariela at sabay hawak sa kanyang kwentas na Kay pendant na krus.
"Hindi po ba ito nakakasama sa mga tao?" Sambit ni Mary.
"Wala tayong magagawa, at Isa pa ito ay kalooban nang panginoon. Utos na din!" Sabi ni Sister Mariela.
"Utos na patayin ang kalahating populasyon nang mga tao sa Mundo? Kapag nakatakas sila sa ilog nang pagkabanal. Maraming mga inonsente ang mamatay." Wika ni Mary.
"Yan ang kanyang kapalaran Mary! Kaya kung Wala kanang sasabihin pa. Makakaalis kana!" Sabi ni Sister Mariela. Bumuntong hininga ang Batang Madre at tahimik itong umalis.
Samantala balik kay Cristine..
Habang nasa pamilihan Ang babae. Nakamasid lang si Ricky Mula sa malayo.
"Uy ang ganda nang pangtali sa buhok." Sabi ni Rizah.
"Gusto mo ba?" Ngiting Sabi ni Sister Stella.
"Nako wag na ho, nakakahiya naman. Hihingi nalang ako kay ate Cristine." Sabi ni Rizah.
"Ay nako wag na, tingnan mo yung dalawa. Ang kyut nilang tingnan." Sabay turo ni Sister Stella sa dalawa habang nagtatalo sa harap nang tindera.
"Oo nga po!" Ngiting wika ni Rizah at nang tumingin ulit ito Kay sister Stella. Hawak na ni Sister Stella ang pangtali nang buhok na gusto nya.
"Ito binili ko na. Nakikita ko Kasi Ang sarili ko Sayo noon." Ngiting Sabi ni Sister Stella.
Akmang kukunin ni Rizah ang pangtali nang buhok, nahawakan nya ang kamay ni Sister Stella at may isang pangitain syang nakita.
"Ija? Ayus ka lang? Anong nakita mo?" Tanong ni Sister Stella.
"Sister Stella!" Nauutal na sambit nang dalaga sakanya habang nakatingin sa maamong mukha nito.
"Bakit ija?" Tanong nang matanda sakanya.
"Sister, umuwi na Tayo. May nakita akong isang kahindik hindik na mangyayari sainyo. Habang maaga pa ay umuwi na Tayo~" Sabi ni Rizah at hinawakan nyang muli ang kamay nang Madre nang biglang nag bago ang itsura nang Madre.
"Ricky?" Sambit nya saka tumili ang babae. Na naging dahilan upang pagtitinginan sila nang mga tao.
Agad namang nag tungo sina Zanjo at Cristine.
"Rizah anong nangyayari?" Tanong nya habang bakas ang pag aalala sa mukha nang babae.
"May nakita syang pangitain tungkol saaking kamatayan!" Wika ni Sister Stella. Mabilis namang gumawa nang panangga si Zanjo para sakanilang apat.
"Sino ang papaslang saakin?" Tanong ni Sister Stella.
"Si Ricky..." Sambit nya.
"Kung ganun, oras na para Malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa sisters in light kung bakit, mas pinili naming tumira sa labas nang kumbento ni Sister Maricar. " Wika ni Sister Stella.
"Ang katotohanan ay~" magsisimula na sanang mag kwento si Sister Maricar nang isang biglang may isang lalaki ang lumapit sakanya at mabilis itong sinaksak nang kutsilyo sa likod.
"Sister stellaaaaa!!!" Sigaw ni Rizah. Si Zanjo naman ay mabilis na hinabol ang lalaki habang naiwan sina Cristine at Rizah.
"Sandali, kumapit ka sister Stella." Sabi ni Cristine at kukunin na sana nya ang libro na iniwan ni Mary sakanya ngunit pinigilan sya ni Sister Stella.
"Tuloooonnggg!! Tumawag kayo nang ambulansya!" Sigaw ni Rizah ngunit nakatingin lang ang mga tao sakanila sabay kuha nang kani-kanilang selpon upang kunan nang litrato.
"Seriously? May gana pa kayong mag video. Emergency ito!" Sigaw ni Rizah.
"Alam ko nang mangyayari ito, wag Kang gagamit nang mahika sa maraming tao Cristine. Makinig ka!" Sabi ni Sister Stella.
"Pero sister... " Wika ni Cristine.
"Wala nang panahon, Hindi ordinaryong punyal ang ginamit nang lalaki. Isang pilak at ginto na punyal. Na tanging makaka paslang saaming mga Sisters in Light. Magkaiba naman ang nangyari Kay Maricar dahil naramdaman kung nanghihina na ang kanyang grace bilang isang nephilim." Sabi ni Sister Stella habang nag hihingalo.
"Rizah, sundan mo na si Zanjo. Delikado sya. Wag kayong makipaglaban. Umatras kayo." Utos ni Cristine na mabilis namang ginawa ni Rizah.
"Cristine, kami ni Maricar ay kumalas sa sister in light. Dahil Hindi namin gusto ang kanilang mga layunin. Nakasaad noon sa isang propesiya na ang anak ni Lilith ang may kakayahang mag bukas nang impyerno at buksan ang ilog nang pagkabanal." Kwento nya sa babae habang namimilipit sa sakit. Nakikinig lang si Cristine sakanya.
"Kapag nabuksan ang pintuan sa impyerno manga-nganib ang mga tao. Kapag napalaya mo ang mga anghel na kumalaban noon sa panginoon. Sila ang mga anghel na nakumbinsi lang ni Lucifer noon na mag aklas. Ngunit, Hindi sila tunay na masama.
Kapag napalaya mo sila sa ilog nang pagkabanal, kalahati nang populasyon nang mga tao ay kanilang papaslangin. Ikaw Cristine, ang may kakayahang pumili nang iyong kapalaran at tapusin ang dalawang propesiya.
Si Ricky, matagal ko nang alam na Hindi sya galing sa liwanag kaya umasa ako noon na Hindi sya babalik sa iyong Ina. Ngunit, gumagawa na nang paraan ang mga nephilim at mga alagad ni Satanas. Cristine, lagi mong pagkakatandaan ang mga ibinilin ni Sister Maricar Sayo. Piliin mo kung ano yung Tama." Salaysay ni Sister Stella.
"Opo, opo sister Stella. Sandali lang ho. Tatawag ako nang ambulansya." Wika ni Cristine nang biglang isang ambulansya ang dumating. May mga ibang tao Pala ang tumawag nang ambulansya.
Mabilis na isinakay nang mga medic si Sister Stella ngunit bago paman sya maidala sa Ospital, ay nalagutan na ito nang hininga. At ang huling nasabi nya kay Cristine.
"Sundin mo ang puso mo. Kasama mo kami ni Maricar."
"Sister stellaaaaa!!!" Sigaw ni Rizah habang hawak ang panali na binili nito para sakanya. Lumapit naman si Zanjo at niyakap si Cristine.
"Da! Si sister Stella." Wika ni Cristine at yumakap sa lalaki. Tahimik lang si Zanjo at pinipigilan ang kanyang pag-iyak.
Samantala sa Sisters in Light monastery.
"Kaya sila napapaslang nang mga kalaban dahil pinili nila maging tao." Sabi ni Sister Mariela.
"Kahibangan!" Wika ni Mary.
"Patawad? Tinawag mo ba akong hibang?" Sabi ni Sister Mariela.
"Hindi makatao ang inyong mga layunin." Sabi ni Mary.
"Mukhang, may susunod sa yapak Nina Maricar at Stella." Wika ni Sister Mariela. Hindi umimik si Mary at padabog itong umalis.
"Tonta! Hindi nya alam na malapit na ang paglilinis nang panginoon sa Mundo. Kung pipiliin nyang sundan ang yapak nang dalawang Madre. Wala na akong magagawa!" Sabi ni Sister Mariela. Sabay Sara nang biblyang hawak nya.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro