Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPISODE 15

"Ang Banal na Panulat ni Archangel Rafael Part 2"

Sa pagpapatuloy nang kwento...
Nakatulog si Cristine dahil sa isang sumpa. At sa tulong ni Mary Gabriela nahuli nila ang ispiya. Ngunit ano nga ba ang katotohanan tungkol Kay Ricky Isa nga ba syang ispiya? At ano naman ang magiging papel ni Mary Gabriela sa buhay ni Cristine. At ngayong nasa isang sumpa si Cristine tanging dugo nang isang nephilim ang kekelanganin nila upang magising ang ating bida. Anong gagawin nang tatlong tagapagbantay upang matulungan si Cristine. Para makuha na nila ang banal na panulat.

"Tulog pa din ba si Cristine?" Tanong ni Sister Stella kay Zanjo.

"Opo" Sagot ni Zanjo at mabilis nyang inubos ang isang tasang tsaa. Lumapit naman si Rizah sakanya at Nagsalita.

"Alam ko Kuya na nag-aalala ka kay ate ngunit, may mahahanap din tayong paraan upang magising si Ate. Tiwala lang!" Sabi ni Rizah.

"Tama si Rizah, Malakas ang nobya mo. Sa katunayan may paraan pa. Ngunit masyado itong komplikado at delekado." Sambit ni Valerie.

"Ano ate?" Tanong ni Zanjo.

"Ang huling pagsubok na ibibigay ko sakanya." Sambit Naman ni Elvic habang patungo ito sa Sala kasama si Jade. 

"Tama, maaring ibiginay ni Elle ang huling pagsubok sa panaginip ngunit. Sadyang napakadelekado maaring Hindi na makalabas si Cristine." Sabi ni Jade.

"Kahit ano pa yan, susugal ako!" Wika ni Zanjo. At nagkatinginan ang tatlong tagapagbantay.

Samantala sa isang madilim na Lugar. Nakayuko si Ricky.

"Bigo ka saiyong misyon. Pero hayaan muna!" Sabi nang babae.

"Kung ganun papakawalan na ninyo ako?" Tanong ni Ricky sa babae.

Dahan-dahang humarap ang babae sakanya at dito umilaw ang mga mata nito.

"Hindi, alam kung magagamit pa kita pagdating sa tamang panahon. Sa Ngayon, ibalik ang bellator na yan sa kanyang kulungan!" Sabi nang babae.

"Lilith wag! Wag! Nangako ka!" Sigaw ni Ricky habang hinihila nang mga itim na usok.

"Pangako ay palaging napapako!" Ngiting Sabi ni Lilith at lumapit ang babae sa malaking salamin.

"Nalalapit na ang paghaharap namin nang aking Anak. Hindi nya matatakasan ang kanyang kapalaran dito sa impyerno!" Sambit nya at tumawa ito nang napakalakas.

Balik Kay Cristine..
Bumalik si Cristine kung saan unang nagkita sila ni Zanjo.

"Zanjo?" Sabi nya habang katabi nya ito sa pila papasok sa isang sikat na kainan.

"Kilala moko?" Gulat na tanong ni Zanjo.

"Oo, diba papatakan mo nang kalamansi ang pagkain Dyan sa loob at malalaman natin na Karne nang tao ang hinahain Nila Dyan. Dahil mga aswang sila!" Sabi ni Cristine.

"Ha? Anong sinasabi mo? Anong aswang?" Natatawang Sabi nang lalaki.

"Oo bellator ka, maging ako Rin!" Sabi ni Cristine.

"Bellator? Anong pinagsasabi mo Miss? Nakakatawa ko. Hindi ko alam kung bakit mo ako kilala. Siguro Isa ka sa mga naging ex ko. Wait huhulaan ko ang pangalan mo." Napaisip pa ang lalaki at nag bigkas nang pangalan nang babae.

"Agnes, Tama?" Sabi ni Zanjo. Ngunit umiling-iling lang si Cristine.

"Georgia?" Wika ulit ni Zanjo.

"Nakakalerkey, Pagkatapos nang Georgia. Gawin mong Emma para, ika-anim na utos na talaga. Halika pumasok na Tayo. At ipapakita ko Sayo!" Sabi ni Cristine at hinila nya ang lalaki papasok.

"Uy dahan dahan lang, ang lakas mong humila parang di ka babae." Sabi ni Zanjo.

Nang makaupo na sila. Agad nag order si Cristine at nang makuha na nila ang pagkain natakam pa si Zanjo ngunit pinigilan sya ni Cristine.

"Tigil! Tingnan mo!" Sabi ni Cristine at pinatakan nya ang mangkok nang kalamansi. Pagkalipas nang ilang minuto. Nag bago nga ang naroon.

"Ay ano yan?" Sigaw ni Zanjo. Lumapit naman ang tagapagsilbi sa kainan at nagulat ito.

"Umalis na tayo dito!" Sabi ni Cristine. Sumunod naman sakanya si Zanjo at sinundan sila nang matandang may-ari nang kainan.

"Anong ginagawa mo dito bellator?" Tanong nang matanda.

"It's not my intention, paalam Po!" Sabi ni Cristine at nagmamadali itong umalis kasama si Zanjo.

Ngunit sinundan pa din sila hanggang sa eskinita.

"Dead end na!" Wika ni Zanjo. At sa mga oras na yan ay nagbago na nang anyo ang mga taong sumunod sakanila.

"Edi lumaban Tayo!" Sabi ni Cristine. Agad nyang sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay. Dito, dahan-dahang nagbago ang kulay nang kanyang buhok. Naging kulay pongkan ito.
Sabay niyang itinaas ang kamay at tinawag nya ang kanyang Sandata na si Liksi.

"Liksi!" Mula sa kanyang kamay ay lumabas ang kanyang kalibre kwarentay singko na baril.

"Wow! Amazing!" Wika ni Zanjo.

"Anong wow? Tumulong ka Dyan!" Sabi ni Cristine. At kumuha naman nang isang kahoy si Zanjo.

"Seryuso?? Nasaan na yung Espada mo?" Tanong ni Cristine.

"Wala akong ganun...mga babae talaga!" Sagot ni Zanjo. At sumugod naman ang mga aswang sakanila.

Samantala balik kina Rizah at Zanjo.
Dahil sa kakayahan ni Rizah na Makita ang hinaharap at nakaraan. Si Rizah Ang magiging tulay upang makapasok si Zanjo at Elle sa Panaginip ni Cristine.

"Handa na ba kayo?" Sabi ni Mary Gabriela. Tumango lang si Rizah. At Hinawakan ni Mary Gabriela ang kamay ni Cristine, sa kaliwang kamay naman ay hawak nya ang balikat ni Rizah.

"Nararamdaman ko. Humawak na kayong dalawa sa kamay ko!" Wika ni Rizah at mabilis na inilahad nya ang kanyang dalawang kamay. Agad namang hinawakan Nina Elle at Zanjo ang kamay ni Rizah.
Isang nakakahilong tanawin ang nakita nina Elle at Zanjo. Hanggang sa napadpad sila sa isang lugar kung saan nakikipaglaban si Cristine sa mga aswang.

"Ako yan!" Wika ni Zanjo nang Makita nya ang kanyang sarili na nakikipaglaban kasama si Cristine.

"Ngunit bakit kahoy? Wala ba akong powers dito?" Tanong nya.

"Bilisan mo hawakan mo na ang Zanjo dito sa panaginip ni Cristine upang matulungan mo sya. Tandaan mo. Kapag namatay si Cristine dito. Mamatay din sya sa totoong buhay." Sabi ni Elle at itinulak nya si Zanjo palapit kina Cristine. Matagumpay naman itong nakapasok sakanyang sarili.

"Nahuli naba ako Da?" Wika ni Zanjo at kinuha nya ang espadang ginagamit nya sa kanyang pakikipag laban.

"Akala ko, Hindi mo na yan gagamitin. Ilag!" Sigaw ni Cristine sabay tulak Kay Zanjo. Nakalmot si Cristine sa kanyang braso. Nakita naman nina Sister Stella, Jade at Valerie ang sugat sa braso ni Cristine habang nagbabantay.

"Da, naalala mo ba ang tatlong Sandata na kelangan mong kolektahin?" Tanong ni Zanjo.

"Oo, narito saakin ang dalawa ngunit nagtataka kung bakit ako nagbalik dito sa lugar na ito?" Sagot nya habang nakikipaglaban pa din sila.

"Nandito ang tagapagbantay nang banal na Sandata ni Archangel Rafael. Kelangan mong makalagpas sa pag subok. Upang magising kana sa sumpa!" Sabi ni Zanjo.
Bigla namang lumitaw si Elvic sakanilang gitna at pinahinto ang oras.

Hindi na makagalaw ang mga halaman, hayop at pati na ang mga aswang na kanilang kinakalaban.

"Cristine Wala nang oras. Kelangan mo nang magising kundi makukulong tayong tatlo dito." Sabi ni Elle.

"Anong gagawin ko.?" Tanong ni Cristine.

"Sa pamamagitan nang pagsagot sa bugtong ko. Binigyan Kita nang dalawang bugtong. Kapag nasagot mo ito nang tama ay makakaalis kana dito sa panaginip mo!" Sabi ni Elvic.

Sa labas naman nang panaginip ay nag uumpisa nang manghina sina Rizah at Mary Gabriela.

"Elle, bilisan ninyo!" Sambit ni Jade.

"Anong bugtong?" Tanong ni Cristine.

"Maari kayong dalawa mag tulungan. May tatlong pagkakataon kayo para sagutan ang dalawang bugtong.  Ito Ang unang bugtong.

"Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko."


Nagisip ang dalawa kung anong sagot sa bugtong na ibinigay.
Lumapit si Zanjo at dito sinagot nya ang bugtong.
"Holen?" Sagot ni Zanjo.

"Hindi, may dalawa nalang kayong pagkakataon. Cristine? May sagot kanaba?" Tanong ni Elvic.
Isinulat ni Elle ang bugtong sa hangin para mabasa ni Cristine.

"Batong marmol? Gramatiko?" Bulong nya habang nag-iisip at napatingin sya isang basag nasalamin. Nakita nya ang kanyang sariling replekyon.

"Gramatiko, means grammar. Alam ko na!" Sabi ni Cristine.

"Ano Ang sagot?" Tanong ni Elvic.

"Ngipin, Kasi maihahalintulad sa isang marmol Ang kulay nang ngipin kung naalagaan nang husto. Pero maari ding ginto, Joke lang! Going back, Oo. Marmol bilang kulay, buto naman dahil nakakabit ito saating gums. Gramatiko meaning nakikipag-usap or grammar. So ngipin. Bibig sana isasagot ko!" Paliwanag ni Cristine.

"So ano ba ang sagot mo?" Tanong ni Elvic.

"Ngipin!" Sagot ni Cristine.

"Tama ka! Ito sa huling bugtong ko para Sayo." Sabi ni Elvic at biglang nawala si Zanjo.

"Nasaan na si Zanjo?" Tanong ni Cristine.

"Maaring hinila na sya Nina Jade, upang di kami makulong. Kaya Ikaw bilisan mo na. Narito Ang huling  bugtong!

"Pag-aari mo, dala-dala mo, datapwa’t madalas gamitin ng iba kaysa sa iyo."

Ano Ang sagot?" Tanong ni Elvic.

"Napakamot pa nang ulo si Cristine bago nag salita.

"Kutsilyo?" Hula nya.

"Patawad Mali ka, may isang pagkakataon kanalang Cristine. Ano Ang sagot! Pag-isipan mo!" Sabi ni Elvic.

Samantala nagising naman si Zanjo dahil sa tulong ni Valerie.

"Ate bakit na ninyo ako hinila?"

"Nanghihina na sina Mary at Rizah. Dapat ang dalawa ang magharap." Sagot ni Valerie

"Hindi, babalik ako! Tutulungan ko si Cristine!" Sabi ni Zanjo at akmang hahawakan na sana nya ang kamay ni Rizah. Biglang may mga ugat nang halaman ang lumabas at kumulot pasakanya.

"Tumigil ka! Hindi mo matutulungan si Cristine kapag kayong dalawa ang nakulong!" Wika ni Valerie.

Balik sa paghaharap nina Elvic at Cristine.

"Pag-aari ko? Dala-dala ko! Hindi naman boobs ko, ay nakakaloka ano ba ang pag-aari ko? Na madalas gamitin nang iba. Ang hirap naman!" Sabi ni Cristine at habang nag iisip sya narinig nya ang boses ni Rizah.

"Ate, pangalan. Dahil ito ang pag-aari mo na dala-dala mo na maaring gamitin nang iba. Magagamit Nila dahil may chansa na magkakapreha kayo nang pangalan. Kaya pangalan ang sagot!" Sabi ni Rizah.

"Pangalan ang sagot!" Sagot ni Cristine.

At biglang nagising si Cristine at humahangos itong bumangon sa kama.

"Tubig!" Sabi nya at mabilis namang kumuha si Jade.

"Magaling Cristine, dahil nasagot mo ang bugtong ko. Ito na ang Panulat." Sabi ni Elvic at iniabot nya ito Kay Cristine.

"Tinulungan ako ni Rizah kanina. Pwde ba yun?" Tanong nya

"Oo, dahil si Rizah ay kapatid mo." Sagot ni Elvic.

"Masaya ako ate dahil na kompleto mo na." Ngiting Sabi ni Rizah.

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro