EPISODE 16
"Lilith at Cristine"
Ang sa kabanatang ito, malalaman ninyo kung bakit ako napadpad sa kumbento. At makikilala ninyo ang katauhan ni Lilith.
"Uy ang galing!" Wika ko kay Mary habang gumagawa ito nang origami.
"Salamat ate, para sayo talaga yan. Bukas na ang balik ko sa kumbento." Ngiting Sabi nang dalaga saakin. Habang nakatitig ako sa origami may naalala akong isang pangyayari.
Ang pangyayaring ito, noong nasa ika-anim na baitang pako.
Abala akong gumagawa nang origami. Nang biglang pinulot nang kaklase kung babaeng bully.
"Ang galing, pero anong sa tingin mo? Matatalo moko bilang valedictorian sa paaralan nato?" Wika nya habang isa-isa nyang pinupunit ang mga gawa ko.
Aalis na sana ako dahil ayuko nang gulo, ngunit hinawakan nya ako sa braso at pinaharap sakanya.
"Mag usap nga Tayo. Akala ko ba maliwanag na ang sinabi ko Sayo noong isang araw Cristine?" Taas kilay nyang sambit.
"Kelly, look! Wala akong gusto kay Edward. Magkababata lang kami. And tungkol naman sa scholarship at pagiging valedictorian.
Kelangan kung makapasa upang makuha ko ang scholarship para sa kolehiyo. Ikaw Hindi mo naman kelangan nang scholarship. Mayaman ka na. Kaya please nakikiusap ako. Ayuko nang gulo." Paliwanag ko sakanya. Ngunit imbes na huminahon ang babae. Bigla nya akong sinampal at itinulak. Nang makaupo ako sa sahig agad nag tawanan ang iba kung kaklase. Ngunit agad namang sumaklolo ang mga kaibigan ko at pinapatayo nila ako.
"Ano bang problema mo Kelly, tigilan mo na si Cristine.!" Sabi nang kaibigan kung si Victoria.
Biglang kinuha ni Kelly ang ballpen na nakasuksok sa buhok nya at itinarak nya ito Kay Victoria mabuti nalang at sa braso ito tinamaan ngunit dumugo pa din ito.
"Aaarrrraaaaayyyy!!!" Sigaw ni Victoria.
Mabilis akong tumayo at nakaramdam ako nang kakaibang galit. Grabe ang kadiliman na aking naramdaman sa mga oras na iyon.
"Hoy babaeng impakta, ako ang harapin mo." Wika ko at pinaharap ko si Kelly saakin.
Biglang umaatras si Kelly dahil sa gulat at takot.
"Bakit naging itim ang mga mata mo. Tsaka ang buhok mo naging pula." Sabi ni Kelly habang umaatras.
Ako naman ay lumapit sakanya at nakangiti lang nakakaloko. Kasabay nyan ay itinaas ko ang aking kanang kamay na parang sinasakal ko si Kelly. Biglang lumutang sa ire si Kelly at hawak nya ang kanyang leeg.
"Kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo ay mangyayari Sayo." Sabi ko at ibinagsak ko si Kelly sa sahig at linapitan sya saka hinawakan ko sa kanyang braso.
"Ang sugat na ginawa mo Kay Victoria ay mapupunta Sayo." Wika ko at sa isang iglap ay nagkaroon nang sugat at dumudugo katulad nang Kay Victoria habang si Victoria naman ay nawala ang sugat sakanyang braso gawa nang ballpen na itinusok ni Kelly sakanya.
"Anong klaseng tao ka!" Sigaw ni Victoria.
"Akala ko ba nag sisimba kayo ni Gov pero bakit Hindi ka matulungan nang diyos mo.!" Sabi ko sakanya at ngumiti ulit.
"Demonyo!" Sigaw ni Kelly.
"Siguro nga! Pero may lugar kapa sa impyerno Sabi ni satanas." Sabi ko at akmang papalutangin ko si Kelly bigla akong nawalan nang Malay pagkatapos.
Sa tulong nang kakayahan ni Rizah, dinala ako nila mama at papa sa simbahan.
“Kelangang maging dalisay ang kanyang kaluluwa. Kapag pinabayaan natin sya. Maaring ang ikalawa nyang katauhan ang kokontrol sakanyang katawan.” Sabi nang Pari.
“Kung ganun, kelangan ko nang tulong ni Sister Stella. Maari nyang maipasok si Cristine sa kumbento at mabantayan.” Sabi ni nanay. Tumango lang si papa bilang pagsang-ayon.
Samantala sa kabilang dako nang ating kwento.
"Kamusta ang pinapagawa ko Sayo?" Tanong nang babae Kay Ricky.
"Lily, Hindi ko pa din nahahanap sina Cristine. Maaring may proteksyun ni Sister Stella." Sagot ni Ricky.
"Edi patayin mo. Kay dali nang iyong problema." Sabi ni Lily.
Sasagot pa sana si Ricky nang biglang may pumasok na isang babae.
"Miss Lily, gusto ho daw kayong kausapin ni Mr. Thomson."
"Sige susunod nako" ngiting Sabi ni Lily.
"Going back. Hanapin mo ang anak ko. Kumikilos na sila. Ayukong madamay ang anak ko sa digmaan nang mga anghel at demonyo." Sabi ni Lily.
"Ako napo ang bahala!" Sagot ni Ricky at Yumuko ito sakanya.
Agad namang nag tungo si Lily sa receiving area.
“Hi Mr. Thomson, I've heard you need something from me?” tanong ni Lily sa lalaking naka formal attire tila isang businessman.
“Yes, I want to ask for a extension for my contract, I need to do make sure that my family will be okay. Before I die!" Sabi nang kano.
Ngumiti si Lily at Nagsalita.
"Mr. Thomson, you sell your soul to hell for you to be rich and the contract should be 10 years and as I have check on your contract. Next year will be the deadline. And even if you are not in contract with hell, humans will die. And no one can predict that. But I am so sorry the contract is the contract!" Sabi ni Lily.
“No, this is not fair!” sigaw nang kano.
"In which part?” tanong ni Lily at biglang naging kulay itim ang kanyang mga mata.
“ Your Contract!” sagot nag kano.
“ If that's the case, instead you have 1 year to live in this world. You need to see the dark lord!" Sabi nya at isang pitik lang nang kanyang kamay ay biglang namatay ang Kano.
“ Amy, pakibalik na sa human realm. Ikaw nang bahala!” wika nya at agad namang nag tungo ang isang babae.
"Yes, Miss Lily" sagot nito.
Bumalik si Lily sakanyang opisina at muling naupo sa kanyang malambot na upuan.
“hindi mo matatakasan ang tunay mong pagkatao” Sabi ni Lily at nakatingin sa isang litrato. At ito ang litrato ni Cristine.
Balik naman sa kasalukuyan..
“Mag iingat kayo ate, wag kayong mag aalala. Dadalhin ko si Sister Stella sa kumbento upang maging ligtas sya." Sabi ni Mary.
"Salamat Mary." Wika ni Zanjo. At ngumiti lang si Mary bilang tugon.
Habang si Cristine naman ay tulala at tila malalim Ang iniisip.
"Ate Cristine, Ang nakaraan ay nasa nakaraan na. Hindi mo na mababago ang lahat. Isipin mo nalang na may dahilan ang mga nangyayari saating buhay at tanging si Lord lang ang nakakaalam. Basta manatili Kang maging matatag. Nalalapit na ang digmaan nang mga nephilim, demonyo at anghel. Sana piliin mo maging liwanag." Sabi ni Mary.
"Pangako. Ikaw din mag iingat." Sabi ni Cristine at niyakap nya si Mary.
"Papano si Ricky?" Tanong ni Rizah.
"Oo, hihingi ako nang tulong sa Sisters in Light. Magtiwala kayo. Basta kung kelangan ninyo nang tulong ko. Alam na ninyo kung saan ako makikita." Sabi ni Mary.
Itutuloy.....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro