Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPISODE 12

"ANG PAMAYPAY NANG ARCHANGEL GABRIEL Part 1"

Sa pagpapatuloy...
Matagumpay nilang nakuha ang Espada sa kamay nang nagbabantay.
At mukhang nagkakaroon na nang idea si Cristine tungkol sa kanyang tunay na katauhan.

Sa kumbento nang mga Madre nang liwanag.
"Nasa ligtas na lugar na ang Espada ni archangel Michael." Sabi ni Sister Stella.

"So anong next na hahanapin natin ate?" Tanong ni Rizah. Habang abala naman si Cristine sa kanyang binabasa.

"Wala akong maintindihan sa nakasulat!" Sabi ni Cristine sabay turo sa mga nakasulat sa journal nang kanyang ama.
Tiningnan ni Sister Stella at Rizah at subukang basahin pero Hindi nila mabasa.

"Hindi ito baybayin, dahil nakakabasa kami nang babayin." Sabi ni Sister Stella.

"Maging ako din sister tinuruan kami ni nanay noon na bumasa at mag sulat nang baybayin ngunit hindi ko maintindihan ito." Dagdag ni Rizah.

"Myembro ba ang nanay dito sainyo Sister Stella?" Tanong ni Cristine.
Mabilis namang sumagot si Sister Stella at nagwika.

"Hindi Madre ang iyong Ina, inalagaan namin sya dito sa kumbento. Itinuro namin ang lahat pati na sa pakikipaglaban sa mga alagad nang kadiliman. Kaya alam nya ang mga bagay na alam namin." Sabi ni Sister Stella.

"Ang gulo talaga kausap ni Sister Stella." Wika ni Zanjo sabay higop sa tasang hawak nya.
Agad naman syang binatukan ni Sister Stella.

"Kahit kelan Zanjo napaka bastos mo padin sa mga matatanda. Kahit binitin kana namin noon sa Sako. Mabuti nalang at naawa Sayo si Sister Maricar. Sguro Ngayon naging daing kana." Sambit ni Sister Stella. Agad humagalpak nang tawa si Rizah at Ricky nang biglang nagsalita si Cristine.

"Sino po ba ang tunay kung mga magulang?"

Agad namang natahimik ang lahat at nagkatinginan.
Lumapit si Sister Stella sakanya at inayus ang kanyang buhok. At nag wika.

"Bakit mo naman naitanong? Syempre sina ~" naputol ang sasabihin ni Sister Stella nang mag tanong ulit si Cristine.

"Alam ko pong Hindi ako anak nila!" Sabay turo sa picture na nakadikit sa journal. Larawan nang binatang si Alcazar at Dalagang si Nova.

"Ate," panimula ni Rizah ngunit hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin nang magsalita muli si Cristine.

"Noong nakaharap ko ang kambal na sina Karen at Jade, may sinasabi silang tungkol saaking dugong nanalaytay saking ugat. At parang konektado ito Kay Lilith. Magtapat kayo saakin may alam ba kayo tungkol saaking tunay na pagkatao?" Wika ni Cristine na medyo nanginginig ang boses.

"Eh ano naman kung anak ka ni Lilith o sino pa yan. Kahit anak kapa ni Janice. Nasasayo pa din yan kung pipiliin mong maging masama o maging mabuti. Besides Hindi kulay ang basehan Da. Kundi kung ano ang nasa puso mo. Ikaw Ang mag dedesisyon para sa sarili mo. Ikaw ang pipili nang landas para sa sarili mo." Sabi ni Zanjo sabay yakap Kay Cristine.

"Da!" Tanging nainsambit ni Cristine nang magulat ito sa ginawa ni Zanjo.

"Tama si Zanjo. Eh ano naman kung anak ka ni Lilith? Naniniwala kami sa kabutihan mo."dagdag ni Ricky.
Habang nakayakap si Zanjo Kay Cristine napansin nya ang mga nakasulat sa pahina kung saan sinusubukan nilang basahin kanina.

"Sandali, kilala ko ang sulat kamay nito!" Sabi nya. Na agad niyang pinagmasdan ang mga letra at salita.

"Sino?" Tanong ni Cristine.

"Si papa, Hindi ako nagkakamali. Ito ay pabaliktad na salita na isinulat sa baybayin. Na Ang ibig sabihin.." sambit ni Zanjo habang titig na titig sa mga nakasulat sa journal.

"Tama, sinasabi dito.
Pamaypay ari kun de Gabriel uis lez ma kel ezu shii ari byan ariwa. Kun sirawa awe.
Pinagsamasamang lenguahe sa ibat-ibang bansa. Na sinulat nila sa pabaliktad na baybayin. " Paliwanag ni Zanjo.

"Anong ibig sabihin nang mga nakasulat?" Tanong ni Sister Stella. Hindi sumagot ang binata bagkus ay paulit-ulit nya itong binabasa at tumigil na din pagkatapos nang Ika limang bigkas.

"Anong ibig sabihin da?" Tanong ni Cristine.

"Ibig sabihin.. Hindi ko din maintindihan si papa Kasi nagsulat madalas parang doctor magsulat. Pero kung itatanong natin to sakanya malalaman natin ang ibig sabihin nang mga salitang ito." Sabi ni Zanjo.

Agad syang kinurot sa pisngi ni Cristine.

"Yan, Dyan ka magaling.!" Sabi ni Cristine.

"Aray ko naman. May isang problema din kasi yung tatay-tatayan ko ay Wala na nasa heaven na sya. Ay Tama si Manang Lucia alam nya ang ibig sabihin nang mga nakasulat. " Sabi ni Zanjo.

"So ano pa ba ang inaantay natin puntahan na natin si Manang Lucia?" Sambit ni Ricky.

"Ah eh, naalala ko patay na din pala sya." Sagot nya.

"Kahit kelan talaga Zanjo Wala Kang matinong sagot!" Sabi ni Cristine sabay kurot ulit sa pisngi nang lalaki.

"Meron naman kanina, nakita ko namula ka nga." Sabi nya.
Agad naman syang Sinuntok ni Cristine sa mukha.

"Aaaarrrrraaayyyy!!" Sigaw nya.

"Deserve, makulit Kasi.." pabulong na sabi ni Sister Stella.

"Oo nga, nakakatakot Pala ate mo Riz. Ngayon ko lang din nakitang nabugbug si Zanjo. At sa babae pa." Sabi ni Ricky nang pabulong.

"Kung ganun, kakausapin natin ang mga kaluluwa Nila." Sabi ni Cristine.

"Cristine Hindi pwde, Lalo nat delikado baka ang matawag mo ay yung nasa ibaba." Sabi ni Sister Stella.

"Wala nang choice sister may kilala paba kayong iba?" Tanong ni Cristine.

"Meron pa ang ate Valerie ko." Sabi ni Zanjo.

"May ate kapa pala?" Sabi ni Cristine.

"Oo naman no? Anong akala mo sakin anak sa singaw?" Sagot nya sabay halik sa pisngi ni Cristine.

"Style ni Zanjo pang Jolina at Marvin. Chuvachuvachuchu!" Sabi ni Sister Stella at bumalik ito sa loob nang kanyang silid.

Agad namang lumarga ang team nila Cristine papunta sa kapatid ni Zanjo na si Valerie.

Samantala sa isang Bahay,  isang Batang babae ang pumasok at nakatingin sa babae.

"Hi, nawawala kaba bata?" Tanong nang babae at mabilis na tumabok Ang bata palabas nang Bahay.

"Hoy sandali lang." Sigaw ng babae. Nang makarating na sila sa labas nang Bahay. At nang makaharap na nya Ang bata.

"Nawawala kaba?" Tanong nang babae.

"Malapit na silang dumating. Upang Kunin ang pangalawang sagradong Sandata. Bilang tagapangalaga gusto ko bigyan mo nang pagsubok ang nakatakda. Gumising ka Valerie!" Sabi ng Batang babae.

Agad namang nagising si Valerie at pupungas pungas ito.
"Panaginip? Panaginip lang Pala!" Sabi ni Valerie at nagtungo sya sa salamin upang ayusin ang sarili.

"Nakatulog pala ako. Mag alaas kwatro na. Malapit na ang uwian." Sambit nya sa sarili habang naka harap sa salamin.

Nang biglang lumitaw sa kanyang likuran ang bata. At nag salita.

"Maging patas ka saiyong paghuhusga sakanya."

"Sino kaba ?" Tanong ni Valerie.

"Katulad mo, Isa akong tagapangalaga." Sagot nang bata at agad itong naglaho sa salamin.

Sakto namang tumunog ang kanyang cellphone at tumatawag ang kanyang kapatid.

"Zanjo, napatawag ka? Nag-aalala kami Sayo buang! Saan kaba?" Tanong nya.

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro